INTERNASYONALISMO

WORKERS OF THE WORLD, UNITE!

Workers have no country. Their class interest have no boundaries.

August 1, 2008

Behind Arroyo’s SONA

Filed under: Philippine Politics

SONA NI GLORIA: PAMBOBOLA AT PAGSISINUNGALING PARA SUBUKANG ISALBA ANG BUMULUSOK-PABABA NA PAMBANSANG KAPITALISMO

Punong-puno ng pambobola at kasinungalingan ang SONA ni Gloria noong Hulyo 28. Ang malawak na manggagawa at maralita na lubhang nakaranas ng kahirapan ay hindi na naniniwala sa mga ‘achievements’ ng rehimeng Arroyo.

Hindi na natin pagdebatehan ang mga datos na sinasabi ni Arroyo dahil alam naman ng lahat na malaking bahagi nito ay kasinungalingan at para lamang bigyang katuwiran ang kanyang panunungkulan bilang chief executive officer ng pambansang kapitalismo.

Ang pagtuunan natin ng pansin dito ay ang sumusunod na argumento ng naghaharing paksyon sa likod ng kanyang SONA:

1. “Hindi kasalanan ni Gloria ang krisis ngayon kundi ng pandaigdigang krisis ng sistema”.

2. “E-VAT epektibong solusyon para maibsan kahit papano ang epekto ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa bansa”

Kaakibat nito, suriin din natin ang inihaing solusyon ng Kaliwa at ilang personaldiad ng burges na oposisyon na para makaraos sa krisis ang bansa kailangang tanggalin ang E-VAT at muling kontrolin ng estado ang batayang mga industriya gaya ng langis at kuryente.

Pambansang kapitalismo nakatali sa pandaigdigang sistema

Sa panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo lahat ng mga pambansang kapital sa mundo ay nakagapos sa pandaigdigang kapital. Kasinungalingan ang sinasabing maaring maging malaya ang isang bansa sa kadena ng pandaigdigang kapitalismo.  

Ang ganitong katotohanan ba ay nagtatanggol sa argumento ng nagharing paksyong Arroyo na “hindi dapat sisihin ang gobyerno ng Pilipinas dahil pandaigdigan ang krisis”?  HINDI.

Tama din ba ang Kaliwa na may magagawa ang estado na ipagtanggol ang pambansang kapitalismo sa kabila ng pandaigdigang krisis? HINDI.

Dahil nakagapos ang lahat ng pambansang kapitalismo sa pandaigdigang kapitalismo, ang mga polisiya  ng mga estado ay nagsisilbi sa mga pangangailangan ng huli. Sa panahon ng pandaigdigang krisis, MALAKI ang kasalanan ng mga estadong ito. Pero ang mga kasalanan nila ay hindi simpleng bunga ng ‘kagustuhan’ o ‘di-kagustuhan’ ng partikular na mga estado kundi ito ay tulak ng obhetibong pangangailangan ng pandaigdigang sistema. Ang paglikha ng labis-labis na produkto, pagpapaigting ng kompetisyon at pagpiga sa paggawa ng mga manggagawa ang mga obhetibong salik na nagtulak sa lahat ng mga estado.

MALI din kung ang ‘sisihin’ lamang ay ang nagharing paksyon na siyang may hawak ng estado. Ang tama at kailangang sisihin ay ang estado mismo na nagtatanggol sa bulok na sistema at hindi lang ang isang partikular na paksyon ng burgesya. Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri ay reaksyonaryo, kontra-rebolusyonaryo at anti-manggagawa.

Ang pagsisi sa isang paksyon lamang sa krisis ay pagtatago sa tunay na dahilan ng krisis at pagligaw sa direksyon ng pakikibaka ng manggagawa para makalaya sa kahirapan – ang durugin ang kapitalistang estado mismo kahit anong paksyon pa ng burgesya ang hahawak nito. Pangalawa, pagpapalakas ito sa mistipikasyon na maari pang isalba ang pambansang kapitalismo sa gitna ng krisis ng pandaigdigang sistema. At ang pinakamasahol na kasinungalingan ay: ang pagsalba sa pambansang kapitalismo ay daan para lalaya ang malawak na masang anakpawis mula sa kahirapan.

Buhis ng mamamayan: Batayang sandalan ng estadong nasa krisis

Sa panahon ng permanenteng krisis ng sistema (kahit pa sa nakaraang mga makauring lipunan bago pa ang kapitalismo) patakaran ng estado na pangunahing nagtatanggol sa bulok na sistema na pigain ang mamamayan para buhayin ang mga parasitikong institusyon sa naaagnas na lipunan. At isa sa batayang pinagkukunan ng estado ng pondo ay ang buhis na kinikikil mula sa naghihirap na masang anakpawis.

Sa ganitong konteksto natin ilagay kung bakit may E-VAT at kung bakit ang paksyong Arroyo ay mahigpit ang paninindigan na hindi ito dapat tanggalin o bawasan. Alam ng naghaharing paksyon na sa panahon na mabawasan ang kakailanganing pondo para buhayin ang mga parasitikong institusyon – hukbong sandatahan, polis, mga burukrata, at iba pa – mas mapabilis ang pagguho ng estado na siyang tanging nagtatanggol sa naghihingalong sistema.

Ang sinasabi ng Kaliwa na progressive taxation na “maka-mahihirap” na solusyon sa usapin ng pagbubuhis ay nakaangkla pa rin sa pagtatanggol ng pambansang ekonomiya. Ang ganitong iskema sa nakaraan (sa karanasan ng mga maka-Kaliwang rehimen sa ibang mga bansa) ay napatunayan palpak dahil oobligahin talaga ang estado ng pandaigdigang sistemang kapitalismo na pigain ang lakas-paggawa ng masang anakpawis para magkamal ng kapital ang bawat pambansang ekonomiya laban sa kanyang mga karibal.

Hangga’t patuloy na naghahari at nananalasa ang kapitalismo sa pandaigdigang saklaw, itutulak nito ang lahat ng mga bansa upang lalupang pagsamantalahan ang mga manggagawa at maralita o kaya, palalakasin ng bawat bansa ang ekonomiya-para-sa-digmaan (war economy) para magakaroon ng artipisyal at temporaryo na paglakas sa produktibidad ng lipunan gaya ng nangyari mula noong WW I.

Sa ngayon, dalawang malalakas na super-bagyo ang bumabayo sa mundo: lumalalang krisis pinansyal at walang hinto na paglobo ng mga presyo ng batayang mga bilihin. Ang unang epekto nito ay ang mabilis na pagbaba ng purchasing power ng uring manggagawa na nagbunga ng mas malalang kahirapan.

Ibagsak ang estado, itayo ang diktadura ng proletaryado

Lahat ng tipo ng oposisyon (Kanan o Kaliwa) sa Pilipinas ay humihiling sa paksyong Arroyo na magkaroon ng ‘political will’ upang magkaroon ng ‘makabuluhang’ mga reporma sa bulok na sistema. Ang tawag dito ay repormismo kahit pa gamitan ng anu-anong radikal na mga lenggwahe.

Nagtutulungan ang administrasyon at oposisyon na itago ang katotohanan na ang TANGING solusyon ay ibagsak ang estado at ang sistema dahil ang KATOTOHANAN ay wala na itong kapasidad (kahit gugustuhin pa nito) na magbigay ng anumang makabuluhang reporma para sa kapakanan ng masang anakpawis.

Ang mistipikasyon ng Kaliwa na ang problema ay ang ‘kawalan o kakulangan ng demokrasya’ at ‘kawalan ng determinasyon na ipagtanggol ang pambansang ekonomiya’ laban sa pananakop ng dayuhang ekonomiya ay walang ibang ibig sabihin kundi sa Pilipinas may ‘pag-asa pang uunlad ang pambansang kapitalismo’ basta ang nasa kapangyarihan ay ‘tunay’ na demokratiko at makabayan.

Kaya naman ang linya ng Kaliwa ay: patalsikin si Gloria at itayo ang TRG (Transitional Revolutionary Government) o DCG (Democratic Coalition Government) na ang ibig sabihin ay koalisyon ng iba’t-ibang uri/sektor na kaaway ng paksyong Arroyo para muling ibangon ang dignidad ng bansa sa ilalim ng permanenteng krisis ng pandaigdigang sistema!

Nais itago ng Kaliwa na ang TANGING uri na may kapasidad na baguhin ang bulok na sistema ay ang uring manggagawa; ang layunin ng pakikibaka ng uri ay ibagsak ang kapitalistang estado at itayo ang DIKTADURA ng PROLETARYADO sa pamamagitan ng mga asembliya at konseho ng manggagawa at HINDI ng isang gobyerno na koalisyon ng iba’t-ibang uri kasama ang pambansang burgesya.

Ang bukambibig ng Kaliwa na “para sa sosyalismo” at “para sa sosyalistang rebolusyon” ay mga panlilinlang lamang dahil hindi daan tungong sosyalismo ang pagtatanggol sa pambansang ekonomiya kundi ito ay daan tungong kapitalismo ng estado na siyang tunguhin ngayon ng lahat ng mga bansang nakagapos sa permanenteng krisis ng pandaigdigang kapitalismo.    

July 22, 2008

Students show the need for solidarity and generalization of struggle

Filed under: Philippine Politics

Pinakita ng mga estudyante ang pangangailangan ng malawak na pagkakaisa sa pakikibaka

Pinakita ng mga kabataan-estudyante ang tanging porma ng pakikibaka para maibagsak ang bulok na kapitalistang sistema – malawakang pagkakaisa sa pakikibaka.

Nang mag-walk-out ang daan-daang mga estudyante sa kani-kanilang mga eskwelahan sa Metro Manila para iprotesta ang lingguhang pagtaas ng presyo ng langis, ito ay senyales na unti-unti ng namulat ang mga kabataan sa mga nangyayari sa lipunan, partikular sa walang puknat na atake ng kapital sa pamumuhay ng uring manggagawa. Pinakita din nito ang pakikiisa nila sa kanilang uri sa hinaharap – ang uring manggagawa.

Nauna na itong pinakita ng mga estudyanteng Pranses noong 2006 ng maglunsad sila ng malawakang mga pambansang pagkilos at welga upang labanan ang CPE (Contrat Première Embauche), isang tipo ng kontraktwalisasyon para sa kabataang manggagawa ng gobyernong Villepin.

Gayong sa usapin ng makauring oryentasyon at lawak ng partsipasyon ay malayung-malayo pa ang pakikibaka ng mga estudyanteng Pilipino kumpara sa pakikibaka ng mga estudyanteng Pranses, makikita naman natin ang diwa ng paghahanap ng malawakang pagkakaisa at pagdadala sa makauring kahilingan ng uri nila sa hinaharap.

Ang diwang ito ay ang pagkakaisa ng mga estudyante sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad para sa iisang pakikibaka – tutulan ang pagtaas ng presyo ng langis at para itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Narito ang aral na dapat muling panghawakan ng mga Pilipinong manggagawa (na ginagawa na nila noong mga dekada 70 at 80) – ang malawakang pagkakaisa ng mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika para sa iisang laban.

Pakikibaka ng estudyante: Hindi sapat

Hindi ang kilusang estudyante ang makapagbabago ng lipunan. Maraming beses na itong napatunayan ng kasaysayan. Hindi sila maaring manguna o kaya ay maging mapagpasyang pwersa para sa pagbabagong panlipunan. Subalit hindi rin sila simpleng kilusang pampropaganda lamang. Ang malaking bilang ng masang estudyante ay bahagi ng uring manggagawa – sila mismo ay nagtatrabaho na habang nag-aaral pa o kaya ay ang mga magulang nila ay mga manggagawa.

Ang uring manggagawa ang may angking lakas at kapangyarihan upang baguhin ang bulok na kapitalistang lipunan. Ang uring ito lamang ay may angking lakas upang pigilan ang sunod-sunod na atake ng uring kapitalista at ng estado nito.

Sa abanteng kapitalistang mga bansa, pinangunahan ng uring manggagawa ang mga pakikibaka laban sa tumitinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Pero hindi lamang sa mga abanteng bansa nangyayari ito; maging sa mga atrasadong bansa tulad ng Bangladesh ay malawakang nagwelga ang mga manggagawa para ipagtanggol ang kanilang pamumuhay at trabaho.

Pagkakaisa ng masang estudytante sa kanilang kauri at mga magulang na manggagawa

Para magkaroon ng tunay na lakas ang kabataan-estudyante kailangang makipagkaisa ito sa kanilang mga magulang na manggagawa. Magkaroon lamang ng makapangyarihang lakas ang mga kilusang protesta laban sa atake ng estado at ng naaagnas na sistema kung magkaroon ng malawakang nagkakaisang pagkilos ang mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika. Ang tunay na kinatatakutan ng kapitalistang estado ay kung lalabas sa kalsada ang libu-libong manggagawa mula sa iba’t-ibang pabrika at iba’t-ibang lugar ng bansa para labanan ang atake ng kapital.

Isang malaking ambag ng kilusang estudyante kung magkaroon sila ng isang malawak na kilusan para puntahan sa mga pabrika, kausapin at kumbinsihin ang kanilang mga magulang na manggagawa na ipakita ang lakas ng pagkakaisa nito sa lansangan laban sa pamahalaan at sa krisis ng kapitalismo.

Ang paglulunsad ng mga diskusyon sa loob at labas ng pabrika na dadaluhan ng mga estudyante at manggagawa ay magandang simula para sa isang malawakang pagkilos na pangunahan ng uring manggagawa. Gamit ang makapangyarihang sandata ng uri – welga – temporaryong nitong mapigilan ang mga atake ng kapital. At gamit ang sandatang ito, maaring ituloy-tuloy ito ng uri hanggang maibagsak ang burges na estado.

Mga asembliya: Organisasyon sa pakikibaka

Sa pamamagitan ng mga asembliya ng mga estudyante sa Pransya ay napalakas nila ang kanilang pagkakaisa. Sa mga asembliya nag-uusap, nagdiskusyon at nagdesisyon sila para sa pakikibaka. Sa kanilang mga asembliya ay dumalo ang mga manggagawa. At sa mga asembliya din ng mga manggagawa ay dumalo ang mga estudyante.

Hindi ang mga unyon ng manggagawa o “pangmasang” organisasyon ng mga estudyante na hawak ng Kanan at Kaliwa ng burgesya ang organo ng pakikibaka kundi ang awtonomos na mga asembliya ng lahat ng estudyante at manggagawa. Ito lamang ang tanging organisasyon para ma-realisa at titibay ang malawak na makauring pagkakaisa at pakikibaka.

Ang mga asembliya ng estudyante ang tunay na ekspresyon ng pagkakaisa at malawakang partisipasyon sa kilusang protesta ng masang estudyante mismo. Ito din ang porma ng organisasyon sa pakikibaka ng uring manggagawa. Napatunayan na sa kasaysayan at karanasan magmula noong 1905 na ang mga asembliya ang ekspresyon ng pagkakaisa at tiwala ng uri sa kanilang sariling lakas. 

Mapagmatyag sa pananabotahe ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya

Dapat maging mapagmatyag ang mga estudyante sa mga maniobra ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya para pahinain ang pagkakaisa at ihiwalay ito sa kilusang manggagawa sa layuning ilihis ang pakikibaka palayo sa pagdurog sa kapitalistang estado.

Ang nais ng uring kapitalista ay mapako lamang ang pakikibaka sa usapin ng anti-Gloria at pro-Gloria at maitago na ang sistema mismo ang dapat wasakin. Iwasan dapat ng mga estudyante na ang usapin sa krisis ng kapitalismo ay iikot lamang sa usaping pro-GMA at anti-GMA dahil ang katotohanan ay administrasyon man o burges na oposisyon, Kanan o Kaliwa man ng burgesya ay walang kapasidad na bigyang solusyon ang krisis ngayon. Katunayan, komon ang interes ng lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri (oposisyon at administarsyon) na ipagtanggol ang naghihingalong pambansang kapitalismo. Ang rehimen ni Hugo Chavez sa Venezuela (ang pinakasikat at pinaka-popular na representante ng Kaliwa sa Central at Latin America) ang magandang halimbawa sa kainutilan ng Kaliwa na resolbahin ang krisis ng pambansang kapitalismo sa Venezuela na bunga ng pandaigdigang krisis ng sistema. 

Pinakamsahol pa ay kung gagamitin lamang ng Kaliwa at burges na oposisyon ang mga protesta ng kabataan-estudyante para lamang sa SONA ni Gloria ngayong Hulyo 28. At pagkatapos ng SONA ay balik na naman sa “normal” ang mga kolehiyo at unibersidad pati na ang mga pabrika. Ang ganitong iskema ng mga pagkilos sa pamumuno ng Kaliwa ay nagpakita lamang sa banggardismo nito at sa pagtingin na ang kilusang masa ay magiging militante lamang sa ilalim ng iskemado at sekretong plano ng mga lider ng Kaliwa at burges na oposisyon. 

Ang burges na estado mismo at ang lahat ng paksyon ng burgesya ang kailangang maging target ng pakikibaka at hindi lamang ang naghaharing paksyong Arroyo. Ang pakikibaka sa pagtaas ng sahod ay makakamit lamang sa pamamagitan ng malawakang pagkakaisa ng mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika at malawakang pakikibaka sa lansangan laluna ang pangmasang welga. Ganun pa man, sa ilalim ng kapitalismo ang sahod ay mabilis na bumababa kaysa tumataas dahil sa panahon ng paghihingalo ng sistema, ang uring manggagawa ang aapakan ng kapital para makasinghap ng kakaunting hangin. Kaya, para maiwasan ang repormistang direksyon sa pakikibaka, dapat lalawak ang pakikibaka at itaas ito hanggang sa usapin ng pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika ng uring manggagawa mismo sa pamamagitan ng kanilang mga asembliya at konseho. 

Ang kilusang estudyante at manggagawa ay kailangang magtulungan subalit dapat hiwalay at independyente sa anumang paksyon ng burgesya. Dahil sa panahon na mabuslo ito sa taktika ng Kaliwa na pakikipag-isang prente sa isang paksyon ng naghaharing uri, ito man ay transitional government o coalition government, ang pakikibaka ay tiyak na mauuwi sa muling paghawak ng isang paksyon ng naghaharing uri sa kapangyarihan gaya ng nangyari noong 1986 at 2001. Kung lalakas at lalawak ang pagkilos ng mga manggagawa sa lansangan, hindi mag-aalinlangan ang burgesya na palitan ang paksyong Arroyo ng isang “popular” na paksyon para mabuhusan ng tubig ang militansya ng uri at mapreserba ang bulok na sistema.  

Dapat mapagmatyag ang mga estudyante sa mga organisasyon ng Kanan at Kaliwa na walang interes kundi kontrolin ang kilusan para sa kani-kanilang mga layunin na walang iba kundi ipagtanggol ang pambansang kapitalismo at itali lamang ang usapin sa paksyunal na labanan ng naghaharing uri.

Hindi solusyon ang pagkonsolida sa pambansang kapitalismo dahil sa panahon ngayon na nasa permanenteng krisis ang pandaigdigang sistema, imposible ng “uunlad” pa ang anumang pambansang kapital na hindi maghihirap ang uring anakpawis. At dahil dito, ito ay hindi tunay na kaunlaran kundi lalupang paglala ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Hindi rin makapagpalakas sa militanteng kilusang manggagawa ang pakikipag-alyansa (direkta man o indirekta) sa isang paksyon ng naghaharing uri; bagkus ay hihina pa ang kilusan dahil dito.

Ang lumalakas na interbensyon ng kapitalistang estado para subukang isalba ang krisis ng pambansang kapitalismo (“subsidyo sa mahihirap”, pakikialam ng Bangko Sentral sa krisis sa pinansya, pagtatangkang kunin ng estado ang MERALCO at maging ang Sulpicio Lines, at iba pang hakbangin para maipakita na tanging estado na lang ang tanging masandalan laban sa krisis) ay lalupang lilikha ng panibagong krisis at kahirapan dahil ang estado mismo ay lubog sa utang at umaasa lamang sa buhis na pinipiga nito sa naghihirap na mamamayan. Hindi na rin makaasa ang estado sa Pilipinas na tutulungan ng imperyalistang USA dahil sa kanila mismo nagsimula ang mitsa ng panibagong pandaigdigang krisis ngayon.

Ang ibang mga karibal na imperyalistang bansa ng Amerika gaya ng China, Japan at European Union ay hindi rin maaring asahan ng Pilipinas dahil ang mga ito mismo ay malubhang apektado sa krisis ng Amerika. Kaya ang pangunahing “solusyon” ng kapitalistang estado sa Pilipinas ay lalupang pigain sa pagsasamantala ang Pilipinong masang anakpawis. 

Ang tanging solusyon ay durugin ang kapitalismo at ang burges na estado sa pamamagitan ng isang rebolusyon ng mga manggagawa sa buong mundo dahil wala ng magandang kinabukasan pa ang mga kabataan sa ilalim ng kapitalistang sistema hawak man ng Kanan o Kaliwa ng burgesya ang gobyerno.

Ang tanging layunin ng pakikibaka ngayon ay ibagsak ang kapitalismo at hindi repormahin ito. Ang kagyat na layunin sa pakikibaka ay mapalawak ito sa iba’t-ibang pabrika at panig ng Pilipinas. Sa ganitong paraan lamang muling makasabay ang manggagawang Pilipino sa lumalakas na kilusang manggagawa ngayon sa buong mundo.

Kung matali ang mga protesta ng kabataan-estudyante sa isang sektoral na kilusan (mga protesta na “purong” estudyante o “suportahan” lamang ng uring manggagawa o sa ilalim ng isang multi-sektoral na kilusan dala-dala ang mga repormistang kahilingan) malaki ang posibilidad na mauuwi lamang ito sa panandalian at kagyat na aktibismo na ang bunga ay hindi makatulong para manumbalik mismo ang militansya at pagkakaisa ng uring manggagawa gaya noong 1970s at maagang bahagi ng 1980s. 

July 16, 2008

The Immigration Question in the Workers’ Movement in the US

Filed under: US Politics

The Immigration Question in the Workers’ Movement in the US

In confronting the existence of ethnic, racial, and linguistic differences between workers, the workers’ movement has historically been guided by the principle that "workers have no country."  Any compromise on this principle represents a capitulation to bourgeois ideology.

A hundred years ago at the Stuttgart Congress of the Second International in 1907, an attempt by the opportunists to support the restriction of Chinese and Japanese immigration by bourgeois governments was overwhelmingly defeated. Opposition was so great that the opportunists were actually forced to withdraw the resolution. Instead the Congress adopted an anti-exclusionist position for the workers movement in all countries. In reporting on this Congress, Lenin wrote, "(T)here was an attempt to defend narrow, craft interests, to ban the immigration of workers from backward countries (coolies from China, etc.). This is the same spirit of aristocratism that one finds among workers in some of the "civilized" countries, who derive certain advantages from their privileged position, and are therefore inclined to forget the need for international solidarity. But no one at the Congress defended this craft and petty-bourgeois narrow-mindedness. The resolution fully meets the needs of revolutionary Social Democracy."[1] In the US, the opportunists attempted at the 1908, 1910 and 1912 Socialist Party congresses to push through resolutions to evade the decision of the Stuttgart Congress and voiced support for the American Federation of Labor’s opposition to immigrants. But they were beaten back every time by comrades advocating international solidarity for all workers. One delegate admonished the opportunists that for the working class "there are no foreigners." Others insisted that the workers’ movement must not join with capitalists against groups of workers. In a 1915 letter to the Socialist Propaganda League (the predecessor of the leftwing of the Socialist Party that went on to found the  Communist and Communist Labor parties in the US) Lenin wrote, "In our struggle for true internationalism and against ‘jingo-socialism’ we always quote in our press the example of the opportunist leaders of the S.P. in America who are in favor of restrictions of Chinese and Japanese workers (especially after the Congress of Stuttgart, 1907 and against the decisions of Stuttgart). We think that one cannot be internationalist and at the same time in favor of such restrictions."[2]

Historically immigrants played an important role in the workers’ movement in the US. The first Marxist revolutionaries came to the US after the failure of the 1848 revolution in Germany and later constituted vital links to the European center of the First International. Engels introduced certain problematic conceptions regarding immigrants into the socialist movement in the US which while accurate in certain aspects, were erroneous in others, some of which ultimately led to a negative impact on the organizational activities of American revolutionary movement. Frederich Engels was concerned about the initial slowness of the working class movement to develop in the US. He understood that certain specificities in the American situation were involved, including the lack of a feudal tradition with a strong class system, and the existence of the frontier, which served as a safety valve for the bourgeoisie, allowing discontented workers to escape from a proletarian existence to become a farmer or homesteader in the west. Another was the gulf between native and immigrant workers, in terms of economic opportunities and the inability for radicalized immigrant workers to communicate with native workers. For example, when he criticized the German socialist émigrés in America for not learning English, he wrote that, "they will have to doff every remnant of their foreign garb. They will have to become out-and-out Americans. They cannot expect the Americans to come to them; they the minority, and the immigrants, must go to the Americans, who are the vast majority and the natives. And to do that, they must above all learn English."[3] It was true that the there was a tendency for German immigrant revolutionaries to confine themselves to theoretical work in the 1880s and to disdain mass work with native, English speaking workers. It was also true that the immigrant-led revolutionary movement did indeed have to open outward to English-speaking American workers, but the emphasis on Americanization of the movement  implicit in these remarks proved to have disastrous consequences for the workers’ movement, as it eventually pushed the most politically and theoretically developed and experienced workers into secondary roles, and put leadership in the hands of poorly formed militants, whose primary qualification was being an English-speaking native. After the Russian Revolution, this same policy perspective was pursued by the Communist international with even more disastrous consequences for the early CP. Moscow’s insistence that native American-born militants be placed in leadership positions catapulted opportunists and careerists like William Z. Foster to leadership positions, cast Eastern European revolutionaries with left communist leanings totally outside the leadership, and accelerated the triumph of Stalinism in the US party.

Similarly, it was also problematic when Engels remarked that the "great obstacle in America, it seems to me, lies in the exceptional position of the native workers…(The native working class)  has developed and has also to a great extent organized itself on trade union lines. But it still takes up an aristocratic attitude and wherever possible leaves the ordinary badly paid occupations to the immigrants, of whom only a small section enter the aristocratic trades."[4] Though it accurately described how native and immigrant workers were divided against each other, it implied wrongly that it was the native workers and not the bourgeoisie that was responsible for the gulf between different segments of the working class. Though this comment described the segmentation in the white immigrant working class, in the 1960’s the new leftists interpreted it as a basis for the "white skin privilege theory."[5]

In any case, the history of the class struggle in the US itself disproved Engel’s view that Americanization of immigrant workers was a precondition for building a strong socialist movement in the US. Class solidarity and unity across ethnic and linguistic roles was a central characteristic of the workers’ movement at the turn of the 20th century. The socialist parties in the US had a foreign language press that published dozens of daily and weekly newspapers in different languages.  In 1912, the Socialist Party published 5 English and 8 foreign language daily newspapers, 262 English and 36 foreign weekly newspapers, and 10 English and two foreign news monthlies in the US, and this does not include the Socialist Labor Party publications. The Socialist Party had 31 foreign language federations within it: Armenian, Bohemian, Bulgarian, Croatian, Czech, Danish, Estonian, Finnish, French, German, Greek, Hispanic, Hungarian,  Irish, Italian, Japanese, Jewish, Latvian, Lettish, Lithuanian, Norwegian, Polish, Romanian, Russian, Scandinanvian, Serbian, Slovak, Slovenian, South Slavic, Spanish, Swedish, Ukranian, Yugoslav. These federations comprised a majority of the organization. The communist and communist labor parties founded in 1919 had immigrant majority memberships. Similarly the growth in Industrial Workers of the World (IWW) membership in the period before World War I came disproportionately from immigrants, and even the western IWW, which had a large "native" membership, had thousands of Slavs, Chicanos, and Scandinavians in their ranks.

The most famous IWW struggle, the Lawrence textile workers strike of 1912, demonstrated the capacity for solidarity between immigrant and non-immigrant workers. Lawrence was a mill town in Massachusetts where workers worked under deplorable conditions. Half the workers were teenage girls between 14-18 years of age. Skilled craft workers tended to be English speaking workers of English, Irish, and German ancestry. The unskilled workers included French-Canadian, Italian, Slavic, Hungarian, Portuguese, Syrian and Polish immigrants. A wage cut imposed at one of the mills prompted a strike by Polish women weavers, which quickly spread to 20,000 workers. A strike committee, organized under the leadership of the IWW, included two representatives from each ethnic group and demanded a 15 percent wage increase and no reprisals for strikers. Strike meetings were translated into twenty-five languages. When the authorities responded with violent repression, the strike committee dramatized the situation by sending several hundred children of the striking workers to stay with working class sympathizers in New York City. When a second trainload of 100 children were being sent to  worker sympathizers in New Jersey, the authorities attacked the children and their mothers, beating them and arresting them in front of national press coverage, which resulted in a national outpouring of solidarity.

In 1913, during the silk workers’ strike in Paterson, NJ, the IWW used a similar tactic, sending strikers’ children to stay with "strike mothers" in other cities, once again demonstrating class solidarity across ethnic lines.

As World War I unfolded, the role of émigrés and immigrants in the left-wing of the socialist movement was particularly important. For example, a meeting on Jan. 14, 1917 at the Brooklyn, New York home of Ludwig Lore, an immigrant from Germany, to plan a "program of action" for left forces in the American socialist movement included the participation of Trotsky, who just arrived in New York the day before; Bukharin, who was already resident as an émigré working as editor for Novy Mir, the organ of the Russian Socialist Federation; several other Russian émigrés; S.J. Rutgers, a Dutch revolutionary who was a colleague of Pannenkoek; and Sen Katayama, a Japanese émigré. According to eyewitness accounts the discussion was dominated by the Russians, with Bukharin arguing that the left should immediately split from the Socialist Party and Trotsky that the left should remain within the party for the moment but should advance its critique by publishing an independent bi-monthly organ, which was the position adopted by the meeting. Had he not returned to Russia after the February Revolution, Trotsky would likely have served as leader of the left-wing of the American movement.[6]  The co-existence of many languages was not an obstacle to the movement; to the contrary it was a reflection of its strength. At one mass rally in 1917, Trotsky addressed the crowd in Russian, and others in German, Finnish, English, Lettish, Yiddish and Lithuanian.[7]

We must stand for the defense of the international unity of the working class. We cannot   even appear to legitimize irrational fears and distrust of immigrant workers, or the bourgeoisie’s attempt to use immigrants as a scapegoat for the problems that are squarely the responsibility of an economic mode of production that has outlived its usefulness. As proletarian internationalists we reject as bourgeois ideology such constructs as "cultural pollution," "linguistic pollution," "national identity,"  "distrust of foreigners," or "defense of the community or neighborhood." Our intervention cannot be that "you are right to be concerned about the threat to American culture, or national identity, or that it is terrible that you feel like a stranger in your own ‘country’," which would give credence to bourgeois ideology on the question of country, nation, culture, national identity, etc. and strengthen the bourgeois attempt to foster division within the class. On the contrary, our intervention must defend the historical acquisitions of the working class movement that workers have no country; that the defense of national culture or language or identity is not a task or concern of the proletariat, that we must reject the efforts of those who try to use these bourgeois conceptions to exacerbate the differences within the working class, to undermine working class unity. We must stress the unity of the proletariat above all else and international proletarian solidarity in the face of attempts to divide us against ourselves. Anything else constitutes an abandonment of revolutionary principle.  - Jerry Grevin, 6/24/08.

 



[1].- Lenin, V.I. "The International Socialist Congress in Stuttgart," Proletary No.17, Oct. 20, 1907. In Collected Works, vol. 13, p75. (We leave aside in this text controversies concerning the question of "aristocracy of labor" that Lenin implies.)

[2].- Lenin, V.I., Letter to the Secretary of the Socialist Propaganda League, Nov. 9, 1915. In Collected Works, vol. 21, p423.

[3].- Marx and Engels, Letters to Americans, p. 162-3, 290 (cited in Draper’s, Roots of American Communism.)

[4].-Engels, Letter to Schluter, op cit. In Collected Works, vol.49, p392.

[5].-White skin privilege theory was an ideological concoction of the 1960s new leftists, which claimed that a supposed deal between the ruling class and the white working class granted white workers a higher standard of living at the expense of black workers who were victimized by racism and discrimination.

[6].- Draper, Theodore. The Roots of American Communism. pp. 80-83

[7].- Ibid. p.79

July 7, 2008

The only solution to capitalist crisis is communist revolution

Walang ibang solusyon sa krisis ng kapitalismo kundi komunistang rebolusyon

Umabot na sa 11.4% ang inflation rate ng bansa noong Hunyo. Ito ang pinakamataas sa loob ng 14 na taon. Ano ang dahilan?

Ayon sa ilang diumano ‘rebolusyonaryo’: ang dahilan ay ang pagiging tuta ng rehimeng Arroyo sa imperyalistang Estados Unidos at ang ‘pananabotahe’ mismo ng rehimen sa ekonomiya para magkaroon ng ‘artipisyal’ na krisis. 

Habang totoong tuta nga ang rehimeng Arroyo (at maging ang nagdaang mga rehimen) sa imperyalistang US sa kadahilanang wala naman talagang bansa ngayon sa mundo na hindi kontrolado ng mas malakas na kapitalistang mga bansa (pro-USA o anti-USA man ang mga ito), hindi ito ang tamang paliwanag sa naranasang krisis ngayon sa Pilipinas at sa buong mundo. Kahibangan din ang propaganda ng ilang mga ‘radikal’ na ‘artipisyal’ lamang ang krisis dahil sa ‘pananabotahe’ ng kasalukuyang rehimen. Ang lohikang nasa likod nito ay walang problema sa pambansang kapitalismo basta maging ‘malaya lamang ito sa kontrol ng imperayalistang US’ o ‘mapatalsik lamang si Gloria’. Ito ay nakaangkla sa kontra-rebolusyonaryong pananaw ng ‘hakbang-hakbang’ na rebolusyon tungong sosyalismo.

Sa totoo lang, matapos ang WW 2, hindi na pang-ekonomiya ang interes ng US sa Pilipinas kundi pang-militar. Matagal ng walang silbi ang ikatlong daigdig sa usapin ng pagkamal ng tubo ng unang daigdig dahil sa masahol na kahirapang dinanas ng populasyon ng una. Ang interes na lamang ng USA sa Pilipinas ay gawin itong baseng militar para manatili ang kanyang impluwensya sa Silangang Asya lalupa’t lumalakas ang imperyalistang pagkaganid ng China at Japan dahil sa lumalalang krisis ng sistema.  

Dagdag pa, matapos mawasak ang imperyalistang bloke ng USSR at humihina ang pagiging makapangyarihang bansa ng USA, nagkanya-kanya na rin ang lahat ng mga bansa sa paghahanap ng masasandalan. Bagamat nakasandal pa rin ang Pilipinas sa lakas-militar ng USA at malaking porsyento ng kanyang eksport (17% sa total export ng Pilipinas) ay papunta pa rin sa Amerika at 32% sa direct foreign investments ay galing sa kanila, naghahanap na ang burgesyang Pilipino ng ibang malalakas na bansa para sa kalakalan. Kaya, pinalalakas ng estado ng Pilipinas ang bilateral trade agreements sa mga karibal ng Amerika gaya ng imperyalistang China at Japan. 

Totoong may krisis at palala ito. At ang krisis na ito ay pandaigdigan, nagmula mismo sa internal na mga kontradiksyon ng kapitalistang sistema na naipon mula noong katapusan ng 1960s at nagbabadyang sumabog na mas malala kaysa nakaraan.

Magmula pa 1914, ng sumabog ang WW I, nasa permanenteng krisis na ang pandaigdigang kapitalismo dahil sa kawalan ng bagong pamilihan at sa pangangailangan nitong palaging gumawa ng mga produktong maibenta sa merkado. Kaya nangyari ang dalawang pandaigdigang digmaan at ang maraming lokalisadong digmaan sa ibat-ibang sulok ng mundo dahil dito. Ang krisis sa sobrang produksyon ng kapitalismo ay naging permanente na magmula noong 20 siglo.

Ang ‘solusyon’ ng uring kapitalista sa kanilang krisis ay utang, ekonomiya para sa digmaan at higit sa lahat maksimisasyon ng pagpiga ng labis na halaga sa uring manggagawa. Subalit ang ‘solusyong’ ito ay lalo pang nagpalala sa kanyang krisis.

Kasalukuyang krisis ng kapitalismo

Kung noong krisis sa 1970s relatibong naging epektibo pa ang pagpapautang, ispekulasyon at ekonomiya para sa digmaan, ngayon ay sumabog na ito sa mukha ng kapitalismo. Ang nasabing mga solusyon ay panandalian lamang at nagdulot pa ng paglala ng krisis.

Ngayon, lubog na sa utang ang halos lahat ng mga bansa. Ang Pilipinas ay may mahigit P4 na trilyong utang habang ang Amerika ay halos $8 trilyon. Ang kasalakuyang krisis ngayon sa Amerika, na tila kasing lala noong 1929 Great Depression ay bunga ng pagkabangkota ng mga bangko dahil hindi na makabayad ang mga manggagawa sa utang. Hindi sila makabayad dahil paliit ng paliit ang kanilang sahod kumpara sa pataas ng pataas na presyo ng mga bilihin. Kaya nagkaroon ng krisis sa pagbayad-utang sa pabahay. Tuloy, naging epicentre ang USA ngayon sa naranasang krisis ng buong daigdig. Dahil ang pinaka-makapangyarihang bansa ang nasa krisis, naranasan natin ang napakalakas na lindol ng krisis sa pandaigdigang saklaw.

Ngayon, ang military-industrial complex ng bawat bansa ay lalupang nagpabigat sa samut-saring mga kontradiksyon ng sistema. Mayor na salik ito sa paglobo ng utang, pagkasira ng bilyun-bilyong ari-arian at pagkawala ng daan-daan libong buhay sa buong mundo dahil sa rehiyonal at lokalisadong mga digmaan.

Sa paghahabol na magkamal ng tubo, lalupa tuloy na lumala ang krisis; lalupang tumaas ang presyo ng mga bilihin at ng langis!. Ibig sabihin, wala ng epektibong solusyon sa krisis sa loob mismo ng kapitalismo. 

Lumalakas na panghihimasok ng estado

Dahil nasa permanenteng krisis na ang kapitalismo, nasa kanyang dekadenteng yugto na, hindi na rin epektibo ang ‘free market’ capitalism gaya ng sa 19 siglo. Ang pangunahin at huling sandalan ng pasuray-suray na sistema ay ang estado. Tanging ang pagkontrol ng estado sa buong buhay panlipunan ang huling baraha ng burgesya para manatiling nakatayo ang bulok na sistema. Ang kapitalismo ng estado ay hindi manipestasyon ng pag-unlad ng sistema kundi ekspresyon ng permanenteng krisis nito:

State capitalism is not an attempt to resolve the essential contradictions of capitalism as a system for the exploitation of labour power, but the manifestation of these contradictions. Each grouping of capitalist interests tries to deflect the effects of the crisis of the system onto a neighbouring, competing grouping, by appropriating it as a market and field for exploitation. State capitalism is born of the necessity for this grouping to carry out its concentration and to put external markets under its control. The economy is therefore transformed into a war economy.” (‘The Evolution of Capitalism and the New Perspective’, 1952, reprinted in Bulletin D’Etude et de Discussion of Revolution Internationale, no.8, p.9).

Magmula 1914 ay lumalakas ang panghihimasok ng estado sa buhay panlipunan. Ito ang tendensya ng kapitalismo ng estado (state capitalism). Lahat ng kapitalistang mga bansa ay ito ang ginagawa. Kaya nasaksihan natin ang New Deal ng Amerika noong 1920s-1930s, ang Nazism sa Germany at Fascism sa Italy, at ang ‘socialism in one country’ ng imperyalistang USSR at mga tuta nito. Lahat ng ito ay mga pagsisikap ng burgesya upang isalba ang naghihingalong sistema.

Nang muling sumabog ang krisis sa 1960s at 1970s, lumaganap ang totalitaryanismo ng estado at nasyunalisasyon ng industriya laluna sa mahihinang ekonomiya na nasa 3rd world. Kaya naging uso noon ang mga diktadura at mga industriyang pag-aari ng gobyerno. Ang paglitaw ng diktadurang Marcos ay hindi simpleng kagustuhan lamang ng paksyong Marcos para manatili sa posisyon o ng dikta ng USA. Ito mismo ang di-maiwasang tendensya ng isang sistema na nasa bingit ng kamatayan.

Ang sinasabing ‘neo-liberalismo’ o globalisasyon ay isang mistipikasyon kung ang pag-uusapan ay ang pagluwag ng panghihimasok ng estado sa ekonomiya ng lipunan. Ang Kaliwa lamang ng burgesya ang nagpropaganda nito para patuloy na ibilanggo ang uring manggagawa na ‘tagapagligtas’ ang estado basta ‘kontrolado’ lamang ito ng ‘partido ng manggagawa’ o ‘partido komunista’ o ‘partido ng bayan’.

Sa kasalukuyang krisis, hindi na maaring itago ng Kanan o Kaliwa ng burgesya ang lantarang panghihimasok ng estado para isalba ang sistema. Lahat ng mga estado ay lantaran ng nanghihimasok sa kabila ng kanilang propaganda ng liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon. Ang Kaliwa naman ay nagprotesta hindi dahil sa panghihimasok ng estado kundi ‘hindi sapat’ ang panghihimasok at ‘wala sa tamang direksyon’.

Subalit, ang patuloy na itinatago ng burgesya – Kanan man o Kaliwa – ay ang katotohanan na matagal ng palpak ang kapitalismo ng estado: bumagsak ang bloke ng imperyalismong USSR. Ang mga estado-kapitalistang mga rehimen gaya ng China, Vietnam, Cuba, Venezuela at North Korea ay hindi nakaligtas sa pananalasa ng krisis ng pandaigdigang kapital. Binabawi o binabawasan na ng mga ‘welfare states’ ng mga kapitalistang bansa sa Europe ang kanilang ‘tulong’ sa manggagawa mula sa pension, health, edukasyon at iba pa. 

Higit sa lahat, halos lahat ng mga kapitalistang estado ngayon laluna ang Pilipinas ay lubog sa utang at nabubuhay na lang sa pangungutang!

Kaya ang subsidyo ng rehimeng Arroyo sa kuryente, bigas at iba pa ay napakalimitado at panandalian lamang dahil ang estado mismo ay walang sapat na pera at mula pa sa utang ang malaking bahagi ng perang ginagamit! Subalit pansamantala naman nitong naibalik sa utak ng naghihirap na masa na ang estado ang ‘tagapagligtas’ nila bagay na hindi tinutuligsa ng Kaliwa, bagkus ay sinuportahan pa sa mas ‘radikal’ na lenggwahe.

Iniisip ng burgesyang Pilipino ngayon na kunin at direktang kontrolin ng estado ang MERALCO at maging ang Sulpicio Lines matapos malunod ang barkong nitong M/V Princess of the Stars. Ibig sabihin, nag-iisip ang burgesya ng nasyunalisasyon para muling tangkaing isalba ang bansa mula sa krisis. Ang mga pahayag ng rehimeng Arroyo hinggil dito ay pamumulso nito kung makukuha ba nito ang bendisyon ng buong uring burgesya. 

Subalit tila ayaw ng Kaliwa na ang paksyong Gloria ang kokontrol sa isang sentralisadong estado at ang Kanan naman ay natatakot sa muling pagbabalik ng ganap na pagkontrol ng estado sa ekonomiya. Subalit, itutulak ang buong uring kapitalista tungo sa kapitalismo ng estado para pansamantalang mapigilan ang maagang pagsabog ng sistema. Kung mas lalala pa ang krisis bago ang eleksyong sa 2010, mapilitan ang burgesyang Pilipino na palitan ang paksyong Arroyo ng isang paksyon na may ‘popular’ na suporta para ipatupad ang ganap na panghihimasok ng estado sa ekonomiya. At tiyak, ang nasa isip ng burgesya ngayon ay ang Kaliwa o koalisyon ng Kanan at Kaliwa pero dominado ng huli (gaya ng modelo sa Central at Latin America) na matagal ng naglalaway na makahawak sa estadong kapitalista.

Ang pangkalahatang estratehiya ng pandaigdigang burgesya ay: kung mahina ang militante at independyenteng kilusang manggagawa, gagamitin nito ang Kanan upang patindihin ang atake laban sa uring anakpawis. Kung sumusulong ang kilusang proletaryo, gagamitin nito ang Kaliwa, upang pigilan ang pagsulong at hadlangan ang uri na maagaw ang kapangyarihan at madurog ang kapitalistang estado. Gagamitin ng Kanan at Kaliwa ang nasyunalismo at demokrasya para panatilin ang diktadura ng uring kapitalista.

Komunistang rebolusyon

Kanan o Kaliwa man ng burgesya ang hahawak sa estado ng Pilipinas; idaan man ito sa ‘popular’ na pag-aalsa o eleksyon, hindi na nito maampat pa ang super-typhoon na pananalasa ng krisis ng sistema. Ang kapitalismo ng estado ay tiyak (tulad ng nangyari sa USSR at iba pang bansa na hawak ng Kaliwa sa nakaraan) na patindihin ang pagsasamantala sa manggagawa at maralitang Pilipino gamit ang ‘nasyunalismo’ at ‘pagmamahal sa bayan’ para sa pambansang kapitalismo. Pero, hindi maaring makaligtas ang pambansang kapitalismo ng Pilipinas dahil nakapaloob at bahagi ito sa nalulunod na barko ng pandaigdigang kapitalismo.

Ang rehimeng kapitalismo ng estado kahit pa ang maskara nito ay ‘sosyalismo’ o ‘demokrasyang bayan’ ay mabubuhay lamang sa ibabaw ng naghihirap na mamamayan.

Dahil pandaigdigan ang krisis ng kapitalismo at walang bansa na makaligtas dito, pandaigdigan din ang rebolusyon na gagawin ng uring manggagawa para wakasan ang kahirapan. Ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo ay makikita at mararamdanan sa bawat bansa. Subalit, ang kalutasan nito ay wala sa bawat bansa na hiwa-hiwalay sa isa’t-isa. 

Hindi ang kapitalismo ng estado at nasyunalisasyon o ang panghihimasok nito sa pagpapatakbo sa ekonomiya ng lipunan ang daan tungo sa kalayaan mula sa kahirapan kundi ang PAGDUROG mismo sa umiiral na kapitalistang mga relasyon sa lipunan. Komunistang rebolusyon ng manggagawa ang tanging solusyon sa krisis ng kapitalismo. Lalaya lamang ang uri mula sa pang-aalipin at pagsasamantala pagkatapos nitong maagaw ang kapangyarihang pampulitika – ang pagtatayo ng diktadura ng proletaryado.

June 11, 2008

National Independence: Illusion and Counter-revolutionary

Walang malayang bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo

Nanawagan ang rehimeng Arroyo na ipagdiwang ang anibersaryo ng araw ng “kalayaan” ngayong Hunyo 12 habang tinuligsa naman ito ng Kaliwang paksyon ng burgesya dahil hanggang ngayon “hindi malaya” ang Pilipinas mula sa kontrol ng mga dayuhan partikular ng imperyalistang Amerika.

Magkatunggali man ang dalawang paksyon ng burgesya sa Pilipinas sa usapin kung malaya o hindi ang bansa, nagkakaisa naman sila na posible pang lalaya ang isang bansa sa panahon ng imperyalismo. Katunayan, ayon sa Kaliwa, ito ang “sentral na usapin sa anti-imperyalistang pakikibaka”.

Nagmula sa baluktot at kontra-rebolusyonaryong pag-unawa sa katangian ng imperyalismo kaya walang pag-aalinlangan ang iba’t-ibang grupo ng Kaliwa na suportahan ang lahat ng mga kilusan na lumalaban sa imperyalistang Amerika sa kabila ng katotohanan na ang mga kilusang ito (gaya ng Hamas, Hizbollah at Iraqi Resistance) ay suportado din ng ibang mga imperyalistang kapangyarihan na karibal ng Estados Unidos gaya ng Iran, Syria, China, Venezuela at Cuba. Ang ilan sa Kaliwa ay naniniwala pa nga na isang “rebolusyonaryo” at “progresibo” ang panatiko at pundamentalistang grupo ni Bin Laden dahil ito ay sagad-saring anti-Amerika!

Habang ang nagharing paksyon ay nagsasabing nakamit na ng bansa ang kalayaan noong 1946 ang kabilang paksyon naman ay nagsasabing hindi pa malaya ang Pilipinas hanggang ngayon kaya patuloy itong naghihirap at atrasado.

Pambansang kalayaan: Panawagan ng burgesya laban sa pyudalismo

Batay sa makauring pagsusuri, ang pambansang kasarinlan ay kahilingan ng burgesya para wasakin ang pyudal na kaayusan. Kailangan ng uring kapitalista para sa kanyang pampulitikang paghari ang isang depinidong teritoryo na paghati-hatian nila sa pandaigdigang saklaw. Mahalaga ito para sa malayang kalakalan at kompetisyon ng bawat paksyon ng burgesya.

Kaya sa 18 at 19 siglo, ang makabayang adhikain ay pinangunahan ng bagong sibol na uring mapagsamantala na nagdadala ng bago at progresibong moda ng produksyon – kapitalismo. Ang panawagang pagtatayo ng bansa sa mga siglong nabanggit ang buod para makabig ng burgesya ang iba pang mga uri gaya ng magsasaka at peti-burgesya laban sa pyudalismo. Sa ilalim ng mga islogang “pagkapantay-pantay, kapatiran at kalayaan” nagtagumpay ang mga burges na rebolusyon noon.

Dahil progresibo at nasa pasulong na yugto pa ang kapitalismo sa 18 at 19 siglo, naging pampabilis ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa ang pagtatayo ng mga bansa gaya ng Amerika at Alemanya. Sa madaling sabi, ang makabayang adhikain noon ay progresibo para sa pagsulong ng lipunan. Kaya sinusuportahan ito ng uring proletaryado sa kabila ng katotohanan na hindi ito ang kanilang makauri at istorikal na interes.

Sa pagpasok ng 20 siglo kung saan ganap ng nasakop ng kapitalismo ang buong daigdig at nabuo at nasagad na ang pandaigdigang pamilihan, nagbago na ang katangian ng kapitalismo: umabot na ito sa rurok ng kanyang pag-unlad bilang moda ng produksyon at nasa bukang-liwayway na ng kanyang pagbulusok-pababa. Hindi na progresibo ang kapital kundi ganap ng naging reaksyonaryo at bangkarota na. Ibayong kahirapan at pagkasira ng mundo ang tanging maibibigay nito.

Sa dekadenteng kapitalismo: “Pambansang kalayaan” ilusyon na lang at kontra-rebolusyonaryo ang katangian

Sa kasalukuyang panahon ng permanenteng krisis ng pandaigdigang kapitalismo kung saan ganap ng nagapos sa kapitalistang relasyon ang lahat ng mga bansa, ang usapin ng “malayang” bansa ay isa na lang ilusyon at ginawang instrumento ng naghaharing uri para panatilihing buhay ang naaagnas na sistema. Sa ngalan ng nasyunalismo at pagtatanggol sa inangbayan nangyari ang karumal-dumal na mga digmaan na pumapatay ng daang milyong mamamayan.

Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo — kung saan ang pananatili ng isang bansa ay nakasandig sa kanyang pagsasamantala sa ibang mga bansa; sa ilalim ng tumitinding kompetisyon sa ilalim ng sagad na pandaigdigang pamilihan, ang mahihina ay aapakan ng malalakas, ang mahihina ay kokontrolin ng mas makapangyarihan, at higit sa lahat, ang bawat pambansang kapital ay nagpapaligsahan na maungusan ang mga karibal nito sa kompetisyon sa pandaigdigang pamilihan – isang panlilinlang ang malayang bansa at pagkapantay-pantay ng mga bansa.

Subalit dahil hindi syentipiko at marxista ang paninindigan ng Kaliwa laluna ng mga maoista, naniniwala ito na kung “mapalaya” ang Pilipinas sa mga kuko ng imperyalistang Kano, uunlad ang pambansang kapital ng bansa at matutupad ang pangarap ng burgesyang Pilipino na “this nation can be great again!”.

Ang aktwal na resulta ng kasaysayan ng “napalayang” mga bansa magmula 1914 ang patunay na isang panlilinlang at bitag ang usapin ng pambansang kalayaan dahil ang mga bansang ito ay naging tuta o sunud-sunuran din sa mas makapangyarihang imperyalista na karibal ng pinatalsik nila sa kanilang mga bansa. Halimbawa nito: Pinatalsik ng China ang imperyalistang Amerika sa 1949 subalit hinawakan naman sila ng imperyalistang USSR; kumawala ito sa pangil ng USSR subalit bumalik din sa kandungan ng Amerika sa 1970s. Ngayon, isang nag-aambisyong imperyalistang kapangyarihan na ang China. Pinatalsik ng Vietnam ang mga Kano noong 1975 subalit magmula dekada 1990 bumalik ulit ito sa “mapagkaibigang” relasyon sa Amerika. Isang anti-imperyalistang Kano ang bansang Venezuela sa ilalim ni Hugo Chavez pero kumukuha ito ng “pampulitikang gabay” sa Cuba at nagsisikap makontrol ang buong Central at Latin America kakutsaba ito.

Ang pinakahuling modelo ng “tagumpay” ng pambansang pagpapalaya ay ang Nepal na kontrolado na ngayon ng mga maoista at naibagsak na nila ang pagharing monarkiya. Subalit lingid sa kaalaman ng marami, nakasandal ang mahinang Nepal sa malakas na imperyalistang China. Ginamit ng huli ang una laban sa kanyang karibal na imperyalistang India. Hindi tiyak kung hanggang kalian manatili sa kapangyarihan ng paksyon ng mga maoista. Pero ang tiyak, hindi uunlad ang Nepal bilang bansa sa ilalim ng dekadenteng kapitalistang kaayusan. Hindi maglalaho sa Nepal ang pagsasamantala, bagkus lalo pa itong lalala.

Ang “pambansang kilusan” at nasyunalismo ngayon ay hindi na laban sa pyudal na kaayusan dahil sa kataposan ng 19 siglo ay nawasak na sa pangkalahatan ang pyudal na paghari. Sa halip, ang mga ito ay pananggalang ng isang paksyon ng burgesya para makabig nito ang buong populasyon laban sa karibal na paksyon kung saan ang kanilang kompetisyon ay umabot na sa kompetisyon at labanang militar at digmaan.

Hindi makaligtas ang Pilipinas sa istorikal na batas ng dekadenteng kapitalismo. Matapos mapatalsik ang imperyalistang Kano, tiyak mamimili na lang ang burgesyang Pilipino kung alin sa mga karibal na imperyalistang kapangyarihan magpatuta ito – China? Russia? Germany?

Tanging ang proletryong rebolusyon lamang ang daan papunta sa tunay na pag-unlad hindi ng bansa kundi ng lipunan mismo; hindi ng isang uri lamang kundi ng buong sangkatauhan sa isang komunistang lipunan na walang mga uri.

Sa ngayon, ang “pakikibaka para sa pambansang kalayaan” at ang pag-iilusyon na may kalayaan sa ilalim ng kapitalistang kaayusan ay mga hadlang para sa pagsulong ng isang pandaigdigang kilusan para sa isang tunay na malayang sangkatauhan at lipunan.

Hindi “pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya” ang nagdadala ng makauring interes ng uring manggagawa o kahit man lang daan papunta doon kundi ang internasyunal na rebolusyon ng proletaryado para sa komunismo.

Ang tunay na anti-imperyalistang linya ay ang linya laban sa kapitalismo (lokal man o dayuhan, pambansang kapitalista man o dayuhan ). Ang linyang ito ay komunistang rebolusyon wala ng iba pa.

May 5, 2008

Oppression of Women

Filed under: Politics, Perspectives

Ang Pang-aapi sa Kababaihan

Ang paninidigan ng marxismo sa kababaihan ay nakabatay sa makauring tunggalian sa lipunan. Malinaw ito sa teksto ni Engels na sinulat noong 1887, “The Origin of the Family, Private Property and the State” at sa sinulat ni Bebel noong 1891, “Woman and Socialism”. Ang solusyon ng usapin ng kababaihan ay nasa solusyon paano wakasan ang makauring tunggalian, ibig sabihin paano at sa anong kondisyon mapawi ang mga uri sa lipunan – ang pagtatayo ng komunistang lipunan.

Para sa karagdagang pag-unawa, inanyayahan namin ang mga marxistang mambabasa na basahin ang mga links na ito:

Ang usapin ng kababaihan sa panahon ng dekadenteng kapitalismo

Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo lalong lumala ang pang-aapi sa kababaihan. Subalit dapat bang “lumahok at pamunuan” ng rebolusyonaryong minorya ang naglitawang parang kabute na mga “kilusan para sa pagpapalaya sa kababaihan” na nagsimula noong 1960s?

Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, nasa agenda na ng kilusang manggagawa ang pagdurog sa estado at pagtatayo ng diktadura ng proletaryado sa pandaigdigang saklaw. Ito ang tanging programa na akma sa kasalukuyan. At dito dapat nakabatay ang usapin ng kababaihan at hindi sa kanilang “sektoral” at inter-classist na mga kahilingan sa loob ng kapitalistang sistema.

Ang iba’t-ibang organisasyon ng Kaliwa – maoista, stalinista, trotskyista at maging anarkista – ay nag-oorganisa at naglunsad ng mga kampanya para sa “sektoral” o isyung pangkababaihan lamang gaya ng isyu sa aborsyon, prostitusyon, battered women, kasal, at iba pa. Kabilang na dito ang “kilusan ng mga homosexual”. Humihiling sila sa kapitalistang estado na bigyang halaga ang mga problemang ito ng kababaihan at homesexual. Pinagbigyan naman sila ng burgesya. Subalit para sa Kaliwa, ang mga ito ay di-sapat at may “magagawa pa ang estado at sistema pero wala lang political will”.   

Ito ang pangkalahatang linya ng Kaliwa para “mapalahok” ang kababaihan sa rebolusyon. Ang linyang ito ay nakaangkla sa paniniwalang may kapasidad pa ang naaagnas na sistema na magbigay ng makabuluhang mga reporma gaya noong 19 siglo.

Subalit para sa Marxismo, sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, walang maibigay ang sistema liban sa lalupang pagpapalala sa aping kalagayan ng kababaihan dahil kailangan ng naghihingalong sistema na patindihin ang pagsasamantala sa uring manggagawa para patuloy na makahinga.

Ganun pa man, tuwang-tuwang ang burgesya sa mga “kilusan ng pagpapalaya sa kababaihan” dahil ang mga kahilingan nila ay hindi para ibagsak ang kapitalismo kundi para repormahin ito, para pabanguhin sa mata ng malawak na masang proletaryo. Kaya naman, maraming mga debate at diskusyon at maging mga batas hinggil sa aborsyon, prostitusyon, gay marrtiage at iba pa na sinalihan mismo ng mga burges na “maka-kababaihan.”

Sa ganitong punto nanindigan kami na ang mga “kilusang” ito ay naglalayong ipako ang isyu sa pagitan ng kasarian, demokratikong karapatan, burges na pagkapantay-pantay at higit sa lahat, hatiin ang kilusang manggagawa. Para sa amin, ang tanging solusyon sa mga problema ng kababaihan ay ang paglakas ng kilusang manggagawa at komunistang rebolusyon.

Ang tungkulin ng mga rebolusyonaryong minorya ay mamulat at magkaisa ang malawak na masa – lalaki, babae, o homoseksuwal – bilang mga manggagawa, bilang isang uri laban sa kapitalismo. At ang mga isyu na maaring makapag-isa sa kanila ay ang mga isyu bilang inaapi at pinagsamantalahang manggagawa – sahod, trabaho, pension, at iba pa. Mga isyu na direktang umaatake sa burges na estado at kapitalistang mga relasyon. Ang dapat linangin ng mga komunista ay isang malakas na kilusang manggagawa anuman ang kanyang kasarian, kulay, nasyunalidad o relihiyon.

Sa madaling sabi, ang sentralidad ng kilusang manggagawa at hindi ang mga sektoral na kilusan na walang idudulot kundi hati-hatiin lamang ang uri. Wala itong kaibahan sa “kilusan ng mga kontraktwal”, “kilusan ng may-kapansanan”, “kilusan ng immigrants”, at iba pa at kaakibat na mga permanenteng organisasyon na walang ibinunga kundi pagkahati-hati at pagpapahina sa kilusang proletaryo.

Ang unitaryong organisasyon ng mga manggagawa – asembliya at konseho – ay umaangkop sa sentralidad ng pagpapalakas ng independyenteng kilusan ng manggagawa.

Hangga’t hindi naunawaan ang pundamental na pagbabago ng kapitalismo mula 19 siglo – mula pasulong tungo sa dekadenteng kapitalismo — at ang nasa agenda ng kilusang manggagawa – mula pakikibaka para sa reporma tungo sa pag-agaw ng kapangyarihang pampulitika, hindi maunawaan na wala ng silbi ang mga sektoral at parsyal na kahilingan sa loob ng kapitalismo.

Lalaya lamang ang kababaihan kung lalaya ang uring manggagawa mula sa kapital. Ibig sabihin, lalaya lamang ang kababaihan kung madurog ang kapitalismo at maitayo ang komunismo.

  

April 30, 2008

Labor Day Statement

Diwa ng Mayo Uno: MAGKAISA AT MAKIBAKA LABAN SA KAPITALISMO!

Dineklara ng lahat ng manggagawa sa mundo ang Mayo Uno bilang Internasyunal na Araw ng Paggawa. Isa lamang ang ibig sabihin nito: Ang mga manggagawa ay isang internasyunal na uri at pareho ang mga interes at pinaglalaban kahit saang bansa man sila. Iisa lamang ang kaaway ng mga manggagawa sa buong mundo – ang uring kapitalista at ang bulok na sistema nito.

Subalit hindi pagbubunyi ang ginagawa ngayon ng naghihirap na mga manggagawa sa kanilang Internasyunal na Araw kundi mga kilusang protesta. Nagdurusa ang mga manggagawa, sa mga atrasadong bansa man gaya ng Pilipinas o sa mga abanteng bansa gaya ng Amerika sa mataas na presyo ng mga batayang bilihin laluna ng bigas, mababang sahod, di-makataong kalagayan ng trabaho, walang katiyakan ng trabaho, pagkalubog sa utang, kawalan ng permanenteng tirahan at marami pang iba.

Daang libong mga manggagawa ang nagwelga sa France, Germany, Amerika, Britain, Greece, Bangladesh, Egypt, Dubai at iba pang bansa laban sa mga atake ng kapital sa kanilang pamumuhay mula 2003. Malawak na mga welga ang sagot ng mga manggagawa laban sa krisis ng kapitalismo. Sa mga welgang ito temporaryong napahinto ng mga manggagawa ang mga atake ng kapital at nakamit ng masang anakpawis ang ilang mga temporaryong tagumpay.

Ang kalagayan ng manggagawang Pilipino

Magkatulad ang kalagayan at kahirapang naranasan ng manggagawang Pilipino at ng kanilang mga kapatid na manggagawa sa ibang mga bansa. Isang malaking KASINUNGALINGAN ang propaganda ng mga kapitalista at ng gobyerno na magkaiba daw ang kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas at sa ibang mga bansa laluna sa mga abanteng bansa gaya ng Amerika. Sapat na ang mga karanasan ng ating OFWs at ng mga welga mismo sa naturang mga bansa para makita natin ang katotohanan mula sa kasinungalingan.

Subalit maraming hadlang sa pag-unlad ng pakikibaka ng manggagawang Pilipino na nagbunga ng demoralisasyon at kawalang tiwala sa lakas ng sariling pagkakaisa.

Ano ang mga hadlang sa pag-unlad ng pakikibaka ng manggagawang Pilipino?

Una, pag-asa na mayroong “tagapagligtas” sa kanila mula sa kahirapan at pang-aapi ng kapitalista at ng gobyerno. Ang inaasahan nila ay ang mga unyon, mga abogado, mga relihiyoso, panggitnang uri, mga politiko at mga elektoral na partido. Ang iba ay umaasa sa mga armadong gerilya at mga rebeldeng militar.

Pangalawa, paniniwala na ang pagkatalo at kabiguan ay isang “tagumpay”. Ang mga pangako at panlilinlang ng kapitalista at gobyerno ay iniisip na “tagumpay”. Ang settlement ng DOLE at NLRC ay pinaniwalaang “tagumpay ng pakikibaka”. Ang malaking perang binayad ng management bilang separation pay ay iniisip  na “tagumpay” ng mga kaso sa NLRC at DOLE.

Pangatlo, pag-iisip na walang magandang ibubunga ang paglaban sa kapitalista at gobyerno dahil siguradong talo pa rin. Kaya mabuti pang tiisin ang kahirapan at patayin ang katawan sa trabaho para lalaki ang kita. Pag-iisip na walang magagawa ang pagkakaisa at mabuti pang magkanya-kanya ng paghahanp-buhay. 

Dalawang hakbang tungo sa tagumpay ng pakikibaka

Ang unang hakbang tungo sa tagumpay ng pakikibaka ay hawakan mismo ng mga manggagawa ang pagsusuri sa kanilang kalagayan at ang pagdesisyon kung ano ang dapat gawin at HINDI aasa sa mga “tagapgligtas”. Ang kongkretong ekspresyon nito ay ang mga ASEMBLIYA o malawak na pulong ng mga manggagawa — hindi lang sa loob ng pabrika kundi ng iba’t-ibang pabrika para mag-usap, magdiskusyon at magdebate hanggang makamit ang kolektibong pagkakaisa kung ano ang dapat gawin. Pero magagawa lamang ito kung independyente ang mga ASEMBLIYA mula sa kontrol ng anumang tipo ng unyon o elektoral na partido. Hinati-hati at pinahihina lamang ng mga unyon at elektoral na partido ang ating pagkakaisa.  

Ang mga ASEMBLIYA ng lahat ng manggagawa (dadaluhan ng mga regular, kontraktwal, unyonista at di-unyonista, empleyado ng publiko o pribadong empresa, walang trabaho, at mga indibidwal na totoong tumindig para sa interes ng manggagawa) ang epektibong organisasyon ng pakikibaka laban sa pagsasamantala ng mga kapitalista at ng gobyerno sa kasalukuyang panahon at hindi ang mga unyon at elektoral na partido.

Ang mga ASEMBLIYA ng manggagawa ng iba’t-ibang pabrika ang tunay na ekspresyon ng pagkakaisa. Kung hindi pa kakayanin ang mga asembliya ay maaring magsimula sa mga grupo ng diskusyon at talakayan upang pag-usapan at suriin ang kalagayan at karanasan sa loob ng pagawaan.

Dapat nating muling isabuhay ang kasabihan na napatunayang wasto sa mahigit 200 taon na pakikibaka ng manggagawa sa buong mundo: ANG EMANSIPASYON NG MGA MANGGAGAWA AY NASA PAGKAKAISA MISMO NG MGA MANGGAGAWA.

Ang pangalawang hakbang tungo sa tagumpay ng pakikibaka ay ang pagtanggap sa katotohanan na WALANG maibigay na matagalang kagalingan ang kapitalistang gobyerno at sistema para sa mga manggagawa hawak man ito ng administarsyon o oposisyon, ng Kanan o Kaliwa ng burgesya. Ang tanging maibigay lamang nila ay panlilinlang at mga pangakong hindi matutupad, ibayong pang-aapi, pagdurusa at kahirapan. Nasa permanenteng krisis na ang kapitalismo at para makahinga pa ito, kailangan nitong ilublob tayo sa kahirapan. WALANG MAAASAHAN SA GOBYERNO. Para makaraos sa kahirapan, kailangang magkaisa at lumaban ang mga manggagawa sa buong daigdig.

INTERNASYONALISMO
Mayo 1, 2008

Contact us: internasyonalismo@yahoo.com

March 4, 2008

Inter-classist movement in the Philippines

Filed under: Philippine Politics

Inter-Classist Movement: A Trap for the Filipino Proletariat

Last February 29, an inter-faith rally was held in Makati by the bourgeois opposition, leftists and religious groups. Based on estimate of the organizers themselves, that was the biggest rally (80,000 participants) ever held since Rodolfo “Jun” Lozada Jr.[i] exposed the corruption of the ZTE Broadband deal.[ii] Organizers promised to have bigger mobilizations in coming days or months to bring down Gloria Arroyo as president.

February 29 mobilization was a trying hard copy-cat of Edsa 1 and Edsa 2:[iii] an inter-classist movement led by an anti-Gloria Arroyo bourgeoisie in alliance with different leftist organizations. The main aim of these inter-classist movements as what happened in two Edsas is to convince the top brass or the junior officers of the AFP and PNP together with their “obedient” soldiers to withdraw their support from the Arroyo government. For the leftists, only the withdrawal of support of the AFP/PNP or the offensive of the leftist guerillas could topple down a “corrupt president”. But since the latter is still in its “strategic defensive”, the former is now decisive to oust Gloria Arroyo as President. This is the line of Jose Ma. Sison[iv], founder of the maoist Communist Party of the Philippines.

Two Edsas: A Movement Led by the Bourgeoisie and Petty-Bourgeoisie

The so-called “People Power” Revolutions of 1986 and 2001 were led by the anti-ruling faction reactionaries and the middle classes.

In 1986, the anti-Marcos (anti-fascist) line dominated the popular movement. Inevitably, it led to the ascension of Corazon Aquino, a capitalist landlord. Whether the maoist CPP and its front organizations participated[v] in the 1986 snap election called by Marcos or not, it would not change the class leadership of that movement. Without the withdrawal of support of then Chief of Staff Gen. Fidel Ramos and Minister of National Defense Juan Ponce Enrile and the intervention of US imperialism, Marcos would not fled the country and certainly would fight to the death.

In 2001, the maoist CPP and its front organizations rectified their “blunder” in 1986. They actively participated in the anti-Estrada movement up to the point of having a tactical alliance with the Gloria Arroyo faction. But still, the decisive factors were the withdrawal of support of then Chief of Staff Gen. Angelo Reyes and other Generals from then President Joseph Estrada.

Inter-classist movement: Not a Class Terrain of the Proletariat

The inter-classist movement in the Philippines is initiated by the leftist Maoist movement. This is one of their “three magic weapons” for their bourgeois national-democratic revolution. Its concept of revolution is the Stalinist “bloc of four classes” (i.e., alliance of workers, peasants, petty-bourgeoisie and national bourgeoisie). That’s why it is part of its basic principles the tactical alliance with the faction of the ruling class. But this Maoist strategy is also practice by the anti-Maoist leftists in the Philippines. This only means that frontism of whatever type is inherent to all leftist currents to derail the proletariat to achieve its own class consciousness.

When the proletarian movement integrates itself to the struggle of the non-proletarian classes especially with the faction of the capitalist class, it weakens itself as a class. In 1986, the relatively strong militant workers movement was weaken due to the united front policy and armed guerilla actions of the Maoist CPP. In 2001, the already weak proletarian movement was further weaken by the inter-classist “People Power” to oust Joseph Estrada. Now, once again, all factions of the bourgeoisie and the unions are calling the atomized and demoralized workers to participate in the struggles led by its class enemy.

What happened in Latin America is also what happened in 1986 and 2001 in the Philippines: “The fact that significant parts of the proletariat have been sucked into these revolts is of the greatest importance, because it marks a profound loss of class autonomy. Instead of seeing themselves as proletarians with their own interests, workers in Bolivia and Argentina saw themselves as citizens sharing common interests with the petty-bourgeois and non-exploiting strata.” (ICC, ‘Popular revolts’ in Latin America: Its class autonomy is vital to the proletariat)

Thus it is not surprising that the Right and Left of capital expressed the same sentiment on the outcome of the inter-classist movement last February 29[vi].  Both the Right and Left of the bourgeoisie have the same task: DERAIL THE DEVELOPMENT OF PROLETARIAN CLASS CONCIOUSNESS.

Filipino workers affected by the decomposition of capitalism

Prior to 1986 “People Power”, the working class was combative. Although mystified and led by the Maoists and the unions, they tried to struggle based on its class demands. Unfortunately, these were all sabotaged and redirected to anti-fascism, nationalism and guerilla warfare. In forms, we witness the widespread strike movement of the workers since 1975. But in 2001, nowhere can we see any combativeness of the Filipino working class. They were atomized into simple citizens completely tailing the anti-Estrada bourgeoisie.

Internationally, the collapsed of imperialist USSR and its satellites in Eastern Europe further weaken the militancy of the Filipino workers. This happened because of the strong mystification within the class that USSR is a “socialist” country. As what the ICC said, “The collapse of the Berlin wall, and the subsequent tidal wave of bourgeois propaganda about the “death of communism”, caused a profound ebb in workers’ struggles internationally, characterised essentially by the proletariat’s loss of its own class identity. The effects of this ebb were all the more damaging for the proletariat in the peripheral countries, such as in Latin America, inasmuch as the development of the crisis and social decomposition thrust the wretched, oppressed and pauperised masses into inter-classist revolts, making it even more difficult for the workers to assert their own class autonomy and to keep their distance from “people power” and popular revolts.” (’Popular revolts’ in Latin America: Its class autonomy is vital to the proletariat)

Since 1990s the answer of the weaken Filipino proletariat to the attacks of the bourgeoisie is “every man for himself”. This is the disastrous effect of the decomposition of capitalism. Thanks to the anti-proletarian maneuvers of the leftists and unions, the workers in the Philippines were further weaken and momentarily loss their class confidence.

But it is not only the Filipino workers that are affected by these germs. Other countries in the periphery like Latin America are also affected. Nucleo Comunista Internacional, a left-communist group in Argentina correctly analyses this situation: “It is fundamental to say this, because in this period of capitalism’s decadence, the proletariat runs the risk of losing its class identity and its confidence as the subject of history and the decisive force of social transformation. This is due to the downturn of proletarian consciousness as a consequence of the explosion of the Stalinist bloc and the impression on workers’ thinking of capitalist propaganda about the failure of the class struggle.  In addition to this the bourgeoisie has been inculcating the idea that class antagonisms no longer exist, rather people are united or divided according to whether they have been inserted into the market or excluded from it. It thus tries to erase the river of blood that separates the proletariat from the bourgeoisie”. (“Concerning the proletarian struggle in Argentina” Comunismo 49). As in the Philippines experience, “the bourgeoisie has been inculcating the idea that class antagonisms no longer exist, rather people are united or divided according” to partial struggles (like corruption) or what faction of the bourgeoisie is in power.

Perspective of proletarian struggles in the Philippines

Filipino workers are part of an international class. Its struggles and objectives are international in character. Moreover, the proletariat is the only revolutionary class. At the moment that the Filipino proletariat is very much weaken, we should remember what Marx said as quoted by the ICC: “The working class is the only revolutionary class. It alone bears a perspective for humanity as a whole. Today, when the proletariat is surrounded on every side by the increasing decomposition of a moribund capitalism, when it has great difficulty in imposing its own autonomous class struggle with its own interests to defend, it is more than ever necessary to remember the words of Marx in The Holy Family: “The question is not what goal is envisaged for the time being by this or that member of the proletariat, or even by the proletariat as a whole. The question is what is the proletariat and what course of action will it be forced historically to take in conformity with its own nature”. (’Popular revolts’ in Latin America: Its class autonomy is vital to the proletariat)

At present, the proletariat in the Philippines does not trust anybody even itself. It does not trust the administration, opposition, leftist organizations and the unions. It does not yet trust its own solidarity and unity. That is why both the administration and the different forces of opposition have difficulty to mobilize the workers in accordance to their own agenda.

Thus, the very tiny revolutionary minority in the Philippines has the gargantuan task to appropriate the lessons of the past struggles of the class through discussions with proletarian elements searching for the correct perspectives of the situation and struggles of their class. The class must understand the nature of the unions, parliamentarism, nationalism, leftism and frontism. Through these, the workers in the Philippines can prepare themselves in the future struggles.

The historic course today is CLASS CONFRONTATIONS. Sooner or later the Filipino workers will confront its class enemy because their situation would push them to defend themselves against the attacks of capital as what their brothers did in other countries since 2003. To advance the workers’ struggles to revolution the class must understand that “The autonomy of the proletariat in the face of all the other classes of society is the first precondition for the extension of its struggle towards the revolution. All alliances with other classes or strata and especially those with fractions of the bourgeoisie can only lead to the disarming of the class in the face of its enemy, because these alliances make the working class abandon the only terrain on which it can temper its strength: its own class terrain” (Point 9, Platform of the ICC).

INTERNASYONALISMO, March 4, 2008

 
———
[i] Jun Lozada is now the “people’s hero” because he exposed the anomalies of the ZTE-National Broadband Deal. He was the former president of Philippine Forest Corp. and former consultant of the National Economic and Development Authority on the ZTE contract,

[ii] ZTE Broadband Deal – an anomalous $329 million contract between the Philippine government and the Chinese company, the ZTE Corp. Although this contract was already cancelled by Gloria Arroyo because of the popular pressure, the opposition Philippine Senate continues its investigation because the First Couple were involved in this anomaly together with their close allies. The real objective of the opposition senators is to further isolate the Arroyo faction through public opinion and present themselves as alternatives to her as president. Senators like Manny Villar, Manuel Roxas, Panfilo Lacson. Loren Legarda are as greedy as Gloria Arroyo for power.

[iii] Edsa 1 was the inter-classist movement in 1986 mainly concentrated in Metro Manila that toppled down the dictator Ferdinand Marcos. Edsa 2 in 2001 was the same in character of Edsa 1 but it toppled the corrupt president Joseph Estrada. It was called “Edsa Revolution” because it is in the street of Epifanio delos Santos Avenue (Edsa) that thousands of people massed up.

[iv] Jose Ma. Sison said, It is possible to remove the Arroyo ruling clique from power mainly through the people’s exercise of their democratic right to speak and assemble, as in 1986 and 2001. The issuance of statements, indoor meetings and localized rallies against the regime can generate the gigantic mass actions. The peaceful uprising of the people in great numbers can encourage the bureaucracy and military to withdraw support and can thus cause the Arroyo regime to implode.
According to reliable information, the patriotic military and police officers and the overwhelming majority of enlisted personnel will manifest their withdrawal of support from the regime as soon as 100,000 people converge in any of the protest rallies either in Manila or Edsa in the coming days, weeks and months. Such level of mass participation is expected to ignite the peaceful uprising of the people in their millions nationwide.” (February 23, 2008, “The Broad United Front of Patriotic Forces is Determined to Mobilize the People Nationwide Against Arroyo Regime”)
[v] In 1986 the maoist Communist Party of the Philippines and its front organizations boycotted the snap presidential elections called by Marcos. In its own assessment, the “national-democratic” forces were isolated in the 1986 “People Power” because of the boycott policy. The maoist admitted that the said policy was a “tactical blunder”.
[vi] The Philippine Daily Inquirer on its March 1, 2008 issue quoted Executive Director Alberto Lim of the prestigious organization of businessmen of the financial capital of the Philippines, the Makati Business Club (MBC) and Renato Reyes, the national secretary-general of New Patriotic Alliance, a front organization of CPP on their reactions of the February 29 mobilization.

Alberto Lim: “This is an inter-faith gathering; there is no shouting slogans against imperialism, etc, which turn off many people, “this rally is peaceful”.

Renato Reyes: “the strongest rejection yet of the administration in three years”, “an encouraging sign of political maturity”, “the President made this possible. She provided the urgency for everyone to set aside their differences and struggle together for truth and justice.”

February 8, 2008

A Call for Class Unity for the Filipino Proletariat Amidst the Intra-Factional Conflicts of the Ruling Class in the Philippines

Filed under: Philippine Politics

PANAWAGAN SA MANGGAGAWANG PILIPINO PARA SA MAKAURING PAGKAKAISA

Tumitindi at lumalala ang tunggalian sa loob ng naghaharing uri sa Pilipinas. Lalong nalagay sa depensibang posisyon ang paksyong Arroyo dahil sa desperadong mga hakbang nito para tangkaing konsolidahin ang kapangyarihan (ang pinakahuli ay ang pagpatalsik kay de Venecia bilang speaker of the house at ang pagdukot kay Lozada para mapigilan sana ito na tumistigo sa ZTE scandal). Ang mga kapalpakang ito ang sinasamantala ngayon ng burges na oposisyon upang muling banagon ang kampanyang anti-GMA.

Administrasyon man o burges na oposisyon ay parehong kaaway ng manggagawang Pilipino at maralita. Walang dapat kampihan o suportahan sa kanila. Ang lumalalim at lumalawak na diskontento ng masang anakpawis ay nakatuon sa pagsasamantala at pang-aapi ng estado bilang pangunahing instrumento ng buong naghaharing uri. Subalit ang diskontentong ito ay nais ilihis at hatakin ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya sa simpleng labanan ng mga paksyong maka-GMA at anti-GMA. Nais ng burges na oposisyon na ipako ang kamulatan ng masa sa anti-GMA at itago ang katotohanan na ang estado mismo at ang mga institusyon nito ang pangunahing kaaway ng uri.

Napatunayan na sa karanasan na isang patibong at nakakabaog ang pakikipag-alyansa at pakikipagtulungan sa alin man sa mga paksyon ng naghaharing uri para susulong ang makauring pagkakaisa at pakikibaka ng masang anakpawis.

Nanawagan kami sa manggagawang Pilipino at maralita na:

1.      Huwag suportahan ang alin man sa mga paksyon ng burgesya (administrasyon at oposisyon) at huwag sumama sa mga pagkilos nila. Sa halip, ilunsad ng mga manggagawa at maralita ang mga pagkilos at pakikibaka na independyente at nakahiwalay sa mga paksyong ito.

2.      Pagtuunan ng mga pakikibaka at pagkilos ang mga isyu at problemang pinapasan ng masang anakpawis ngayon – mababang sahod, walang mga benepisyo, kakulangan at kawalan ng trabaho, kontraktwalisasyon, at iba pa. Mapilitan lamang ang estado na magbigay ng konsesyon bagama’t pansamantala lamang kung magkaroon ng malawakang nagkakaisang pagkilos ang masang anakpawis. Ang mga malawakang pagkilos na ito ay hindi sektoral kundi buong uri; hindi antas pabrika at komunidad kundi maramihang mga pabrika at komunidad; hindi isang syudad kundi maramihang mga syudad.

3.      Ang lakas ng pakikibaka ay nasa pagkakaisa ng malawak na manggagawa at maralita mismo; nasa kanilang sariling pagkakaisa at wala sa panghihingi ng suporta at tulong sa alin man sa mga paksyon ng naghaharing uri at sa mga pulitiko. At lalunang wala sa ibibigay nilang suporta at tulong.

4.      Itakwil ang kaisipan na may maaasahan pa sa Kongreso na ngayon ay punong-puno ng katiwalian, bentahan at bilihan na naging arena ng maniobrahan ng mga reaksyonaryong mga paksyon at personalidad. Walang maasahan sa iba’t-ibang party-list at pulitiko sa loob ng Kongreso na nag-aastang "progresibo" at "maka-mahirap" . Nangangamoy na sa kabulukan ang Kongreso at ang pagpasok dito ay tahasang pagtraydor sa makauring interes ng masang api.  

5.      Matuto sa mga aral ng pakikibaka ng mga kapatid na manggagawa sa labas ng bansa na ngayon ay sumusulong batay sa sariling pagkakaisa. Matuto sa kanilang karanasan sa pagtatayo ng mga asembliya at konseho ng manggagawa bilang organo ng pakikibaka. Nasa pagkakaisa ng mga manggagawa sa buong mundo ang makapangyarihang lakas laban sa mapagsamantalang mga uri sa lipunan.  

ANG EMANSIPASYON NG URING MANGGAGAWA AY NASA KAMAY MISMO NG MGA MANGGAGAWA. ITO LAMANG ANG TANGING DAAN TUNGO SA TAGUMPAY NG PAKIKIBAKA.

Nanawagan din kami sa lahat ng mga elementong seryosong nagnanais ng tunay na panlipunang pagbabago na kumilos sa abot ng kanilang makakaya na maunawaan ng malawak na manggagawa at maralita ang mga aral ng kanilang sariling karanasan sa nakaraan laluna ang mga aral kung bakit wala pa ring pagbabago sa kanilang naghihikahos na kalagayan sa kabila ng pagpalit-palit ng mga paksyon na nakaupo sa Malakanyang at sa pakikipag-alyansa ng Kaliwa sa isang paksyon ng naghaharing uri.

KAILANGANG MAGTULUNGAN ANG MGA REBOLUSYONARYONG ELEMENTO laban sa lahat ng mga maniobra at mistipikasyon ng burgesya.

February 3, 2008

Electoral Myth

Filed under: US Politics

US Elections: Reviving the Electoral Myth

The hype about the Iowa caucus and New Hampshire primary seems overwhelming. But it is still too early to tell what consensus will emerge in the dominant circles of the American ruling class about the political division of labor that will best serve its interests in the period ahead. However, it is clear that what is at stake for American capitalism in the coming presidential election are a) a break with the Bush administration’s disastrous imperialist policies in order to significantly restore American authority on the international level, and b) a total refurbishment of the democratic mystification, which has taken a terrible beating since the year 2000.

Restoring American Imperialist Authority

Even before the November election, the bourgeoisie has made great strides in setting the stage for a full scale redressment of the catastrophic imperialist policy of the Bush administration. With virtually all of the neo-cons driven from the administration and the forced resignation of their close ally, former Secretary of Defense Donald Rumsfeld, Vice President Dick Cheney is essentially the only hardcore hawk remaining in the inner circles of the administration. The permanent bureaucracy in the State Department, Defense Department, and the CIA, which represents the continuity of American imperialist policy through both Democratic and Republican administrations since the collapse of Russian imperialism in 1989, is increasingly exerting its influence in Washington. The neutralization of the Cheney-inspired campaign to stir up yet another preventative war, this time against Iran, is testimony to the power of this permanent bureaucracy. Career foreign service officials opposed the war plans as yet another irrational policy that would further isolate US imperialism on the international level. Military leaders were painfully aware that American forces are already stretched way too thin to sustain a third front in yet another theatre. And the intelligence bureaucracy, sick and tired of having its intelligence gathering manipulated and twisted by Cheney and the neo-cons with disastrous consequences, gave the administration’s bellicose Iran policy the kiss of death by releasing its National Intelligence Estimate findings that Iran had abandoned its nuclear weapons program over three years ago, thus eliminating the rationale of the Bush administration’s bellicose policy.

This sets the stage for an even more far reaching realignment of imperialist policy, regardless of whoever wins the White House in November. It is perhaps noteworthy that Huckabee, the surprise winner in the Iowa Republican race, was the only candidate to denounce Bush’s foreign policy as "arrogant, bunker mentality." Likewise, in the Democratic race, Obama, who has emerged as the main alternative to Clinton, was the only candidate who could claim that he had been opposed to the war in Iraq from the very beginning. Regardless of who wins the nomination, the struggle of the dominant fraction of the bourgeoisie to pursue a more sophisticated, more "multilateral" imperialist policy, that will lessen American imperialism’s growing isolation and reestablish its authority on the international level seems to be making significant headway.

Refurbishing the Democratic Mystification

Initially it seemed that the 2006 election constituted a reinvigoration of an electoral mystification that had been badly tarnished by both the stolen presidential election of 2000 and the failure of the American ruling class to accomplish its belated 2004 consensus on the need to elect John Kerry president. By contrast, the 2006 election which put the Democrats in control of both houses of Congress, was portrayed in the capitalist media and by prominent politicians in both major parties, as an expression of the political will of the American people for an end to the war in Iraq, for a change in political direction at the national level. Politicians and political pundits alike threw around phrases like "a swing in the political pendulum," and a "tremendous blow to the Republican party," and there was growing acceptance of the notion that the Republicans were destined to take up the role of political opposition in the future political division of labor. For a while it truly seemed like the sorely eroded public confidence in the electoral process had been restored in the general population, including the working class. But this proved to be short lived as the failure of the Democrats to overcome the Bush administration’s continued resistance to end the war in Iraq revived skepticism about the effectiveness of electoralism as a means of expressing the "popular will." Public opinion polls showed the approval ratings of both Bush and Congress hovering at record low levels, approaching 29%. The electorate was just as fed up with the Democrats as they were with the Republicans.

The bourgeoisie desperately needs the 2008 election to revive its central ideological swindle, the idea that participation in its elections is the means to achieve peaceful change in the direction of society. Having squandered the fruit of its 2006 election so quickly and given the persistent difficulty of the bourgeoisie’s dominant fractions to control the electoral process in the context of worsening social decomposition, it is not clear whether the ruling class will be successful in reinvigorating the democratic mystification.

Sensing inevitable victory at the polls, Democratic politicians with presidential ambitions started the electoral circus so early this time around that they pose the potential of mutually destroying each other’s political prospects by the time the primaries are over. Having started out riding a tidal wave of opposition to the war in Iraq, most of the major Democratic candidates now openly acknowledge that an early troop withdrawal is impossible and predict that troops will have to remain in Iraq for quite some time.

Prominent politicians from both parties are openly pondering whether the traditional two-party system is now too badly bent or broken to effectively serve the political interests of the ruling class and is considering support for a serious independent candidate. In their call for a two-day conference in Oklahoma in early January, former Democratic Senator Sam Nunn of Georgia, who served as chairman of the Senate Armed Services Committee and former Democratic Senator David L. Boren of Oklahoma, who served as chairman of the Senate Intelligence Committee wrote, "Today we are a house divided. We believe that the next president must be able to call for a unity of effort by choosing the best talent available - without regard to political party - to help lead our nation." They went on to state, "Most importantly, we must begin to restore our standing, influence and credibility in the world." Other prominent participants include: former Democratic U.S. Sen. Charles S. Robb of Virginia (son-in-law of President Lyndon Johnson); Bill Brock, former Republican Party chairman and former Tennessee U.S. Senator; Jim Leach, a former Republican congressman from Iowa; former Democratic presidential candidate Gary Hart, who also served in the U.S. Senate; departing Republican Sen. Chuck Hagel of Nebraska, who served on the Senate Foreign Affairs Committee and denounced the Bush administration’s Iraq policy as the greatest foreign policy mistake in American history; and ex-Democrat, ex-Republican New York Mayor Michael Bloomberg, a billionaire ready and able to not only offer himself as the nominee but also able to spend $1 billion of his $12 billion personal fortune to fund the campaign.

Whatever the outcome, the stakes are high for the bourgeoisie, but will mean nothing for the working class except that we will be subjected to a more finely tuned political propaganda used to manipulate us to accept the austerity policies employed to make us bear the brunt of the economic crisis and the imperialist policy that uses us as cannon fodder for American capitalism. — Jerry Grevin, Jan. 5, 2008

January 22, 2008

Capitalism has no solution to the agrarian problem in the Philippines

WALANG SOLUSYON ANG KAPITALISMO SA PROBLEMANG AGRARYO SA BANSA

Sa paggunita sa ika-21 taong anibersaryo ng Mendiola masaker libu-libong magsasaka mula sa iba’t-ibang probinsya ng Luzon ang nagmartsa (Lakbayan) patungong Maynila para iggiit una sa lahat ang pagpapatupad ng “tunay na repormang agraryo”. Nauna na dito noong huling bahagi ng nakaraang taon ay nagmartsa ang mga magsasaka sa Sumilao, Bukidnon mula sa kanilang pinanggalingan patungong Maynila din. Magkaibang pampulitikang grupo at oryentasyon man ang kumokontrol sa mga magsasaka, iisa lamang ang kanilang isinisigaw: REPORMANG AGRARYO.

Walang duda na pinagsamantalahan ang masang magsasaka mula pa noong kolonyalismong Espanyol hanggang ngayon. Higit limang siglo na ang pagdurusa ng mga ito sa bulok na sistema ng lipunan.

Subalit MALI kung iisipin na walang nagbago sa bulok na sistema sa loob ng mahigit 500 taon at batay dito wala ding nagbago sa laman ng pakikibaka ng masang magsasaka para sila ay lumaya mula sa pagsasamantala at pang-aapi.

Kahilingan sa pag-aari ng lupang mabubungkal: Noon at Ngayon

 “Lupa sa nagbubungkal”. Ito ang sentro ng kahilingan ng mga magsasaka sa kasalukuyan. Ito ang sentrong kahilingan ng mga gerilya sa kabundukan. Ito din ang kahilingan ng mga repormista sa kalungsuran.

Sa panahon ng pyudalismo (kung saan ang naghaharing uri ay ang mga panginoong maylupa at kasama na dito ang Simbahan), itinali ang mga magsasaka sa lupa. May mga batas ang pyudal na estado na nagpaparusa sa mga magsasakang aalis sa lupa na walang pahintulot ng kanilang mga panginoon. Sa pangkalahatan, ito ang kalakaran ng mga kolonyalistang Kastila at ng Simbahan sa bansa sa loob ng 300 taon. Pinipilit ang mga aliping magsasaka na magbungkal para sa pangangailangan ng pyudal na kaayusan.

Simula ika-16 siglo nasa yugto na ng pabulusok-pababa ang pandaigdigang pyudal na sistema habang naging mas agresibo ang lumalakas na progresibo at rebolusyonaryong uri (na nagdadala ng bago at mas maunlad na moda ng produksyon) laban sa pyudal na kaayusan. Ang uring ito ay ang uring kapitalista (hindi ang uring magsasaka) na noon ay hindi pa naghaharing uri kundi ginigipit na uri ng naghaharing pyudal na mga panginoong maylupa.

Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas sa kalagitnaan ng 1500s, humihinang pyudal na kapangyarihan na ito sa pandaigdigang saklaw. Katunayan, binabayo na ng mga pakikibaka ng Kastilang burgesya ang pyudal na monarkiya sa loob mismo ng Espanya. Sa 1880s bago pa man naitayo ang Katipunan ni Andres Bonifacio sa 1896 ay naagaw na ng Kastilang burges ang kapangyarihan sa Espanya.

Gayong makauring interes ng magsasaka na makalaya sa pang-aalipin ng lupa, mas interesado ang burgesya dito dahil sa pamamagitan lamang ng paglaya ng mga magsasaka sa lupa ay matransporma sila bilang mga sahurang-alipin ng kapital, ang bago at mas maunlad na sistema ng produksyon. Samakatuwid, ang kahilingang anti-pyudal ng mga magsasaka ay isang burges na kahilingan.

Subalit, kailangang mailinaw na ang pyudal at kapitalistang mga sistema ay parehong mapagsamantalang sistema. Bagama’t may katangiang progresibo at rebolusyonaryo ang uring kapitalista laban sa pyudalismo, ang una ay isa ding mapagsamantalang uri. Sa sistemang kapitalista, naranasan ng lipunan ang bangis ng pagsasamantala ng uring ito para sa tubo.    

Ang kahilingang “lupa sa nagbubungkal” ay kahilingan ng mga peti-burges na magsasaka na nagmamay-ari ng maliliit na parsela ng lupa. Ang uring ito ay ginigipit kapwa ng pyudal na panginoong maylupa para sa kanilang luho at ng burgesya para lubusan silang maalis sa lupa at maging mga sahurang-alipin ng kapital. Ang peti-burgesya sa kanayunan ay isang desperadong uri na walang kinabukasan: Sa ilalim ng pyudal na kaayusan ay nanganganib sila na maging ‘kasama’ (tenant) ng panginoong maylupa. Sa ilalim ng kapitalistang kaayusan ay nasa bingit sila na maging manggagawa. Kinasusuklaman ng uring ito ang pagiging maralitang magsasaka at ang pagiging manggagawa.

Ang mga walang lupa ay matagal ng naging manggagawa. Katunayan, ang mga maralitang magsasaka sa kanayunan ang mga ninuno ng mga manggagawa sa kalungsuran. Kahit sa kasalukuyan, parami ng parami ang mga maralitang magsasaka na naging sahurang manggagawa sa nayon man o sa lungsod.

Subalit mahigit 100 taon ng pormal na nadurog ang pyudal na kaayusan sa bansa. Mahigit 100 taon ng naghari ang uring kapitalista sa bansa. Mahigit 100 taon ng kapitalismo ang sistema ng Pilipinas. Kung ikumpara sa antas ng pandaigdigang kapitalismo ay isang atrasadong kapitalistang bansa ang Pilipinas, hindi pa rin nito maaring itago ang realidad na ito ay isang kapitalistang bansa. Ang pagiging atrasado ng Pilipinas ay hindi pa dahil pyudal pa rin hanggang ngayon ang kanayunan kundi dahil wala ng kapasidad ang pandaigdigang kapitalismo na nasa yugto na rin ng kanyang pagbulusok-pababa mula ng pumutok ang unang imperyalistang digmaang pandaigdig noong 1914 na paunlarin pa ang kapitalismo ng bansa.

Ang kaaway ng mga manggagawang bukid at peti-burges sa kanayunan sa kasalukuyan ay hindi na ang mga tradisyunal na panginoong maylupa tulad noong unang panahon kundi mga kapitalistang panginoong maylupa na. Ang relasyon ng produksyon na nagsasamantala sa malawak na masa sa kanayunan ay hindi pyudal kundi kapitalista na. Ang estadong nagtatanggol sa mga modernong panginoong maylupa ay hindi pyudal na estado kundi ng mga kapitalista na.

Subalit pundamental na magkaiba ang interes ng mga manggagawang bukid at peti-burges sa kanayunan kung bakit nila nilalabanan ang mga kapitalistang panginoong maylupa. Ang una ay bilang manggagawa habang ang huli ay dahil ayaw nilang maging manggagawa. Ang una ay nai