LEHMAN BROTHERS AND THE DOWNFALL OF CAPITALISM
LEHMAN BROTHERS AT ANG PAGBAGSAK NG KAPITALISMO
Ang Lehman Brothers ay isang organisasyong pampinansyana nagsimula pa noong 1844 nang ito’y itatag ni Henry Lehman bilang isang maliit na tindahan sa Montgomery, Alabama. Sa ngayon, pinasok nito ang iba’t ibang uri ng industriya hanggang sa mabalita ito sa buong mundo matapos ang pagbagsak nito noong Setyembre 15, 2008.
Ang Paglago
Nang magsimula ang H. Lehman, tuluy-tuloy ang pagningning nito sa larangan ng pangangalakal. Nagmula sa tinatawag na “proprietorship”, dumaan ito sa “partnership”, “corporation” at hanggang sa marating nito ang pagiging isang multinasyonal na korporasyon.
Lumaganap ang korporasyong ito sa iba’t ibang panig ng mundo at masasabing humahawak ito ng malalaking investments na kung susumahin ay sobra pa sa pambayad utang ng Pilipinas. Ang punong tanggapan nito ay nakatayo sa Wall Street na nasa Manhattan, isa sa pinakamalaking siyudad kalakalan sa Amerika.
Nang magkaroon ng Great Depression sa Amerika noong 1929, kamangha-mangha na nalagpasan ito ng Lehman Brothers. Ang kompanya ay umabot sa halos 160 taon at nagtala ng US$59.003 bilyong kita noong 2007 bago ito tuluyang umalis sa linya ng kalakalan.
Setyembre 15, ang Pagbagsak
Nagsimula ang lumalalang krisis pang ekonomiya lalo na sa “mortgage crisis” noong nakaraang taon. Lalo itong naging mabangis sa pagpasok ng taong ito.
Sa kasamaang palad, nadamay ang mga tulad ng Lehman Brothers sa krisis na ito kung saan ang kanyang mga investments ay nasa housing o pabahay. Noong Hunyo 9, 2008, nagpahayag na ito ng US$2.8 bilyong pagkalugi sa pagpasok pa lamang ng ikalawannnng hati ng taon.
Sa mga huling buwan nito, sinubukan pa niyng umahon mula sa sinapit na pagkalugi. Ngunit ang mga hakbangin at polisiyang kanyang ipinatupad ay hindi na rin nakatulong sa kanila bunga na rin ng lumalalang krisis pang ekonomiya ng Amerika at ng mundo. Nakaapekto rin sa kanila ng malaki ang pagsasara at pagbebenta ng ilang mga malalaking kompanya ng bansa.
Ika-10 ng Setyembre ng ideklara nito ang pagbebenta ng mga ari-arian (Assets) upang makalikom pa ng US$3bilyon na gagamitin upang maibsan ang pagkalugi.
Pagsapit ng ika-13 at 14 ng Setyembre, nagsagawa na ng isang kritikal na desisyon ang Lehman dahil sa walang lumabas na bail out mula sa gobyerno ng Amerika. Ang Barclay’s at Bank of America, dalawang malalaking kompanya ang kanilang nilapitan upang bilhin ang ilan sa mga assets nila. Sa huling baraha nila, kabiguan ang sumalubong sa kanila.
Ika-15 ng Setyembre, naghabla na ng “Chapter 11 bankruptcy protection” ang Lehman upang maprotektahahn pa ang mga nalalabing assets nito.
Sa kanilang pagsasara, bitbit nila ang US$6.7 bilyong pagkalugi sa loob ng siyam na buwan. Hindi na isang senyales, kundi isang makatotohanang pagbagsak ng isa sa pinakamaking institusyong kapitalista sa mundo.
Mortgage Crisis
Ito ang isa sa mga krisis na hinaharap ngayon ng ekonomiya ng mundo. Nagsimula ito sa mga utang na di nabayaran. Ang Lehman Brothers ay may malaking prayoridad sa “Housing Projects” dahil na rin sa laki ng perang makukuha mula rito.
Ang malalaking interes ang siyang nagbaon sa mga taong kumuha nito ang dahilan upang sila’y di makabayad ng kanilang pagkakautang.
Krisis ng Kapitalismo
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang sistemang capital ang siyang nagpaunlad sa mundo mula noong Rebolusyong Industriyal. Ito ang siyang pumalit sa mga pyudal na nagmamay-ari ng lupa. Binago ang sistemang alipin at ginawang sahuran ang mga manggagawa.
Ngnit hindi rin alintana na ang kapitalismo ang siyang nagdadala pababa sa ekonomiya ngayon ng buong mundo magmula pa noon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kung susumahin at aanalisahin, ang kapitalismo ay nasa mga huli na nitong yugto kung saan marahas ang paghawak ng burgesya sa mga proletaryo.
Ang Sistemang Kapital: Pangungutang
Sa pagdaan ng panahon, ang mga industriya ay naglalabas ng produksyon na labis labis sa kayang kunin ng pamilihan. Nagdudulot ito ng pagliit ng tubo ng mga namumuhunan.
Resulta: Pangungutang
Nagkakaroon ng sibilisasyon ang mga pamayanan sa ganitong kalakaran. Halimbawa nito ang pagkakatayo ng LRT at MRT na ginawa ng mga banyaga at katas ng pangungutang.
Ngunit, mas masahol pa ang kapalit nito kung susuriin ito ng mas malalim pa. Nagbubunsod ito ng “debt trap” para sa mga bansang gaya ng ng Pilipinas dahil sa laki ng tubong hindi na kayang bayaran. Kung sakaling ang mga bansang ito ay di na makabayad pa, babagsak ang mga bangkong pinagkakautangan nito na nasa “casino economy” at tiyak na maghihirap ang buong mundo.
Domino Effect
Ang pagbagsak ng Lehaman ay hindi simula kundi bahagi lamang ng patuloy na pagbulusok pababa ng ekonomiya.
Nauna nang bumagsak ang ilang malalaking kumpanya at bangko sa mundo tulad ng Metropolitan Savings Bank (Pennsylvania); Northern Rock (UK); Bear Stearns; Coutrywide Financial; Merrill Lynch; American International Group; HBO; at iba pa. may mga kompanya at bangko ring nagsara matapos ang pagbagsak ng Lehman gaya ng Washinton Mutual; Fortis; Ameribank at iba pa. bumagsak din ang exchange rate ng bansa at maging sa iba pang panig ng mundo. Ang masaklap pa, hindi na alam kung muli pang babangon ang ekoomiya ng Amerika at ng buong mundo.
…
Ang mundo ay haharap sa kanyang pagkawasak. Subalit ang proletaryong paninindigan ay may solusyon para rito. Ito ang pagbalikwas sa daang tinahak ng kapitalismo at pagtunton ng bawat proletaryo tungo as kanyang pagkakaisa. Pagtanggal sa sistemang kapital, mapa pribado man o estado.
Nakikita na hindi na makatutugon ang bail out sa pagbagsak ng kapitalismo. Magdadala ng pansamantalang pag-unlad ngunit pagkatapos ay isang mas mapangwasak na kahirapan.
Bagaman hindi pamilyar sa solusyog inilalatag, may material na batayan na ito’y magtatagumpay. Sa pagtatapos ng pakikibaka, bali na ang batas ng suplay at demand; ang lahat ay gagawa para sa lahat; at isang pag-unlad na ating mahahawakan dahil wala na ang mga panginoon at hindi na tatsulok ang istruktura ng lipunan.
Hindi ang sinasabi ay ang sosyalista-kapitalista ng Rusya at Cuba; hindi ang paghihirap ng Tsina at Vietnam; at hindi rin ang aramadong pakikibaka ng CPP-NPA-NDF kundi isasng mundong walang uri at pagkakaiba.
Ang digmang proletaryo ang siyang magdadala sa tunay na mundong dapat ay umiiral.
Reperensya:
Communist Manifesto
