A Call for Class Unity for the Filipino Proletariat Amidst the Intra-Factional Conflicts of the Ruling Class in the Philippines
PANAWAGAN SA MANGGAGAWANG PILIPINO PARA SA MAKAURING PAGKAKAISA
Tumitindi at lumalala ang tunggalian sa loob ng naghaharing uri sa Pilipinas. Lalong nalagay sa depensibang posisyon ang paksyong Arroyo dahil sa desperadong mga hakbang nito para tangkaing konsolidahin ang kapangyarihan (ang pinakahuli ay ang pagpatalsik kay de Venecia bilang speaker of the house at ang pagdukot kay Lozada para mapigilan sana ito na tumistigo sa ZTE scandal). Ang mga kapalpakang ito ang sinasamantala ngayon ng burges na oposisyon upang muling banagon ang kampanyang anti-GMA.
Administrasyon man o burges na oposisyon ay parehong kaaway ng manggagawang Pilipino at maralita. Walang dapat kampihan o suportahan sa kanila. Ang lumalalim at lumalawak na diskontento ng masang anakpawis ay nakatuon sa pagsasamantala at pang-aapi ng estado bilang pangunahing instrumento ng buong naghaharing uri. Subalit ang diskontentong ito ay nais ilihis at hatakin ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya sa simpleng labanan ng mga paksyong maka-GMA at anti-GMA. Nais ng burges na oposisyon na ipako ang kamulatan ng masa sa anti-GMA at itago ang katotohanan na ang estado mismo at ang mga institusyon nito ang pangunahing kaaway ng uri.
Napatunayan na sa karanasan na isang patibong at nakakabaog ang pakikipag-alyansa at pakikipagtulungan sa alin man sa mga paksyon ng naghaharing uri para susulong ang makauring pagkakaisa at pakikibaka ng masang anakpawis.
Nanawagan kami sa manggagawang Pilipino at maralita na:
1. Huwag suportahan ang alin man sa mga paksyon ng burgesya (administrasyon at oposisyon) at huwag sumama sa mga pagkilos nila. Sa halip, ilunsad ng mga manggagawa at maralita ang mga pagkilos at pakikibaka na independyente at nakahiwalay sa mga paksyong ito.
2. Pagtuunan ng mga pakikibaka at pagkilos ang mga isyu at problemang pinapasan ng masang anakpawis ngayon – mababang sahod, walang mga benepisyo, kakulangan at kawalan ng trabaho, kontraktwalisasyon, at iba pa. Mapilitan lamang ang estado na magbigay ng konsesyon bagama’t pansamantala lamang kung magkaroon ng malawakang nagkakaisang pagkilos ang masang anakpawis. Ang mga malawakang pagkilos na ito ay hindi sektoral kundi buong uri; hindi antas pabrika at komunidad kundi maramihang mga pabrika at komunidad; hindi isang syudad kundi maramihang mga syudad.
3. Ang lakas ng pakikibaka ay nasa pagkakaisa ng malawak na manggagawa at maralita mismo; nasa kanilang sariling pagkakaisa at wala sa panghihingi ng suporta at tulong sa alin man sa mga paksyon ng naghaharing uri at sa mga pulitiko. At lalunang wala sa ibibigay nilang suporta at tulong.
4. Itakwil ang kaisipan na may maaasahan pa sa Kongreso na ngayon ay punong-puno ng katiwalian, bentahan at bilihan na naging arena ng maniobrahan ng mga reaksyonaryong mga paksyon at personalidad. Walang maasahan sa iba’t-ibang party-list at pulitiko sa loob ng Kongreso na nag-aastang "progresibo" at "maka-mahirap" . Nangangamoy na sa kabulukan ang Kongreso at ang pagpasok dito ay tahasang pagtraydor sa makauring interes ng masang api.
5. Matuto sa mga aral ng pakikibaka ng mga kapatid na manggagawa sa labas ng bansa na ngayon ay sumusulong batay sa sariling pagkakaisa. Matuto sa kanilang karanasan sa pagtatayo ng mga asembliya at konseho ng manggagawa bilang organo ng pakikibaka. Nasa pagkakaisa ng mga manggagawa sa buong mundo ang makapangyarihang lakas laban sa mapagsamantalang mga uri sa lipunan.
ANG EMANSIPASYON NG URING MANGGAGAWA AY NASA KAMAY MISMO NG MGA MANGGAGAWA. ITO LAMANG ANG TANGING DAAN TUNGO SA TAGUMPAY NG PAKIKIBAKA.
Nanawagan din kami sa lahat ng mga elementong seryosong nagnanais ng tunay na panlipunang pagbabago na kumilos sa abot ng kanilang makakaya na maunawaan ng malawak na manggagawa at maralita ang mga aral ng kanilang sariling karanasan sa nakaraan laluna ang mga aral kung bakit wala pa ring pagbabago sa kanilang naghihikahos na kalagayan sa kabila ng pagpalit-palit ng mga paksyon na nakaupo sa Malakanyang at sa pakikipag-alyansa ng Kaliwa sa isang paksyon ng naghaharing uri.
KAILANGANG MAGTULUNGAN ANG MGA REBOLUSYONARYONG ELEMENTO laban sa lahat ng mga maniobra at mistipikasyon ng burgesya.

Ang tingin ko, ang pinakaproblema natin ay ang sistema ng demokrasya natin. Kasi kung aalisin man siya para sugpuin ang korupsyon na nananatili pa rin yung problema sa ating demokrasya, hindi tuwirang masusulusyonan ito. Gusto ko munang maiangat yung ekonomiya ng bansa kaysa ipasa ang kapangyarihan sa isang tao na binoto lang dahil sikat siya.
Comment by Pian — February 28, 2008 @ 11:14 am
maraming salamat sa iyong opinyon Pia. kailangan talaga natin ngayon na makialam sa mga pangyayari sa lipunan. problema talaga natin ang demokrasya hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo. hindi dahil wala o kulang tayo sa demokrasya kundi ang demokrasya ngayon ay ginagamit ng mapagsamantalahang mga uri upang tayong mga manggagawa at mahihirap ay patuloy na alipinin.
Comment by internasyonalista — February 28, 2008 @ 1:13 pm
Below is a transcript of a supposedly wiretapped conversation between Joey and Jun I got from a website. Judge for yourself if Jun Lozada is indeed deserving to be treated a hero, but of course after ascertaining if this is genuine.
usapang udifuta
________________________________________
TRACK 3…
http://www.patriots4truth.blogspot.com
Joey (allegedly, Joey de Venecia): Hey Jun.
Jun (allegedly, Jun Lozada): Hey Joey.
Joey: Jun, can you hear me?
Jun: Yeah. Go ahead.
Joey: Yeah, where are you to put Chair (Abalos)?
Jun: Ang formula ko doon is kuha ako ng points dun sa 130.
Joey: Uh-huh…
Jun: Di ba? Kasi saan ko pa kukunin di ba? (laughs) Itong mga …
Joey: Kaya lang pare, we need to get some… at least from… something from them, di ba?
Jun: Yeah.. from both sides. P*t@ng!na…
Joey: Pare.. start from the thing.. Because he’s the gatekeeper of the votes. P*ta. I can understand, but not that amount.
Jun: Oh yeah. that’s too big, right. That’s too big.
Joey: Pare, let’s develop a plan to talk to him.
Jun: Yeah, yeah, yeah. So…
Joey: And you know what he told me, between you and I. When we were in Hong Kong… in Shenzen. Don’t quote me ha. Sabi niya kasi, marami akong…… Tinanong ko bakit ba ang laki-laki? Singkwenta.. Sabi niya marami ako kelangan bigyan. Pati yung NEDA. He said the word NEDA ha. P*t@ngina. For your information pare.
Jun: Information? I would understand that… He’d like to look at…
Joey: Maybe, wait, you can quote me and say, sabi ni Joey meron daw… sabi mo sa kanya may NEDA dun. (laughs) Di ba? He told me pare. (laughs)
Jun: Sige, sige…
Joey: P*t@ng!na, baka magwala na naman yung… (laughs)
Jun: For some reason, I have this chemistry with him. Sabi ko Chair… In fact, sabi niya, Jun, ikaw na mag-referee bukas ha. Sabi niya, I want you to be there. Ikaw na mag-referee, ikaw na magsabi kung papaano. Sige po Sir, ako na ang mag-aano sa ano… (laughs)
Joey: Well anyway, so that’s where I’m looking at right now. .. ought to get you.. And then, uh, think of a strategy for Ben (Abalos?), and if you need me to back you up, I’ll be there.
Jun: Hey Joey, regarding this Chinese embassy thing. I think I struck a motherload no? I’ll put them in Roxas Boulevard. P*t@ng!na, di ba?
Joey: In the Reformation? (Reclamation)
Jun: No, p*t@ng!na, that’s not prime. We’ll put them in the CCP complex.
Joey: Yup, got it.
Jun: P*t@ng!na. Yeah, that’s, wala.. I can ??? that ??? agreement. (I can swing that gddam deal pare)
Joey: You mean, owned by the Central Bank?
Jun: Yeah! Can you imagine? P*t@ng!na, same stature as the American embassy, better pa, di ba? The Japanese Embassy is in Roxas Boulevard. The American embassy is there. So p*ta, I just arrived that we put the Chinese embassy right in the midst of it all, di ba? Joey: Yes, yes, of course. That’s ??? to hear. That’s foresight. (That’s perfect)
Jun: … don’t mention my name. I think he knows me well.
Joey: Gaano kalaki, pare?
Jun: P*t@ng!na, as much as 15 hectares. (laughs)
Joey: P*t@ng!na. Tapos siguro kumuha rin tayo dun. Pero we need 10 finances. (10 financers)
Jun: No, no, no, no. P*t@ng!na. I cannot just tell you all the things that I’ve been asked to do. But that one I think, I can ??? for ourselves.
Joey: I’ll talk to the…
Jun: Talk to him right away.
Comment by Pian — March 3, 2008 @ 12:45 pm
Isang makabayan at makabuluhang pagbati sa inyong lahat mapa-lalaki, babae, binabae o ano mang kasarian na concerned sa mga nangyayari sa ating bansa na may nabubuo or/and may binubuo sa kanilang mga isipan na mga solutions or suggestions na maaring gamitin sa ikauunlad ng Pilipinas patungkol sa ekonomiya, morality, graft and corruption atbpa.
Masyado ng maraming mga Pinoy ang naghihirap ng sagad-sagaran. Ang aking statement na yan ay walang sinumang di mag-papatunay maliban na lamang sa isang mangmang. I believe na ang mga Pinoy do not have equal talent, but it is the duty as well as the responsibility of our government to provide all of us the access to equal opportunity to develop our talents.Our government shall encourage and make sure that these talents inherent to Pinoys not brought to naught. Ito ang isa sa pinakamalaking pagkakamali noon ni Marcos; yun lamang mga taong malapit sa kanya, mga cronies, mga kamaganak and a few Pinoys na mayroon super-extrang ibubuga ang ang biniyayan nyang madevelop ang mga talents at hinayaang hakutin ang kaban ng mga Pilipino. Hindi nya tinupad ang pangakong “this nation can be great again”.Kung sana man lang eh some of his loot or even better, most of his loot eh ipinamahagi nya sa mga nakararaming naghihirap sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga related businesses na magpro-promote ng employment sa pangkalahatan, naging successful sana ang kanyang plataporma at mga programs at sa malamang, pinayagan pa sya ng mga Pinoy na maipag-patuloy ang kanyang political dynasty.
We ought not to look back, unless it is to derive useful lessons from past errors and for the purpose of profiting by dear bought experience. Ang mga katagang yan ay nabanggit dahil may binubuo at nabubuo sa aking kaisipan na mga suggestions and solutions.
…Mayroon namang Justice system na syang aasikaso dun sa mga alleged na mga mandurugas i.e si Big Boy at si Mr Burjer at sa mga iba pang mga kasangkot, isama na pati si (Jun Lozada, at kung maari lang eh gamitan ng lie detector dahil magaling pa sa artista.) Bigyan natin ng pagkakataon na mapatunayan ng ating Mataas na Hukuman na mayroon pa ring hustisya na hindi natatakot o nasusuhulan. Ang proposition ko lang ay dapat na magkaroon ng independent TASK FORCE na magbabantay sa kaso. Ang independent TASK FORCE na binabanggit ko eh hindi under ng Malacanang o ng Senado o ng Kongreso kundi parang caretaker government na magbibigay ng thorough training sa mga mamumuno ng Pilipinas kasama na ng pagte-training ng military na maglingkod sa mamamayan instead na sa mga politicians. Ang TASK FORCE na ito ay binubuo ng mga Pinoy with proven track record of honesty including international dignitaries experts on governance. Ang mahalaga ay magkaroon ng walang dudang paniniwala at magtitiwala ang pangkalahatang Pinoy sa TASK FORCE na ito dahil sa kanilang character of honesty backed up by large degree of experiences on good governance. Ang lahat ng report ay thru media both in hard copies at television. Magkakaroon ng malawakang pagbabago sa system of governance at halos lahat ng mga ito ay maipakikita sa sambayanan……
Heto ang isa sa pinaka-importanteng paraan para sa realization ng ating main objective, that is, This Nation Can Be Great Again!The Pilipinos should believe in a gradual process and try to achieve first, a proper working of the duties, responsibilities, and the regulations, maintain proper standards of check and balance and maintain proper standards of disciplinary action. Ang pamamaraang ito ay ginamit na ng ating mga dakilang bayani tulad ni Ka Andres Bonifacio at ni Gat Jose Rizal. Ang binabanggit kong solusyon sa ating bansa para sa mga Pinoy ay abot kamay lamang, ngunit may kakaabit na panandaliang pagtitiis at puspusang pakikibaka, in a modern way.
…Ang mga OFW ang tinaguriang ngayong mga bayani ng ating panahon. Sila ngayon ang nangungunang pinagmumulan ng pinakamalaking source sa pag-asenso ng ekonomiya ng Pilipinas. Kung ang tactical way of thinking ni Ka Andres Bonifacio ay isasalin sa lahi ngayon ng mga bayaning OFWs; ang pagpunit ng kanilang sedula. Ihambing ninyo at suriing mabuti…sa tatlong (3) araw na hindi mag-remit ang lahat ng OFWs na nakikibaka sa ibang bansa, $1B kaya o mas higit pa ang magiging deficit ng present government?
Ang TASK FORCE na ito na binubuo ng mga Pinoy with proven track record of honesty backed up by international dignitaries expert on governance including mga topnotch COOs from reputable na mga kumpanya ay “iha-hire” ng mga nagkakaiasang mga OFWs at ng mga iba pang nagkakaisang manggagawa at mga maralita . I suggest coming from non-partisan organizations, pwede na rin siguro kung galing sa Netherlands, United Nations, or US,. Ang magiging kabayaran ay manggagaling sa mga revenues or profit from just and legal business tradings between the supporting foreign countries and the Philippines. Mai-improve pa natin ang ating relations globally, and this time ay hindi na one-sided deal. Ang collective capital from the OFWs,manggagawa, magbubukid, maralita at iba pang mga makabayang Pinoy ang syang magdi-dictate ng mga itatayong mga related businesses na magpro-promote ng employment sa pangkalahatan.
Malamang ay di sasang-ayon ang mga maka-kaliwa at mga corrupt politicians pero sa ganang akin eh mas mabuti ng makipag business deal ng just and legal sa mga intellectual professionals kaysa sa mga taga kaliwa na puno sa dialectical materialism ngunit wala namang plataporma of good governance na ipini-present ng maliwanag sa mga mamamayan o kaya eh sa mga politico na puro rhetoric eh bulsa naman ng bulsa.
I sympathize with your frustration for our nation. We need you; your strength, of the needs to battle the evil crime lords in the government. We mostly need particularly the youth; their idealism, to help us make right what is wrong. Harapin natin ang buhay ng walang bahid na karuwagan, win victory kung kakayanin, and accept defeat if we must.
Most of us are partisan in our political viewpoints, but the big difference is I believeve in the principle of leadership, friendship, and service. These principles that were indoctrinated in our thinking directs us to go thru the path of philosophy which listens and agrees to dialogues, discussions and arguments rather than traversing by way of dogma of ideology whose mind is set as a zealous ideologue who does not pay attention to the recourse of logical reasoning.
Let us respect each others ideas and thoughts that relate to the Philippine problems and perhaps solutions insight, may it be by means of accurate prayers or puspusang pakikibaka at pagdarasal ng hindi simpleng pamumuhay.
If you work for a man in heaven’s name, work for him, speak well of him and stand by the institution which he represent.
I still believe in: “THIS NATION CAN BE GREAT AGAIN”
In Leadership, Friendship, and of Sevice,
jokerino
Comment by jokerino — March 11, 2008 @ 1:38 pm