INTERNASYONALISMO

WORKERS OF THE WORLD, UNITE!

Workers have no country. Their class interest have no boundaries.

July 25, 2008

Blog Policy Changes

Filed under: Notice

Mga Pagbabago

Ang grupong INTERNASYONLISMO naniniwala sa kalayaan sa pagpapahayag ngunit kaakibat nito pinapahalagahan din namin ang kaayusan sa aming Blog at ang kabuluhan ng mga artikulo at bawat komento o polemiko na lumalabas sa aming mga pahina.

Mula nang maipalabas ng grupo ang INTERNASYONALISMO BLOG noong 2006, hindi ito naglagay ng anumang regulasyon sa malayang pagpapahayag ng mga bisita ng kanilang mga kuro-kuro at komento sa bawat artikulong ipanalalabas ng kolektiba at mga kasapi ng grupo. Ngunit nitong nakalipas na mga linggo napansin ng kolektiba ang pagdami ng walang kabuluhang mga komento at pambabastos na kahit katiting ay walang maiambag sa teoritikal na kalinawan ng mga mambabasa tungkol sa usapin ng Marxismo at sa usapin ng makauring pakikibaka sa buong mundo. Kaya napagpasyahan ng kolektiba na ipairal ang ilang mga alituntunin at reglamento patungkol sa paggamit ng aming Blog.  Ito ang mga sumusunod:

  • Kailangang magpa-rehistro muna ang isang bisita upang makapagpalabas ito ng kanyang sariling kuro-kuro, komento o polemiko patungkol sa kahit anumang artikulo sa aming mga pahina. Ito ay sa pamamagitan ng pagpindot ng "REGISTER" na dutong o link na matatagpuan sa kanang bahagi ng aming mga pahina.
  • Kailangang tiyakin ng bawat magpa-rehistro na may balido itong email address dahil sa pamamagitan nito lamang makukuha niya ang kanyang computer generated password.
  • Dapat alalahanin ng bawat bagong rehistradong kasapi ng aming blog na ang pagiging kasapi nito ay may kaakibat na responsibilidad.
  1. Dapat isaalang-alang nito na ang bawat kuro-kuro, komento o polemiko na gustong ipahayag ay may kinalaman lamang sa espesipikong artikulo na gusto nitong sang-ayonan o salungatin.
  2. Dapat isaalang-alang nito na ang layunin ng INTERNASYONALISMO BLOG ay upang pagbutihin at pagyamanin ang pagbibigay-halaga ng bawat intresadong indibidwal o grupo ang Marxistang metodolohiya sa pamamagitan ng mga diskusyon at debate sa mga nagbabagang isyu na nakaka-apekto sa uring manggagawa at sa buong pamayanan.
  3. Dapat isaalang-alang nito na upang mapapanatili ang kaayusan at praternal na pakikitungo ng bawat isa, at bilang respeto na rin sa tagapamahala ng blog at iba pang mga kasapi nito, ay iwasan ang paggamit ng mga bulgar o bastos na mga salita sa pagpapahayag ng kuro-kuro, komento o polemiko kahit anuman kainit ang mga usapin.
  4. Dapat isaalang-alang nito na kung saka-sakaling wala itong maiambag na matino at maayos na kuro-kuro, komento o polemiko ay huwag na lang mag-aksaya ang oras sa pagmamagitan ng pagpapalabas ng mga walang katuturang mga pahayag o adlib.
  • Ang bawat kuro-kuro, komento o polemiko ay dadaan na sa moderasyon upang masuri kung ang mga ito ay sumusunod o lumalabag ba sa aming mga alintuntunin.

Paalaala:

  1. Maaaring burahin ng administrador ng blog ang mga komento at mga kontribusyon sa mga usapin na lumalabag sa mga alituntuninng nakasaad sa itaas, o di kaya’y tanggalin ang mga laman nitong walang kinalaman sa isyu, bastos o may di kaaya-ayang mga pananalita.
  2. Maaaring  ding tanggalin ng administrador ng blog ang kahit sinumang kasapi sa database nito na pasaway at hindi sumusunod sa alituntunin ng aming blog, at i-ban ng permanente ang IP address nito kung kinakailangan.
Patuloy kaming naniniwala sa kahalagahan ng pagpapalitan ng mga kuro-kuro at opinyon sa kahit anumang  teoretikal na usapin at  mga isyung may direkta o indirektang kaugnayan sa Marxismo at makauring pakikibaka. Kaya tinitiyak namin na ang bawat kuro-kuro, komento o polemiko na ipapadala sa amin sa pamamagitan ng aming seksyon para sa komento ay ipapalabas namin ng buo na walang labis at walang kulang basta ito ay sumusunod lamang sa mga alituntunin namin sa itaas.
 
Inanyayahan pa rin namin ang mga indibidwal o grupo na sumasangayon o sumasalungat sa aming ipinaglalaban na ipagpatuloy ang pagkomento sa aming blog. Ipagpatuloy natin ang ating nasimulang mga diskusyon at debate. Magpa-rehistro lang kayo at subukang sundin ang mga bagong alintuntunin.
 
 
Admin - 07/25/08
 

Comments

The URI to TrackBack this entry is: http://internasyonalismo.blogsome.com/2008/07/25/mga-pagbabago/trackback/

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Sorry, the comment form is closed at this time.






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Minz Meyer

Modified by d.worker