INTERNASYONALISMO

WORKERS OF THE WORLD, UNITE!

Workers have no country. Their class interest have no boundaries.

July 19, 2008

Puna sa mga maoista na pumapasok sa aming blog

Filed under: Notice

Nagagalak kami sa huling comment ni Alex hinggil sa usaping magsasaka. Pinaliwanag niya ayon sa “batayang teoretikal” ang kanyang maoismo at pinakita ang “pagpapatuloy” ng maoismo sa marxismo. Sasagutin namin ito lalupa’t sinubukan nitong baybayin ang kasaysayan ng internasyunal na kilusang komunista. Pangalawa, mahalaga ang paksa: ang usapin ng kilusang magsasaka sa proletaryong rebolusyon.

Ang ganitong tipo ng komento ang nararapat ipost sa aming blog dahil nagsisikap ipaliwanag sa anyo ng teoretikal at historikal na polemika ang mga punto.

Sa kabilang banda, mariin naming pinupuna ang pagiging mapusok at suhetibismo ng mga maoista sa pagsasabing “huwag ninyong i-block ang aking comment” at “sini-censor ang aking comment”. Lubhang hindi naunawaan ng mga taong ito ang aming pagkakaiba sa Kaliwa at sa sektaryanismo nila sa usapin ng pakikipagdiskusyon at debate para sa teoretikal na kalinawan. Hindi kami natatakot ipost ng buong-buo ang mga komento na salungat sa marxismo at kontra-rebolusyonaryo dahil mas nakikita ng mambabasa ang tunay na katangian nito.

Higit sa lahat, hindi ata mismo binabasa ng mga taong ito ang lahat ng comments nila na naka-post sa aming blog. Kung meron man kaming hindi na-post maari nila kaming sabihan kung ano yun at anong petsa at titiyakin naming ipost ito. Higit sa lahat, WALANG FULL-TIMER sa amin na nag-aasikaso ng blog o website kagaya ng halos lahat ng grupo ng Kaliwa. Kaming lahat sa Internasyonalismo ay mga manggagawa habang nakikibaka. Inaayos lamang namin ang aming konting bakanteng panahon para aayusin ang aming blog. Hindi rin ito bago sa mga maoista. Subalit sadyang gusto lang talaga nilang manira sa halip na makipagdebate ayon sa teorya at prinsipyo.

Ang blog na ito ay pinangasiwaan namin at lahat ng comments o posts ay dadaan sa aming “administrator” (na kolektibo sa praktika) at umaayon sa kontrata ng aming server. Hindi ito bago sa mga maoista dahil sandamukal na blogs, websites at iba pang mga katulad mayroon sila. Nagtataka lamang kami sa kanilang pagiging mapusok at bata. Gusto nila na makita agad ang kanilang comments ilang segundo matapos nilang pindutin ang “say it”. At kung mayroong aberya dahil sa problema sa server ay magmamaktol agad at nagsisigaw na “bina-block kami!”, “sini-censor kami!”.

Mariin din naming pinupuna ang kanilang pambabastos sa aming blog sa pamamagitan ng paggamit ng mga lenggwahe na hindi naaayon sa aktitud ng isang rebolusyonaryo. Gayong kinikilala namin na kaaway ng proletaryong rebolusyon ang maoismo, stalinismo, trotskyismo at anarkismo (at ganun din sila sa amin) hindi kami gumagamit ng mga lenggwaheng kagaya sa kanila. Wala silang respeto sa blog na hindi kanila!

Napasok at nabasa namin ang ilan sa kanilang mga blogs at websites. Subalit hindi kami nambabastos sa blogs at websites nila. Ilang mga kasama ang sumubok mag-komento ng ilang beses sa isang blog nila – “Amihan Malaya” – subalit hindi kami naka-post ng comment hanggang sa huminto na lang ang mga kasama. Ganun pa man, hindi kami nagagalit at nagmamaktol na parang bata dahil NIRESPETO namin ang kalakaran ng blog nila.

Nagpost kami ng mga teksto laban sa ideolohiya ng Kaliwa sa aming blog subalit mulat kami na POLITIKAL ang katangian at tonada nito.  

At huwag kayong mag-aasta na parang bata na nanggagalaiti dahil ginagamit namin ang internet sa aming rebolusyonaryong interbensyon dahil mga IPOKRITO kayo. Kayo man din at ang ibang mga Kaliwang organisasyon ay gumagamit ng internet bilang larangan ng inyong mga gawain. Higit sa lahat, huwag ninyong gawing sukatan sa aming rebolusyonaryong gawain sa hanay ng masang manggagawa ang mga gawain ninyo. Kung sa akala ninyo na “kontra-rebolusyonaryo” ang aming praktika sa interbensyon, bahala kayo. Makipagdebate kayo sa amin ng matino pero huwag kayong mambabastos sa aming blog mismo. Doon ninyo gawin yan sa inyong sariling blogs at websites!  

Punong-puno ng hindi prinsipyadong paninira ang adlib ng mga komento ng mga maoista sa aming blog. Subalit patuloy namin itong pino-post dahil nirespeto namin ang kanilang opinyon at sinisikap na masagot (sa pamamagitan ng comments ng ilang kasama at simpatisador) at sa posts ng aming grupo ang sa tingin namin mahalagang punto ng mga komento nila. Subalit kung magpatuloy ang immature at bata na pakikipagdebate ng mga maoistang ito ay malamang pipiliin na lang namin ang mga comments nila na aming ipost – yaong mga comments na may kabuluhan para sa teoretikal na klaripikasyon at hindi nambabastos.

Alam namin na may kakayahang maging MATYUR sa pakikipagdebate ang ilan sa mga maoista gaya ni Alex. Umaasa kaming ganun din ang gawin ng iba.

Maraming salamat,

INTERNASYONALISMO

9 Comments »

The URI to TrackBack this entry is: http://internasyonalismo.blogsome.com/2008/07/19/puna-sa-mga-maoista-na-pumapasok-sa-aming-blog/trackback/

  1. Wow. sabihin ninyo kung ano ba ang dapat nating pag-usapan pa. Sa mga taong tulad ninyo at sa mga taong nagsusulong ng rebolusyong TUNAY. Huwag ninyong sabihin na may “kilusan” kayo at kayo’y mga ordinaryong “manggagawa”, na NAPAKAGALING manira sa kilusang bayan at may kaalaman sa PAGGAMIT NG KOMPYUTER!

    Comment by Pulang Tala — July 20, 2008 @ 4:47 pm

  2. Aminin ninyo na kayo ay mga intelektwal na kontra-rebolusyonaryo at mahilig magpakatuta sa interes ng imperyalista at burgisyang manggagawa na inyo ring pinanggalingan! At bakit? ang post niyo na ito ay puros pagpapaliwanag ng inyong kontra-rebolusyonaryong linya at paninindigan. Puros senswal na paglalathala, parang si ganito hindi pwedeng magpacomment, pero kami pwedeng maglathala ng comment… tae kayo ng kalabaw mga tuta ng ICC.

    Halata namang indibidwalismo at hindi Marxismo ang inyong pinangangalandakan sa masa. Sabihin ninyo kung anong organisasyon kayo para malaman naman namin kung ano ba talaga kayo. BMP? PM? Sinisira ninyo ang proletaryong kilusan, at wala kayong naitulong man upang mapalago ito. Mga inutil.

    Comment by Pulang Tala — July 20, 2008 @ 4:53 pm

  3. Magorganisa at Magrebolusyon muna kayo-bago ninyo asintahin kami! Kaya hindi kayo lumalago dahil hindi naman talaga kayo tunay na komunista, hindi ninyo mahihigitan ang mga nag-alay ng buhay at oras para sa proletaryong pakikibaka, dahil ang paninindigan ninyo ay abstract at walang pundasyong panlipunan. Kusa rin kayong malulusaw. Para kayong nagsusulat sa tubig. Alam niyo ba ang proletaryado ay hindi pa marunong gumamit ng PC? bat hindi niyo i-try pumunta sa mga tahanan nila at DUON mag-organisa, mahirap ba? mga PTburgis kasi kayo. BABOY

    Comment by Pulang Tala — July 20, 2008 @ 5:01 pm

  4. Alam mo bang umaapoy ako sa galit sa mga taong tulad mo na nagaalinlangan. Sabihin niyo mang “kolektiba” ang site na ito, iisa parin ang punto ninyo at yan ay isalhad ang paninira ninyo sa kilusan sa buong internet tulad ng mga trotskyista at iba pang killusang imperyalista at kontra-sosyalismo. Napakadali na ngang manira ano? by clicking nalang. Was it so ever been easy to attack us? Don’t worry, I do believe na naniniwala kayo na pati mga sundalong Amerikano ay mga manggagawa at dapat silang tumanggap ng masmalaking suweldo dahil napaka-produktibo nila sa rami ng kanilang napapatay sa Mundo. Hay ang mga komunista raw. Magpasalamat ka at maypumapansin pa sa iyo.

    Comment by Pulang Tala — July 20, 2008 @ 5:08 pm

  5. hindi kayo marxismo,,,kayo ay taeismo,,,,tama si pulang tala,,mga tuta kayo,,ang babaw nioi masyadong INDIBIDUALISMO kayo,,nakakaasar kayo

    Comment by Pandayin ang karet at maso — July 22, 2008 @ 4:08 am

  6. Muntik na ako mahimatay sa sinasabi ninyo na wasak na ang mga magsasaka bilang uri. Para sa inyo ang mga naghihirap na nagtatanim sa bukid ay mga kontrarebolusyonaryo at reaksyunaryo dahil sa di-umano’y uring pinanggalingan nila. Wow, that is so brilliant. Sa mga salita ninyo lumalabas rin ang tunay na kulay ninyong mga left “communists” simula noon pa man, kayo ay mga imbicle na petiburgis. This was the last 10 miunutes of my life wasted on reading such heinous attacks against the revolutionary forces and I am disgusted by your words.

    Comment by Mikey — July 23, 2008 @ 8:09 am

  7. Nakakaawa naman. Wala silang full timer. Bakit kaya?

    Gustong palabasin ng mga gunggong na bago pa lang sila kaya daw wala silang full time administrator. Sa totoo lang, ang kanilang ideolohiya ay mas tamang tatawagin na eklektisimo, hindi Marxismo. Ang kanilang kaisipan, kung may kaisipan mang meron in between their ears, ay halo-halong kalamay sa lahat ng tendensiya mula sa old PKP through Trotskyism, council communism, syndicalism, hanggang sa extreme lunatic fringe of left-wing communism. Matagal na ang tendensyang ito sa Pilipinas at nanatili itong tendensya dahil napako ito sa paralysis of its inability to create a movement here in the country. Kaya, as their theory can not even move a chair, hanggang ngayon hindi makapagpalitaw ng full timer.

    Nagtatrabaho daw sila kaya wala silang full timer. Ibig sabihin, nag-eekonomiya sila hindi nagrerebolusyon. They are Economists, not revolutionaries. Hindi nila ipinapraktika ang kanilang teorya. Kaya, maliban sa transcendental reason na ang kanilang teorya ay hindi nakabatay sa existing material conditions (existing stage of development of the country), hindi nangyayari ang kanilang “internationalist communist revolution”dito sa bansa dahil hindi nila ipinapraktika ang kanilang teorya. Marxista ba ang mga ganitong “soap box orators” sa Internet?

    Bakit hindi nila maipraktika ang kanilang teorya? Its either of the following:

    1.They have tried but they failed because the theory does not tally with reality.
    2.They have tried but no one believed them.
    3.They themselves do not have confidence in their theory but maintained holding it anyway since it gives them self-gratification as prophets of a revolution that is bound not to come because of no. 1. Ergo, they are the petty-bourgeois incarnation of what Marx calls the “poverty of philosophy”, the petty-bourgeois who loves to prattle but has no desire to act.

    Comment by Alex — July 23, 2008 @ 5:18 pm

  8. Ano kamo? Pinupuna nyo ako? Tumahimik ka nga jan. Sabihin mo nga sa akin. Turuan mo nga ako. Paano ba dapat tratohin ang isang tae? Aber.

    At bakit naman hindi ako magreklamo na bina-block nyo ang posts ko noong afternoon of July 18? Totoo naman talagang bina—block ninyo that day! Ang posts na yun ay galing sa aking discussion notes which I found relevant as reply to your irresponsible, infantile, undialectical charge that Maoism is a petty-bourgeois ideology. Because it was quite long, I tried to deliver it in parts. The first two deliveries were successful but the third did not appear even after some minutes of waiting. So I tried again. After two tries when it still did not appear, I reckoned that it was rejected because of its length. So I sub-partitioned the third installment into several parts. Some appeared but others did not. Every time the delivery would not appear, I would repeat clicking the “say it’ button. That explains the “repetitiveness”. But on the eighth installment, wala na talaga until I gave up after almost two hours of waiting.

    To make it short, I know enough about blogs and websites to tell you that your explanation about the incident – that you don’t have a full time administrator – does not wash. You tell that to the Marines. The belated appearance of my subsequent installments is to me but an afterthought to the charge that you are blocking them.

    Comment by Alex — July 23, 2008 @ 5:20 pm

  9. So Alex, you have now become omniscient? You thrive on assumptions. No wonder even when you read articles, you end up misinterpreting everything you read. The day you posted your articles you were tagged by our spam filter as a spammer. We ended up having 15 of your posts clogging our moderation page. One post coming from your group was even automatically “killed” by our spamminator. Are you really sure that you know about blogs and websites? I doubt it!

    Comment by Admin — July 27, 2008 @ 5:58 pm

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>

Please note that you need to be a registered member before you can post a comment. Comments are now also moderated and therefore will no longer appear immediately after posting. So please do not repost to avoid being tagged as a spammer
by our anti-spam system. If you want to register, please click HERE.



Anti-spam measure: please retype the above text into the box provided.






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Minz Meyer

Modified by d.worker