INTERNASYONALISMO

WORKERS OF THE WORLD, UNITE!

Workers have no country. Their class interest have no boundaries.

June 27, 2008

Maoism: an ideology of a desperate petty-bourgeoisie

MAOISMO: IDEOLOHIYA NG DESPERADONG PETI-BURGES

Ilang beses na naming sinagot batay sa marxistang paraan at laman ang mga pang-iinsulto at walang laman na pang-aatake ng mga maoista sa aming blog. Malinaw ito sa mga marxistang mambabasa at maging sa mga nag-aaral ng marxismo.

Sa kabila ng pang-iinsulto at peti-burges na tipo ng pakikipagdebate ng mga maoista ay binigyang-laya naming sila na maka-post sa blog namin sa kadahilanan na isa sa mga prinsipyo namin ay ang praternal na diskusyon at pakikipagdebate para sa teoretikal na kalinawan. Ibig sabihin, ang blog namin ay hindi lamang para sa mga katulad naming ang paninindigan o sa mga sumusuporta sa amin kundi para sa lahat ng mga elementong nagnanais ng panlipunang pagbabago. Ganun pa man, nakiusap kami sa mga nais mag-post sa aming blog na huwag tularan ang peti-burges na pakikipagdiskusyon ng mga maoista. 

Sa kabila ng katotohanan na ang maoismo (at Maoism-thirdworldism) ay napatunayan na sa kasaysayan (sa teorya at praktika) na hindi kabilang sa kampo ng marxismo kundi nasa kampo ng Kaliwa ng kapital, marami pa rin sa mga kabataan laluna ang galing sa peti-burges na uri ang naniniwala dito dahil sa kanyang nakabibighaning “nasyunalismo”, “pagmamahal sa bayan” at sa kanyang sagad-saring pagkamuhi sa bansang Estados Unidos.

Sa anong kondisyon lumitaw ang maoismo?

Ang maoismo ay lumitaw bilang “rurok” ng “marxismo-leninismo” ng kumalas ang China mula sa kontrol ng imperyalista at Stalinistang USSR noong 1960s. Itinulak ang bangayan na ito ng panibagong pagputok ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo matapos ang post-WW 2 reconstruction boom. 

Dahil sa panibagong pandaigdigang krisis na sinagot ng pandaigdigang malawakang kilusang welga ng mga manggagawa sa buong mundo sa sinimulan sa Pransya noong 1968, nagkukumahog ang bawat kapitalistang mga bansa na maghanap ng solusyon sa krisis – patindihin ang mga digmaan sa ngalan ng nasyunalismo at kompetisyon sa mas kumikipot na pandaigdigang pamilihan.

Dahil ang imperyalistang USSR ay kailangang patindihin ang kontrol at pagsasamantala sa kanyang mga tutang rehimen sa Eastern Europe at sa China, pumalag ang China at maging ang Yugoslavia sa ilalim ni Tito. Pero mas determinado ang China sa ilalim ni Mao dahil sa mas matindi ang kahayukan nito na maging imperyalistang bansa din.

Ito ang katangian ngayon ng lahat ng mga bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo magmula 1914: lahat ng mga bansa (maliit o malaki, mahina o malakas, atrsado o abante) ay may tendensya at katangiang imperyalista. Lahat sila ay nagnanais na makontrol o maungusan ang ibang mga bansa para isalba ang kani-kanilang pambansang kapital sa rumaragasang permanenteng krisis ng sistema. Ang imperyalismo ay hindi lamang polisiya ng isa o ilang mga bansa; ito ay polisiya ng lahat ng mga kapitalistang bansa.

At nakahanap nga ang China ng paraan: gawing “unibersal” na teorya ang digmaang bayan kung saan ang linyang militar na ginamit ni Mao sa panahon ng digmaang Tsino-Hapon sa WW 2 ay ginawang “prinsipyo” at “pandaigdigang estratehiya” ng “marxismo-leninismo sa panahon ng imperyalismo”.

Kaya mula sa isang simpleng estratehiyang militar, ang estratehiyang “sakupin ang kalungsuran mula sa kanayunan” ay naging “teorya ng ikatlong daigdig” na pinangunahan ni Lin Biao, ang isa sa mga ultra-kaliwa na disipulo ni Mao. Ang linya ng “teorya ng ikatlong daigdig” ay: durugin ang unang daigdig mula sa ikatlong daigdig. Ibig sabihin, paalon-alon na mag-alsa ang mga “mamamayan ng ikatlong daigdig laban sa imperyalismo” sa pamamagitan ng mga “digmaan ng pambansang pagpapalaya”.

Nasyunalismo ang “shabu” ng mga maoista na binibigay sa uring manggagawa at mahihirap na mamamayan sa ikatlong daigdig. Ganito ka desperado ang mga peti-burges na naiipit sa krisis ng kapitalismo.

Maoism-Thirdwordism: rurok ng desperasyon ng mga maoista

Ng bumagsak ang imperyalistang USSR at pumasok sa yugto ng pagkaagnas ang pandaigdigang dekadenteng kapitalismo, ganap ng bumagsak ang ideolohiyang nasyunalismo at ang akit ng digmaan sa pambansang pagpapalaya.

Ang desperadong mga elementong maoista ay naghahanap na naman ng “bagong” teorya ng maoismo para muling moldehin ang kanilang bangkarotang ideolohiya. At eureka! nakita nga nila: wala ng uring manggagawa sa 1st world maliban sa mga immigrants galing sa 3rd world. Ang mga manggagawa diumano sa malalaking imperyalistang mga bansa ay naging burgesya na at kaaway na ng mga manggagawa sa 3rd world!

Ito ang rurok na naabot ng kahibangan (na pinagmayabang nilang “syensa”) ng mga maoista na kumakapit ngayon sa ideolohiyang Maoism-thirdworldism. Sa totoo lang, di naman sila ang orihinal ng pananaw na ito ng thirdworldism kundi si Professor Marcuse, isang burges na guro noong 1960s na nagsasabing nasanib na ang uring manggagawa sa burgesya kaya ang pag-asa ng rebolusyon ay nasa mga mamamayan na ng 3rd world.  

Ni katiting na hibo, ang maoismo ay hindi nakabatay sa makauring tunggalian at sa marxismo kundi sa burges na nasyunalismo. Ang nasyunalismo ng malalaking imperyalistang mga bansa ay tinumbasan lamang ng nasyunalismo ng malilit na mga bansa.

Paano ba ito isinakongkreto ng mga maoista?

Una, kinilala nilang alyado o kaibigan ang lahat ng mga bansa at grupo na lumalaban sa USA. Hindi nakabatay sa makauring paninindigan, alyado at kaibigan ng mga maoista ang mga pambansang burgesya at “maliliit” na imperyalista na anti-US. Kaya nga dapat hamunin ang mga maoista sa Pilipinas kung ano ang paninindigan nila sa imperyalistang Iran at Jordan, sa mga tuta nitong Iraqi resistance, Hizbollah at Hamas; ano ang paninindigan ng maoismo sa anti-US na si Saddam Hussien (na binitay na ng US); ano ang paninindigan nila sa grupong Al-Qaeda ni Osama Bin Laden at maging sa ginagawa ngayon ng North Korea. 

Hindi usapin ng uri at makauring paninindigan, kahit sino at kahit anong grupo basta laban sa Amerika, para sa maoismo sila ay alyado at kaibigan ng “rebolusyon”.

Pangalawa, kaaway ng mga maoista ang mga manggagawa sa 1st world dahil hindi nila ito kinikilala na kabilang sa uri. Kaya hinihikayat nila ang mga manggagawa sa 3rd world kabilang na ang immigrant workers na hindi kilalaning kapatid sa uri ang mga manggagawa sa 1st world kundi kaaway! Ang marxistang paninindigan na “Manggagawa sa buong mundo, Magkaisa!” ay pinalitan nila ng isang kontra-rebolusyonaryo at mapanghating panawagan: manggagawa sa ikatlong daigdig, labanan ang mga manggagawa sa unang daigdig!

Ito ang malinaw na halimbawa kung paanong ang maoismo ay anti-marxismo at kontra-rebolusyonaryo. Itutulak lamang ng maoismo sa pagkatalo ang komunistang rebolusyon ng mga manggagawa sa buong daigdig!

Ang maoismo at ang Ultra-kanan na mga peti-burges sa Kanluran at Gitnang Silangan

Dahil hindi nakabatay sa marxismo at makauring tunggalian, walang kaibahan ang maoismo sa mga ultra-kanan na organisasyon sa Kanluran at Gitnang Silangan.

Para sa mga panatikong islamista sa Gitnang Silangan, lahat ng mga Amerikano ay kaaway. Lahat ng mga Amerikano ay nagsasamantala sa yaman ng Gitnang Silangan kaya naghihirap ang mga mamamayan doon. Ang labis na pagkamuhi sa mga Amerikano ay kabaliktaran naman ang pananaw sa mga kapitalistang muslim. Para sa mga panatikong islamista, kasama sa pakikibaka ang mga kapitalistang muslim! Ganito din ang linya ng panatiko at bandidong Abu Sayyaf at maging ng MILF at MNLF.

May pagkakaiba ba ito sa praktika ng mga maoista? WALA. Habang nanggalaiti sila sa galit sa mga manggagawa sa Kanluran, abalang-abala naman sila sa pakikipag-alyado sa burges na oposisyon sa 3rd world. Habang kaaway ang turing nila sa mga kapatid na manggagawa sa 1st world kaibigan naman nila ang isang paksyon ng burgesya na malinaw na nagsasamantala sa mga manggagawa sa kani-kanilang mga bansa! Ito ang mukha ng maoismo!

Ano ba ang kaibahan ng pananaw ng mga maoista sa ultra-kanan sa Kanluran. WALA at magkatulad pa nga ang layunin – hatiin at pag-awayin ang mga manggagawa sa 3rd at 1st worlds — subalit nasa magkabilang dulo lamang. Habang ang mga maoista ay nagtatanim ng galit sa mga manggagawa sa 3rd world laban sa kanilang mga kapatid sa 1st world, ang mga ultra-kanan naman sa Kanluran ay nagtatanim ng galit sa mga manggagawa sa 1st world laban sa mga kapatid nito sa 3rd world.

Kung ang linya ng mga maoista ay kakutsaba ang mga manggagawa sa 1st world sa kani-kanilang mga imperyalistang bansa sa pagsasamantala sa 3rd world, ang linya naman ng ultra-kanan sa Kanluran ay ang mga immigrant workers mula sa 3rd world ang dahilan kung bakit walang trabaho at naghihirap ang mga manggagawa sa 1st world. 

Ang hindi alam ng mga peti-burges na ito ay ang uring manggagawa sa buong mundo ay mga immigrants. Ang uring manggagawa ayon sa kanilang kasaysayan ay galing sa uring magsasaka na pinahirapan ng pyudalismo at pumunta sa kalungsuran upang alipinin ng mga kapitalista. Malaking mayorya ng mga manggagawa sa 1st world kung baybayin ang kanilang kasaysayan mula 1600s ay galing sa iba’t-ibang mga bansa na kontrolado ng bumabagsak na pyudal na sistema. Ang mga ninuno ng mga manggagawa ngayon sa 1st world ay mga immigrants!

Ignorante ang mga maoista sa batas ng kapitalismo kung saan ang uring manggagawa, saang bansa man siya ay pinagsamantalahan ng kapital sa pamamagitan ng pagkuha ng labis na halaga mula sa kanyang lakas-paggawa. Ito ang kalagayan ng lahat ng mga manggagawa sa 3rd world o 1st world man. Lahat ng manggagawa sa buong mundo ay pinahirapan, inaapi at pinagsasamantalahan ng uring kapitalista – lokal man o dayuhan. Kaya pare-pareha ang isyu at problema ng mga manggagawa, iisa lamang ang kanilang kaaway saang bansa man siya nakatira – ang kapitalismo.

Subalit bulag na ang mga maoista sa pag-aaral ng kasaysayan at pagkawing nito sa kasalukuyan. Ganun din ang ultra-kanan sa Kanluran. Ayaw man direktang tanggapin ng mga maoist-thirdworldist, katulad sila ng ultra-kanan: naghahasik ng racism at panghahati sa uring manggagawa.

Dahil sa baluktot at kontra-rebolusyonaryong katangian ng maoismo, standing ovation ang palakpak nito sa bawat Amerikanong namamatay sa suicide bombings ng mga panatikong islamista habang hindi man lang natin nababasa sa kanilang mga pahayag ang pagpuri sa mga welga ng mga manggagawa sa Kanluran para ipagtanggol ang kanilang kabuhayan.

Tanging ang mga desperadong peti-burges na lamang ngayon na labis ang pagkamuhi sa imperyalismo (na baluktot ang pagkaunawa nito) pero hindi sa kapitalismo ang yayakap pa sa maoismo.  

   

June 19, 2008

All wage labour is explotation

All wage labour is exploitation

After a six-year campaign the TUC and the CBI, with government prompting, have recently agreed that 1.4 million temporary and agency workers should, after 12 weeks, have equal rights with full-time and permanent workers. Dave Prentis, the TUC President, said that "This is good news for agency workers, particularly those in workplaces where low pay, long hours and exploitation are the norm" and that "The abuse of temporary agency workers is a shameful relic of another age".

In a report for the TUC on ‘vulnerable workers’ there was shock that "employment practices attacked as exploitative in the 19th century are still common today". It highlighted "extreme abuse of the rights of migrant workers, including levels of exploitation and control that meet the international legal definition of forced labour." It gave the examples of "employers illegally retaining workers’ passports, threats or actual physical violence to workers and debt bondage - where a worker is forced to pay off debts accrued by inflated accommodation and food costs and is not therefore paid for their work."

Speaking of an earlier study, TUC General Secretary Brendan Barber said "Too many unscrupulous bosses are getting rich by exploiting migrant workers", but "Unions are working hard to recruit migrant workers to protect them from rogue employers who seek to deny their workers a fair day’s work for a fair day’s pay." After all, "exploitation is not necessary for the operation of the British economy".

We work in order to live

The "good news" for agency and temporary workers is something that the TUC hope to bring to other ‘vulnerable workers’ (migrant workers, home workers, informal workers, younger workers, unpaid family workers etc). By acquiring the rights of permanent workers it is implied that they will no longer be so shamefully exploited.

With the growth of part-time, temporary, illegal and other precarious forms of employment there are an increasing number of people who find themselves in insecure, hyper-pressurised or otherwise dodgy working situations. ‘Exploited’ is a word commonly used to describe workers who work in the worst conditions. From a marxist understanding of the relationship of the working class to its capitalist employers, all wage labour - no matter what conditions it takes place in, whether it’s done with extreme reluctance or is the fulfilment of a childhood dream, whether it’s down a mine, in a factory, shop or comfortable air-conditioned office - it’s all exploitation.

For workers to be able to use their labour power, in exchange for wages, they need to be able to function at various levels, depending on the job. However, every worker needs food, sleep, clothing and some sort of shelter. These are the basics. The wages that you receive are intended to ensure that you will be ready for work on every day you’re needed. If employers provide food, accommodation, somewhere to sleep, healthcare, training etc, it’s so that you can work for them.

Whether bought with your wages, or provided by an employer/state, everything that enables you to reproduce your labour power helps your availability for work. Fundamentally we all work to live. We work for the necessities that keep us alive. Things like holidays are something that employers know are essential if workers are not to get completely burnt out. You might have a car, where your grandparents might not have, but, with the decline in public transport and the necessity to carry children or shopping about, it is by no means a luxury any more. You might ‘own’ your own home, but in reality you will have this absolutely massive debt (with the fancy name of mortgage) that you will spend decades paying off, and comes with the assumption that you will be in reasonably well-paid employment for most of your working life. At root the resources invested in the working class are to ensure we can continue to work. Anything beyond the basics, then you’re lucky that your employer maybe wants to keep you on for the foreseeable future - but we are all dispensable.

Wage labour works for capital

Having said that, let’s return to our valuable labour power. For a certain amount of the time you will be working just to reproduce your labour power. However, at a certain point, the work you are doing is beyond the value of what is required to keep you functioning. This surplus value comes from labour time workers put in for free, and it goes to the exploiting class. Whether we call them bosses, the bourgeoisie or the capitalist class, they are the ruling class in capitalist society and the surplus value from unpaid labour-time is theirs to do with what they will. Some might wear smart suits and hang out in Mayfair or Manhattan, while others wear less fashionable suits, combat jackets or tunics and call themselves ‘Communists’ in Beijing, Havana or Pyongyang: what they have in common is their relationship to surplus value. They are the exploiting class that pays the wages and the working class is the exploited class that creates all value.

Of the surplus value, after a part that’s invested in new machinery, raw materials etc, (as Bukharin wrote in 1919 in The ABC of Communism) "Part goes to the capitalist himself, in the form of entrepreneur’s profit; part goes to the landowner; in the form of taxes, part enters the coffers of the capitalist state; other portions accrue to merchants, traders and shopkeepers, are spent upon churches and in brothels, support actors, artists, bourgeois scribblers, and so on. Upon surplus value live all the parasites who are bred by the capitalist system".

This is the secret of all wage labour. "The fact that capitalist production is precisely the extraction, realisation and accumulation of this stolen labour makes it by definition, by nature, a system of class exploitation in full continuity with slavery and feudalism. It’s not a question of whether the worker works for 8, 10 or 18 hours a day, whether his working environment is pleasant or hellish, whether his wages are high or low. These factors influence the rate of exploitation, but not the fact of exploitation. Exploitation is not an accidental by-product of capitalist society, the product of individual greedy bosses. It is the fundamental mechanism of capitalist production and the latter could not be conceived without it" (chapter 7 of ICC publication Communism: not a nice idea but a material necessity).

So, when Brendan Barber makes remarks on ‘rogue employers’ and commends the unions’ campaigns, we follow the ideas of Marx in Wages, Price and Profit when he said that "Instead of the conservative motto, ‘A fair day’s wage for a fair day’s work!’" we should have "the revolutionary watchword ‘Abolition of the wages system’", as it is the only thing that corresponds to the interests of the working class. This is revolutionary because it requires the destruction of the state by the working class, the overturn of the capital/wage labour relationship, and the building of a communist society where everyone contributes according to their abilities, and receives according to their needs.

Car 1/6/8

From the International Communist Current

June 11, 2008

National Independence: Illusion and Counter-revolutionary

Walang malayang bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo

Nanawagan ang rehimeng Arroyo na ipagdiwang ang anibersaryo ng araw ng “kalayaan” ngayong Hunyo 12 habang tinuligsa naman ito ng Kaliwang paksyon ng burgesya dahil hanggang ngayon “hindi malaya” ang Pilipinas mula sa kontrol ng mga dayuhan partikular ng imperyalistang Amerika.

Magkatunggali man ang dalawang paksyon ng burgesya sa Pilipinas sa usapin kung malaya o hindi ang bansa, nagkakaisa naman sila na posible pang lalaya ang isang bansa sa panahon ng imperyalismo. Katunayan, ayon sa Kaliwa, ito ang “sentral na usapin sa anti-imperyalistang pakikibaka”.

Nagmula sa baluktot at kontra-rebolusyonaryong pag-unawa sa katangian ng imperyalismo kaya walang pag-aalinlangan ang iba’t-ibang grupo ng Kaliwa na suportahan ang lahat ng mga kilusan na lumalaban sa imperyalistang Amerika sa kabila ng katotohanan na ang mga kilusang ito (gaya ng Hamas, Hizbollah at Iraqi Resistance) ay suportado din ng ibang mga imperyalistang kapangyarihan na karibal ng Estados Unidos gaya ng Iran, Syria, China, Venezuela at Cuba. Ang ilan sa Kaliwa ay naniniwala pa nga na isang “rebolusyonaryo” at “progresibo” ang panatiko at pundamentalistang grupo ni Bin Laden dahil ito ay sagad-saring anti-Amerika!

Habang ang nagharing paksyon ay nagsasabing nakamit na ng bansa ang kalayaan noong 1946 ang kabilang paksyon naman ay nagsasabing hindi pa malaya ang Pilipinas hanggang ngayon kaya patuloy itong naghihirap at atrasado.

Pambansang kalayaan: Panawagan ng burgesya laban sa pyudalismo

Batay sa makauring pagsusuri, ang pambansang kasarinlan ay kahilingan ng burgesya para wasakin ang pyudal na kaayusan. Kailangan ng uring kapitalista para sa kanyang pampulitikang paghari ang isang depinidong teritoryo na paghati-hatian nila sa pandaigdigang saklaw. Mahalaga ito para sa malayang kalakalan at kompetisyon ng bawat paksyon ng burgesya.

Kaya sa 18 at 19 siglo, ang makabayang adhikain ay pinangunahan ng bagong sibol na uring mapagsamantala na nagdadala ng bago at progresibong moda ng produksyon – kapitalismo. Ang panawagang pagtatayo ng bansa sa mga siglong nabanggit ang buod para makabig ng burgesya ang iba pang mga uri gaya ng magsasaka at peti-burgesya laban sa pyudalismo. Sa ilalim ng mga islogang “pagkapantay-pantay, kapatiran at kalayaan” nagtagumpay ang mga burges na rebolusyon noon.

Dahil progresibo at nasa pasulong na yugto pa ang kapitalismo sa 18 at 19 siglo, naging pampabilis ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa ang pagtatayo ng mga bansa gaya ng Amerika at Alemanya. Sa madaling sabi, ang makabayang adhikain noon ay progresibo para sa pagsulong ng lipunan. Kaya sinusuportahan ito ng uring proletaryado sa kabila ng katotohanan na hindi ito ang kanilang makauri at istorikal na interes.

Sa pagpasok ng 20 siglo kung saan ganap ng nasakop ng kapitalismo ang buong daigdig at nabuo at nasagad na ang pandaigdigang pamilihan, nagbago na ang katangian ng kapitalismo: umabot na ito sa rurok ng kanyang pag-unlad bilang moda ng produksyon at nasa bukang-liwayway na ng kanyang pagbulusok-pababa. Hindi na progresibo ang kapital kundi ganap ng naging reaksyonaryo at bangkarota na. Ibayong kahirapan at pagkasira ng mundo ang tanging maibibigay nito.

Sa dekadenteng kapitalismo: “Pambansang kalayaan” ilusyon na lang at kontra-rebolusyonaryo ang katangian

Sa kasalukuyang panahon ng permanenteng krisis ng pandaigdigang kapitalismo kung saan ganap ng nagapos sa kapitalistang relasyon ang lahat ng mga bansa, ang usapin ng “malayang” bansa ay isa na lang ilusyon at ginawang instrumento ng naghaharing uri para panatilihing buhay ang naaagnas na sistema. Sa ngalan ng nasyunalismo at pagtatanggol sa inangbayan nangyari ang karumal-dumal na mga digmaan na pumapatay ng daang milyong mamamayan.

Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo — kung saan ang pananatili ng isang bansa ay nakasandig sa kanyang pagsasamantala sa ibang mga bansa; sa ilalim ng tumitinding kompetisyon sa ilalim ng sagad na pandaigdigang pamilihan, ang mahihina ay aapakan ng malalakas, ang mahihina ay kokontrolin ng mas makapangyarihan, at higit sa lahat, ang bawat pambansang kapital ay nagpapaligsahan na maungusan ang mga karibal nito sa kompetisyon sa pandaigdigang pamilihan – isang panlilinlang ang malayang bansa at pagkapantay-pantay ng mga bansa.

Subalit dahil hindi syentipiko at marxista ang paninindigan ng Kaliwa laluna ng mga maoista, naniniwala ito na kung “mapalaya” ang Pilipinas sa mga kuko ng imperyalistang Kano, uunlad ang pambansang kapital ng bansa at matutupad ang pangarap ng burgesyang Pilipino na “this nation can be great again!”.

Ang aktwal na resulta ng kasaysayan ng “napalayang” mga bansa magmula 1914 ang patunay na isang panlilinlang at bitag ang usapin ng pambansang kalayaan dahil ang mga bansang ito ay naging tuta o sunud-sunuran din sa mas makapangyarihang imperyalista na karibal ng pinatalsik nila sa kanilang mga bansa. Halimbawa nito: Pinatalsik ng China ang imperyalistang Amerika sa 1949 subalit hinawakan naman sila ng imperyalistang USSR; kumawala ito sa pangil ng USSR subalit bumalik din sa kandungan ng Amerika sa 1970s. Ngayon, isang nag-aambisyong imperyalistang kapangyarihan na ang China. Pinatalsik ng Vietnam ang mga Kano noong 1975 subalit magmula dekada 1990 bumalik ulit ito sa “mapagkaibigang” relasyon sa Amerika. Isang anti-imperyalistang Kano ang bansang Venezuela sa ilalim ni Hugo Chavez pero kumukuha ito ng “pampulitikang gabay” sa Cuba at nagsisikap makontrol ang buong Central at Latin America kakutsaba ito.

Ang pinakahuling modelo ng “tagumpay” ng pambansang pagpapalaya ay ang Nepal na kontrolado na ngayon ng mga maoista at naibagsak na nila ang pagharing monarkiya. Subalit lingid sa kaalaman ng marami, nakasandal ang mahinang Nepal sa malakas na imperyalistang China. Ginamit ng huli ang una laban sa kanyang karibal na imperyalistang India. Hindi tiyak kung hanggang kalian manatili sa kapangyarihan ng paksyon ng mga maoista. Pero ang tiyak, hindi uunlad ang Nepal bilang bansa sa ilalim ng dekadenteng kapitalistang kaayusan. Hindi maglalaho sa Nepal ang pagsasamantala, bagkus lalo pa itong lalala.

Ang “pambansang kilusan” at nasyunalismo ngayon ay hindi na laban sa pyudal na kaayusan dahil sa kataposan ng 19 siglo ay nawasak na sa pangkalahatan ang pyudal na paghari. Sa halip, ang mga ito ay pananggalang ng isang paksyon ng burgesya para makabig nito ang buong populasyon laban sa karibal na paksyon kung saan ang kanilang kompetisyon ay umabot na sa kompetisyon at labanang militar at digmaan.

Hindi makaligtas ang Pilipinas sa istorikal na batas ng dekadenteng kapitalismo. Matapos mapatalsik ang imperyalistang Kano, tiyak mamimili na lang ang burgesyang Pilipino kung alin sa mga karibal na imperyalistang kapangyarihan magpatuta ito – China? Russia? Germany?

Tanging ang proletryong rebolusyon lamang ang daan papunta sa tunay na pag-unlad hindi ng bansa kundi ng lipunan mismo; hindi ng isang uri lamang kundi ng buong sangkatauhan sa isang komunistang lipunan na walang mga uri.

Sa ngayon, ang “pakikibaka para sa pambansang kalayaan” at ang pag-iilusyon na may kalayaan sa ilalim ng kapitalistang kaayusan ay mga hadlang para sa pagsulong ng isang pandaigdigang kilusan para sa isang tunay na malayang sangkatauhan at lipunan.

Hindi “pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya” ang nagdadala ng makauring interes ng uring manggagawa o kahit man lang daan papunta doon kundi ang internasyunal na rebolusyon ng proletaryado para sa komunismo.

Ang tunay na anti-imperyalistang linya ay ang linya laban sa kapitalismo (lokal man o dayuhan, pambansang kapitalista man o dayuhan ). Ang linyang ito ay komunistang rebolusyon wala ng iba pa.






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Minz Meyer

Modified by d.worker