INTERNASYONALISMO

WORKERS OF THE WORLD, UNITE!

Workers have no country. Their class interest have no boundaries.

October 25, 2007

Gloria Arroyo Pardons Erap Estrada

Latest news ngayong gabi: PARDON NI GMA KAY ERAP…

Muli, ito ay patunay na lahat ng paksyon ng burgesya ay reaksyonaryo at isang ilusyon na meron pang progresibong paksyon. Patunay ito na madaling isantabi ng bawat paksyon ang kanilang paksyunal na alitan para organisadong labanan ang posibilidad ng pagbulwak ng kilusang masa laban sa sistema.

Ganun pa man, hindi rin mawawala ang patuloy na alitan ng mga paksyong ito para sa kani-kanilang paksyunal at personal na interes.

Patunay din ito ng malinaw na pagkakamali ng kaliwa sa kanilang taktikang "united front" o "popular front" kung saan kasama ang isang paksyon ng burgesya. Inderiktang may responsibilidad ang Kaliwa sa pangyayaring ito gaano man kalakas ang kanilang gagawing mga protesta laban sa PARDON.

May pundamental na mensahe ang uring manggagawa sa Kaliwa: HINDI KAMI SASAMA SA ANUMANG PAGKILOS NA KASAMA ANG ISANG PAKSYON NG BURGESYA. ANG ILUNSAD NAMIN AY ISANG INDEPENDYENTENG KILUSAN LABAN SA LAHAT NG PAKSYON NG BURGESYA, LABAN SA BURGES NA ESTADO AT SA KAPITALISTANG SISTEMA.

Ang kahinaan ng kilusang manggagawa ngayon ay totoong malaking problema para sa makauring kilusan. Pero hindi at hindi makapagpalakas sa kilusan ang "united front" kasama ang burges na oposisyon.

Ito ang kailangang matutunan ng mga taong kinikilala ang sarili na komunista at nasa taliba ng proletaryong kilusan.

Ang patuloy na naniniwala sa "united front" bilang taktika ay ang mga grupo at partido na gumagamit ng pulitika ng burgesya gaano man ka "rebolusyonaryo" o "ka radikal" ang kanilang mga lenggwahe at panawagan sa mamamayan.

2 Comments »

The URI to TrackBack this entry is: http://internasyonalismo.blogsome.com/2007/10/25/gloria-arroyo-pardons-erap-estrada/trackback/

  1. INDEPENDYENTE? haha! suicide talaga.. hindi ninyo kinikilala na may iba pang uri sa lipunan..

    ang aming panawagan..

    pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa
    sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo!

    ang sosyalistang rebolusyon ay pinamumunuan ng hukbong mapagpalayang na uri ng manggagawa
    kasama ang pangunahing pwersa na uring magsasaka!

    Comment by Pulang Silangan — October 25, 2007 @ 10:16 pm

  2. ang pambansang industriyalisasyon ay nagkahulugan lamang na ipagtanggol ang pambansang kapitalismo sa ilalim ng “popular front” na tinatawag na “democratic coalition government”…

    hindi hahantong sa sosyalistang rebolusyon ang pambansang industriyalisasyon. alam ito ng lahat ng mga marxista sa buong mundo. tingnan na lang natin ang kasaysayan ng mga tinatawag na “socialist countries” na nagpapatupad ng pambansang industriyalisasyon.

    walang ibang interesadong uri sa sosyalismo at komunismo kundi ang uring manggagawa dahil ang uring manggagawa lamang ang tanging rebolusyonaryong uri sa kasalukuyang panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo. ang mga nakaunawa ng Communist Manifesto ay malinaw na naintindihan ito.

    Comment by internasyonalista — October 26, 2007 @ 1:02 pm

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>

Please note that you need to be a registered member before you can post a comment. Comments are now also moderated and therefore will no longer appear immediately after posting. So please do not repost to avoid being tagged as a spammer
by our anti-spam system. If you want to register, please click HERE.



Anti-spam measure: please retype the above text into the box provided.






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Minz Meyer

Modified by d.worker