INTERNASYONALISMO

WORKERS OF THE WORLD, UNITE!

Workers have no country. Their class interest have no boundaries.

February 17, 2009

PARA SA LAHAT NG MAMBABASA SA INTERNASYONALISMO BLOG

Filed under: Notice

Mga kasama at kaibigan,

Kami sa Internasyonalismo ay isa ng seksyon ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin (IKT). Patuloy pa rin namin na imintina ang Blog na ito subalit doon na kami sa aming bagong website: www.tl.internationalism.org

Inanyayahan namin kayo na doon na magkomento sa aming bagong website na nasa itaas. Sana ay patuloy ninyong basahin at komentohan ang mga artikulo at teksto ng Internasyonalismo para sa teoretikal na kalinawan.

Maraming salamat,

INTERNASYONALISMO

February 15, 2009

British workers begin to struggle agaisnt nationalism

Welga sa mga planta ng langis at istasyon ng elektrisidad: simula ng pagtutol ng mga manggagawa sa nasyunalismo

Ang serye ng mga di-opisyal na mga welgang sinindihan ng pakikibaka ng mga manggagawa sa konstruksyon at pagkukumpuni sa planta ng Lindsey ang isa sa pinaka-importanteng pakikibaka ng manggagawa sa Britanya sa nagdaang 20 taon.

Libu-libong mga manggagawa sa konstruksyon sa ibang planta ng langis at istasyon ng elektrisidad ang lumabas sa kani-kanilang trabaho bilang pakikiisa. Regular na iniorganisa at idinaos ang mga pulong-masa. Sumama sa mga piket sa iba’t-ibang mga istasyon at planta ang mga manggagawa sa konstruksyon, bakal, daungan na nawalan ng trabaho pati ang iba pang manggagawa. Hindi nabahala ang mga manggagawa sa ilegal na katangian ng kanilang pagkilos bilang ekspresyon ng kanilang pakikiisa sa nagwelgang mga kasamahan, ng kanilang galit sa tumataas na bilang ng walang trabaho at sa kawalan ng solusyon ng gobyerno dito. Nang sumama sa pakikibaka ang 200 Polish na manggagawa sa konstruksyon, umabot ito sa kanyang rurok ng direktang kwestyunin ang nasyunalismo na bumabalot sa kilusan sa umpisa.

Ang pagtanggal ng 300 sub-kontraktwal na mga manggagawa sa planta ng langis sa Lindsey, ang mungkahing pagkuha ng ibang sub-kontraktor gamit ang 300 manggagawang Italyano at Portuguese (na mas mura ang paggawa dahil mas mababa ang kanilang kalagayan), at ang pahayag na walang manggagawa mula sa Britanya ang gamitin sa kontratang ito ang nagsindi para sumabog ang diskontento ng mga manggagawa sa konstruksyon. Sa loob ng ilang taon lumalaki ang paggamit ng kontrata sa mga manggagawa sa konstruksyon mula sa labas ng bansa, kadalasan sa mas mababang sahod at kalunos-lunos na kalagayan, na nagbunga ng pagtindi ng direktang kompetisyon sa pagitan ng mga manggagawa para sa trabaho, na nagtulak na bumaba ang sahod at kalagayan ng lahat ng manggagawa. Ito, kasama ang serye ng tanggalan sa industriya ng konstruksyon at sa iba pa dahil sa resesyon, ay nagbunga ng matinding militansya na makikita sa mga pakikibakang ito.

Sa simula pa lang naharap na ang kilusan sa pundamental na usapin, hindi lang sa mga welgista ngayon kundi para sa buong uring manggagawa ngayon at sa hinaharap: posible bang labanan ang kawalan ng trabaho at iba pang mga atake bilang mga ‘manggagawang British’ at laban sa mga ‘manggagawang dayuhan’, o kailangan nating tingnan ang mga sarili bilang mga manggagawa na may komon na interes sa lahat ng iba pang manggagawa, saan man sila galing? Ito ang matinding pampulitikang usapin at dapat sagutin ng kilusang ito.

Sa simula ang pakikibaka ay tila dominado ng nasyunalismo. Mayroong mga larawan sa balita ng mga manggagawang may plakard na “Trabahong British para sa Manggagawang British” at mas propesyunal na mga plakard ng unyon na nakasulat ang parehong islogan. Ang mga opisyal ng unyon ay hayagang nagtatanggol sa islogan; nagsasalita ang media sa pakikibaka laban sa dayuhang mga manggagawa at naghahanap ng mga manggagawa na may kahalintulad na opinyon. Ang kilusang ito ng ilegal na mga welga ay maaring matangay ng nasyunalismo at magbunga ng pagkatalo ng uring manggagawa, ng manggagawa laban sa manggagawa, ng manggagawang nagtatanggol sa nasyunalismo at nanawagan na ibigay ang trabaho sa mga manggagawang ‘British’ habang mawalan ng trabaho ang mga manggagawang Italyano at Portuguese. Hihina ang kapasidad ng buong uring manggagawa sa pakikibaka at lalakas ang kapasidad ng naghaharing uri para mang-atake at manghati.

Ang ulat ng media (at sinasabi ng ilang manggagawa) ay madaling paniwalaan na ang kahilingan ng mga manggagawa sa Lindsey ay “Trabahong British para sa Manggagawang British”. Hindi ganyan. Ang mga kahilingang tinalakay at pinagbotohan sa pulong-masa ay walang ganyang islogan o galit sa dayuhang manggagawa. Nakakatawang nakaligtaan ito ng media! Nagpakita ito ng mga ilusyon sa kapasidad ng unyon na hadlangan ang mga kapitalista na pagsabungin ang mga manggagawa, pero hindi sa lantarang nasyunalismo. Subalit ang pangkalahatang impresyon na nilikha ng media ay mga welgista laban sa manggagawang dayuhan.

Mariing bigat ng nasyunalismo

Ang nasyunalismo ay bahagi ng kapitalistang ideolohiya. Bawat pambansang uring kapitalista ay mabubuhay lamang sa pakikipagkompetinsya sa kanilang mga karibal sa ekonomiya at militar. Ang kanilang kultura, media, edukasyon, mga industriya ng libangan at palakasan, ay laging naghasik ng lason para subukan at itali ang uring manggagawa sa bansa. Hindi maiwasan ng uring manggagawa na mahawa ng ideolohiyang ito. Pero ang kahalagahan ng kilusang ito ay nakitaan ng pagkwestyon ng mga manggagawa sa bigat ng nasyunalismo sa pamamagitan ng paghawak sa usapin ng pakikibaka para ipagtanggol ang kanilang batayang materyal na interes.

Ang makabayang islogang “Trabahong British para sa Manggagawang British”, ninakaw mula sa British National Party ni Gordon Brown, ay nagbunga ng pagkabalisa sa hanay ng mga welgista at uri. Pinaliwanag ng maraming welgista na hindi sila rasista ni taga-suporta ng BNP, na itinataboy ng mga manggagawa ng tangkain nitong sumawsaw sa pakikibaka.

Maliban sa pagtakwil sa BNP maraming manggagawa na kinausap sa telebisyon ay halatang nagsisikap mag-isip ano ang kahulugan ng kanilang pakikibaka. Hindi sila tutol sa dayuhang manggagawa, sila mismo ay nakapagtrabaho din sa labas ng bansa, pero wala silang trabaho o nais nilang magkaroon ng trabaho ang kanilang mga anak kaya pakiramdam nila ang trabaho ay dapat unang mapupunta sa manggagawang ‘British’. Ang naturang pananaw ay maari pa ring tingnan na ang mga manggagawang ‘British’ at ‘dayuhan’ ay walang komon na interes at bilanggo sa nasyunalismo, pero iyon ay malinaw na senyales na nangyayari ang proseso ng repleksyon.

Sa kabilang banda, ang ibang manggagawa ay malinaw na idiniin ang komon na interes sa pagitan ng mga manggagawa at nagsabi na ang nais nilang lahat ay magkaroon ng trabaho. “Tinanggal ako bilang kargador dalawang linggo na ang nakaraan. Nagtrabaho ako sa Daungan ng Cardiff at Barry sa loob ng 11 taon at narito ako ngayon sa pag-asa na mayugyog namin ang gobyerno. Tingin ko dapat magwelga ang buong bansa dahil nawawala na ang buong industriyang British. Pero wala akong galit sa dayuhang manggagawa. Hindi ko sila masisisi sa paghahanap kung saan may trabaho.” (Guardian On-line 20/1/2009). May iilan din ang nagsasabing ang nasyunalismo ang tunay na panganib. Isang manggagawa na nagtrabaho sa labas ng bansa ang nagsabi, sa webforum ng mga manggagawa sa konstruksyon, hinggil sa mga kapitalista na ginagamit ang pambansang pagkahati-hati “Ini-engganyo ng kapitalistang media ang makabayang mga elemento na balingan kayo, ipakita na masama ang mga demonstrador. Tapos na ang laro. Ang huling bagay na nais ng mga kapitalista at gobyerno ay magkaisa ang manggagawang British at manggagawa mula sa labas ng bansa. Tingin nila patuloy nila tayong maloloko na mag-away para sa trabaho. Manginginig sila kung hindi tayo mag-away; at sa ibang sulat iniugnay niya ang pakikibaka doon sa France at Greece at sa pangangailangan para sa internasyunal na ugnayan: “Ang malawakang protesta sa France at Greece ay senyales lamang kung ano ang mangyayari. Iniisip ba natin na ugnayan ang mga manggagawang iyon at palakasin ang protesta sa buong Uropa laban sa paghihirap ng manggagawa? Mas magandang opsyon yan kaysa patuloy na pagsamantalahan ng mga tunay na makasalanan, mga kapitalista, mapagkanulong liderato ng unyon, at New Labour ang uring manggagawa (Thebearfacts.org). Lumahok din ang mga manggagawa sa ibang sektor sa porum na ito upang tutulan ang makabayang mga islogan.

Ang talakayan sa hanay ng mga welgista, at sa loob ng uri sa pangkalahatan, sa usapin ng makabayang mga islogan ay umabot sa panibagong yugto noong 3 Pebrero ng 200 manggagawa mula sa Poland ay sumama sa 400 ibang mga manggagawa sa ilegal na welga bilang suporta sa mga manggagawa sa Lindsey, sa istasyon ng elektrisidad sa Langage sa lugar ng konstruksyon sa Plymouth. Ginawa ng media ang lahat para itago ang internasyunal na pakikiisa: ang lokal BBC TV ay walang binanggit at sa pambansang saklaw halos hindi ito nabanggit.

Partikular na mahalaga ang pakikiisa ng mga manggagawang Polish dahil noong nakaraang taon lumahok din sila sa parehong pakikibaka. 18 manggagawa ang tinanggal at ang ibang mga manggagawa ay lumabas sa trabaho para makiisa, kabilang ang mga manggagawang Polish. Tinangka ng unyon na gawin itong pakikibaka laban sa dayuhang paggawa, pero pinawalang saysay ito sa presensya ng mga manggagawang Polish.

Ginawa ng mga manggagawa sa Langage ang panibagong pakikibaka na may inisyal na kamulatan paanong ginamit ng mga unyon ang nasyunalismo para subukang hatiin ang mga manggagawa. Isang araw matapos silang magwelga isang plakard ang lumitaw sa pulong-masa na nagsasabing “Istasyon ng Elekrisidad sa Langage – Mangagawang Polish Lumahok sa Welga: Pakikiisa, na maaring nagpaliwanag na isa o maraming manggagawang Polish ay nagbyahe ng 7 oras para makarating doon, o isang manggagawa sa Lindsey ay gustong bigyang diin ang kanilang ginawa.

Lumitaw din ang isang plakard sa piket ng Lindsey na nanawagan sa mga manggagawang Italyano na lumahok sa welga – nakasulat ito sa English at Italyano – at iniulat na ilang mga manggagawa ang nagdala ng mga poster na nagsasabing “Manggagawa sa daigdig magkaisa! (Guardian 5/2/9). Sa madaling sabi nakikita natin sa simula ang mulat na pagsisikap ng ilang manggagawa na ihapag ang tunay na proletaryong internasyunalismo, hakbang na tutungo sa mas maraming repleksyon at diskusyon sa loob ng uri.

Lahat ng ito ay nagpahayag ng usapin ng pakikibaka sa panibagong antas, na direktang naghamon sa kampanya bilang isang makabayang reaksyon. Ang halimbawa ng manggagawang Polish ay pahiwatig ng pag-asa ng libu-libong ibang manggagawa mula sa labas ng bansa na sumama sa pakikibaka ng pinakamalaking mga konstruksyon sa Britanya, tulad ng konstruksyon sa Olympic sa Silangang London. Nariyan din ang peligro na hindi na maitago ng media ang internasyunalistang mga islogan. Maaring wasakin nito ang nasyunalistang harang na sinikap itayo ng burgesya sa pagitan ng nakibakang manggagawa at sa buong uri. Hindi nakapagtataka na madaling naresolba ang pakikibaka. Sa nagdaang 24 oras ang mga unyon, kapitalista at gobyerno ay nagsasabing aabot sa ilang araw kundiman linggo para maresolba ang welga, para maayos ang pangako na dagdag na 102 trabaho para sa manggagawang “British”. Ito ay kasunduan kung saan karamihan sa mga welgista ay masaya dahil hindi ito nagkahulugan na mawalan ng trabaho ang mga manggagawang Italyano at Portuguese, pero tulad ng sinabi ng isang welgista, “bakit tayo makibaka para makakuha ng trabaho?

Sa loob ng isang linggo nakita natin ang pinakamalawak na ilegal na mga welga sa loob ng ilang dekada, mga manggagawang nagsagawa ng mga pulong-masa at naglunsad ng ilegal na pagkilos ng pakikiisa na walang anumang pag-aalangan. Isang pakikibaka na maaring malunod sa nasyunalismo pero nagsimulang kwestyunin ang lason nito. Hindi ibig sabihin na nawala na ang panganib ng nasyunalismo: ito ay permanenteng panganib, subalit ang kilusang ito ay nagbibigay ng mga aral para sa mga pakikibaka sa hinaharap. Ang paglitaw ng mga plakard na nagsasabing “Manggagawa sa daigdig magkaisa” sa diumano isang makabayang piket ay nagbigay lamang ng ligalig sa naghaharing uri kung ano ang mangyayari sa hinaharap.  

Phil 7/2/9

February 13, 2009

Pahayag ng Internasyonalismo sa Pagiging Seksyon Nito ng IKT sa Pilipinas

Digmaan o rebolusyon. Barbarismo o sosyalismo. Ito ngayon ang tanging pagpipilian ng internasyunal na kilusang manggagawa.

Dahil pinili namin ang rebolusyon at sosyalismo, kami sa grupong Internasyonalismo sa Pilipinas ay pumaloob sa IKT. Para maging realidad ang pandaigdigang proletaryong rebolusyon at makamit ang komunismo , kailangang may organisasyon ang mga komunista na pandaigdigan ang saklaw at antas. Higit sa lahat, isang organisasyon na may malinaw na marxistang plataporma.

Dumaan kami sa mahabang proseso ng seryoso at kolektibong teoretikal na klaripikasyon batay mismo sa karanasan ng internasyunal na kilusang manggagawa at sa karanasan din namin sa Pilipinas bilang mga militante sa loob ng kilusang proletaryo. Hindi ito naging madali sa amin laluna sa Pilipinas ay walang anumang impluwensya ng kaliwang-komunismo sa loob ng mahigit 80 taon. Sa loob ng halos isang siglo, sinalaksak sa aming mga utak at sa buong hanay ng kilusang paggawa na ang Stalinismo-Maoismo ang “teorya ng komunismo”.

Para sa amin, pinakamahalaga ang teoretikal na klaripikasyon at diskusyon para sa pag-oorganisa ng mga rebolusyonaryo. Walang saysay ang dami ng isang organisasyon kung hindi ito nakabatay sa malinaw at matatag na teoretikal na pundasyon mula sa mahigit 200 taong karanasan ng proletaryado sa buong mundo.

Isang igpaw para sa mga rebolusyonaryong minorya ang maunawaan ang teorya ng dekadenteng kapitalismo para matatag na panghawakan ang buhay na marxismo sa panahon ng imperyalismo. Ang teorya ng dekadenteng kapitalismo ang pundasyon para makumbinsi kami na ang IKT ang may pinakawasto at pinakamatatag na marxistang plataporma na umaayon sa aktwal na ebolusyon ng kapitalismo at pagsusuma sa mga aral ng praktika ng internasyunal na proletaryado sa loob ng mahigit dalawang siglo.

Subalit, hindi patay ang plataporma ng IKT. Ito ay buhay na plataporma na sinusubukan sa aktwal at dinamikong pakikibaka ng uri at ebolusyon ng kapitalismo. Kaya naman napakahalaga ng tuloy-tuloy at malawakang internal na debate hindi lang sa loob ng IKT kundi sa proletaryong kampo sa pangkalahatan. Nakita namin kung paano ito pinanghawakan at isinapraktika ng IKT.

Maaring hindi pa kasinglalim ang aming pagkaunawa sa kaliwang-komunismo kumpara sa aming mga kasamahan sa Uropa kung saan naroon ang pinakamatagal at pinakamayamang karanasan ng uri. Pero may tiwala kami na sapat na ang naabot naming teoretikal na klaripikasyon para pumaloob sa isang internasyunal na komunistang organisasyon.

Bilang bagong seksyon ng isang nagkakaisa at sentralisadong internasyunal na organisasyon – IKT – magiging mas organisado, sentralisado at malawak ang tuloy-tuloy at buhay na mga debate at diskusyon ng mga komunista para suriin at aralin ang mga mahahalagang usapin ng pagsusulong ng pandaigdigang komunistang rebolusyon. Higit sa lahat, mas maging epektibo ang interbensyon ng rebolusyonaryong minorya sa pakikibaka ng aming uri.

Alam namin na malaking risgo ang aming haharapin sa Pilipinas dahil sa aming paninindigan para sa internasyunalismo at komunistang rebolusyon. Kapwa ang Kanan at Kaliwa ng burgesya sa Pilipinas, na may sariling armadong organisasyon, ay namumuhi sa mga marxistang rebolusyonaryo dahil hadlang kami sa kanilang mga mistipikasyon para iligaw ang pakikibaka ng manggagawang Pilipino palayo sa internasyunal na proletaryong rebolusyon. Lahat ng paksyon ng burgesyang Pilipino ay mortal na kaaway ang mga kaliwang-komunista.

Ito ngayon ang hamon ng mga internasyunalistang-komunista sa Pilipinas: pangingibawan ang mga balakid at ituloy-tuloy ang teoretikal na klaripikasyon, interbensyon sa pakikibaka ng manggagawa sa Pilipinas at pakikipag-ugnayan sa mga kapatid na komunista sa ibang bansa laluna sa Asya.

Nais din naming ipaabot ang buong pusong pagbati sa mga kasamahan sa Turkey (EKS) sa kanilang pagpasok sa IKT bilang bagong seksyon sa naturang bansa. Ang pagkakabuo ng bagong dalawang seksyon ng IKT sa Pilipinas at Turkey sa panahon na nakaranas ngayon ng pinakamatinding krisis ang sistema at malawakang lumalaban ang uring manggagawa ay kongkretong indikasyon ng pagdami ng mga elemento at grupong naghahanap ng rebolusyonaryong alternatiba sa dekadente at naaagnas na kapitalismo sa iba’t-ibang panig ng mundo; mga elementong namumulat sa mga panlilinlang at mistipikasyon ng nasyunalismo, demokrasya, parlyamentarismo at unyonismo.

INTERNASYONALISMO

Pebrero 13, 2009

Welcome to the two new sections of ICC!

Welcome to the ICC’s new sections in Turkey and the Philippines

During the ICC’s last congresses, we pointed out an international trend towards the emergence of new groups and individuals moving towards the positions of the Communist Left, and we highlighted both the importance of this process and the responsibility that this imposes on our organisation:

"The work of the 16th Congress [had as its] main preoccupation (…) to examine the revival of class struggle and the responsibilities this imposes on our organisation, particularly as we are confronted with the development of a new generation of elements looking for a revolutionary political perspective".[1]

"It is the responsibility of revolutionary organisations, and of the ICC in particular, to be an active part in the process of reflection that is already going on within the class, not only by intervening actively in the struggles when they start to develop but also in stimulating the development of the groups and elements who are seeking to join the struggle."[2]

"The congress (…) drew a very positive balance sheet of our policy towards groups and elements working towards the defence of the positions of the communist left (…) the most positive aspect of this policy has without doubt been our capacity to establish or strengthen links with other groups based on revolutionary positions, as illustrated by the participation of four of these groups in our congress".[3]

It was thus that our last international congress, for the first time in a quarter century, was able to welcome the delegations of different groups that stood clearly on internationalist class positions (OPOP from Brazil, the SPA from Korea, EKS from Turkey, and the Internasyonalismo group from the Philippines,[4] although the latter was unable to be present physically). Contacts and discussions have continued since with other groups and elements from other parts of the world, especially in Latin America where we have been able to hold public meetings in Peru, Ecuador, and Santo Domingo.[5] The discussions with the comrades of EKS and Internasyonalismo led them to pose their candidature to join the ICC, given their growing agreement with our positions. For some time, these discussions have been continuing within the framework of an integration process whose general lines are described in the text published on our web site: "How do you join the ICC?".[6]

During this period, the comrades have thus undertaken in-depth discussions on our Platform, and kept us informed with accounts of their discussions. Several delegations from the ICC have visited them on the spot to discuss with them and were able to see for themselves the comrades’ profound militant commitment and the clarity of their agreement with our organisational principles. At the conclusion of these discussions, the latest plenary session of the ICC’s central organ was therefore able to take the decision to integrate both groups as new sections of our organisation.

Most of the ICC’s sections are based in Europe[7] or in the Americas,[8] and until now the only section outside these two continents was the one in India. The integration of these two new sections into our organisation thus considerably broadens the ICC’s geographical extension.

The Philippines is a vast country in a region of the world that has recently undergone a rapid industrial growth, and a resulting growth in the number of workers - not to mention the diaspora of 8 million Filipino migrant workers around the world. In recent years, this growth has fed many illusions about capitalism getting its "second wind"; today on the contrary it is clear that the "emerging" countries have no more chance of escaping the ravages of the developing crisis than the "old" capitalist countries. Capitalism’s contradictions will thus be violently sharpened in the coming period throughout this region, and this will inevitably provoke social movements, which will not be limited to the hunger riots that we witnessed in the spring of 2007 but will also involve the struggles of the working class.

The formation of a section in Turkey strengthens the ICC’s presence on the Asian continent, more especially in a region close to one of the most critical flashpoints in today’s imperialist tensions: the Middle East. Indeed, the comrades of EKS were already intervening by leaflet last year to denounce the military manoeuvres of the Turkish bourgeoisie in northern Iraq (see "EKS leaflet: against the Turkish army’s latest ‘Operation’" on our web site).

The ICC has been accused on more than one occasion of having a "Euro-centrist" view of the development of workers’ struggles and the revolutionary perspective because it has insisted on the decisive role of the proletariat in the countries of Western Europe:

"It’s not until the proletarian struggle hits the economic heart of capital,

– when it’s no longer possible to set up an economic cordon sanitaire, since it will be the richest economies that will be effected;

– when the setting up of a political cor­don sanitaire will have no more effect because it will be the most developed proletariat con­fronting the most powerful bourgeoisie; only then will the struggle give the signal for the world revolutionary conflagration (…)

Only by attacking its heart and head will the proletariat be able to defeat the capitalist beast.

For centuries, history has placed the heart and head of the capitalist world in Western Europe. The world revolution will take its first steps where capitalism took its first steps. It’s here that the conditions for the revolut­ion, enumerated above, can be found in the most developed form (…)

It is thus only in Western Europe, where the proletariat has the longest experience of struggle, where it has already been confronted for decades with all the ‘working class’ mystifications of the most elaborate kind, that there can be a full development of the political consciousness which is indispensable in its struggle for revolution".[9]

Our organisation has already answered this accusation of "Euro-centrism":

"This is in no way a ‘Euro-centrist’ view. It is the bourgeois world itself which began in Europe, which developed the oldest proletariat with the greatest amount of experience." (ibid.).

Above all, we have always considered that revolutionaries have a vital part to play in the countries of capitalism’s periphery:

"This does not mean that the class struggle or the activity of revolutionaries has no sense in the other parts of the world. The working class is one class. The class strug­gle exists everywhere that labour and capital face each other. The lessons of the different manifestations of this struggle are valid for the whole class no matter where they are drawn from: in particular, the experience of the struggle in the peripheral countries will influ­ence the struggle in the central ones. The revolution will be worldwide and will involve all countries. The revolutionary currents of the class are precious wherever the proletariat takes on the bourgeoisie, ie, all over the world" (ibid).

This obviously applies for countries like Turkey or the Philippines.

In these countries, the struggle to defend communist ideas is difficult indeed. It has to confront the classic mystifications that the ruling class uses to block the development of the struggle and consciousness of the working class (democratic and electoral illusions, the sabotage of workers’ struggles by the union apparatus, and the poison of nationalism). But more than that, the struggle of the working class and of revolutionaries comes up directly and immediately not only against the government’s official forces of repression but also against armed forces opposed to the government, such as the PKK in Turkey or the different guerrilla movements in the Philippines, whose brutality and lack of scruples is fully the equal of the government’s, for the simple reason that they too defend capitalism, even though under a different guise. This situation makes the activity of the ICC’s two new sections more dangerous than it is in the countries of Europe and North America.

Before its integration into the ICC, the section in the Philippines was already publishing its own web site in Tagalog (the country’s official language) as well as in English (widely used in the Philippines). Present conditions make it impossible for the comrades to publish a regular printed press (other than occasional leaflets) and our web site will thus become the main means for the spread of our positions in there.

The section in Turkey will continue to publish the review Dunya Devrimi, which now becomes the ICC’s publication in that country.

As we wrote in International Review n°122: "We salute these comrades who are moving towards communist positions and towards our organisation. We say to them: "You have made a good choice, the only one possible if you aim to integrate yourselves into the struggle for the proletarian revolution. But this is not the easiest of choices: you will not have a lot of immediate success, you need patience and tenacity and to learn not to be put off when the results you obtain don’t quite live up to your hopes. But you will not be alone: the militants of the ICC are at your side and they are conscious of the responsibility that your approach confers on them. Their will, expressed at the 16th Congress, is to live up to these responsibilities"." (ICC 16th Congress, op.cit.). These words were addressed to all the elements and groups who had made the choice to take up the defence of the positions of the Communist Left. They obviously apply first and foremost to the two new sections that have just joined our organisation.

To the two new sections, and to the comrades who have formed them, the whole ICC addresses a heartfelt and fraternal welcome.

 

ICC



[1] International Review n°122

[2] International Review n°130, "Resolution on the international situation".

[3] International Review n°130, "The proletarian camp reinforced worldwide"

[4] OPOP: Oposição Operária (Workers’ Opposition); SPA: Socialist Political Alliance; EKS: Enternasyonalist Komünist Sol (Internationalist Communist Left); Internasyonalismo (Internationalism).

[5] See on our web site "Internationalist debate in the Dominican Republic", "Reunión Pública de la CCI en Perú: Hacia la construcción de un medio de debate y clarificación" and "Reunion pública de la CCI en Ecuador: un momento del debate internacionalista".

[6] "The ICC has always enthusiastically welcomed the new elements who want to join us (…) However, this enthusiasm does not at all imply that we have a policy of recruitment for its own sake, like the Trotskyist organisations (…) Our policy is not one of premature integrations on an unclear, opportunist basis (…)The ICC is not a bed and breakfast stopover and it’s not interested in fishing for members.

Neither do we peddle illusions. This is why those readers who pose the question ‘how do you go about joining the ICC?’ have to understand that becoming part of the ICC takes time. Every comrade who poses his candidature must therefore be prepared to be patient. The process of integration is a means whereby the candidate finds out for himself the depth of his conviction, so that the decision to become a militant is not taken lightly or on the spur of the moment. This is also the best guarantee we can offer that his will towards militant engagement does not end up in failure and demoralisation".

[7] Germany, Belgium, Spain, France, Britain, Italy, Holland, Sweden, Switzerland.

[8] USA, Brazil, Mexico, Venezuela.

[9] International Review n°31, "The proletariat of Western Europe at the centre of the generalization of the class struggle"

February 8, 2009

Giardini workers led to another defeat by the union

Filed under: Philippine Politics

After two days strike of Giardini[1] workers led by the union last February 3-4, the union and the leftist party[2] that control them agreed with the management and local government of Mandaue City to lift the strike and accept the retrenchment package.
This is another defeat of the workers who are united to fight and defy capitalist laws to defend their jobs in the midst of crisis of over-production. Worst, even the separation pay and back wages that has been promised will depend on the capacity of the company to “recover” from the crisis[3].
Before the strike, the union led them to its first defeat by agreeing on the work rotation. But it was a trap by the capitalist because the real aim of the latter is to kick them out from the company.
The lessons of this defeat:
1. For an effective and powerful resistance against capitalist attacks – redundancies, work rotation, reduction of working days – united workers must DEFY the capitalist laws that prevent them to launch strikes and paralyse the production of the company. For two days strike, Giardini workers defied capitalist laws that make their struggle effective. Militant Filipino workers in the ‘70s and ‘80s had many experience of defying the dictatorial and military rule of the state in launching strikes.
2. Isolated strike, like what the union did to Giardini workers leads to defeat and submission to what the bosses and government want. Giardini workers struggle by defying capitalist laws. But they struggle alone….that’s why they were defeated.
The only effective militant struggles today are widespread struggles in as many companies as possible like what happened in Bangladesh textile workers strike last 2006 or Egypt’s textile workers mass strike in 2006-2007. Only through the extension of struggle to many factories and companies that the anti-working class laws and the suppressive apparatus of the state could be prevented.
3. The workers themselves must be the one to decide and lead their own struggles through their assemblies and factory strike committees or inter-strike committees at the city level, at the very least. They must struggle outside the control of the union or any electoral party of the Right or Left of the bourgeoisie. Unions and electoral parties in the Philippines are only interested in the projection of their own organization for more union membership or electoral gains. As the economic and political crisis worsens as never before, their competition also worsens. Intense competition within the unions of Right and Left and electoral parties against each other continue to grow deeper. Unions and parties prevent the extension and widespread unity of the workers because it means self-organization of the latter outside the unions and reformist parties. Most of all, unions already become an appendage of the state to protect the interests of national capitalism.
4. They must coordinate their struggle in the international level and learn the experience of their brothers/sisters in other countries, especially in countries where the workers have more experience in struggle – Western Europe. International workers’ solidarity is the best weapon to win the struggle against world-wide attacks of the bosses. Filipino proletariat could learn well the experience of the militant workers around the world in launching “illegal” strikes (ie wildcat strikes) which are increasing today and mass meetings or general assemblies which are the main forms of organization in struggle.
The defeat of Giardini workers gave valuable lessons to the militant Filipino proletariat in their future struggles against national capitalism and attacks by their bosses. With this, the struggle of the workers of Giardini has not been in vain. More than ever before, the clarion call, “THE EMANCIPATION OF THE WORKING CLASS MUST BE THE WORK OF THE WORKERS THEMSELVES” is valid and necessary, especially in the epoch of decadent capitalism where communist revolution is already on the historical agenda.


[1] Giardini del Sole, an Italian-owned furniture export company based in Cebu, Philippines. It has 485 workers. But because of the world crisis, it sacrificed 245 workers by kicking them out of the street and let them die in hunger.
[2] They are led by Partido ng Manggagawa (Labor Party), a leftist electoral party.
[3]NCMB 7Director Edmundo Mirasol Jr. expressed optimism that the labor dispute will be settled soon. Mirasol said that once the company can afford to give the separation pay, payments will be coursed through the Dole 7.” (Source URL: http://www.sunstar.com.ph/cebu/jonas-steps-row-strikers-management-come-deal)

 

 

February 1, 2009

Widespread struggle, answer to widespread crisis of capitalism

MALAWAKANG PAKIKIBAKA,
SAGOT SA MALAWAKANG KRISIS NG KAPITALISMO

Tulad ng sinabi namin sa aming ‘Pambansang Kalagayan sa 2008’, lalupang lalala ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo ngayong 2009. Katunayan, mabilis na itong naramdaman ng manggagawang Pilipino pagpasok pa lang ng buwan ng Enero. Kabi-kabila na ang tanggalan ng mga manggagawa laluna sa export processing zones mula Clark, Subic, Cavite, Laguna, Baguio hanggang Cebu sa buwan ng Enero. Bukod sa libu-libong nawalan ng trabaho, ang may trabaho ay nagdurusa ngayon ng job rotation at reduction ng working day na walang ibig sabihin kundi pagbawas ng kanilang kita. Hindi pa kasama dito ang umiinit pa lang na tanggalan ng OFWs sa ibang mga bansa.

Ang tanggalan at iba pang atake ng kapital gaya ng work rotation at wage reduction ay titindi pa sa susunod na mga buwan.

Lahat ng mga paksyon ng burgesya (Kanan at Kaliwa) ay naalarma at nabahala na babagsak ang bulok na sistema sa pamamagitan ng pag-alsa ng naghihirap na masang manggagawa. Kaya naman lahat ng paksyon ng uring mapagsamantala ay nagtutulungan para maisalba ang naghihingalong pambansang kapitalismo.

Sa entabalado ng naghaharing uri, inaaliw nito ang masa sa isang maaksyong drama sa gitna ng krisis kung saan ang kontra-bida ay ang nagharing paksyon (rehimeng Arroyo) at ang bida ay ang oposisyon. Sa maaksyong dramang ito, nais itago ng director at scriptwriter (uring kapitalista) ang tunay na kalagayan ng krisis at ang tamang landas na kailangang tahakin ng masang api. Nais ng naghaharing uri na manonod lamang at papalakpak ang uring manggagawa at masang maralita sa kanilang nakakabagot na palabas.

Ang tamang balangkas sa pagsusuri sa krisis at paghahanap ng solusyon ay ang PANDAIGDIGANG BALANGKAS. Sa panahon ng imperyalistang katangian ng kapitalismo, LAHAT ng pambansang ekonomiya ay mahigpit na magkaugnay at natali sa pandaigdigang pamilihan. Ang anumang pananaw o konsepto na salungat dito ay naghahasik lamang ng mistipikasyon at ilusyon sa hanay ng masang pinagsamantalahan.

Ugat ng kasalukuyang krisis

Ang ugat ng kasalukuyang krisis ay ang krisis sa sobrang produksyon na nagsimula 40 taon na ang nakaraan. Ang krisis ngayon ay akumulasyon lamang ng mga krisis na nagsimula pa noong huling bahagi ng 1960s. Hindi ito krisis na nagsimula ng ipatupad ang polisiyang “globalisasyon” noong unang bahagi ng 1990s.

Mabilis na kumikipot ang pandaigdigang pamilihan sa kompetisyon ng mga pambansang kapital matapos ang reconstruction boom pagkatapos ng WW II. Pinagagalaw lamang ang pandaigdigang ekonomiya dahil sa paglikha ng burgesya ng artipisyal na pamilihan – pagpapautang sa mga atrasadong bansa para bilhin ang sobrang produksyon mula sa Kanluran. Kung hindi dahil sa utang, matagal ng bumagsak ang mga ekonomiya ng mga bansa sa ikatlong daigdig. Ang pagpapautang at pangungutang ang “solusyon” ng burgesya sa krisis sa sobrang produksyon na sumabog sa huling bahagi ng 1960s.

Ang kasalukuyang krisis ng pandaigdigang kapital ay sinindihan ng krisis pinansyal – ang pagkalubog sa utang hindi lang ng mga bansa sa ikatlong daigdig kundi, higit sa lahat, sa mga bansa din sa Unang daigdig sa pangunguna ng imperyalistang USA.

Ang pambansang ekonomiya sa Pilipinas ay pangunahing nabubuhay sa pangungutang. Babagsak ang ekonomiya ng bansa kung hindi ito mangungutang. Ang kaibahan ngayon, ang mga bansang uutangan nito – USA, Japan, Uropa – ay dumaranas ng resesyon at lubog din sa utang. Ang dati numero unong nagpapautang na Amerika noon ay numero unong may malaking utang na ngayon.

Nagkaroon ng krisis sa sobrang produksyon dahil said na ang internasyunal na pamilihan. Said na ito dahil nasakop na ng kapitalismo ang buong mundo magmula ng pumutok ang WW I. Hindi na kayang bilhin ng populasyon ng mundo ang labis-labis na produktong naiipon ngayon sa pamilihan sa panahon ng imperyalismo o dekadenteng kapitalismo. Dalawa ang dahilan nito:

Una, dahil kalikasan ng kapitalismo na magkaroon lamang ng sahod ang uring lumilikha ng produkto – manggagawa – kung lilikha ito ng labis na halaga. Ibig sabihin, ng labis na produktong lampas pa sa halaga ng sahod nito. Ang labis na halaga ang pinagmulan ng tubo ng uring kapitalista. Kung walang labis na halaga, walang tubo. Kung walang tubo, wasak ang kapitalismo.

Ikalawa, dahil sa tumitinding kompetisyon (na katangian din ng sistema) para sa pandaigdigang pamilihan, naobliga ang mga kapitalista at bawat pambansang kapital na baratin ang sahod ng manggagawa habang pinipiga ang kanilang lakas-paggawa na lumikha ng maksimum na labis na halaga. Sa ganitong paraan lamang – mas murang halaga ng produkto dahil mas mura ang sahod at mas mataas na antas ng teknolohiya – mabibili ang produkto ng isang bansa sa pandaigdigang pamilihan.
Ang diyalektikal na relasyon ng dalawang salik sa itaas ang nagpatindi sa krisis sa sobrang produksyon sa kasalukuyan.

Solusyon ng burgesya sa kanyang krisis

Walang bagong solusyon ang uring kapitalista sa kanyang krisis. Ang kasalukuyang solusyon nito ay ginawa na niya sa loob ng 40 taon. At ito pa rin ang resulta – mas matinding krisis.

Pangungutang at pagpapalaki ng public spending ang paraan ng burgesya ngayon para daw isalba ang naghihingalong sistema. Ang bail-out at stimulus package na ginagawa ng Amerika at iba pang mga bansa na lugmok sa krisis ay walang kaibahan sa esensya sa ginagawa nito noong 1930s. Wala itong ibang ibubunga kundi lalong kahirapan sa mamamayan dahil ang huli ang papasan sa bailout at stimulus package na kukunin sa pangungutang at buhis. Ang paglaki ng public spending (di-produktibo dahil di magkamal ng tubo) ng estado ay magbunga lamang ng malaking problema sa kapitalistang gobyerno.
Ito ngayon ang ginagawa ng rehimeng Arroyo – “patrabaho ni Pangulong Gloria”, loans/tulong pinansyal at retraining sa natanggal na manggagawa, tax rebate, paghahanap ng mga bansang tatanggap pa ng OFWs sa mas murang sahod, at higit sa lahat, paghahanap ng mauutangan. Pero dahil atrasado ang ekonomiya ng bansa, mas mahirap para sa Pilipinas na gawin ang ginagawa ng abanteng mga bansa para subukang isalba ang naghihingalong sistema. Ang kalagayan kasi ngayon: nagsimula ang krisis sa makapangyarihang mga bansa, isang malinaw na manipestasyon na ang kinabukasan nito ay ang naranasang ibayong kahirapan sa ikatlong daigdig at hindi ang kabaliktaran – na ang ikatlong daigdig ay makahabol sa antas ng unang daigdig.

Ganito din ang kahilingan ng Kaliwa – bail-out ng gobyerno sa mga manggagawa at pambansang industriyalisasyon. Nilagyan lamang ito ng “radikal” na lenggwahe dahil nasa oposisyon sila. Sa madaling salita, ang kapitalistang estado ang dapat maging “tagapagligtas” ng naghihirap na masa sa gitna ng krisis ng sistemang pinagtatanggol nito. Ganito rin ang esensya ng New Deal ni Roosevelt, ng Nazismo ni Hitler, ng Pasismo ni Mussololini, ng Stalinismo ni Stalin, ng welfare states ng Kanluran noong Cold War at ng diktadurang Marcos sa 1970s.

Hinihiling din ng Kaliwa na huwag bayaran ng estado ang kanyang utang o kaya ay bawasan ang nakalaang pondo para sa pagbayad ng utang. Sa halip, dapat daw gamitin ang mas malaking bahagi ng perang malilikom para “tulungan” ang masang api. Hinihiling din nila na bigyan ng estado ng tulong pinansyal ang mga natanggal sa trabaho hangga’t hindi pa sila nakahanap ng panibago. Kinopya nila ito sa “welfare state” ng Kanluran noong panahon ng “Cold War”. “Welfare state” na mabilis na naglaho sa Kanluran dahil sa krisis. Nais din nila na buhisan ng mas malaki ang mga mayayaman na matagal ng ginagawa ng ilang mga bansa sa Kanluran.

Ibig sabihin, nais ng Kaliwa na maging katanggap-tanggap sa masa ang mga sakripisyo at makayanan ng huli na tiisin ang pagpasan sa krisis ng kapitalismo. Ang mistipikasyon ng Kaliwa sa hanay ng uri ay “dapat lahat magsakripisyo hindi lang tayo” para maligtas ang sistema.

May kapasidad pa ba ang pambansang kapitalismo na resolbahin ang krisis nito?

Ang pagkakahalintulad ng linya ng naghaharing paksyon at Kaliwa sa Pilipinas ay walang kaibahan sa ginagawa na ngayon ng mga makapangyarihang imperyalistang bansa sa pangunguna ng USA – palakasin ang kontrol ng estado sa ekonomiya at panawagan ng pambansang pagkakaisa para isalba ang kapitalismo.

Isang malaking kasinungalingan ang linya na “maaring malagpasan ng Pilipinas ang krisis kung hindi ito mangungutang at hindi palakihin ang koleksyon ng buhis sa masang mahihirap”. Sa loob ng 40 taon, gumagalaw lamang ang ekonomiya ng mundo sa pamamagitan ng pagpapautang at pangungutang dahil TANGING sa ganitong paraan lamang hindi babagsak ang bulok na pandaigdigang sistema. Sa loob ng apat na dekada iba’t-ibang gimik ng pagbubuhis ang ginagawa ng mga estado para mapalaki ang pondo nito.

Higit sa lahat, walang akumulasyon ng kapital ang kapitalismo sa Pilipinas kung hindi ito makaungos sa mga karibal sa pandaigdigang pamilihan. Kailangang mas mura ang produktong pang-eksport ng bansa kaysa kanyang mga karibal na lugmok din sa krisis. Wala itong ibang ibig sabihin kundi, pipigain ang lakas-paggawa ng proletaryong Pilipino para makakuha ng maksimum na labis na halaga. Ang “pag-unlad” ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandaigdigang krisis ay nakasalalay sa ibayong pagsasamantala, Kanan o Kaliwa man ang nasa kapangyarihan.

Ang sinasabing “pambansang industriyalisasyon” ay nangangailangan ng malaking akumulasyon ng kapital na makukuha lamang sa ibayong pagsasamantala sa lakas-paggawa at pangungutang. Ganun pa man, sa panahon na said at mabilis na kumikipot na pandaigdigang pamilihan, sasagkaan mismo ng kapitalistang kompetisyon at krisis sa pandaigdigang antas ang pangarap ng burgesyang Pilipino na “industriyalisasyon”. Wala ng pag-asa ang bansa,  gaya ng ibang mga bansa sa ikatlong daigdig, na maging industriyalisado sa ilalim ng dekadenteng kapitalismo.

Ito ang mga kontradiksyon ng kapitalismo sa panahon ng kanyang huling yugto – imperyalismo. Ang pagpapautang at pangungutang mismo na “solusyon” ng kapitalismo sa loob ng 40 taon ay siyang naging mitsa ngayon sa panibagong pagsabog ng mas malalim na krisis ng sistema.
Ang problema ay nasa kalikasan mismo ng sistema at hindi lang dahil sa “maling pangangasiwa” ng isang kurakot na pamahalaan. Sa panahon ng matinding krisis ng sistema LAHAT ng mga gobyerno ay lalupang maging kurakot at mandarambong sa yaman ng lakas-paggawa.

Ang tanging nalalabing solusyon na lang ng internasyunal na burgesya ay panibagong pandaigdigang digmaan upang muling hatiin ang mundo. Isang panibagong digmaan na malamang siyang wawasak ng tuluyan sa mundo at sangkatauhan.

Ang solusyon ay nasa labas ng balangkas ng kapitalismo

Wala ng bagong solusyon ang naghaharing uri sa kanyang kasalukuyang krisis. Recycled na lamang ang mga “solusyon” nito. Mga “solusyon” na siyang dahilan ng kasalukuyang krisis. Wala ng pag-asa na mareporma ang sistema pabor sa uring manggagawa dahil ito ay nasa kanyang permanenteng pagbulusok-pababa na 100 taon na ang nakaraan.

Kailangan ng bunutin ang ugat ng krisis – ang krisis sa sobrang produksyon. At hindi ito mabubunot sa balangkas ng bansa o “pambansang interes”. Kailangang bunutin ito sa pandaigdigang antas.
Ang puno’t dulo ng krisis sa sobrang produksyon ng kapitalismo ay nagmula sa pagiging sahurang alipin ng masang manggagawa. Lumilikha ang proletaryado ng labis na halaga katumbas ng kanyang sahod (kahit pa nasa “living” wage ang sahod nito). Sa kapitalismo, laging mas maliit ang sahod kaysa halaga ng mga produktong nagawa ng manggagawa. Hindi kayang bilhin ng manggagawa ang mga produktong nagawa nito. Hindi din ito kayang ubusin ng uring kapitalista laluna malaking bahagi ng labis na halaga ay ilalaan nito sa akumulasyon ng kapital at pagpapalawak ng kanyang negosyo; pagpapalawak na halos imposible na sa mundong lubusan ng nasakop ng kapital.

Kailangan ng wasakin ang sistemang kapitalismo, durugin ang sahurang pang-aalipin.

Ang unang hakbang sa pagwasak sa bulok na sistema

Ang unang hakbang ay malawakang pakikibaka ng mga manggagawa sa pinakamaraming pabrika/kompanya upang TUTULAN ang tanggalan, work rotation, at wage reduction. Wala tayong kapangyarihan sa pakikibaka kung hindi maraming pabrika ang lalahok. Hindi na angkop at hindi na epektibo sa kasalukuyang antas ng labanan na paisa-isa, sector by sector o industry by industry na pakikibaka. Ang tama at epektibo ay pakikibaka ng lahat ng sektor at lahat ng industriya.
Ang malawakang pakikibaka ay hindi kaya ng unyonismo sa Pilipinas na nahati-hati at matindi ang sektaryanismo. Hindi ito kaya ng unyonismo na walang ibang interes kundi preserbasyon ng kanyang istruktura at burukrasya dahil matindi ang kompetisyon kahit sa hanay nila. Hindi ito kaya ng unyonismo na ang tanging papel sa kasalukuyan ay katuwang ng estado sa loob ng kilusang paggawa upang hadlangan ang pagsulong ng proletaryong rebolusyon.

Kailangang tutulan ang nais ng estado at mga unyon na “tanggapin natin ang mga sakripisyo basta’t tutulungan tayo ng gobyerno”. Wala tayong maasahang pangmatagalang tulong mula sa kapitalistang estado na lubog sa utang at kontrolado ng mga buwayang hayok sa pera at kayamanan at pangunahing tagapagtanggol ng sistemang sahuran. Ang “tulong” nito ay may layuning pigilan tayong manggagawa na hawakan natin ang ating kinabukasan sa ating sariling mga kamay.

Dahil ang ating lakas ay nakasalalay sa pakikibaka ng maraming pabrika na dapat koordinado ng mga asembliya o komite sa welga, ngayon pa lang ay nagtutulungan na ang rehimeng Arroyo, Kaliwa at mga unyon upang mapigilan ito. Ang panawagan ngayon ng mga unyon ay isang “tripartite summit” na lalahukan ng mga representante ng mga unyon, asosasyon ng mga kapitalista at estado upang pag-usapan paanong mapigilan ang malawakang pag-aklas ng mga manggagawa. Patuloy ang mistipikasyon ng Kaliwa na ang paksyong Arroyo lamang ang pangunahing kaaway ng masa at pilit na itinatago ang katotohanan na ang lahat ng paksyon ng naghaharing uri, administrasyon at oposisyon, Kanan at Kaliwa ay parehong mortal na kaaway ng manggagawang Pilipino.

Kung nais nating lalakas ang ating pakikibaka at tayo mismo ang magdesisyon sa ating kinabukasan, kailangang makibaka tayo labas sa istruktura at balangkas ng unyonismo, ito man ay hawak ng Kanan o Kaliwa, ng administrasyon o oposisyon. Ang ating lakas ay nasa mga ASEMBLIYA at KOMITE NG WELGA na tayo mismo ang magtayo, magpatakbo at sentralisado.

Ang anumang pakikibaka na nasa pamumuno ng unyon ay mauuwi lamang sa negosasyon na pabor sa uring kapitalista at estado.

Ang pakikibaka para sa PERMANENTENG TRABAHO at SAPAT NA SAHOD sa gitna ng krisis ng kapitalismo ang tamang linya ng pakikibaka bilang mga alipin ng kapital. Hindi tayo magsakripisyo para iligtas ang naghihingalong sistema. Ang istorikal na misyon nating mga manggagawa ay wakasan ang buhay ng sistemang ito upang tayo ay makalaya na mula sa pagsasamantala.

Ang linyang ito ang maging tungtungan natin para ituloy-tuloy ang pakikibaka hanggang mawasak ang kapitalistang estado at maagaw natin ang kapangyarihan. Ang pag-agaw ng uring manggagawa sa kapangyarihan ang TANGING daan tungo sa ating ganap na kalayaan bilang sahurang alipin.
Tayong lahat na manggagawa – may trabaho at wala, regular at kontraktwal, unyonista at hindi, nasa publiko at pribado – ay kailangang magkaisa at sama-samang labanan ang mga atake ng kapitalista na tayo ang papasan sa krisis ng sistemang matagal ng nagsamantala at nang-api sa atin. Magkaisa tayo sa ating mga asembliya at sa ating mga komite ng welga. Ito na lamang ang tanging paraan para mapigilan natin ang atake ng kapital sa ating kabuhayan.    

INTERNASYONALISMO
Enero 31, 2009
Email us: philippines@internationalism.org

January 28, 2009

The Economic Crisis: State Capitalism Is Running Out of Room for Manoeuvre

There is no place to hide now. According to the December announcement by The National Bureau of Economic Research - the agency responsible for dating the beginning of a recession in the US - the American economy has been in recession since December 2007. In other words, for most of last year Mr. Bernanke, Mr. Paulson, the White House and Congress were busy denying the existence of, and trying to avoid, a recession that had already started!  

But, we are being told, that is all in the past. Who cares about the Bush administration’s faulty sense of reality? This is 2009 and with the new year comes a brand new president predicting that the economy will get worse before it gets better, a new congress ready to act where the past one fumbled, and a great new economic team educated at the most prestigious American institutions, with fresh ideas on how to save capitalism from catastrophe.

As if there weren’t continuity with the departing economic officials who represented a national capital that, as a rule, white-washed the gravity of the economic situation and often predicted that there was light at the end of the tunnel; the incoming administration seems to be sticking closer to reality, openly acknowledging that the economy is going through the worst recession since the Great Depression, and that there won’t be an easy turnaround in the next couple of years. Why this change of language in the dominant class to which both the departing and incoming politicians belong? It is possible that given the stubborn facts of a developing economic catastrophe, the bourgeoisie economic theorists are finding self-delusion more difficult to achieve? It is more likely that this more truthful language is, above all, a political ploy to give the new administration a better chance to manoeuvre in its quest to reverse the current economic disaster. In particular this policy is geared to temper illusions about a better future spread by Obama’s presidential campaign rhetoric about "change."

 Yet given the fact that so far the bourgeoisie has failed to contain the crisis, the odds for Obama’s success are definitely not good. Nothing in the toolkit used by the doctors of moribund capitalism seems to have worked so far. After uncountable monetary and fiscal gimmicks -the Fed’s key interest rate is close to being negative, trillions of dollars have been injected into the financial system, the federal budget deficit has ballooned to over one trillion dollars - the economy just keeps getting worse. The financial system is still in shambles, while the so-called real economy is getting worse by the day. Economic production and commodity sales are rapidly falling, bringing with them a wave of company bankruptcies and a massive upsurge in the numbers of workers being laid off throughout all the sectors of the economy. Although there are still no comprehensive figures about the economic performance during the past holiday season, all estimates predict historically low sales, while the last official figures on unemployment have the unemployed rate running at a 7.2 percent, the highest in the last 16 years. If discouraged workers, who have given up looking for jobs that don’t exist, and underemployed workers, who want fulltime jobs but are forced by the economic situation to accept part-time jobs, are included, would put the rate of unemployment and underemployment by some estimates at almost 13 percent.

And even if the US economy is at the centre of the storm, this is not an American event, but rather a worldwide economic crisis. The whole world is plunging into recession. The Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) has forecast that the United States, the world’s biggest economy, would suffer a huge 2.8-percent contraction in the fourth quarter of 2008. Germany, the biggest European economy and number three worldwide, officially tumbled into recession last November as output contracted for the second quarter running. France with a miserable 0.1 percent growth in the third quarter managed to just avoid a technical recession. Italy is officially in recession and the Bank of England has said the British economy is also probably already there. Outside the Euro zone, the Japanese economy, the world’s second biggest, was predicted to be in recession at the end of 2008 and continue contracting in 2009. According to a recent OECD statement, "the OECD as a whole is currently in recession and will likely stay there for some time."

Furthermore, even the so-called "emerging markets," represented by Russia, China, India, Indonesia and Brazil, that until recently where thought to be somehow insulated from the present financial tsunami, are now also treading water, cutting to size these supposed new upcoming superstars of world capitalism.

 These massive convulsions rocking world capitalism the last two years have revived the ghost of the Great Depression of the 1930’s. The bourgeoisie specialists themselves are talking about the similarities and many are arguing for the same state interventionist policies with which the bourgeoisie back then responded to the worst ever - up to that time - open economic crisis of its system. One can even read in the bourgeois press descriptions of the return of "state capitalism" referring to the economic policies which all national states are enacting in their attempts to contain the present crisis.

Towards a reinforcement of state capitalism

In the face of the current earthquake shaking capitalism throughout the whole world, all governments are responding with a flurry of "bail out" programs, nationalizations and "economic stimulus" packages. These policies, which are in open contradiction with the much cherished "free market" ideology, according to which capitalism can, through "the invisible hand" of the market, resolve its own contradictions, are what some economic commentators refer as a return of state capitalism.

The reality is that state capitalism is not "returning," basically because it never went away.  But obviously what revolutionaries consider as state capitalism and what this concept means for the specialists of the bourgeoisie are not the same thing. Thus some general remarks are necessary to make clear what we mean by state capitalism. For us:

  • state capitalism is not an economy policy that governments can adopt or abandon at will, but a historic new form of capitalism itself that all countries have adopted in the decadent phase of this economic system. Since 1914 in a world torn apart by perennial economic rivalries, barbaric imperialist confrontation and the spectre of revolution, the dominant class has rallied behind the national state as the last guarantor against the disintegrating tendencies of the economic crisis and the main defender of the national imperialist interest in the world arena.
  • the core characteristic of state capitalism is the tendency by the state to concentrate in itself all the life of society. Economically it is manifested by the tendency for the state to take direct control of the production and distribution of goods, politically by the concentration of political power in the hands of an omnipotent permanent bureaucracy that presides over all aspects of the life of society. Political dissent is suppressed, particularly that of the working class -its former permanent organizations, parties and unions have been integrated into the state- but also even within the dominant class itself.
  • state capitalism can take several forms depending on historical specificities of the country or conjunctural circumstances. It appeared for the first time during World War I when every government of the warring adversaries saw fit to take control of the productive apparatus and focus all of society’s energy on the war effort. However, state capitalism is not limited to periods of open warfare or open economic crisis such as FDR’s "New Deal", etc. The now defunct ‘socialist" regimes of Russia and Eastern Europe, and "communist" China and Cuba today, represent in reality nothing more than a particular type of state capitalism. The same goes for the Nazi and Fascist regimes and the overt military dictatorships that have on-and-off existed in much of the third world countries. And likewise for the so-called western democracies of today, their ideological loyalty to the "free market economy" and "political freedom" notwithstanding.
  • State capitalism is neither progressive, nor a solution to the crisis of the system. On the contrary state capitalism is itself an expression of the crisis of the system, a manifestation of the fact that capitalism’s relations of production have become too narrow for the existing productive capacities of society. The economic policies of the state, when they are not a simple tool for the mobilization of all the resources of society for imperialist war, have as a goal to keep capitalism afloat by way of cheating the economic laws of this system. This is the explanation behind the government apparently absurd policy of saving at all cost enterprises that are deemed "too big to fail" forgetting capitalism own economic principle of "survival of the fittest."

 Mr. Obama’s "New Deal"

With the present economic crisis’s similarity to the Great Depression in the foreground, the incoming Obama administration is often being compared to the assent to power of FDR in 1933. Obama’s promised "economic stimulus" with its blend of tax cuts and government financed infrastructure programs is being presented as a some kind of "New Deal" that is supposed to "jump-start the economy" and save American capitalism.

However, in our view, whatever the similarities of the present situation to the Great Depression, the situation today of world capitalism is much worse than in the 30’s. Of course, in a formalistic sense, the collapse of the financial system, the plunge in production, and the unemployment rate, to mention some economic indicators, were much more dramatically affected in the Great Depression than what we have seen so far today. By 1933, unemployment in America had risen to 25 percent of the work force, domestic production had fallen by more than 30 percent, the stock market had dropped close to 90 percent, and more than a third of the nation’s banks had failed. By comparison the present 7.2 percent rate of unemployment and the still positive GDP seem insignificant.

But this is not the whole story. First of all what the specialists often ‘forget’ is that the present crisis did not begin in 2007. As we have often pointed out the present economic slump is just one moment in the open crisis of capitalism that started at the end of the 1960’s, and that has only gotten worse ever since, despite the "recoveries" which follow the progressively worse "recessions" over the last four decades. Throughout these years -up to now - state capitalist policies have been able to avoid a dramatic collapse similar to that of the great depression, but only at the price of aggravating on the long term capitalism chronic crisis. Thus the ongoing recession -in America and throughout the world - with its dramatic shakeup in the financial system and its apparent unresponsiveness to the government economic manipulation, expresses the reckoning with reality of a system in crisis kept artificially alive by state capitalist policies.

Let us be clear, the policies being prepared by Obama’s bright boys are not new, they are variants of the same capitalist policies implemented by the state at one moment or another during the last four decades and that were widely used before during FDR’s Depression era. However the failure of this state capitalist economic toolkit to work its magic and keep this moribund system alive is what gives the present world economic slump its true historical significance. And this does not bode well for the Obama’s administration. If anything, the margin of maneuver that the state has today to manipulate the economy is far more reduced than what the bourgeoisie had in the 30’s.  In any case, it is a myth that the New Deal constituted a "solution" to the economic crisis in the 1930’s. After managing to contain the devastating spiral downturn initiated in 1929 the New Deal run quickly out of steam. There was another ruinous economic downturn in 1937 and the economy only recovered its pre-Depression era level in the context of the war economy during the slaughter of World War Two.  Even the prosperity in the postwar reconstruction period was not  just a result of state capitalist policies, but a product of  unique set of historical circumstances that can’t be replicated today -see the series of  articles on the reasons for the post-war prosperity in the last issues of the International Review.

As we have said before many times the reality is that the bourgeoisie has no solution to the crisis of its system and no future to offer society other than an increasingly devastating crisis and more murderous imperialist wars. State capitalist policies have never been able to overcome the crisis, the most that they can do is to provide a kind of last resort life-support for the bourgeoisie’s moribund system.

The solution to the crisis rests on the historical overcoming of capitalism and with it of society’s class divisions and exploitation.  It is the historical responsibility of the working class to give a true alternative to society. The present upsurge in class struggle throughout the world is a necessary step for the world working class’s own solution to the crisis: the overthrowing of capita lism and building of a real human community. 

Eduardo Smith 01/15/2009

January 14, 2009

Unions Against the Working Class! (The Defeat of Giardini workers in Cebu)

Mga Unyon Laban sa Uring Manggagawa!
(Pagkatalo ng mga manggagawa sa Giardini del Sole sa Cebu)

Mula ng pumasok ang pandaigdigang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto at nangingibabaw na ang tendensya ng kapitalismo ng estado sa halos lahat ng mga bansa, ang mga unyon na dati organisasyon ng uring laban sa kapital noong 19 siglo ay ganap ng naging instrumento ng kapitalistang estado laban sa interes ng proletaryado.

Wala ng mas malinaw na patunay nito kundi ang paglahok ng mga unyon at pagtulak ng mga ito sa masang manggagawa na magpatayan sa dalawang imperyalistang pandaigdigang digmaan na kumitil ng mahigit 100 milyong buhay.

Sa kasalukuyan, ang mga unyon ay ginamit ng magkabilang kampo ng naghaharing uri (Kanan at Kaliwa, administrasyon at oposisyon) upang hatiin at ilihis ang mga manggagawa sa rebolusyonaryong landas.
Magmula ng umusbong ang unyonismo sa Pilipinas, maraming mga ehemplo na maari nating ihapag kung paanong sinabotahe nito ang pakikibaka ng uri para ibagsak ang kapitalistang gobyerno. Ang pinakamaliwanag nito sa kasaysayan ay ang linyang “tunay, palaban, makabayang unyonismo” na sinisigaw ng Kaliwa. Wala itong ibig sabihin kundi igapos ang masang proletaryo sa kadena ng nasyunalismo at pakikipag-alyansa sa pambansang burgesya.

Nitong nakaraang mga araw, nalathala sa Manila Indymedia at sa mga lokal na pahayagan ng Cebu ang pakikibaka ng mga manggagawa sa Giardini del Sole, isang Italian-owned furniture-export industry. Ang isyu ay ang temporary shutdown ng kompanya dahil sa pandaigdigang krisis pinansyal.

Nagbunyi ang Partido ng Manggagawa (PM) sa sinasabi nitong “tagumpay” ng mga manggagawa sa kanilang laban sa “pamumuno” ng unyon na kasapi nito.

Ano ba ang sinabi ng Kaliwa at ng unyon na “tagumpay” ng mga manggagawa sa Giardini del Sole?

1. Ang unyon ay naging partner ng DOLE at management para pag-usapan kung paano ipatupad ang rotation work. Ibig sabihin, kung paano ipatupad ang pagbawas ng araw-pagtrabaho ng mga manggagawa!

2. Ang pakikipag-usap ng unyon sa kapitalista kung paano magtulungan para itayo ang isang “kooperatiba” ng manggagawa na siyang magpapatakbo ng kompanya. Sa madaling sabi, “workers’ control” o “self-management”.

Sa pangkalahatan, hindi lang ang PM ang may ganitong repormistang linya. Lahat ng mga Kaliwang organisasyon na karibal ng PM ay ganito din ang takbo ng utak: “workers’ control”, bail-out ng kapitalistang estado sa uring manggagawa.

Kabiguan ng pakikibaka ng mga mangagawa sa Giardini

Hindi totoong tagumpay ang nalasap ng mga manggagawa sa Giardini kundi MALAKING KABIGUAN AT PAGKATALO.

1. Ang rotation work o pagbawas ng oras-trabaho ay walang ibig sabihin kundi tinanggap ng mga manggagawa na mabawasan ang kanilang kita. Wala itong ibig sabihin kundi ibayong paghihirap ng masang matagal ng pinagsamantalahan at inaapi ng kapitalista. Kulang na kulang na nga ang sahod nila noong 6 na araw kada linggo at 8 oras kada araw ang kanilang trabaho, mas lalupa itong kukulangin sa pang-araw-araw na gastusin ngayon dahil rotation work na nga! Nasaan ngayon ang “tagumpay” na sinasabi ng Kaliwa at ng unyon?

Ang kagyat na hinihingi ng mga manggagawa ay permanenteng trabaho at sapat na sweldo para mabuhay na disente sa ilalim ng kapitalismo hindi rotation work o contractual work!

Kung ang palusot naman ng Kaliwa ay “buti na lang ang rotation work kaysa tuluyan ng mawalan ng trabaho”, wala itong kaibahan sa hibang na argumento na “mabuti na ang alipin basta walang makakain”.

2. Ang “workers’ control” ay walang ibig sabihin kundi pagsamantalahan ng mga manggagawa ang kanilang sarili dahil sa hungkag na katuwirang “amin ang pabrika at responsibilidad namin na paunlarin ito”. Huridikal lamang na pag-aari ng mga manggagawa ang pabrika pero malinaw ang katotohanan na kapitalistang mga relasyon ang iiral para mapatakbo at “uunlad” ang “pabrika ng manggagawa”. Para “uunlad”, kailangang tutubo ang pabrika. Ang tubo sa kapitalismo ay makukuha lamang sa pagsasamantala sa mga manggagawa!

Katunayan, nagpahiwatig na ang PM at unyon na hihingi ng tulong sa kapitalistang gobyerno para magkaroon ng puhunan kung sakaling papayag sila sa “kooperatiba ng manggagawa”.

Maraming ehemplo na ng “workers’ control” at “self-management” sa iba’t-ibang bansa na pumalpak. Pumalpak dahil sa maigting na kompetisyon sa pagitan ng mga kapitalista at kakulangan ng puhunan na bunga na rin sa kompetisyon. Kung meron mang iilang “umunlad”, ito ay dahil sa maksimisadong pagsasamantala sa mga manggagawang “may-ari” ng pabrika.

Walang ibang solusyon kundi ibagsak ang kapitalismo

Kailangang maintindihan ng mga manggagawa sa Giardini na TALO ang kanilang pakikibaka. Kung napilitan man silang tanggapin ang kanilang kasalukuyang kalagayan hindi dahil sa ito ay “tagumpay” gaya ng panlilinlang ng PM at ng unyon kundi dahil HINDI SAPAT ANG KANILANG LAKAS upang labanan ang uring kapitalista at ang estado. Hindi sapat dahil sila lang ang nakibaka habang ang ibang mga manggagawa sa ibang pabrika ay hindi pa.

Upang manalo sa pakikibaka, kailangang lalahukan ito ng maraming pabrika; hindi lang ng ilang daang manggagawa kundi ng libu-libo o daang libong manggagawa. Upang lubusang manalo sa laban, kailangang ibagsak ng uring manggagawa ang kapitalistang gobyerno at ang sistemang kapitalismo.
Kung nais ng mga manggagawa na manalo, kailangan nilang itakwil ang pamumuno ng mga unyon at hawakan ang laban sa sariling mga kamay sa pamamagitan ng mga asembliya nila hindi lang sa antas pabrika kundi sa antas syudad hanggang pambansa. Kung nais ng mga manggagawa na ganap na magtagumpay laban sa kapitalismo, kailangan nila ang suporta ng mga kapatid na manggagawa sa buong mundo hindi ng kapitalistang gobyerno o ng mga politiko.

Kailangang tanggapin ng mga manggagawa ang katotohanan na pinagkanulo sila ng “kanilang” unyon dahil sa simula pa lang, ang unyon ay hindi naman organisasyon nila kundi instrumento ng kapitalistang estado sa hanay nila. Ang papel ng unyon sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay ilihis ang pakikibaka ng uri.

Wala ng kapasidad pa ang kapitalismo ngayon na bigyan ng disenteng pamumuhay ang proletaryado. Nabubuhay ang kapitalismo sa kasalukuyan sa pamamagitan ng ibayong pagsasamantala at pagpapahirap sa masang anakpawis. Wala ng ibang paraan para makalaya mula sa pang-aalipin kundi ang ibagsak ang kapitalistang gobyerno at agawin ng manggagawa ang kapangyarihan.

Sana maging aral sa ibang mga manggagawa ang pagkatalo ng mga manggagawa sa Giardini dahil sa unyonismo.
 

January 10, 2009

Leftist union in the Philippines connived with management against the workers

Filed under: Philippine Politics

In a press release of the leftist Partido ng Manggagawa (Labor Party) published in Manila Indymedia last January 9 (http://manila.indymedia.org/en/2009/01/2019.html), it claimed, which is its title also,“Furniture workers win major concessions as dispute settled”.

According to the press release, “The workers of Giardini del Sole,….one of the biggest furniture exporting company in the country, won major concessions in negotiations at the National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Region 7…”

What are these “victories” that the union claimed?

“Management and the union agreed on the following points:

1. Establishment of a joint evaluation team that includes the union, management and the DOLE/NCMB to rotate work among as many of the workers as possible. The joint evaluation team will also monitor the company’s performance and recall the workers when demand picks up.

2. Granting of financial assistance of PhP 5,000 and one sack of rice per month for the duration of the temporary shutdown. It will be deductible from separation pay in case of permanent closure.

3. No worker will be terminated and only voluntary resignations will be accepted.

4. Release of backwages for the holiday pay last December equivalent to three days salary.”

Because of this settlement, PM joyfully said “The settlement averted the Giardini union’s plan to file a notice of strike on the basis that the temporary shutdown was illegal and a ruse for union busting.”

Since the union is now part of the evaluation team with the management and the state agency in discussing on how many workers will be “retain in rotation work” and recall the workers (those who will be retrenched or out of the job) when “demand picks up”, the union’s vice president proudly proclaimed, “workers (the union and not the workers) now have a voice in how the company will cope with the crisis.” It means that the union is now officially recognized as partner of the management and government in implementing the retrenchment for the employees to accept voluntarily!

What the unions are doing here in the Philippines is the same as what the unions doing in Europe and in other parts of the world: police in the company to prevent the workers in extending and generalizing their struggles.

In addition, unions help to sow reformist calls and actions helping to save the dying capitalist system as what the PM-Cebu spokesperson said on the “victory” of the Giardini workers: “the Cebu, Mandaue and Lapu-Lapu unions that have been preparing for solidarity actions to the Giardini workers will now shift to campaigning for a bailout scheme for workers. According to PM-Cebu spokesperson, “The plight and fight of the Giardini workers highlight the imperative of a bailout package for workers affected by the crisis.”

January 2, 2009

Gaza: Solidarity with the victims of war means class struggle against all exploiters!

After two years of strangling the economy of Gaza - blockading fuel and medicines, preventing exports and stopping workers from leaving Gaza to find work on the Israeli side of the border - after turning the whole of Gaza into a vast prison camp, from which desperate Palestinians have already tried to escape by breaking through the border into Egypt, Israel’s military machine is subjecting this densely populated, impoverished area to all the savagery of a virtually continuous aerial bombardment. Hundreds have already been killed and the already exhausted hospitals cannot cope with the endless stream of wounded. Israel’s claims that it is trying to limit civilian casualties are a sinister joke when every ‘military’ target is situated next to a  cluster of houses; and since mosques and the Islamic university have been openly selected as targets, the distinction between civil and military has been made entirely meaningless. The results are evident: scores of civilians, many of them children, killed and maimed, even greater numbers terrified and traumatised by the non-stop raids. At the time of writing, the Israeli PM Ehud Olmert is describing this offensive as only the first stage. Tanks are waiting at the border and a full-scale land invasion has not been ruled out. 

Israel’s justification for this atrocity - supported by the Bush administration in the US - is that Hamas has not stopped firing rockets at Israeli civilians despite the so-called ceasefire.  The same argument was used to support the invasion of southern Lebanon two years ago.  And it is true that both Hizbollah and Hamas hide behind the Palestinian and Lebanese population and cynically expose them to Israeli revenge, falsely presenting the killing of a handful of Israeli civilians as an example of ‘resistance’ to Israel’s military occupation.  But Israel’s response is absolutely typical of any occupying power: punish the entire population for the activity of a minority of armed fighters. They did this with the economic blockade, imposed after Hamas ousted Fatah from control of the Gaza administration; they did it in Lebanon and they are doing it today with the bombing of Gaza. It is the barbaric logic of all imperialist wars, in which civilians are used by both sides as shields and targets, and almost invariably end up dying in far greater numbers than the uniformed soldiers.   

And as with all imperialist wars, the suffering inflicted on the population, the wanton destruction of houses, hospitals and schools, has no result except to prepare the ground for further rounds of destruction. Israel’s proclaimed aim is to smash Hamas and open the door to a more ‘moderate’ Palestinian leadership in Gaza, but even former Israeli intelligence officers (at least one of the more…intelligent) can see the futility of this approach. Speaking about the economic blockade, ex-Mossad officer Yossi Alpher said "The economic siege of Gaza has not brought any of the desired political results. It has not manipulated Palestinians into hating Hams, but has probably been counter-productive. It is just useless collective punishment". This is even more true of the air raids. As Israeli historian Tom Segev put it, "Israel has always believed that causing suffering to Palestinian civilians would make them rebel against their national leaders. This assumption has proved wrong over and over" (both quotes from The Guardian 30.12.08). Hizbollah in Lebanon was strengthened by the Israeli attack in 2006; the Gaza offensive may well have the same result for Hamas. But whether strengthened or weakened it will no doubt respond with further attacks on Israeli civilians, if not through rocket attacks, then through a revival of suicide bombings.

The ‘spiral of violence’ expresses the decay of capitalism

‘Concerned’ world leaders like the Pope or UN general secretary Ban Ki-moon often talk about how such actions as Israel’s only serve to inflame national hatred and ratchet up the ‘spiral of violence’ in the Middle East. All this is true: the whole cycle of terrorism and state violence in Israel/Palestine brutalises the populations and the combatants on both sides and creates new generations of fanatics and ‘martyrs’. But what the Vatican and the UN don’t tell us is that this descent into the hell of national hatred is the product of a social system which everywhere is in profound decay. The story is not very different in Iraq where Sunni and Shia are set at each other’s throats, in the Balkans where Serbs are pitched against Albanians or Croats, in India/Pakistan where it’s Hindu against Muslim or in Africa’s myriad wars where violent ethnic divisions are too numerous to mention. The explosion of these conflicts across the globe is the expression of a society which has no future for mankind.   

And what we are also not told very much about is the involvement of the concerned, humanitarian, democratic world powers in stirring up these conflicts, unless we hear it from the other side of an imperialist divide. The press in Britain was not silent about the support France gave to the Hutu murder gangs in Rwanda in 1994. It is less forthcoming about the role British and American secret forces have played in manipulating the Shia/Sunni divide in Iraq. In the Middle East, America’s backing for Israel and Iran and Syria’s backing for Hizbollah and Hamas is out in the open, but the more ‘even-handed’ role played by France, Germany, Russia and other powers is no less self-serving.    

The conflict in the Middle East has its own specific aspects and causes, but it can only be understood in the context of a global capitalist machine that is dangerously out of control. The proliferation of wars around the planet, the uncontrollable economic crisis, and the accelerating environmental catastrophe are all evidence of this reality. But while capitalism offers us no hope of peace and prosperity, there is a source of hope in the world: the revolt of the exploited class against the brutality of the system, a revolt expressed most graphically in Europe in the last few weeks in the movements of young proletarians in Italy, France, Germany and above all Greece. These are movements which by their very nature have put forward the need for class solidarity and the overcoming of all national and ethnic divisions. Although only in their infancy, they provide an example that can eventually be followed in those areas of the planet which are most ravaged by divisions inside the exploited class. This is no utopia: already in the past few years public sector workers in Gaza have come out on strike against the non-payment of wages almost simultaneously with public sector workers in Israel striking against the effects of austerity, itself a direct product of Israel’s top-heavy war economy. These movements were hardly conscious of each other, but they still show the objective community of interests among workers of both sides of an imperialist divide. 

Solidarity with the suffering populations of capitalism’s war zones does not mean choosing the ‘lesser evil’ or supporting the ‘weaker’ capitalist gangs like Hizbollah or Hamas against the more obviously aggressive powers like the US or Israel.  Hamas has already shown itself to be a bourgeois force oppressing the Palestinian workers - especially when it condemned the public sector strikes as being against "national interests" and when, along with Fatah, it subjected the population of Gaza to a murderous faction fight for control of the region. Solidarity with those caught up in imperialist war means rejecting both warring camps and developing the class struggle against all the world’s rulers and exploiters.

January 1, 2009

2009 Statement for the Filipino workers

Filed under: Philippine Politics

Pahayag sa taong 2009
Para sa manggagawang Pilipino

ITAKWIL ANG MGA ILUSYON AT MISTIPIKASYON!
LABANAN ANG MGA ATAKE NG ESTADO!

Lahat ng paksyon ng naghaharing uri ay iisa ang laman ng kanilang pahayag para sa taong 2009: may pag-asa pa na makabangon ang sistemang kapitalismo mula sa kasalukuyang krisis nito.

Ang paksyong Arroyo ay nanawagan ng “pagkakaisa” at “pagsantabi ng pamumulitika” para makayanan ng pambansang kapitalismo ang pandaigdigang krisis. Ang burges na oposisyon ay tulad din ng nagharing paksyon ang pahayag maliban sa puntong matutupad lamang ang pambansang pagkakaisa kung wala na sa Malakanyang si Gloria. Ibig sabihin, kung ang oposisyon na ang nasa kapangyarihan.

Ang Kaliwa, kung saan ang papel nito ay maghasik ng mistipikasyon ay gumagamit ng radikal na lenggwahe tulad ng “pagbabago ng sistema”, “sosyalismo”, “demokrasyang bayan” o “gobyernong bayan”. Ang komon na linya ng iba’t-ibang grupo ng Kaliwa sa pangunguna ng maoistang CPP-NPA-NDF ay: makakamit lamang ang pambansang pagkakaisa sa ilalim ng isang gobyerno na kontrolado ng Kaliwa o ng partido “komunista”.

Magkaaway man sa harap ng publiko, magkaiba man ang lenggwaheng ginagamit, walang pagkakaiba ang panawagan ng Kanan at Kaliwa: palakasin ang paghawak ng estado sa buhay panlipunan dahil ito lamang ang kumakatawan sa interes ng mamamayan. Ang estado lamang ang tagapagligtas ng sambayanan mula sa kasalukuyang krisis ng sistema.

Marxistang Paninindigan

Kailangang mailinaw ang pundamental na kaibahan ng paninindigan at pagsusuri ng mga komunista mula sa Kanan at Kaliwa ng burgesya. Kailangang malinaw na maunawaan ang pundamental na pagkakaiba ng mga marxista sa mga pekeng komunista.

Lalo pang lalala ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa taong 2009. Kasabay nito, titindi ang mga atake ng estado at uring kapitalista sa masang proletaryo. Wala ng matagalang solusyon ang permanenteng krisis ng sobrang produksyon ng kapitalismo maliban sa (1) panibagong pandaigdigang digmaan para muling hatiin ang mundo ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa o (2) pandaigdigang proletaryong rebolusyon para ibagsak ang estadong kapitalista at paghari ng pambansang burgesya. Ang una ang tanging solusyon ng uring mapagsamantala habang ang ikalawa ang tanging solusyon ng uring manggagawa, ang uring may istorikal na misyon para wakasan ang sistemang kapitalismo at itayo ang komunismo.

Lalong lalakas ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya ng lipunan para tangkaing isalba ang sistema mula sa mas malalim na pagkalugmok sa krisis. Ang pangingibabaw ng kapitalismo ng estado ay manipestasyon ng naghihingalong sistema. Kaugnay nito, mas tatalas ang pangil ng panunupil ng estado — ito man ay demokratiko o “sosyalista” – sa lumalabang masang anakpawis. Kanan o Kaliwa man ang nasa kapangyarihan, gagamitin nito ang kamay na bakal ng estado laban sa rebolusyonaryong proletaryado. Sapat na ang mga nakikita nating panunupil sa Pilipinas, China, Vietnam, Venezuela, maoistang Nepal, Bangladesh, Egypt, Greece, France, Germany, at iba pang bansa para lubos na maintindihan ang kontra-rebolusyoanryong papel ng estado.

Hindi ang estado (anuman ang pangalang ibinyag ng Kaliwa dito) ang instrumento para sa pagbabagong panlipunan. Kabaliktaran: mababago ang lipunan matapos lubusang mawasak ang estado. Ang instrumento ng proletaryado para sa sa sosyalismo ay ang sariling organo nito sa pakikibaka – ang mga asembliya at konseho ng manggagawa. Ang diktadura ng proletaryado ay ang mga konseho ng uri at hindi ang transisyunal na estado.

Lalakas at magtuloy-tuloy lamang na susulong ang mga pakikibaka para labanan ang mga atake ng kapital kung hawakan ng uring manggagawa ang kanilang pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay. Ibig sabihin, kung makibaka ang uri labas sa kontrol ng unyonismo, hindi para sa elektoralismo/parliyamentarismo at hindi para magsilbi sa nasyunalismo at pagtatanggol sa pambansang interes. Magiging malakas lamang ang pakikibaka ng uri kung ang kilusan nito ay hindi makipag-alyansa – direkta o indirekta, estratehiko o taktikal – sa lahat ng paksyon ng naghaharing uri kabilang na ang “anti-imperyalistang” pambansang burgesya.

Kailangang maunawaan ng manggagawang Pilipino na lalakas lamang ang kanilang pakikibaka sa kalagayan na sumusulong ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pandaigdigang saklaw. Ang tanging nagkakaisang prente na kailangang pasukin at palakasin ng proletaryong Pilipino ay ang makauring alyansa ng mga manggagawa sa buong mundo; isang alyansa laban sa lahat ng mga paksyon ng burgesya sa loob at labas ng bansa. Ang pinakamataas na ekspresyon nito ay ang mga welga ng pakikiisa ng manggagawang Pilipino sa mga pakikibaka ng mga kapatid sa uri sa ibang bansa. Ito ang proletaryong internasyonalismo.

Dapat at tama lamang na suportahan ang anumang kagyat na pakikibaka ng uring manggagawa dahil ito ay ekspresyon at pundasyon para sa rebolusyonaryong pakikibaka. Subalit hindi para itali ang masang anakpawis sa mga repormistang kahilingan; sa mga kahilingang umaasa sa mga batas ng kapitalistang estado at parliyamento kundi para ipakita sa uri na makakamit lamang ang mga kahilingang ito matapos maibagsak ang estado sa pamamagitan ng sosyalistang rebolusyon.

Sa kongkreto, tungkulin ng mga rebolusyonaryong minorya sa Pilipinas na hikayatin ang uring proletaryo na palawakin ang kanilang pakikibaka sa mas maraming pabrika, sa antas syudad hanggang pambansa at higit sa lahat, hanggang internasyunal na saklaw kung nais ng uri na temporaryong aatras o hihinto ang estado sa pang-aatake. At para lubusang mapigilan ang pang-aatake ng kapital, kailangang ibagsak ang burges na estado, ito man ay “diktadura”,  “demokratiko” o “sosyalista”. Ang labanan ngayon ay hindi na patagalan ng welga sa iilang pabrika kundi malawakang welga sa mas maraming pabrika; ng mas marami at malawak na manggagawang lumalahok sa mga pakikibaka sa lansangan. Ang labanan ngayon ay isang pampulitikang digmaan para itayo ang proletaryong kapangyarihan.

Panghuli, itinuturo ng karanasan ng uri sa 1905 at 1917 sa Rusya, 1980 sa Poland, 2006-2007 sa France, Spain at Egypt at nitong huli, sa Greece sa 2008 na ang tanging organo ng pakikibaka ng proletaryado ay ang kanilang mga asembliya at hindi ang mga unyon at mga partido ng Kaliwa.

Manggagawang Pilipino at mga rebolusyonaryo sa Pilipinas!

Salubungin natin ang bagong taon na may bagong pag-asa at bagong kamulatan. Salubungin natin ang 2009 sa pamamagitan ng pagtakwil sa lahat ng mga balakid – ang unyonismo, elektoralismo/parliyamentarismo at nasyunalismo – para isulong ang internasyunal na sosyalistang kilusan at ipraktika ang batayang prinsipyo ng Marxismo – internasyonalismo.

MANGGAGAWA SA BUONG MUNDO, MAGKAISA!
IBAGSAK ANG ESTADONG KAPITALISTA!
IBAGSAK ANG ‘SARILING’ PAMBANSANG BURGESYA!

INTERNASYONALISMO
Enero 1, 2009
Email us: internasyonalismo@yahoo.com

        

December 21, 2008

Puna sa aming pagkakamali

Filed under: Notice

Mga giliw na mambabasa at kasama, mayroon kaming pagkakamali sa aming PAMBANSANG KALAGAYAN NG PILIPINAS DISYEMBRE 2008. Sa footnote no. 7, hindi ang rehimeng Disodado Macapagal ang may polisiyang "Filipino First Policy" kundi ang rehimeng Carlos P. Garcia. Paumanhin.

Ang aming English translation na lalabas sa lalong madaling panahon ay may koreksyon na.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

INTERNASYONALISMO

December 19, 2008

Greek workers occupy union HQ in Athens

Filed under: Uncategorized

We have just received the declaration below, originally posted on libcom by a comrade from Greece. While we don’t know the background to these events they seem to us sufficiently important to be given the widest possible distribution. GSEE (General Confederation of Greek Workers) is the national trade union in Greece. 

  
DECLARATION: We will either determine our history ourselves or let it be determined without us

We, manual workers, employees, jobless, temporary workers, local or migrants, are not passive tv-viewers. Since the murder of Alexandros Grigoropoulos on Saturday night we participate in the demonstrations, the clashes with the police, the occupations of the centre or the neighborhoods. Time and again we had to leave work and our daily obligations to take the streets with the students, the university students and the other proletarians in struggle.
WE DECIDED TO OCCUPY THE BUILDING OF GSEE
To turn it into a space of free expression and a meeting point of workers.
To disperse the media-touted myth that the workers were and are absent from the clashes, and that the rage of these days was an affair of some 500 "mask-bearers", "hooligans" or some other fairy tale, while on the tv-screens the workers were presented as victims of the clash, while the capitalist crisis in Greece and Worldwide leads to countless layoffs that the media and their managers deal as a "natural phenomenon".
To flay and uncover the role of the trade union bureaucracy in the undermining of the insurrection -and not only there. GSEE and the entire trade union mechanism that supports it for decades and decades, undermine the struggles, bargain our labor power for crumblings, perpetuate the system of exploitation and wage slavery. The stance of GSEE last Wednesday is quite telling: GSEE cancelled the programmed strikers’ demonstration, stopping short at the organization of a brief gathering in Syntagma Sq., making simultaneously sure that the people will be dispersed in a hurry from the Square, fearing that they might get infected by the virus of insurrection.
To open up this space for the first time -as a continuation of the social opening created by the insurrection itself-, a space that has been built by our contributions, a space from which we were excluded. For all these years we trusted our fate on saviours of every kind, and we end up losing our dignity. As workers we have to start assuming our responsibilities, and to stop assigning our hopes to wise leaders or "able" representatives. We have to acquire a voice of our own, to meet up, to talk, to decide, and to act. Against the generalized attack we endure. The creation of collective "grassroot" resistances is the only way.
To propagate the idea of self-organization and solidarity in working places, struggle committees and collective grassroot procedures, abolishing the bureaucrat trade unionists.

All these years we gulp the misery, the pandering, the violence in work. We became accustomed to counting the crippled and our dead - the so-called "labor accidents". We became accustomed to ingore the migrants -our class brothers- getting killed. We are tired living with the anxiety of securing a wage, revenue stamps, and a pension that now feels like a distant dream.
As we struggle not to abandon our life in the hands of the bosses and the trade union representatives, likewise we will not abandon no arrested insurgent in the hands of the state and the juridical mechanism.
IMMEDIATE RELEASE OF THE DETAINED
NO CHARGE TO THE ARRESTED
SELF-ORGANIZATION OF THE WORKERS’ GENERAL STRIKE
WORKERS’ ASSEMBLY IN THE "LIBERATED" BUILDING OF GSEE
Wendesday, 17 December 2008, 18:00
General Assembly of Insurgent Workers 

The banner hanging from the occupied building reads as follows:  

From labor "accidents"
to the murders in cold blood
State - Capital kill 
No persecution
Immediate release
of the arrested
GENERAL STRIKE
Workers’ self-organization
will become the bosses’ grave
General Assembly of Insurgent Workers 

 

December 17, 2008

Philippine Situationer December 2008

Filed under: Philippine Politics


Ang Pambansang Kalagayan ng Pilipinas

1. Nagsisikap itago ng Kanang paksyon ng burgesyang Pilipino sa pangunguna ng paksyong Arroyo ang tunay na kalagayan ng krisis sa pagsasabing “hindi masyadong” maapektohan ang ekonomiya ng Pilipinas sa lumalalang pandaigdigang krisis ng kapitalismo dahil “nanatiling malusog” ang pambansang ekonomiya.

Nakakatawa at nakakaasar ang baluktot na lohikang ito dahil hindi ito kumakatawan sa katotohanan ng pandaigdigang kapitalismo at sa integrasyon ng pambansang ekonomiya sa pandaigdigang ekonomiya kundi umaayon lamang sa layunin ng naghaharing paksyong may hawak ng kapangyahrihan na ipagtanggol ang kanyang dominasyon laban sa kanyang mga karibal na naghahangad na patalsikin ito.

Kaya noong kasagsagan ng walang hintong pagtaas ng presyo ng langis at bigas, ang katwiran ng paksyong Arroyo at ng kanyang mga “eksperto” ay hindi mapigilan ang pagtaas ng presyo dahil ito ay isang “pandaigdigang pangyayari na hindi kontrolado ng alinmang pambansang gobyerno”. Ibig sabihin, inutil ang pambansang estado dahil ito ay isang pandaigdigang problema kung saan integrado ang ekonomiya ng bansa.

Sa ganitong linya din nitong huli, nag-aastang “tagapagtanggol” ang estado sa mamamayan ng ginigiit nitong “hindi sapat” ang pagbaba ng presyo ng langis kumpara sa pagbagsak ng presyo sa pandaigding pamilihan. Nagkaroon tuloy ng “taktikal na alyansa” ang Kanan at Kaliwa sa ganitong usapin.

Subalit ng pumutok ang panibagong pandaigdigang krisis nitong Setyembre na pinangunahan ng pinakamakapangyarihang imperyalistang bansa sa mundo, ang Estados Unidos,biglang hindi na ginamit ng estado ang argumentong “integrado ang pambansang ekonomiya sa pandaigdigang ekonomiya” kundi “independyente” ang ekonomiya ng Pilipinas at ang “krisis ay nasa EU at Uropa lamang”. Biglang binura ng mga “ekspertong” ekonomista ni Arroyo ang integrasyon ng ekonomiya sa pandaigdigang kapitalismo sa usaping ito.

Dalawang mayor na kasinungalingan ang pinanganladakan ng paksyong Arroyo: (1) nanatiling istable ang kalagayan ng OFWs na isa sa mayor na pinagkukunan nito ng pera, (2) hindi nakasandal ang eksport ng bansa sa Amerika.

Subalit anuman ang paraan ng pagtatago ng rehimen, halatang-halata na nababahala ito at natataranta sa kalagayan ng pambansang ekonomiya dahil sa panibagong krisis ng pandaigdigang dekadenteng kapitalismo.

2. Kung nagkabuhol-buhol ang argumento ng Kanan sa pagsusuri sa krisis at sa solusyon nito, ganun din ang Kaliwa sa pangunguna ng mga maoistang CPP-NPA-NDF.    

Ayon sa Kaliwa pumutok ang krisis dahil “hinayaan” ng estado ang mga pribadong kapitalista sa pagkamal ng tubo at pagsasamantala sa mga manggagawa laluna sa larangan ng ispekulasyon. Samakatuwid, nagkaroon diumano ng krisis dahil walang regulasyon at kontrol ng estado sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Ito ang bag-as ng linyang anti-globalisasyon ng Kaliwa.

Ang ganitong linya nila ang dahilan na humantong ang kanilang pagsusuri at solusyon sa krisis gaya ng sa Kanan: “hindi gaanong maapektohan at madaling maalpasan ang epekto kung meron man, kung inuuna ng estado ang pagtatanggol sa sariling pambansang ekonomiya laban sa mga karibal nito”. Sa madaling sabi, kung may regulasyon at kontrol mula sa gobyerno.

Iba-iba man ang radikal na lenggwaheng ginagamit ng iba’t-ibang grupo ng Kaliwa sa pagsusuri sa kasalukuyang krisis, iisa lamang ang kanilang kongklusyon at solusyon: pahigpitin ang kontrol ng estado sa buhay panlipunan ng bansa.

Ang tunay na kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas

3. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay integrado na sa pandaigdigang ekonomiya gaya ng lahat ng mga bansa. Wala ng independyenteng pambansang ekonomiya sa panahon ng imperyalismo. Higit sa lahat, wala na ring patas na kompetisyon sa panahon ng dekadenteng kapitalismo. Ito ang katotohanang nais itago ng mga “reboluyonaryong” organisasyon at partido sa Pilipinas na patuloy na naghahasik ng ilusyon sa masang manggagawa na maari pang maging malaya ang Pilipinas sa kuko ng imperyalismo sa ilalim diumano ng “gobyerno ng bayan” o “gobyerno ng manggagawa”[1] kahit pa nanatiling naghahari ang kapitalismo sa pandaigdigang saklaw.

4. Dahil sa walang solusyon na krisis sa sobrang produksyon ng kapitalismo, lahat ng mga bansa (kabilang na ang Pilipinas at hindi lamang ang malalaking imperyalistang mga bansa gaya ng EU) ay nagpapaligsahan na mapalaki ang kanilang industriyang pang-eksport[2] at mapaliit ang kanilang import. Subalit ang krisis sa sobrang produksyon, pagkasaid ng pandaigdigang merkado at ang kaakibat na tumitinding kompetisyon sa pagitan ng mga pambansang kapital ang nagtulak sa mga kapitalista na maghanap ng mas murang lakas-paggawa sa loob at labas ng kani-kanilang mga bansa.

Hindi lamang pamurahan ng produkto kundi pamurahan ng lakas-paggawa ang resulta ng krisis ng sobrang produksyon. Nagbunga ito ng pagiging pandaigdigan din ng katangian ng paggawa ng produkto. Ang mundo ay naging parang napakalaking pabrika kung saan ang mga departamento ng asembliya ay ang mga bansa kung saan naroon ang murang paggawa.

5. Ang Pilipinas na nabansot ang kapitalistang pag-unlad dahil wala ng kapasidad pa ang pandaigdigang sistema na paunlarin ang mga atrasadong bansa ang isa sa malinaw na ehemplo sa ganitong kalagayan:

 a. Ang pagiging eksporter nito ay nagmula sa pagiging mura ng kanyang lakas-paggawa. Kaya lang, hindi lamang ang Pilipinas ang naghahangad na maging malaking eksporter. Katunayan natalo na ang Pilipinas sa China at Vietnam sa pamurahan ng lakas-paggawa.

Ang malaking produktong pang-eksport ng Pilipinas ay mga “hilaw na materyales” para sa paggawa ng produkto gaya ng electronics at computer chips. Ngunit hindi ito ang pangunahing eksport ng bansa kundi ang murang lakas-paggawa mismo. Katunayan, ang bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas maliban sa pangungutang ay ang remittances ng mahigit 9 milyong OFWs. Pero hindi lang ang Pilipinas ang ganito ang kalagayan. Maraming mga bansa sa Ikatlong Daigdig gaya ng Bangladesh, Sri Lanka at Aprika ang umaasa din sa eksport ng lakas-paggawa.

b. Importer naman ito sa mga yaring produkto. Kahit bigas ay ini-import ng bansa na dating numero unong eksporter noong 1970s. Ekspresyon lamang ito na ang kapitalismo sa bansa ay bansot at napakahina. Subalit nag-iilusyon ang Kanan at Kaliwa ng burgesya na mapaunlad pa ang kapitalismo sa Pilipinas. Ang paksyong Arroyo ay nagdidiliryo sa pagsasabing magiging industriyalisadong bansa ang Pilipinas gaya ng mga bansa sa Unang Daigdig sa taong 2020. Ang CPP-NPA-NDF naman ay nagkukumahog na maging industriyalisado ang Pilipinas sa pamamagitan ng matagalang digmaang bayan sa kanayunan.  

6. Isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng mga “ekspertong” ekonomista ng rehimeng Arroyo na “hindi gaanong maapektohan” ang pambansang ekonomiya at “malusog” ito kahit pa nasa krisis ang pandaigdigang kapitalismo. Dahil pangunahing umaasa sa eksport ang Pilipinas doon sa malalaking imperyalistang mga bansa, bubulusok ang ekonomiya ng una kung bubulusok ang huli. Ito ang bunga ng integrasyon ng mga pambansang ekonomiya sa pandaigdigang ekonomiya na nasa permanenteng krisis na.

Sa totoo lang, wala namang naniniwala sa propaganda ng gobyerno dahil ramdam at naranasan na ito ng masang manggagawa: tanggalan, rotation, temporary shutdown, at higit sa lahat ang pag-uwi ng libu-libong OFWs na tinanggal sa trabaho dahil sa krisis. Kahit ang burges na media ay hindi na ito maitago pa[3].

7.  Ang “malusog” na ekonomiya ng gobyerno ay nakasandal sa utang na hindi na mabayaran[4]. Ang ekonomiya nito ay umaasa sa pangungutang at pagpiga ng buhis sa masang anakpawis. Sa madaling sabi, ang “malusog” na ekonomiya ng kapitalismo sa bansa ay nakatungtong sa naghihikahos na populasyon.

Ang malaking problema ngayon ay hindi na ito makautang pa na kasing dali at kasinglaki noon dahil hindi na rin madaling magpapautang ang mga internasyunal na bangko na lugmok sa krisis. Maliban sa ang mga bangko ang unang tinamaan ng krisis, mas uunahin ng mayayamang mga bansa ang pagsalba sa kani-kanilang nalulunod na mga pambansang kapital[5]. Pangalawa, kung bumabagsak ang eksport ng bansa laluna ang napipintong pag-uwi ng daan-daang libong OFWs, wala ng mapagkukunan ng pera ang estado maliban sa buhis ng naghihikahos na sambayan.

Kaya kung hahambalos na ang mas malakas na unos ng pandaigdigang krisis sa susunod na taon sa bansa, walang kapasidad na mag-bailout ang estado sa mabangkarotang mga kompanya at bangko.

Ang katotohanan: napakahina ng ekonomiya ng bansa at nakasandal pa ito sa marupok na pandaigdigang ekonomiya. Kung tuloy-tuloy na babagsak ang pandaigdigang ekonomiya sa susunod na mga taon, partikular ang China, Japan, USA[6] at kung aabot na ang bagyo ng krisis sa Gitnang Silangan kung saan naroon ang malaking bilang ng OFWs, tiyak guguho ang ekonomiya ng Pilipinas.

May solusyon pa ba ang burgesyang Pilipino sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa?

8. Kung ang Kanan at Kaliwa ng burgesya ang tatanungin, MERON.

a. Mas pahigpitin ng estado ang kontrol sa ekonomiya[7]. Ang Kaliwa ay nanawagan ng direktang kontrol at regulasyon ng estado at “humiwalay” sa kontrol ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa gaya ng Amerika. Sa madaling sabi, proteksyunismo at nasyunalismo.

Ang linya naman ng Kanan ay mas pamurahin pa ang lakas-paggawa at makipagkompetinsya sa ibang mga bansa sa Ikatlong Daigdig para mas maengganyo ang mga dayuhang kapitalista na dito maglagak ng kapital kaysa mga karibal nito. Kaugnay nito, hangad ng Pilipinas na maengganyo ang mga bansa sa Uropa, China, Japan na maglagak ng dagdag na puhunan sa bansa. Pahiwatig lamang ito na ang burgesyang Pilipino ay nakahandang talikuran ang kanyang pagiging tuta sa Amerika kung may ibang malaking imperyalistang bansa na sa tingin niya karapat-dapat maging bagong amo. Ganun pa man, pagpapahigpit pa rin sa pagkontrol ng estado ang paraan ng Kanan.

Ang mas pursigidong panibagong cha-cha ng rehimeng Arroyo ay nakasentro sa pagbabago ng mga probisyon sa 1987 Konstitusyon para mas katanggap-tanggap sa mga dayuhang kapitalista kumpara sa mga karibal nitong mga bansa na naghahangad din ng dayuhang kapital.

b. Makumbinsi ng uring kapitalista ang manggagawang Pilipino na lalupang magsakripisyo para “makabangon” ang ekonomiya. Ito ay sa pamamagitan ng mas mababang sahod katumbas ng “regular” na trabaho, pagtalima sa rotation work at pagbawas ng oras-trabaho o kaya sa malawakang tanggalan at pagtanggap sa karagdagang buhis na ipapataw ng estado.

k. Panibagong pandaigdigang digmaan para muling hatiin ang mundo.

Ang letra (k) na siyang epektibong solusyon ng burgesya sa kanyang krisis ay malayo pang mangyari dahil hindi pa kumbinsido ang uring manggagawa na magsakripisyo sa digmaan gaya noong WW I at WW II. Subalit, kasing lagim ang nangyayaring mga lokal at pambansang digmaan ngayon kung saan milyun-milyong tao ang namatay o nawalan ng tirahan. Higit sa lahat, kung mangyari ito, tiyak mawawasak na ang mundo.

Ang letra (a) ay hindi solusyon sa krisis ng sobrang produksyon. Bagkus, pinalala lang nito ang sitwasyon. Noong 1930s hanggang 1970s ito na ang pangunahing polisiya ng mga estado sa buong mundo: proteksyunismo at regulasyon ng estado.  Ang resulta, lalong nalugmok sa utang ang mga estado dahil sa pagsalba sa mga bangkarotang kompanyang pag-aari nito.  Nagkaroon ng krisis sa sobrang produksyon dahil wala ng bagong merkado pa na mapagbentahan ng mga yaring produkto at sa katangian mismo ng kapitalismo na anarkiya sa produksyon tulak ng kompetisyon direkta mang kontrolado o hindi ng estado ang mga ekonomiya at industriya.

Dagdag pa, imposible na ang malayang bansa sa panahon ng imperyalismo. Ang imperyalismo ay isang pandaigdigang sistema ng kapitalismo kung saan nasa istorikal na yugto na ito ng kanyang pagbulusok-pababa. Ito ay hindi lamang polisiya ng iilang malalaking bansa kundi ng lahat ng mga bansa kabilang na ang Pilipinas. Ang paglaya ng Pilipinas mula sa imperyalistang Amerika ay pagpasok naman nito sa “praternal” na relasyon sa ibang mga malalaking kapitalistang bansa na karibal ng Amerika.

Dalawang kontradiksyon na nasa kalikasan ng dekadenteng kapitalismo ang dahilan ng krisis sa sobrang produksyon:

– Makatanggap lamang ng sahod ang manggagawa kung makagawa siya ng produkto lampas sa kanyang sweldo o labis na halaga. Ibig sabihin, ang mga yaring produkto ay hindi kayang bilhin lahat ng mga manggagawa at maging ng uring kapitalista mismo. Kailangan ng mga kapitalista na maibenta ang produkto nila doon sa mga saray na hindi manggagawa gaya ng magsasaka at peti-burgesya na makikita sana doon sa mga hindi-pa-kapitalistang mga lipunan. Kaya noong 19 siglo kung saan hindi pa lubusang nasakop ng kapitalismo ang buong mundo ay maari pa itong makahanap ng bagong pamilihan na siyang pangunahing dahilan kung bakit may kapasidad pa itong magbigay ng mga makabuluhang reporma para pakalmahin ang pakikibaka ng proletaryado.

Subalit magmula 1914 ay ganap ng nasakop ng kapitalistang mga relasyon ang buong mundo at dinudurog mismo ng kapitalismo ang uring magsasaka at peti-burgesya para gawing sahurang alipin. Kaya magmula 20 siglo naging permanente na ang krisis sa sobrang produksyon.

– Dahil sa mas umiigting na kompetisyon ng mga pambansang kapital sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, nagpapaligsahan ang bawat bansa sa pamurahan ng lakas-paggawa. Lalupang nagtulak ito na hindi na makabili ang manggagawa kahit ng kanyang batayang pangangailangan para mabuhay. Mas lalo tuloy lumala ang krisis sa sobrang produksyon.

Magmula 1970s, matapos pumutok ang panibagong krisis ng kapitalismo sa huling bahagi ng 1960s, gumawa ng artipisyal na pamilihan ang pandaigdigang kapital para mabili ang sobrang produkto nito. Ang artipisyal na merkadong ito ay ang pagpapautang sa mga bansa sa Ikatlong Daigdig. Magmula noon, gumagalaw ang pandaigdigang ekonomiya dahil sa pagpapautang at pangungutang. Ang “solusyon” sa loob ng 40 na taon ay naging halimaw na ngayon na siyang pangunahing nagtulak para sumabog ang panibago at mas malalim na krisis sa mundo ng kapitalismo.

Nagsisinungaling ang Kaliwa sa manggagawa sa kanilang propaganda na kaya pa ng kapitalismo at ng mga estado na itaas ang tunay na sahod ng mga manggagawa sa panahon ng imperyalismo. Ang totoo, batayang rekesito na ngayon ng kapitalismo na ibagsak ang sahod ng manggagawa para patuloy siyang mabuhay. Ang kampanyang “economic relief” ng Kaliwa ay pagtatanggol at pagtulong sa kapitalistang estado para hindi ito ibagsak ng uring manggagawa. Para sa Kaliwa, ang pang-uuto ng Malakanyang at parlyamento para sa “economic relief” ay “tagumpay” ng kilusang masa habang sa dulo ng kanilang pagbubunyi ay sasabihin sa proletaryong Pilipino na “hindi pa ito sapat, kaya tuloy ang laban para sa mga reporma”. Ang katotohanan, ang pagtali ng Kaliwa sa uring nakibaka sa mga repormistang pagkilos ay tuloy-tuloy na pagkatalo ng uri.

Ang bail-out na ginawa ng EU at iba pang imperyalistang bansa sa mga bangko at pabrika ay pagsisikap lamang na ibalik ang tiwala at kumpyansa ng masang anakpawis at maging ng indibidwal na mga kapitalista sa kapitalistang sistema mismo at hindi para bigyang solusyon ang krisis sa sobrang produksyon sa pamamagitan ng artipisyal na pagpasigla sa ispekulasyon at pagpapautang.  Subalit ang layuning ito ng mga imperyalista ay mabilis na maglalaho dahil ang naghihirap ng masang manggagawa ang papasan (pagbayad ng utang ng estado at buhis) sa bail-out.

Gumagawa din ng ilusyon ang Kaliwa sa panawagang dapat daw ang i-bail-out ng kapitalistang gobyerno ay ang uring manggagawa na lubog sa utang kaysa mga bangko at pabrika. Sa kalikasan pa lang ng estado na tagapagtanggol sa interes ng naghaharing uri ay imposibleng tulungan nito ang masang manggagawa. Ang layunin ng bail-out ay isalba ang bumabagsak na sistema at hindi isalba ang manggagawa. Ang panawagang ito ng Kaliwa ay tahasang repormista at kontra-rebolusyonaryo. Higit sa lahat, wala ng kapasidad ang bulok na sistema na magbigay ng anumang makabuluhang benepisyo sa masang anakpawis. Katunayan, marami sa mga naipanalo ng uri sa 19 siglo ay binabawi na ngayon ng naghaharing uri.

Magkaiba man ang panawagan ng Kanan at Kaliwa kung sino ang salbahin, nagkakaisa sila sa layuning gawin ang lahat para ibalik ang tiwala at kumpyansa ng sambayanang api sa mapagsamantalang sistema!

Ang letra (b) kung siyang mangingibabaw ay hindi magbunga ng solusyon sa krisis kundi ng matinding kahirapan sa demoralisado at nagkawatak-watak na manggagawang Pilipino. Ito ay manipestasyon ng lubusang pangingibabaw sa mga manggagawa ng ideolohiyang burges na “bawat isa para sa kanyang sarili” at “isa laban sa lahat”. Ganito ang nangyari noong Great Depression sa 1930s matapos matalo ang unang internasyunal na rebolusyoanryong alon at nangibabaw ang Stalinismo sa “internasyunal na kilusang komunista”. Sa demoralisasyon at pagkawatak-watak ng internasyunal na uri naisagawa ng burgesya ang WW II.

 9. Wala ng solusyon ang burgesya sa kanyang sariling krisis sa sobrang produksyon maliban sa panibagong pandaigdigang digmaan at ito na rin malamang ang kataposan ng sibilisasyon. Lalunang hindi solusyon para sa burgesya at gobyerno na tulungan ang manggagawang Pilipino dahil para na rin niyang pinapatay ang kanyang sarili.

Ang krisis sa ekonomiya ay makikita sa krisis sa pulitika

10. Ayon sa materyalismong istoriko, ang pulitika ay nakasandal sa ekonomiya at sumasalamin dito. Kung may krisis sa ekonomiya, tiyak may krisis sa pulitika.  Kung kayang itago ng estado sa mga ilusyon at pagretoke sa mga datos ang krisis sa ekonomiya, hindi ito kayang itago sa krisis sa pulitika.

11. Tumitindi ngayon ang alitan at bangayan ng mga paksyon sa loob ng naghaharing uri hindi lamang sa loob ng administrasyon kundi maging sa oposisyon. Sa kasalukuyan, kitang-kita ito sa bangayan na nangyayari sa mga presidentiables sa loob ng oposisyon sa Senado sa pagitan nila Manuel Villar, Panfilo Lacson, Loren Lengarda at Manuel Roxas. Makikita din ito sa walang katapusang maniobrahan para mapatalsik si Gloria sa pwesto. Lahat na ng mabahong isyu ay nagbabatuhan ang kampo ng administrasyon at oposisyon gamit ang media at ang mga institusyon ng kongreso at senado. Ang Simbahan, ang isa sa pinaka-reaksyunaryo at konserbatibong institusyon ng lipunan ay muling nagsisikap na ibangon ang kanyang malakas na impliwensya sa taumbayan laluna sa panggitnang pwersa sa pamamagitan ng pagiging aktibo nito sa usaping pampulitika. Humihilera ngayon ang Simbahan sa burges na oposisyon. Ang layunin nito ay pigilan ang masang anakpawis na tahakin ang rebolusyonaryong landas ng pakikibaka.

Maging ang charter change ng administrasyon ay hindi na pangunahin para palawigin ang termino ni Gloria lagpas sa 2010 kundi para idirehe ang burges na konstitusyon para subukang isalba ang naghihingalong ekonomiya ng bansa. Ang tunay na layunin ng cha-cha ni Gloria ang nais itago ng burges na oposisyon at nilalason ang utak ng mamamayan na ito ay para sa pampulitikang ambisyon ni Gloria na manatili sa Malakanyang lagpas sa 2010.

Itinatago ng oposisyon ang tunay na layunin ng cha-cha dahil wala namang problema sa kanila  ang pagbabago sa konstitusyon para patuloy na pagsamantalahan ang masang anakpawis. Ang kasalukuyang konstitusyon man o panibagong konstitusyon ay kapwa walang halaga sa uring proletaryo dahil ito ay isang burges na konstitusyon sinuman ang nasa kapangyarihan.

Si Gloria mismo, maka-Gloria o anti-Gloria man ang uupong pangulo sa 2010 ay walang pagbabagong mangyari sa aping kalagayan at hirap na kabuhayan ng manggagawang Pilipino.  

Ang kilusang maka-chacha at anti-chacha ay hindi larangan ng labanan ng manggagawang Pilipino para susulong at uunlad ang kanyang sariling kilusan. Uunlad ang independyenteng kilusan ng manggagawa batay sa kanyang makauring mga isyu laban sa estado at sa lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri.

Iisa lamang ang malinaw na pinakita sa bangayang ito: inutil ang kongreso/senado at ang kapangyarihan ay wala sa mga institusyong ito kundi nasa ehekutibo. Ito ang katangian ng estado sa panahon ng dekadenteng kapitalismo: ang kapangyarihan ay nasa ehekutibo na at wala na sa parlyamento hindi katulad noong 19 siglo kung saan sumusulong pa ang kapitalismo.

Ang nalalantad ay ang kutsabahan ng nag-aaway na mga paksyon ng burgesya – Kanan at Kaliwa, administrasyon at oposisyon – para patuloy na palakasin ang ilusyon na may silbi pa ang burges na eleksyon at parlyamentarismo para “ipagtanggol” at “isulong” ang interes ng masang api. Tiyak sa susunod na taon ang mga kilos protesta ng Kaliwa at mga “proyektong pangserbisyo” ng administrasyon ay magsisilbi na para sa eleksyon sa 2010. Nitong mga huling bahagi ng taon lang ay namayagpag na ang mga bandila ng Kaliwa na may kaakibat na “patylist” para sa prodyeksyon ng kani-kanilang partido pulitikal at simula pa noong nakaraang taon ang mga pulitikong may planong kakandidato ay nagsilabasan na sa TV at naririnig na sa radyo sa iba’t-ibang tipo ng advertisement at “pampublikong serbisyo”.

Sa lalim ng krisis ng sistema, humantong na sa armadong alitan at labanan ng mga paksyon ng naghaharing uri hindi lamang sa pagitan ng AFP at NPA, AFP at MILF, kundi maging sa loob mismo ng sandatahang lakas ng estado – AFP at mga rebeldeng militar.

Kung tumitindi ang bangayan ng mga paksyon sa loob ng administrasyon at burges na oposisyon, ganun din sa loob ng Kaliwa ng burgesya. Ang mga paksyon ng CPP-NPA-NDF, PMP, MLPP, RPA-ABB, BISIG-AKBAYAN-APL, at iba pa ay patuloy na naglaban-laban at nagpaligsahan kung sino sa kanila ang “sasambahin” ng sambayanang Pilipino na “tunay” na rebolusyonaryo at progresibo. Humantong din ito sa armadong labanan at asasinasyon ng kanilang mga lider.

Dagdag pa, maging ang ideolohiya ng Kaliwa na sinasamba ng kani-kanilang mga disipulo ay ginawa din nilang larangan ng paligsahan kung sino ang “tunay” na sumasamba at baliw na sumusunod: ang maoismo ng CPP ay binansagang rebisyunista ng isang grupo ng mga maoistang Pilipino na kumikilala sa “maoismo-thirdworldismo” bilang rurok ng kahibangan ng maoismo habang ang MLPP ay “nagmuni-muni” na kung kilalanin pa ba ang sarili na maoista. Ang trotskyismo naman ay pinag-aagawan ng iba’t-ibang grupito gaya ng RGK na kunin sa altar ng gangster na RPA-ABB.

Ang “marxismo-leninismo” naman ay napunit dahil sa tunggalian ng dalawang paksyon na maka-Lagman. Kapansin-pansin ngayon ang paghihiwalay ng mga pagkilos ng PM sa isang banda at Sanlakas/BMP sa kabilang banda. Nagsimula ito matapos ang eleksyon noong 2007 kung saan natalo ang PM sa partylist eleksyon. 

Ang mga grupito naman ng mga anarkista sa Pilipinas ay nakasentro sa kabataan na galit sa lahat ng tipo ng awtoridad. Nagkasya sa kampanyang vegetarian at parsyal na pakikibaka at bandalismo sa lansangan. Indibidwalismo at samahan ng awtonomiyang maliitang mga grupo ang dalda-dala nilang ideolohiya. 

Ang lahat ng ito ay manipestasyon lamang na tumitindi at lumalalim ang krisis ng bulok na sistemang pinagtatanggol nilang lahat. Ang dekadenteng kapitalismo ay nasa kanyang huling yugto na – yugto ng pagkaagnas o dekomposisyon.

Sa ngayon, para sa burgesyang Pilipino, mas epektibo pa ang papel ng Kaliwa na maging oposisyon para makapaghasik ng ilusyon sa manggagawang Pilipino. Titingnan na lang natin sa susunod na taon o sa 2010 eleksyon kung magkasundo na ba ang uring kapitalista na iluklok sa Malakanyang ang Kaliwa gaya ng ginawa nila sa Latin Amerika.

Ang paglaban ng manggagawang Pilipino

12. Namayagpag pa rin sa 2008 ang mga mutl-sektoral na kilusan kung saan ang lumalahok na manggagawa ay lumahok bilang mga indibidwal at nalusaw sa buhangin ng kategoryang “sambayanan”. Nanatiling halos wala ang independyenteng kilusang manggagawa. Walang nangyaring malalaking welga ng manggagawa laban sa atake ng kapital. Mangilan-ngilan lang din ang mga welga sa antas pabrika na pinamunuan ng mga unyon kung saan ang layunin ay para sa negosasyon ng CBA at karamihan ay nauwi sa pagkatalo.

13. Ang dumarami sa antas pabrika, ay ang mga nagsasariling pulong at diskusyon ng mga grupo ng manggagawa na nagpahayag ng diskontento at galit sa pang-aabuso at pagsasamantala ng kanilang among kapitalista. Karamihan sa mga ito ay nagsimula sa 3-10 manggagawa hanggang sa umabot sa 20 o higit pa subalit nanatiling minorya sa kabuuang bilang ng manggagawa sa pabrika. Naghahanap sila ng mga kasagutan at kagyat na solusyon sa kanilang aping kalagayan. Dahil napakalakas ng impluwensya at mistipikasyon ng unyonismo, karamihan sa mga grupong ito ay kusang lumapit sa mga unyon ng Kaliwa at sa tulak ng kanilang mga Pederasyon at partidong elektoral ay nauwi at nagtapos sa pagtatayo ng unyon. Ang iba naman sa mga grupong ito ng manggagawa ay direktang pumunta sa NLRC para magsampa ng kaso laban sa kanilang mapagsamantala at abusadong amo.

May ilang pangyayari na may ilang pabrika na kusang nag-organisa ang mga manggagawa para labanan ang pang-aabuso ng kanilang amo o superbisor na walang anumang impluwensya ng unyonismo o ng mga organisasyon ng Kaliwa. Nangyari ito nitong huling bahagi ng 2008 sa ilang pabrika ng MEPZA sa Cebu at malamang may mga ganito ding kaso sa ibang bahagi ng Pilipinas na hindi lang naprodyek sa media o kaya ay madaling natransporma ng Kanan at Kaliwa sa pagtatayo ng unyon.

14. Sa pangkalahatan, nanatiling malakas ang impluwensya ng unyonismo sa Pilipinas sa hanay ng diskontentong mga manggagawa dahil karamihan sa mga kapitalista (na may sahurang alipin mula 500 pababa) ay tutol na magtayo ng unyon kahit ito ay nakasaad sa burges na Konstitusyon. Karamihan sa mga kapitalista sa Pilipinas ay maliliit at impluwensyado ng peti-burges na kaisipan na ayaw nila ng may kasama (unyon) sa pagsupil sa mga manggagawa dahil maobliga sila na magbigay ng ilang mga panandaliang konsesyon sa masang api sa pamamagitan ng CBA para maikulong sa unyonismo ang huli. Kabaliktaran naman ito sa malalaking kompanya na may 500 manggagawa pataas na madulas ang pagtatayo ng unyon dahil kailangan ng kapitalista na may katuwang sa pangangasiwa at pagdisiplina sa kanyang maraming manggagawa. Ganun pa man, ang mga malalaking kompanyang pang-eksport na nasa export processing zone kasabwat ang estado ay matibay ang polisiyang “walang unyon at walang welga” hindi pa dahil ayaw nila sa unyon kundi ayaw nila sa welga. Pang-engganyo din ang polisiyang ito sa mga dayuhang kapitalista na sa mga export processing zones mayroong “industrial peace”.

Sa loob ng halos 100 taong pangingibabaw ng mga ideolohiya ng Kaliwa sa Pilipinas – Stalinismo-Maoismo, “Marxismo-Leninismo”, Trotskyismo at Anarkismo – at ng unyonismo hindi lumakas ang independyenteng kliusan ng manggagawang Pilipino. Sa halip, patuloy ito sa paghina at paglaganap ng demoralisasyon.

15. Ganun pa man, may liwanag pa rin sa hinaharap na magkaroon ng independyenteng kilusan ang manggagawang Pilipino.  Una, ang lumitaw na mga nagsasariling grupo at diskusyon ng mga manggagawa ay binhi na para simulan nila ang sariling pagsusuri sa kanilang kalagayan. Pangalawa, ang karanasan mismo nila sa unyonismo ang magtutulak sa kanila na kumilos labas sa bilangguang ito. Pangalawa, bilang bahagi ng internasyunal na uri, ang paglakas ng mga paglaban ng mga manggagawa laluna iyong labas na sa balangkas ng unyonismo sa abanteng kapitalistang mga bansa ay may impluwensya sa kamulatan ng manggagawang Pilipino.

Malaki ang pundamental na pagkakaiba ng makauring tunggalian ngayon sa gitna ng pinakamatinding krisis ng kapitalismo magmula 1960s kumpara noong 1930s. Ang krisis sa 1930s ay sumabog matapos ang pandaigdigang pagkatalo ng internasyunal na kilusang manggagawa habang ang krisis ngayon ay sumambulat sa panahon na bumabangon ang internasyunal na paglaban ng uri na nagsimula noong 2003.

Sa pagputok ng kasalukuyang krisis nitong Setyembre-Oktubre na sinimulan ng EU, tinugunan ito ng mga manggagawa sa iba’t-ibang panig ng mundo ng militanteng paglaban[8].

Perspektiba sa taong 2009

16. Sa paglala ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa susunod na taon, asahang lalupang titindi ang mga atake ng estado at uring kapitalista sa mga manggagawa – tanggalan, rotation of work, pagbawas ng oras pagtrabaho, sarahan, atbp. Lalong babagsak ang tunay na sahod ng manggagawa at lalala ang kahirapang mararanasan nito.

Ang pangunahing indikasyon ng malalang krisis ay ang pagdami ng mga walang trabaho at kulang ng trabaho. Sa kasalukuyan mayroong mahigit sa 4.1 milyon walang trabaho at 6.8 milyon kulang ang trabaho. Tiyak na madagdagan ito sa susunod na taon. Ang kagyat na tatamaan ay ang mga industriya at serbisyong pang-eksport gaya ng electronics na 67% sa eksport, mga apparel at clothing na 5% at furniture at woodcraft na 2% noong 2007. Hindi pa kasama dito ang business process outsourcing (BPO) na may kasalukuyang 320,000 manggagawa. Ang sektor sa manupaktura ay nagtanggal na ng 125,000 manggagawa noong 2007.

Malaki din ang posibilidad na kung walang epekto ang bail-out ng mga estado sa Unang Daigdig sa kani-kanilang mga bangko at sa halip ay lalawak pa ito sa mga sektor ng manupaktura at industriya (na siya na ngang nangyari), magkaroon din ng malaking problema ang mga malalaking bangko sa Pilipinas gaya ng naranasan ng mga bangko sa abanteng mga bansa.[9]    

17. Sa kabilang banda, pangunahing pokus na ng Kanan at Kaliwa ay ang paghahanda para sa eleksyon sa 2010. Iinit ang batohan ng putik sa pagitan ng administrasyon at oposisyon, kampanya sa panghihikayat sa masang anakpawis na bumoto para ilabas ang galit sa administrayon,  at pagpapalakas ng mistipikasyon sa burges na demokrasya at eleksyon. Maging ang mga kilusang protesta ng Kaliwa ay sa eleksyon na magsisilbi at prodyeksyon ng kani-kanilang mga elektoral na partido. Naghahanda man sa eleksyon sa 2010, aasahang tatalas at titindi pa ang bangayan ng mga paksyon ng naghaharing uri na posibleng sasabog sa armadong labanan bago o pagkatapos ng eleksyon.

18. Palalakasin kapwa ng Kanan at Kaliwa ang panawagan para sa pambansang pagkakaisa at hindi para sa makauring pagkakaisa; ang panawagan para ipagtanggol ang demokrasya at pambansang interes para mailayo ang uring manggagawa sa mga pakikibaka na direktang tumatahak sa landas para ibagsak ang estado at ang sistema. Magmamaligsahan ang mga ito na kunin ang suporta ng mga makabayang kapitalistang Pilipino para ipagtanggol ang pambansang kapitalismo. Mapagpasya ang papel ng mga elektoral na partido ng Kanan at Kaliwa, mga unyon, simbahan at media para mahikayat ang aping proletaryado sa mistipikasyon ng eleksyon  at malusaw sila bilang uri sa mga multi-sektoral na kilusan.  

19. Bagamat lalong humina dahil sa sunod-sunod na kabiguan ng armadong rebelyon at pagkahuli ng kanilang mga lider, hindi pa rin lubusang naglaho ang mga grupo ng mga rebeldeng militar na patagong sinusuportahan ng mga paksyong kontra-Arroyo. Hindi malayong gagamitin ang mga grupong ito bago at pagkatapos ng halalan sa 2010 laluna kung matatalo na naman ang burges na oposisyon sa pandaraya ng naghaharing paksyon.

20. Ang napakaliit na bilang ng mga komunista sa Pilipinas ay may napakabigat na tungkuling makapag-ambag para organisahin ng manggagawang Pilipino ang kanilang sarili sa panahon  mismo ng kanilang pakikibaka. Maaring abutin pa muna ng ilang taon bago iigpaw ang kamulatan ng manggagawang Pilipino. Pero pabibilisin ito ng lumalalim na krisis ng pandaigdigang kapital at ng mabilis na pagkalantad ng Kaliwa at mga unyon sa pandaigdigang saklaw bilang kakampi ng kanilang mortal na kaaway.  

Sentral na tungkulin ng mga komunista sa Pilipinas na tulungan ang kanilang uri para sa ekstensyon ng mga pakikibaka upang mapigilan ang mga atake ng uring kapitalista. Nasa mga pakikibaka mismo ng uri ang kondisyon para organisahin nila ang kanilang sarili at mapaunlad ang makauring kamulatan at wala sa unyonismo, parlyamentarismo/elektoralismo o gerilya-ismo.

21. Subalit walang ilusyon ang mga komunista na sa malapit na hinaharap ay pakinggan ng malawak na manggagawa ang pagsusuri at panawagang nakabatay sa internasyonalismo at independyenteng kilusang manggagawa. Ang malamang makikinig at makipagdiskusyon sa mga komunista ay ang iilan, subalit dumaraming mga elemento na naghahanap ng teoretikal na klaripikasyon para sa tunay na pagbabagong panlipunan.

Sa kasalukuyang balanse ng pwersa sa pagitan ng burgesya at proletaryado; sa pagitan ng rebolusyon at kontra-rebolusyon, malaking tagumpay na para sa mga komunistang Pilipino ang pagdami ng mga elementong seryosong makipagdiskusyon hinggil sa Marxismo at kritikal na nagsusuri sa pulitika at ideolohiya ng iba’t-ibang grupo ng Kaliwa laluna sa usapin ng nasyunalismo, pambansang pagpapasya at unyonismo.

Anu’t-anuman, ang sukatan kung lumalakas ba ang kilusang manggagawa ay hindi ang partikular na bahagi lamang ng uri na nakabase sa pambansang antas kundi ang kilusang manggagawa sa pandaigdigang saklaw na malaki ang posibilidad na lalakas pa sa susunod na taon. Ang kilusang manggagawa ay isang internasyunal na kilusan. Ang kilusan para sa sosyalismo ay isang pandaigdigang kilusan. At ang paglakas ng internasyunal na kilusang manggagawa ang maging inspirasyon at magtulak sa manggagawang Pilipino (na bahagi ng internasyunal na kilusang ito) na hawakan ang kanilang pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay – labas sa unyonismo at mistipikasyon ng nasyunalismo.

INTERNASYONALISMO

Disyembre 2008



[1] Walang tutol ang Kaliwa sa kapitalismo ng estado dahil para sa kanila basta palitan lang ang karatula ng “gobyerno ng bayan” o “gobyerno” ng manggagawa ito ay “sosyalismo” na o “progresibo” na. Para sa Kaliwa, ang isang gobyerno na kontrolado ng isang “partido komunista” kasama ang “progresibong” makabayang kapitalista ay isa ng “hindi kapitalistang bansa”. Tahasang binaluktot ng Kaliwa ang marxistang pagsusuri na ang estado ay kailangang durugin para makamit ang komunismo.

[2] Dumoble ang kalakalang eksport-import ng Pilipinas kumpara noong 1980s. Ang foreign direct investment (FDI) naman ay tumaas ng 15%-18% o US$19.0 bilyon nitong 2007. Ang isa sa pinakamalaking eksport ng Pilipinas – ang lakas-paggawa o OFWs – ay nakapagbigay ng US$14.5 bilyon remittance noong nakaraang taon o 10% sa of GDP.
 

[3] Lumabas na sa mga dyaryo ang libu-libong OFWs na natanggal sa trabaho kung saan ang pinakahuli ay ang mahigit 1,000 OFWs sa Taiwan. Gaya ng inaasahan, habang inamin ito mismo ni Gloria Arroyo, sinabi naman niya na “trickle” lang ito sa kabuuang OFWs para “pakalmahin” ang kanyang nasasakupan at panatilihin ang tiwala sa kanyang paghahari. Ganito din ang diliryo ni George Bush Jr. ilang linggo bago pumutok ang krisis sa Amerika noong Setyembre.

[4] Ang utang ng Pilipinas ay umabot na sa P3.798 trilyon nitong nakaraang taon. Ang babayarang interes ng estado ay P1.165 bilyon kada minuto. Kaya ang ginagawa ng gobyerno ay mangutang para pambayad sa utang! Ibig sabihin, ang bawat Pilipino ay may kasalukuyang utang na P42,637.88 at patuloy itong lalaki.

[5] Kaya napahiya si GMA noong sinabi niya sa media na may nakalaang bilyun-bilyong dolyares ang IMF-WB para tulungan ang mga ekonomiya ng Asya na alyado ng Amerika ng ang huli mismo ang nagsabi sa publiko na wala itong perang nakalaan para tulungan ang mga bansang ito. Katunayan, bumaba ang official development assistance para sa Pilipinas ng 30% o US$9.2 bilyon sa 2007 mula sa US$13.2 bilyon sa 2001.  

[6] Ang Japan at USA ay opisyal ng nagdeklarang nasa resesyon. Itinago ng USA ang kanyang resesyon na nagsimula pa noong Disyembre 2007 bago nahihiyang hayagang aminin sa publiko..

[7] Hindi na bago sa Pilipinas ang pagkontrol ng estado sa ekonomiya gamit ang ideolohiya ng nasyunalismo at pagtatanggol sa pambansang interes. Ginawa na ito ng rehimeng Disodado Macapagal sa kanyang ‘Filipino First Policy’ at ng diktadurang Marcos sa kanyang ‘Revolution from the Above’ at ‘New Society’.

[8] ‘The working class is already responding to the capitalist crisis’, World Revolution no. 320, www.internationalism.org

[9] Naramdaman na ito ngayon ng mga maliliit na mga bangko laluna ng mga rural banks. Nitong Disyembre lang, pitong rural banks na ang nagdeklara ng bank holidays o sa madalita salita, pagkabangkarota.

December 11, 2008

The working class is already responding to the capitalist crisis

The ‘financial crisis’ is the top story in the bourgeois media. Wall to wall coverage helps to obscure the international movement of the working class which alone can provide a solution to the crisis.

The International Labour Organisation has said that in industrialised countries wages will fall 0.5% during 2009. Based on past research the Global Wage Report 2008/9 shows that for each 1% drop in GDP per capita average wages fall by 1.55%. Recessions hit workers hardest. The Director General of the ILO admitted that "For the world’s 1.5 billion wage-earners, difficult times lie ahead." In particular "Slow or negative economic growth, combined with highly volatile food and energy prices, will erode the real wages of many workers, particularly the low-wage and poorer households." In addition the ILO predicts that that the global financial crisis will make at least 20 million more people unemployed. Already, in November the US economy lost 533,000 jobs, the biggest monthly job loss since 1974; and at the time of writing the ‘Big Three’ car companies in the US, Ford, GM and Chrysler are on the verge of collapse and have gone cap in hand to Washington, desperate for the government to bail them out. In Britain, unemployment figures for November were the worst for 11 years. The same story could be told all over the world.

 For the working class the crisis arrived a long time before banks started collapsing and stock markets panicked. Workers have already been struggling against the impact of the economic crisis throughout the last five years. These struggles are not yet massive, but they are already significant, facing the manoeuvres of the unions and repression from the state.

Who controls the struggle?

In Italy government plans to cut more than 130,000 jobs in the education sector (two thirds of them actual teaching posts) led to a wave of protests for several weeks in October and November. There were hundreds of occupations of schools and universities, hundreds of demonstrations, all sorts of meetings, and lecturers taking their lessons into public places, open to all. Despite government accusations that this was all a left-wing plot, the protests were mostly not run by traditional opposition parties. Occupations involved both teachers and pupils. Demonstrations attracted parents, teachers, pupils, students and other workers. At the end of October there was a massive demonstration in Rome. Even allowing for the exaggerations of demo organisers (they claimed more then a million were on the street) this attracted hundreds of thousands from a whole range of sectors.

Alongside the protests were strikes in other sectors, both private and public; in particular, in early November, a one-day national transport strike that affected trains, buses and metros. There have also been unofficial strikes by Alitalia staff. As an article in the International Herald Tribune (11/11/8) said of unrest at the bankrupt airline: "The unions themselves dissociated themselves from the strike." It also quoted an academic airline analyst: "My feeling is that these wildcat strikes are semi-spontaneous and the results of a small minority, which seems to point to the fact that the various unions have increasingly diminished control over their members." Here’s a frank acknowledgement that a) the unions’ function is to control workers, not fight for them and b) increasingly they’re finding it difficult to do this job. This describes a situation that’s not unique to Italy, but has worldwide relevance.

Unions sell the crisis

600,000 engineering workers were involved in a series of rolling strikes, demonstrations and rallies in Germany in early November. With different actions in different places or in different companies on different days, this divided workers’ energies and undermined the possibility of a united struggle. It was organised that way by the IGMetall union as part of its strategy before negotiations with employers that would affect 3.6 million workers. IGMetall threatened an all-out strike to back up an 8 percent pay demand, but in the end settled for an 18-month deal that give a 2.1% rise from February followed by another 2.1% from May. Having limited the potential of workers’ struggles in the first place "Berthold Huber, IG Metall general secretary, said the result was ‘fair’ given the ‘historically difficult situation’" (Financial Times 12/11/8). The plea for workers to make sacrifices for capitalism’s ‘difficult situation’ will surely soon wear thin through repetition.

Echoing the protests in Italy, in mid-November school students walked out of classes and 100,000 joined protest demonstrations in over 40 German cities. The anger at the conditions in which they work (overcrowded classes, not enough teachers, the intense pressure of exams etc) shows that the education system has not yet succeeded in preparing them to passively accept their future conditions when they will be working for wages.

Struggles across Europe

During October there was a wave of strikes in Greece. It culminated in a nationwide one-day strike that involved the public sector, transport etc, as well as hundreds of thousands of workers from the private sector. Still dominated by the unions, the demands ranged from those that directly affected workers (pay, pensions) to issues that the ruling class builds campaigns around, like privatisation and opposition to government bail-outs of the main banks. It is noteworthy that there was also a general strike of shop workers - the day after. Yet again the unions divide and rule

There was also a wave of school occupations, some 300 across Greece during October. The government challenged the occupations’ legality and arrested students involved in demonstrations. Similar protests have been going on since new legislation was introduced in 2005.

In France during November there was a 4-day strike on Air France, and a national 36-hour rail strike.

During October there was a nationwide strike in Belgium affecting a number of sectors protesting over rising prices.

China is no exception

There was once foolish speculation that the Chinese economy could rescue the rest of world capitalism, or at least withstand the deepening crisis. In reality, such an export-led economy was bound to suffer when its customers started cutting back. Far from remaining aloof from the financial crisis, in mid-November "China unveiled a huge fiscal stimulus package designed to prevent its economy from slumping next year" (Financial Times 10/11/8). This involved a massive package of projects aimed at increasing domestic demand in the face of declining exports. With a value of nearly a fifth of Chinese GDP it rivals the measures introduced by states in Europe and the US.

In October the Financial Times (29/10/8) had already reported that "Signs are growing that China’s economy could be cooling quicker than expected, with a string of big industrial companies announcing production cuts over the past week." This, in turn, should be put in the context of the official statistics for the first half of the year that admitted at least 67,000 factory closures. This could easily be in six-figures by the end of the year. With millions having left the country for the cities no wonder the Chinese Minister of Human Resources and Social Security said the employment situation in China is "grim."

This is the real state of the economy and there have already been extensive responses.

"China has told police to ensure stability amid the global financial crisis after thousands of people attacked police and government offices in a northwestern city in unrest triggered by a plan to resettle residents. After decades of solid economic growth, China is battling an unknown as falling demand for its products triggers factory closures, sparks protests and raises fears of popular unrest." There have already been "labour protests in the country’s major export regions, where thousands of factories have closed in recent months, prompting fears the global financial crisis could stir wider popular unrest (Reuters 19/11/8)."

Today in China there are protests against rising prices and unemployment. With future job losses already forecast in their millions it is easy to see why the Chinese state is concerned about the prospects for social stability. The fact that the police are its weapon of choice shows that Chinese capitalism doesn’t expect to have an economic answer to the effects of the global crisis, and will have to resort, as usual, to repression against workers’ struggles. That doesn’t preclude the possibility that the ruling class there will allow a certain development of ‘independent’ trade unions, since the latter would be far more effective at absorbing social discontent than the official unions.

The crisis of capitalism is worldwide. But so is the response of the working class. What is needed above all is for workers to become conscious of the real dimension and significance of their struggles, because they contain the seeds of a global challenge to this tottering social order.  

Car 6/12/8






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Minz Meyer

Modified by d.worker