INTERNASYONALISMO

WORKERS OF THE WORLD, UNITE!

Workers have no country. Their class interest have no boundaries.

August 12, 2006

Rebel Soldiers

Filed under: Philippine Politics

Sundalo Para sa Panlipunang Pagbabago, Hindi Para sa Isang Paksyon ng Naghaharing Uri

Isa sa manipestasyon na tuloy-tuloy ang paglalim ng krisis ng isang bulok na panlipunang sistema ay ang pagiging marahas ng bangayan ng mga paksyon sa loob ng naghaharing uri. Marahas na bangayan na umabot sa loob mismo ng pangunahing instrumento ng estado – ang armadong pwersa.

Ang burges na eleksyon na siyang arena ng labanan ng naghaharing uri kung anong paksyon ang hahawak sa estado poder ay hindi na uubra na natatanging rule of the game sa pagkontrol sa estado poder. Sa panahon ng nangangamoy na kabulukan ng sistema at lumiliit ang pinaghatiang kulimbat na yaman mula sa masang anakpawis, hindi maiiwasang ang kasalukuyang paksyong may hawak ng kapangyarihan ay gamitin ang lahat ng rekurso ng estado upang hindi mapalitan ng paksyong wala sa kapangyarihan panahon ng eleksyon.

Hindi bago ang dayaan sa halalan ng mga paksyon ng naghaharing uri na naglalabanan. Mula pa noong 1946 ay ganito na ang kalakaran. Tumindi ito noong 1972 ng binago ni Marcos ang patakaran ng laro at sinolo ng kanyang paksyon ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pasistang diktadura. Kaya ang isyu ng lehitimasya ay mahigit 50 taon ng kalakaran ng naghaharing uri sa Pilipinas.

Nagawa ni Marcos na ipataw ang batas militar dahil unang-una solido niyang nakonsolida ang AFP. Katunayan, ito ang naging instrumento niya sa pagpapatupad ng pasismo sa bansa. Subali’t sa paglakas ng kilusang masa sa kalsada laluna simula noong 1983 matapos patayin ng paksyon ni Marcos si Ninoy Aquino, ang kanyang numero unong kaaway at tanyag na burges na politiko, lalong tumindi ang bangayan sa loob ng naghaharing uri at kahit sa loob mismo ng paksyong Marcos. Ang bangayang ito ay umabot na sa loob ng AFP.

Nahati ang paksyong Marcos. Ganundin din ang AFP. Ang dating mga pasistang berdugo ng diktadurang Marcos ay biglang naging “maka-demokratiko” – Gen. Ramos at DND Sec Enrile. Isang paksyon ng AFP – RAM — ay “kumampi” sa masang nakibaka sa kalsada at nangyari ang Edsa Revolution sa 1986.

Mula noon nadagdagan na ang rule of the game ng naghaharing uri. Hindi na lang burges na eleksyon kundi kasama na ang rebelyong militar at kudeta. At sa bawat pag-aalsa at kontra-pag-aalsa dala-dala ng bawat paksyon ang katagang “pagmamahal sa bayan” at “demokrasya”.

Sa bawat “laro” ng naghaharing uri taga-masid lamang ang mahihirap na manggagawa, tagapalakpak sa kung sino ang mananalo na siyang pinakamalakas ang sigaw ng “pagmamahal sa bayan” at “demokrasya”. Ang bawat martsa sa kalsada ng libu-libong masa at welga ng manggagawa ay nauuwi sa pag-upo ng isa na namang galing sa uring mapagsamantala. Ito ang masaklap na karanasan ng manggagawang Pilipino sa dalawang “Edsa People Power Revolution”.

Maging sa kasaysayan ng ibang bansa hindi na rin bago ang mga rebelyong militar at pag-aalsa. At tulad sa Pilipinas hindi nagbago ang sistemang panlipunan, sa halip ay lalo pa itong naging bulok at mapagsamantala. Mula Central America, Africa at Asia ito ang nangyayari dahil bulok at nangangamoy na ang pandaigdigang sistemang kapitalista.

Ang uring manggagawa bilang uri ay tumataas ang kamulatan mula sa kanyang karanasan sa pakikibaka. Bilang uri, ito ay nag-iisip.

Wala pang nakikita ang uring manggagawa na grupo ng mga rebeldeng sundalo na ang layunin ay ibagsak ang bulok na kapitalistang sistema, na siyang puno’t dulo ng paghihirap ng malawak na masang anakpawis.

Sa halip, unti-unting lumilinaw sa uri na gagamitin lamang sila, gamitin lamang ang kanilang militanteng pagkilos sa kalsada para may popular na bihis ang papalit na isang paksyon ng kapitalista-haciendero sa kasalukuyang kinamumuhiang paksyon na  nasa poder. Lahat ng paksyon ng burgesya ay magkatulad ang layunin – isalba ang naghihingalong bulok na sistema. Kaya ang uring manggagawa ay walang kinakampihan sa naglalabanang paksyon – pro-Gloria at anti-Gloria. Hindi na lumalabas sa kalsada ang daan libong manggagawa.

Alam na ng manggagawa na panloloko lamang ng mga paksyon ng burgesya ang paggamit sa katagang “pagmamahal sa bayan” at “demokrasya” para manatili ang kanilang makauring diktadura.

Ang unang-unang gawin ng mga rebeldeng sundalo na sinsero sa panlipunang pagbabago ay palitan ang “Sundalong Tapat sa Pilipino” tungo sa “Sundalong Tapat sa Uring Manggagawa Laban sa Kapitalistang Sistema”. Sa ganitong paraan lamang magkaisa ang manggagawang nakibaka laban sa kapitalismo at ang mga sundalong nakibaka para sa panlipunang pagbabago.

6 Comments »

The URI to TrackBack this entry is: http://internasyonalismo.blogsome.com/2006/08/12/rebel-soldiers/trackback/

  1. I think the rebel soldiers especially the group headed by Gen. Lim are true patriots. All freedom loving Filipinos should support their cause. They are our inspiration for a better government.

    By the way, what Internasyonalismo means? Kayo ba ay taga ibang bansa na dito nakatira sa Pilipinas?

    Comment by botyok — August 12, 2006 @ 8:04 am

  2. Botyok, i agree with you that Gen Lim and the rest of the rebel soldiers are patriotic. But do you really think that the current crisis affecting the phillipines today can be solved by patriotism? The rebel soldiers may be patriotic, if such adjective is indeed appropriate, but they definitely lacked what it takes to be effective revolutionaries.

    The problems we face today go beyond the question of governance. The problems of unemployment, rural and urban poverty, environmental degradation, weak job security and precarious employment situation, are all but the effects of a dacaying social order brought about by the crisis inherent in the capitalist system. The solution, Botyok, is not simply to replace the President with another president. We’ve had so much experiences along that path, and so far, we only end up with conditions that worsen day after day.

    Revolution it is, Botyok. A revolution that is geared at smashing the foundations of capitalist exploitation. A revolution led and undertaken by the workers in the Philippines and around the world.

    That, botyok, is what we mean by INTERNASYOLISMO. Since the problem is an international system, the solution can only be posed at an international level.

    Comment by masoh — August 12, 2006 @ 6:52 pm

  3. Nationalism is the cornerstone of every revolution in history since Spanish colonialism occupied our land. On that motivation there were Rizal, Bonifacio, Dagohoy and Lapu-Lapu.

    We are oppressed because we lack national unity against any oppressor local or foreign. Gloria is still in power because the Filipinos are not united as one.

    Maybe capitalism is evil. But even without capitalism what will be the future of our country if majority of our countrymen ay walang pakialam sa nangyayari sa bansa natin?

    Comment by botyok — August 13, 2006 @ 1:02 pm

  4. Sa panahon ng pagbulusok ng kapitalismo hindi na progresibo ang nasyonalismo. Ang nasyonalismo nila Rizal at Bonifacio ay kaiba ng nasyonalismo ngayon.

    Sa panahon nila Rizal kung saan nasa pyudal na paghari ng kolonyalismong Espanyol ang bansa, isang progresibong adhikain ang nasyonalismo; ang pagkakaisa para sa isang bansang Pilipinas.

    Subalit pagpasaok ng imperyalismong Amerikano noong 1900s sa Pilipinas at sinakop tayo, iyon ay panahon na ng pagkasagad ng merkado ng pandaigdigang kapitalismo habang nagkaroon ng krisis sa sobrang produksyon.

    Wala nang “independyenteng bansa” mula noon. Lahat ng mga bansa sa daigdig ay kontrolado ng iba’t-ibang imperyalistang bansa o di kaya’y nagiging imperyalista na rin.
    Anong nangyari ng binigyan tayo ng pampulitikang kalayaan ng imperyalistang Amerika pagkatapos ng WW 2? Umunlad ba ang pamumuhay ng manggagawa at maralitang Pilipino? WALA.

    Anong nagyari sa atin noong panahon ng WW 2? Di ba nahati tayo sa pagitan ng imperyalismong Hapon at imperyalismong Amerikano sa ngalan ng “pagmamahal sa bayan”. Di ba “pagmamahal sa bayan” ang rason ni Jose Laurel ng pumanig siya sa imperyalismong Hapon at ganun din si Manuel Quezon ng pumanig siya sa imperyalismong Amerikano?

    Ngayon naman ay nanawawagan ang isang paksyon ng kapitalistang Pilipino na wala sa kapangyarihan ng pagkakaisa. Ang mga rebeldeng sundalo naman ay nanawagan ng pagkakaisa para sa inang bayan. Ang tanong, sinong ang makinabang sa pagkakaisang iyan para sa “inang bayan”? Hindi pa ba sapat ang masaklap na karanasan natin sa 2 Edsa Revolution kung saan nagkaisa tayo pero ang isang paksyon lamang ng burgesyang Pilipino ang nakinabang?

    Ang karanasan ng iba’t-ibang bansa mula China, Cuba, Vietnam, Nicaragua at marami pang iba ang dagdag na patunay na ang burgesya lamang ang nakinabang sa nasyonalismo at hindi ang uring manggagawa.

    Hindi maaring sa ilalim ng bandila ng nasyonalismo o pagmamahal sa inang bayan maiahon ang manggagawa at maralita sa kahirapan kundi sa ilalim ng makauring pagkakaisa laban sa bulok na kapitalistang sistema.

    Comment by 1917 — August 14, 2006 @ 11:05 am

  5. We have already gone beyond the age of nationalism and patriotism. No matter what we do; no matter what we advance under any parochial interest will never alter the fact that the world we live in is now a global community of nations. The once independent nation-states are now dependent on each other. Gone are the days where patriots and revolutionaries alike have to fight for every piece of land against any oppressors. The rules of the game have change, so must be the level of workers’ struggle. Try as hard as we can to drive the stakes of nationalism, of parochial struggle, all we will get is the same never ending cycle of exploitation of man against man, of the capitalist against the worker, of the rich against the poor. Conflicting national interests sows the seeds of hatred and anger, of famine and disease, of war and destruction. It prolongs the suffering of all peoples. As the gap between rich and poor widens, so is the barbarity of capitalism.The enemy is no longer confine within national borders, so must be our fight.

    Supporting one faction of the elite over another will only change the faces of leaders but never the dynamics of capitalist exploitation. So many have tried the path of nationalism, even going as far as masquerading under the banner of socialism, but where are they now? All of them ended up in the trashbin of history. Nothing has change within their national boundaries, but the way they sugar-coat themselves. The only solution really lies in our hands. We are the hands that toil each day. We are the working class. We have no country. Our class interest have no boundaries. Workers of the world, unite!

    Comment by d.worker — August 14, 2006 @ 3:26 pm

  6. Botyok,

    What would you do if years of changing the faces of the tenants in Malacanang still bring you poverty and unemployment? What would your options be if despite the EDSAs, we still end up with the elite lording it over us. What would you do if there is nothing that comes out from government but an endless litany of promises?

    Would you still believe when some so-called progressive sections call on you to oust the President?

    The people are not moving not because they are contented with the present order of things. The people are not mobilizing not because they believe in GMA. The people are not joining the protest movement because the movement itself is barking at the wrong tree.

    You dont solve the fundamental crisis by changing the face of the one lording over us. You solve the crisis by changing and smashing the system that allow the crisis to happen over and over again.

    The struggle, botyok, should be geared at smashing capitalism. The struggle that deserves our lives and our blood is the struggle that will liberate us from the bondage of capitalist rule and capitalist exploitation.

    That, to me, is the most meaningful and the only relevant revolution.

    Comment by masoh — August 14, 2006 @ 9:56 pm

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>

Please note that you need to be a registered member before you can post a comment. Comments are now also moderated and therefore will no longer appear immediately after posting. So please do not repost to avoid being tagged as a spammer
by our anti-spam system. If you want to register, please click HERE.



Anti-spam measure: please retype the above text into the box provided.






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Minz Meyer

Modified by d.worker