INTERNASYONALISMO

WORKERS OF THE WORLD, UNITE!

Workers have no country. Their class interest have no boundaries.

August 1, 2008

Behind Arroyo’s SONA

Filed under: Philippine Politics

SONA NI GLORIA: PAMBOBOLA AT PAGSISINUNGALING PARA SUBUKANG ISALBA ANG BUMULUSOK-PABABA NA PAMBANSANG KAPITALISMO

Punong-puno ng pambobola at kasinungalingan ang SONA ni Gloria noong Hulyo 28. Ang malawak na manggagawa at maralita na lubhang nakaranas ng kahirapan ay hindi na naniniwala sa mga ‘achievements’ ng rehimeng Arroyo.

Hindi na natin pagdebatehan ang mga datos na sinasabi ni Arroyo dahil alam naman ng lahat na malaking bahagi nito ay kasinungalingan at para lamang bigyang katuwiran ang kanyang panunungkulan bilang chief executive officer ng pambansang kapitalismo.

Ang pagtuunan natin ng pansin dito ay ang sumusunod na argumento ng naghaharing paksyon sa likod ng kanyang SONA:

1. “Hindi kasalanan ni Gloria ang krisis ngayon kundi ng pandaigdigang krisis ng sistema”.

2. “E-VAT epektibong solusyon para maibsan kahit papano ang epekto ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa bansa”

Kaakibat nito, suriin din natin ang inihaing solusyon ng Kaliwa at ilang personaldiad ng burges na oposisyon na para makaraos sa krisis ang bansa kailangang tanggalin ang E-VAT at muling kontrolin ng estado ang batayang mga industriya gaya ng langis at kuryente.

Pambansang kapitalismo nakatali sa pandaigdigang sistema

Sa panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo lahat ng mga pambansang kapital sa mundo ay nakagapos sa pandaigdigang kapital. Kasinungalingan ang sinasabing maaring maging malaya ang isang bansa sa kadena ng pandaigdigang kapitalismo.  

Ang ganitong katotohanan ba ay nagtatanggol sa argumento ng nagharing paksyong Arroyo na “hindi dapat sisihin ang gobyerno ng Pilipinas dahil pandaigdigan ang krisis”?  HINDI.

Tama din ba ang Kaliwa na may magagawa ang estado na ipagtanggol ang pambansang kapitalismo sa kabila ng pandaigdigang krisis? HINDI.

Dahil nakagapos ang lahat ng pambansang kapitalismo sa pandaigdigang kapitalismo, ang mga polisiya  ng mga estado ay nagsisilbi sa mga pangangailangan ng huli. Sa panahon ng pandaigdigang krisis, MALAKI ang kasalanan ng mga estadong ito. Pero ang mga kasalanan nila ay hindi simpleng bunga ng ‘kagustuhan’ o ‘di-kagustuhan’ ng partikular na mga estado kundi ito ay tulak ng obhetibong pangangailangan ng pandaigdigang sistema. Ang paglikha ng labis-labis na produkto, pagpapaigting ng kompetisyon at pagpiga sa paggawa ng mga manggagawa ang mga obhetibong salik na nagtulak sa lahat ng mga estado.

MALI din kung ang ‘sisihin’ lamang ay ang nagharing paksyon na siyang may hawak ng estado. Ang tama at kailangang sisihin ay ang estado mismo na nagtatanggol sa bulok na sistema at hindi lang ang isang partikular na paksyon ng burgesya. Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri ay reaksyonaryo, kontra-rebolusyonaryo at anti-manggagawa.

Ang pagsisi sa isang paksyon lamang sa krisis ay pagtatago sa tunay na dahilan ng krisis at pagligaw sa direksyon ng pakikibaka ng manggagawa para makalaya sa kahirapan – ang durugin ang kapitalistang estado mismo kahit anong paksyon pa ng burgesya ang hahawak nito. Pangalawa, pagpapalakas ito sa mistipikasyon na maari pang isalba ang pambansang kapitalismo sa gitna ng krisis ng pandaigdigang sistema. At ang pinakamasahol na kasinungalingan ay: ang pagsalba sa pambansang kapitalismo ay daan para lalaya ang malawak na masang anakpawis mula sa kahirapan.

Buhis ng mamamayan: Batayang sandalan ng estadong nasa krisis

Sa panahon ng permanenteng krisis ng sistema (kahit pa sa nakaraang mga makauring lipunan bago pa ang kapitalismo) patakaran ng estado na pangunahing nagtatanggol sa bulok na sistema na pigain ang mamamayan para buhayin ang mga parasitikong institusyon sa naaagnas na lipunan. At isa sa batayang pinagkukunan ng estado ng pondo ay ang buhis na kinikikil mula sa naghihirap na masang anakpawis.

Sa ganitong konteksto natin ilagay kung bakit may E-VAT at kung bakit ang paksyong Arroyo ay mahigpit ang paninindigan na hindi ito dapat tanggalin o bawasan. Alam ng naghaharing paksyon na sa panahon na mabawasan ang kakailanganing pondo para buhayin ang mga parasitikong institusyon – hukbong sandatahan, polis, mga burukrata, at iba pa – mas mapabilis ang pagguho ng estado na siyang tanging nagtatanggol sa naghihingalong sistema.

Ang sinasabi ng Kaliwa na progressive taxation na “maka-mahihirap” na solusyon sa usapin ng pagbubuhis ay nakaangkla pa rin sa pagtatanggol ng pambansang ekonomiya. Ang ganitong iskema sa nakaraan (sa karanasan ng mga maka-Kaliwang rehimen sa ibang mga bansa) ay napatunayan palpak dahil oobligahin talaga ang estado ng pandaigdigang sistemang kapitalismo na pigain ang lakas-paggawa ng masang anakpawis para magkamal ng kapital ang bawat pambansang ekonomiya laban sa kanyang mga karibal.

Hangga’t patuloy na naghahari at nananalasa ang kapitalismo sa pandaigdigang saklaw, itutulak nito ang lahat ng mga bansa upang lalupang pagsamantalahan ang mga manggagawa at maralita o kaya, palalakasin ng bawat bansa ang ekonomiya-para-sa-digmaan (war economy) para magakaroon ng artipisyal at temporaryo na paglakas sa produktibidad ng lipunan gaya ng nangyari mula noong WW I.

Sa ngayon, dalawang malalakas na super-bagyo ang bumabayo sa mundo: lumalalang krisis pinansyal at walang hinto na paglobo ng mga presyo ng batayang mga bilihin. Ang unang epekto nito ay ang mabilis na pagbaba ng purchasing power ng uring manggagawa na nagbunga ng mas malalang kahirapan.

Ibagsak ang estado, itayo ang diktadura ng proletaryado

Lahat ng tipo ng oposisyon (Kanan o Kaliwa) sa Pilipinas ay humihiling sa paksyong Arroyo na magkaroon ng ‘political will’ upang magkaroon ng ‘makabuluhang’ mga reporma sa bulok na sistema. Ang tawag dito ay repormismo kahit pa gamitan ng anu-anong radikal na mga lenggwahe.

Nagtutulungan ang administrasyon at oposisyon na itago ang katotohanan na ang TANGING solusyon ay ibagsak ang estado at ang sistema dahil ang KATOTOHANAN ay wala na itong kapasidad (kahit gugustuhin pa nito) na magbigay ng anumang makabuluhang reporma para sa kapakanan ng masang anakpawis.

Ang mistipikasyon ng Kaliwa na ang problema ay ang ‘kawalan o kakulangan ng demokrasya’ at ‘kawalan ng determinasyon na ipagtanggol ang pambansang ekonomiya’ laban sa pananakop ng dayuhang ekonomiya ay walang ibang ibig sabihin kundi sa Pilipinas may ‘pag-asa pang uunlad ang pambansang kapitalismo’ basta ang nasa kapangyarihan ay ‘tunay’ na demokratiko at makabayan.

Kaya naman ang linya ng Kaliwa ay: patalsikin si Gloria at itayo ang TRG (Transitional Revolutionary Government) o DCG (Democratic Coalition Government) na ang ibig sabihin ay koalisyon ng iba’t-ibang uri/sektor na kaaway ng paksyong Arroyo para muling ibangon ang dignidad ng bansa sa ilalim ng permanenteng krisis ng pandaigdigang sistema!

Nais itago ng Kaliwa na ang TANGING uri na may kapasidad na baguhin ang bulok na sistema ay ang uring manggagawa; ang layunin ng pakikibaka ng uri ay ibagsak ang kapitalistang estado at itayo ang DIKTADURA ng PROLETARYADO sa pamamagitan ng mga asembliya at konseho ng manggagawa at HINDI ng isang gobyerno na koalisyon ng iba’t-ibang uri kasama ang pambansang burgesya.

Ang bukambibig ng Kaliwa na “para sa sosyalismo” at “para sa sosyalistang rebolusyon” ay mga panlilinlang lamang dahil hindi daan tungong sosyalismo ang pagtatanggol sa pambansang ekonomiya kundi ito ay daan tungong kapitalismo ng estado na siyang tunguhin ngayon ng lahat ng mga bansang nakagapos sa permanenteng krisis ng pandaigdigang kapitalismo.    

July 22, 2008

Students show the need for solidarity and generalization of struggle

Filed under: Philippine Politics

Pinakita ng mga estudyante ang pangangailangan ng malawak na pagkakaisa sa pakikibaka

Pinakita ng mga kabataan-estudyante ang tanging porma ng pakikibaka para maibagsak ang bulok na kapitalistang sistema – malawakang pagkakaisa sa pakikibaka.

Nang mag-walk-out ang daan-daang mga estudyante sa kani-kanilang mga eskwelahan sa Metro Manila para iprotesta ang lingguhang pagtaas ng presyo ng langis, ito ay senyales na unti-unti ng namulat ang mga kabataan sa mga nangyayari sa lipunan, partikular sa walang puknat na atake ng kapital sa pamumuhay ng uring manggagawa. Pinakita din nito ang pakikiisa nila sa kanilang uri sa hinaharap – ang uring manggagawa.

Nauna na itong pinakita ng mga estudyanteng Pranses noong 2006 ng maglunsad sila ng malawakang mga pambansang pagkilos at welga upang labanan ang CPE (Contrat Première Embauche), isang tipo ng kontraktwalisasyon para sa kabataang manggagawa ng gobyernong Villepin.

Gayong sa usapin ng makauring oryentasyon at lawak ng partsipasyon ay malayung-malayo pa ang pakikibaka ng mga estudyanteng Pilipino kumpara sa pakikibaka ng mga estudyanteng Pranses, makikita naman natin ang diwa ng paghahanap ng malawakang pagkakaisa at pagdadala sa makauring kahilingan ng uri nila sa hinaharap.

Ang diwang ito ay ang pagkakaisa ng mga estudyante sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad para sa iisang pakikibaka – tutulan ang pagtaas ng presyo ng langis at para itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Narito ang aral na dapat muling panghawakan ng mga Pilipinong manggagawa (na ginagawa na nila noong mga dekada 70 at 80) – ang malawakang pagkakaisa ng mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika para sa iisang laban.

Pakikibaka ng estudyante: Hindi sapat

Hindi ang kilusang estudyante ang makapagbabago ng lipunan. Maraming beses na itong napatunayan ng kasaysayan. Hindi sila maaring manguna o kaya ay maging mapagpasyang pwersa para sa pagbabagong panlipunan. Subalit hindi rin sila simpleng kilusang pampropaganda lamang. Ang malaking bilang ng masang estudyante ay bahagi ng uring manggagawa – sila mismo ay nagtatrabaho na habang nag-aaral pa o kaya ay ang mga magulang nila ay mga manggagawa.

Ang uring manggagawa ang may angking lakas at kapangyarihan upang baguhin ang bulok na kapitalistang lipunan. Ang uring ito lamang ay may angking lakas upang pigilan ang sunod-sunod na atake ng uring kapitalista at ng estado nito.

Sa abanteng kapitalistang mga bansa, pinangunahan ng uring manggagawa ang mga pakikibaka laban sa tumitinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Pero hindi lamang sa mga abanteng bansa nangyayari ito; maging sa mga atrasadong bansa tulad ng Bangladesh ay malawakang nagwelga ang mga manggagawa para ipagtanggol ang kanilang pamumuhay at trabaho.

Pagkakaisa ng masang estudytante sa kanilang kauri at mga magulang na manggagawa

Para magkaroon ng tunay na lakas ang kabataan-estudyante kailangang makipagkaisa ito sa kanilang mga magulang na manggagawa. Magkaroon lamang ng makapangyarihang lakas ang mga kilusang protesta laban sa atake ng estado at ng naaagnas na sistema kung magkaroon ng malawakang nagkakaisang pagkilos ang mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika. Ang tunay na kinatatakutan ng kapitalistang estado ay kung lalabas sa kalsada ang libu-libong manggagawa mula sa iba’t-ibang pabrika at iba’t-ibang lugar ng bansa para labanan ang atake ng kapital.

Isang malaking ambag ng kilusang estudyante kung magkaroon sila ng isang malawak na kilusan para puntahan sa mga pabrika, kausapin at kumbinsihin ang kanilang mga magulang na manggagawa na ipakita ang lakas ng pagkakaisa nito sa lansangan laban sa pamahalaan at sa krisis ng kapitalismo.

Ang paglulunsad ng mga diskusyon sa loob at labas ng pabrika na dadaluhan ng mga estudyante at manggagawa ay magandang simula para sa isang malawakang pagkilos na pangunahan ng uring manggagawa. Gamit ang makapangyarihang sandata ng uri – welga – temporaryong nitong mapigilan ang mga atake ng kapital. At gamit ang sandatang ito, maaring ituloy-tuloy ito ng uri hanggang maibagsak ang burges na estado.

Mga asembliya: Organisasyon sa pakikibaka

Sa pamamagitan ng mga asembliya ng mga estudyante sa Pransya ay napalakas nila ang kanilang pagkakaisa. Sa mga asembliya nag-uusap, nagdiskusyon at nagdesisyon sila para sa pakikibaka. Sa kanilang mga asembliya ay dumalo ang mga manggagawa. At sa mga asembliya din ng mga manggagawa ay dumalo ang mga estudyante.

Hindi ang mga unyon ng manggagawa o “pangmasang” organisasyon ng mga estudyante na hawak ng Kanan at Kaliwa ng burgesya ang organo ng pakikibaka kundi ang awtonomos na mga asembliya ng lahat ng estudyante at manggagawa. Ito lamang ang tanging organisasyon para ma-realisa at titibay ang malawak na makauring pagkakaisa at pakikibaka.

Ang mga asembliya ng estudyante ang tunay na ekspresyon ng pagkakaisa at malawakang partisipasyon sa kilusang protesta ng masang estudyante mismo. Ito din ang porma ng organisasyon sa pakikibaka ng uring manggagawa. Napatunayan na sa kasaysayan at karanasan magmula noong 1905 na ang mga asembliya ang ekspresyon ng pagkakaisa at tiwala ng uri sa kanilang sariling lakas. 

Mapagmatyag sa pananabotahe ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya

Dapat maging mapagmatyag ang mga estudyante sa mga maniobra ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya para pahinain ang pagkakaisa at ihiwalay ito sa kilusang manggagawa sa layuning ilihis ang pakikibaka palayo sa pagdurog sa kapitalistang estado.

Ang nais ng uring kapitalista ay mapako lamang ang pakikibaka sa usapin ng anti-Gloria at pro-Gloria at maitago na ang sistema mismo ang dapat wasakin. Iwasan dapat ng mga estudyante na ang usapin sa krisis ng kapitalismo ay iikot lamang sa usaping pro-GMA at anti-GMA dahil ang katotohanan ay administrasyon man o burges na oposisyon, Kanan o Kaliwa man ng burgesya ay walang kapasidad na bigyang solusyon ang krisis ngayon. Katunayan, komon ang interes ng lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri (oposisyon at administarsyon) na ipagtanggol ang naghihingalong pambansang kapitalismo. Ang rehimen ni Hugo Chavez sa Venezuela (ang pinakasikat at pinaka-popular na representante ng Kaliwa sa Central at Latin America) ang magandang halimbawa sa kainutilan ng Kaliwa na resolbahin ang krisis ng pambansang kapitalismo sa Venezuela na bunga ng pandaigdigang krisis ng sistema. 

Pinakamsahol pa ay kung gagamitin lamang ng Kaliwa at burges na oposisyon ang mga protesta ng kabataan-estudyante para lamang sa SONA ni Gloria ngayong Hulyo 28. At pagkatapos ng SONA ay balik na naman sa “normal” ang mga kolehiyo at unibersidad pati na ang mga pabrika. Ang ganitong iskema ng mga pagkilos sa pamumuno ng Kaliwa ay nagpakita lamang sa banggardismo nito at sa pagtingin na ang kilusang masa ay magiging militante lamang sa ilalim ng iskemado at sekretong plano ng mga lider ng Kaliwa at burges na oposisyon. 

Ang burges na estado mismo at ang lahat ng paksyon ng burgesya ang kailangang maging target ng pakikibaka at hindi lamang ang naghaharing paksyong Arroyo. Ang pakikibaka sa pagtaas ng sahod ay makakamit lamang sa pamamagitan ng malawakang pagkakaisa ng mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika at malawakang pakikibaka sa lansangan laluna ang pangmasang welga. Ganun pa man, sa ilalim ng kapitalismo ang sahod ay mabilis na bumababa kaysa tumataas dahil sa panahon ng paghihingalo ng sistema, ang uring manggagawa ang aapakan ng kapital para makasinghap ng kakaunting hangin. Kaya, para maiwasan ang repormistang direksyon sa pakikibaka, dapat lalawak ang pakikibaka at itaas ito hanggang sa usapin ng pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika ng uring manggagawa mismo sa pamamagitan ng kanilang mga asembliya at konseho. 

Ang kilusang estudyante at manggagawa ay kailangang magtulungan subalit dapat hiwalay at independyente sa anumang paksyon ng burgesya. Dahil sa panahon na mabuslo ito sa taktika ng Kaliwa na pakikipag-isang prente sa isang paksyon ng naghaharing uri, ito man ay transitional government o coalition government, ang pakikibaka ay tiyak na mauuwi sa muling paghawak ng isang paksyon ng naghaharing uri sa kapangyarihan gaya ng nangyari noong 1986 at 2001. Kung lalakas at lalawak ang pagkilos ng mga manggagawa sa lansangan, hindi mag-aalinlangan ang burgesya na palitan ang paksyong Arroyo ng isang “popular” na paksyon para mabuhusan ng tubig ang militansya ng uri at mapreserba ang bulok na sistema.  

Dapat mapagmatyag ang mga estudyante sa mga organisasyon ng Kanan at Kaliwa na walang interes kundi kontrolin ang kilusan para sa kani-kanilang mga layunin na walang iba kundi ipagtanggol ang pambansang kapitalismo at itali lamang ang usapin sa paksyunal na labanan ng naghaharing uri.

Hindi solusyon ang pagkonsolida sa pambansang kapitalismo dahil sa panahon ngayon na nasa permanenteng krisis ang pandaigdigang sistema, imposible ng “uunlad” pa ang anumang pambansang kapital na hindi maghihirap ang uring anakpawis. At dahil dito, ito ay hindi tunay na kaunlaran kundi lalupang paglala ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Hindi rin makapagpalakas sa militanteng kilusang manggagawa ang pakikipag-alyansa (direkta man o indirekta) sa isang paksyon ng naghaharing uri; bagkus ay hihina pa ang kilusan dahil dito.

Ang lumalakas na interbensyon ng kapitalistang estado para subukang isalba ang krisis ng pambansang kapitalismo (“subsidyo sa mahihirap”, pakikialam ng Bangko Sentral sa krisis sa pinansya, pagtatangkang kunin ng estado ang MERALCO at maging ang Sulpicio Lines, at iba pang hakbangin para maipakita na tanging estado na lang ang tanging masandalan laban sa krisis) ay lalupang lilikha ng panibagong krisis at kahirapan dahil ang estado mismo ay lubog sa utang at umaasa lamang sa buhis na pinipiga nito sa naghihirap na mamamayan. Hindi na rin makaasa ang estado sa Pilipinas na tutulungan ng imperyalistang USA dahil sa kanila mismo nagsimula ang mitsa ng panibagong pandaigdigang krisis ngayon.

Ang ibang mga karibal na imperyalistang bansa ng Amerika gaya ng China, Japan at European Union ay hindi rin maaring asahan ng Pilipinas dahil ang mga ito mismo ay malubhang apektado sa krisis ng Amerika. Kaya ang pangunahing “solusyon” ng kapitalistang estado sa Pilipinas ay lalupang pigain sa pagsasamantala ang Pilipinong masang anakpawis. 

Ang tanging solusyon ay durugin ang kapitalismo at ang burges na estado sa pamamagitan ng isang rebolusyon ng mga manggagawa sa buong mundo dahil wala ng magandang kinabukasan pa ang mga kabataan sa ilalim ng kapitalistang sistema hawak man ng Kanan o Kaliwa ng burgesya ang gobyerno.

Ang tanging layunin ng pakikibaka ngayon ay ibagsak ang kapitalismo at hindi repormahin ito. Ang kagyat na layunin sa pakikibaka ay mapalawak ito sa iba’t-ibang pabrika at panig ng Pilipinas. Sa ganitong paraan lamang muling makasabay ang manggagawang Pilipino sa lumalakas na kilusang manggagawa ngayon sa buong mundo.

Kung matali ang mga protesta ng kabataan-estudyante sa isang sektoral na kilusan (mga protesta na “purong” estudyante o “suportahan” lamang ng uring manggagawa o sa ilalim ng isang multi-sektoral na kilusan dala-dala ang mga repormistang kahilingan) malaki ang posibilidad na mauuwi lamang ito sa panandalian at kagyat na aktibismo na ang bunga ay hindi makatulong para manumbalik mismo ang militansya at pagkakaisa ng uring manggagawa gaya noong 1970s at maagang bahagi ng 1980s. 

July 7, 2008

The only solution to capitalist crisis is communist revolution

Walang ibang solusyon sa krisis ng kapitalismo kundi komunistang rebolusyon

Umabot na sa 11.4% ang inflation rate ng bansa noong Hunyo. Ito ang pinakamataas sa loob ng 14 na taon. Ano ang dahilan?

Ayon sa ilang diumano ‘rebolusyonaryo’: ang dahilan ay ang pagiging tuta ng rehimeng Arroyo sa imperyalistang Estados Unidos at ang ‘pananabotahe’ mismo ng rehimen sa ekonomiya para magkaroon ng ‘artipisyal’ na krisis. 

Habang totoong tuta nga ang rehimeng Arroyo (at maging ang nagdaang mga rehimen) sa imperyalistang US sa kadahilanang wala naman talagang bansa ngayon sa mundo na hindi kontrolado ng mas malakas na kapitalistang mga bansa (pro-USA o anti-USA man ang mga ito), hindi ito ang tamang paliwanag sa naranasang krisis ngayon sa Pilipinas at sa buong mundo. Kahibangan din ang propaganda ng ilang mga ‘radikal’ na ‘artipisyal’ lamang ang krisis dahil sa ‘pananabotahe’ ng kasalukuyang rehimen. Ang lohikang nasa likod nito ay walang problema sa pambansang kapitalismo basta maging ‘malaya lamang ito sa kontrol ng imperayalistang US’ o ‘mapatalsik lamang si Gloria’. Ito ay nakaangkla sa kontra-rebolusyonaryong pananaw ng ‘hakbang-hakbang’ na rebolusyon tungong sosyalismo.

Sa totoo lang, matapos ang WW 2, hindi na pang-ekonomiya ang interes ng US sa Pilipinas kundi pang-militar. Matagal ng walang silbi ang ikatlong daigdig sa usapin ng pagkamal ng tubo ng unang daigdig dahil sa masahol na kahirapang dinanas ng populasyon ng una. Ang interes na lamang ng USA sa Pilipinas ay gawin itong baseng militar para manatili ang kanyang impluwensya sa Silangang Asya lalupa’t lumalakas ang imperyalistang pagkaganid ng China at Japan dahil sa lumalalang krisis ng sistema.  

Dagdag pa, matapos mawasak ang imperyalistang bloke ng USSR at humihina ang pagiging makapangyarihang bansa ng USA, nagkanya-kanya na rin ang lahat ng mga bansa sa paghahanap ng masasandalan. Bagamat nakasandal pa rin ang Pilipinas sa lakas-militar ng USA at malaking porsyento ng kanyang eksport (17% sa total export ng Pilipinas) ay papunta pa rin sa Amerika at 32% sa direct foreign investments ay galing sa kanila, naghahanap na ang burgesyang Pilipino ng ibang malalakas na bansa para sa kalakalan. Kaya, pinalalakas ng estado ng Pilipinas ang bilateral trade agreements sa mga karibal ng Amerika gaya ng imperyalistang China at Japan. 

Totoong may krisis at palala ito. At ang krisis na ito ay pandaigdigan, nagmula mismo sa internal na mga kontradiksyon ng kapitalistang sistema na naipon mula noong katapusan ng 1960s at nagbabadyang sumabog na mas malala kaysa nakaraan.

Magmula pa 1914, ng sumabog ang WW I, nasa permanenteng krisis na ang pandaigdigang kapitalismo dahil sa kawalan ng bagong pamilihan at sa pangangailangan nitong palaging gumawa ng mga produktong maibenta sa merkado. Kaya nangyari ang dalawang pandaigdigang digmaan at ang maraming lokalisadong digmaan sa ibat-ibang sulok ng mundo dahil dito. Ang krisis sa sobrang produksyon ng kapitalismo ay naging permanente na magmula noong 20 siglo.

Ang ‘solusyon’ ng uring kapitalista sa kanilang krisis ay utang, ekonomiya para sa digmaan at higit sa lahat maksimisasyon ng pagpiga ng labis na halaga sa uring manggagawa. Subalit ang ‘solusyong’ ito ay lalo pang nagpalala sa kanyang krisis.

Kasalukuyang krisis ng kapitalismo

Kung noong krisis sa 1970s relatibong naging epektibo pa ang pagpapautang, ispekulasyon at ekonomiya para sa digmaan, ngayon ay sumabog na ito sa mukha ng kapitalismo. Ang nasabing mga solusyon ay panandalian lamang at nagdulot pa ng paglala ng krisis.

Ngayon, lubog na sa utang ang halos lahat ng mga bansa. Ang Pilipinas ay may mahigit P4 na trilyong utang habang ang Amerika ay halos $8 trilyon. Ang kasalakuyang krisis ngayon sa Amerika, na tila kasing lala noong 1929 Great Depression ay bunga ng pagkabangkota ng mga bangko dahil hindi na makabayad ang mga manggagawa sa utang. Hindi sila makabayad dahil paliit ng paliit ang kanilang sahod kumpara sa pataas ng pataas na presyo ng mga bilihin. Kaya nagkaroon ng krisis sa pagbayad-utang sa pabahay. Tuloy, naging epicentre ang USA ngayon sa naranasang krisis ng buong daigdig. Dahil ang pinaka-makapangyarihang bansa ang nasa krisis, naranasan natin ang napakalakas na lindol ng krisis sa pandaigdigang saklaw.

Ngayon, ang military-industrial complex ng bawat bansa ay lalupang nagpabigat sa samut-saring mga kontradiksyon ng sistema. Mayor na salik ito sa paglobo ng utang, pagkasira ng bilyun-bilyong ari-arian at pagkawala ng daan-daan libong buhay sa buong mundo dahil sa rehiyonal at lokalisadong mga digmaan.

Sa paghahabol na magkamal ng tubo, lalupa tuloy na lumala ang krisis; lalupang tumaas ang presyo ng mga bilihin at ng langis!. Ibig sabihin, wala ng epektibong solusyon sa krisis sa loob mismo ng kapitalismo. 

Lumalakas na panghihimasok ng estado

Dahil nasa permanenteng krisis na ang kapitalismo, nasa kanyang dekadenteng yugto na, hindi na rin epektibo ang ‘free market’ capitalism gaya ng sa 19 siglo. Ang pangunahin at huling sandalan ng pasuray-suray na sistema ay ang estado. Tanging ang pagkontrol ng estado sa buong buhay panlipunan ang huling baraha ng burgesya para manatiling nakatayo ang bulok na sistema. Ang kapitalismo ng estado ay hindi manipestasyon ng pag-unlad ng sistema kundi ekspresyon ng permanenteng krisis nito:

State capitalism is not an attempt to resolve the essential contradictions of capitalism as a system for the exploitation of labour power, but the manifestation of these contradictions. Each grouping of capitalist interests tries to deflect the effects of the crisis of the system onto a neighbouring, competing grouping, by appropriating it as a market and field for exploitation. State capitalism is born of the necessity for this grouping to carry out its concentration and to put external markets under its control. The economy is therefore transformed into a war economy.” (‘The Evolution of Capitalism and the New Perspective’, 1952, reprinted in Bulletin D’Etude et de Discussion of Revolution Internationale, no.8, p.9).

Magmula 1914 ay lumalakas ang panghihimasok ng estado sa buhay panlipunan. Ito ang tendensya ng kapitalismo ng estado (state capitalism). Lahat ng kapitalistang mga bansa ay ito ang ginagawa. Kaya nasaksihan natin ang New Deal ng Amerika noong 1920s-1930s, ang Nazism sa Germany at Fascism sa Italy, at ang ‘socialism in one country’ ng imperyalistang USSR at mga tuta nito. Lahat ng ito ay mga pagsisikap ng burgesya upang isalba ang naghihingalong sistema.

Nang muling sumabog ang krisis sa 1960s at 1970s, lumaganap ang totalitaryanismo ng estado at nasyunalisasyon ng industriya laluna sa mahihinang ekonomiya na nasa 3rd world. Kaya naging uso noon ang mga diktadura at mga industriyang pag-aari ng gobyerno. Ang paglitaw ng diktadurang Marcos ay hindi simpleng kagustuhan lamang ng paksyong Marcos para manatili sa posisyon o ng dikta ng USA. Ito mismo ang di-maiwasang tendensya ng isang sistema na nasa bingit ng kamatayan.

Ang sinasabing ‘neo-liberalismo’ o globalisasyon ay isang mistipikasyon kung ang pag-uusapan ay ang pagluwag ng panghihimasok ng estado sa ekonomiya ng lipunan. Ang Kaliwa lamang ng burgesya ang nagpropaganda nito para patuloy na ibilanggo ang uring manggagawa na ‘tagapagligtas’ ang estado basta ‘kontrolado’ lamang ito ng ‘partido ng manggagawa’ o ‘partido komunista’ o ‘partido ng bayan’.

Sa kasalukuyang krisis, hindi na maaring itago ng Kanan o Kaliwa ng burgesya ang lantarang panghihimasok ng estado para isalba ang sistema. Lahat ng mga estado ay lantaran ng nanghihimasok sa kabila ng kanilang propaganda ng liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon. Ang Kaliwa naman ay nagprotesta hindi dahil sa panghihimasok ng estado kundi ‘hindi sapat’ ang panghihimasok at ‘wala sa tamang direksyon’.

Subalit, ang patuloy na itinatago ng burgesya – Kanan man o Kaliwa – ay ang katotohanan na matagal ng palpak ang kapitalismo ng estado: bumagsak ang bloke ng imperyalismong USSR. Ang mga estado-kapitalistang mga rehimen gaya ng China, Vietnam, Cuba, Venezuela at North Korea ay hindi nakaligtas sa pananalasa ng krisis ng pandaigdigang kapital. Binabawi o binabawasan na ng mga ‘welfare states’ ng mga kapitalistang bansa sa Europe ang kanilang ‘tulong’ sa manggagawa mula sa pension, health, edukasyon at iba pa. 

Higit sa lahat, halos lahat ng mga kapitalistang estado ngayon laluna ang Pilipinas ay lubog sa utang at nabubuhay na lang sa pangungutang!

Kaya ang subsidyo ng rehimeng Arroyo sa kuryente, bigas at iba pa ay napakalimitado at panandalian lamang dahil ang estado mismo ay walang sapat na pera at mula pa sa utang ang malaking bahagi ng perang ginagamit! Subalit pansamantala naman nitong naibalik sa utak ng naghihirap na masa na ang estado ang ‘tagapagligtas’ nila bagay na hindi tinutuligsa ng Kaliwa, bagkus ay sinuportahan pa sa mas ‘radikal’ na lenggwahe.

Iniisip ng burgesyang Pilipino ngayon na kunin at direktang kontrolin ng estado ang MERALCO at maging ang Sulpicio Lines matapos malunod ang barkong nitong M/V Princess of the Stars. Ibig sabihin, nag-iisip ang burgesya ng nasyunalisasyon para muling tangkaing isalba ang bansa mula sa krisis. Ang mga pahayag ng rehimeng Arroyo hinggil dito ay pamumulso nito kung makukuha ba nito ang bendisyon ng buong uring burgesya. 

Subalit tila ayaw ng Kaliwa na ang paksyong Gloria ang kokontrol sa isang sentralisadong estado at ang Kanan naman ay natatakot sa muling pagbabalik ng ganap na pagkontrol ng estado sa ekonomiya. Subalit, itutulak ang buong uring kapitalista tungo sa kapitalismo ng estado para pansamantalang mapigilan ang maagang pagsabog ng sistema. Kung mas lalala pa ang krisis bago ang eleksyong sa 2010, mapilitan ang burgesyang Pilipino na palitan ang paksyong Arroyo ng isang paksyon na may ‘popular’ na suporta para ipatupad ang ganap na panghihimasok ng estado sa ekonomiya. At tiyak, ang nasa isip ng burgesya ngayon ay ang Kaliwa o koalisyon ng Kanan at Kaliwa pero dominado ng huli (gaya ng modelo sa Central at Latin America) na matagal ng naglalaway na makahawak sa estadong kapitalista.

Ang pangkalahatang estratehiya ng pandaigdigang burgesya ay: kung mahina ang militante at independyenteng kilusang manggagawa, gagamitin nito ang Kanan upang patindihin ang atake laban sa uring anakpawis. Kung sumusulong ang kilusang proletaryo, gagamitin nito ang Kaliwa, upang pigilan ang pagsulong at hadlangan ang uri na maagaw ang kapangyarihan at madurog ang kapitalistang estado. Gagamitin ng Kanan at Kaliwa ang nasyunalismo at demokrasya para panatilin ang diktadura ng uring kapitalista.

Komunistang rebolusyon

Kanan o Kaliwa man ng burgesya ang hahawak sa estado ng Pilipinas; idaan man ito sa ‘popular’ na pag-aalsa o eleksyon, hindi na nito maampat pa ang super-typhoon na pananalasa ng krisis ng sistema. Ang kapitalismo ng estado ay tiyak (tulad ng nangyari sa USSR at iba pang bansa na hawak ng Kaliwa sa nakaraan) na patindihin ang pagsasamantala sa manggagawa at maralitang Pilipino gamit ang ‘nasyunalismo’ at ‘pagmamahal sa bayan’ para sa pambansang kapitalismo. Pero, hindi maaring makaligtas ang pambansang kapitalismo ng Pilipinas dahil nakapaloob at bahagi ito sa nalulunod na barko ng pandaigdigang kapitalismo.

Ang rehimeng kapitalismo ng estado kahit pa ang maskara nito ay ‘sosyalismo’ o ‘demokrasyang bayan’ ay mabubuhay lamang sa ibabaw ng naghihirap na mamamayan.

Dahil pandaigdigan ang krisis ng kapitalismo at walang bansa na makaligtas dito, pandaigdigan din ang rebolusyon na gagawin ng uring manggagawa para wakasan ang kahirapan. Ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo ay makikita at mararamdanan sa bawat bansa. Subalit, ang kalutasan nito ay wala sa bawat bansa na hiwa-hiwalay sa isa’t-isa. 

Hindi ang kapitalismo ng estado at nasyunalisasyon o ang panghihimasok nito sa pagpapatakbo sa ekonomiya ng lipunan ang daan tungo sa kalayaan mula sa kahirapan kundi ang PAGDUROG mismo sa umiiral na kapitalistang mga relasyon sa lipunan. Komunistang rebolusyon ng manggagawa ang tanging solusyon sa krisis ng kapitalismo. Lalaya lamang ang uri mula sa pang-aalipin at pagsasamantala pagkatapos nitong maagaw ang kapangyarihang pampulitika – ang pagtatayo ng diktadura ng proletaryado.

June 11, 2008

National Independence: Illusion and Counter-revolutionary

Walang malayang bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo

Nanawagan ang rehimeng Arroyo na ipagdiwang ang anibersaryo ng araw ng “kalayaan” ngayong Hunyo 12 habang tinuligsa naman ito ng Kaliwang paksyon ng burgesya dahil hanggang ngayon “hindi malaya” ang Pilipinas mula sa kontrol ng mga dayuhan partikular ng imperyalistang Amerika.

Magkatunggali man ang dalawang paksyon ng burgesya sa Pilipinas sa usapin kung malaya o hindi ang bansa, nagkakaisa naman sila na posible pang lalaya ang isang bansa sa panahon ng imperyalismo. Katunayan, ayon sa Kaliwa, ito ang “sentral na usapin sa anti-imperyalistang pakikibaka”.

Nagmula sa baluktot at kontra-rebolusyonaryong pag-unawa sa katangian ng imperyalismo kaya walang pag-aalinlangan ang iba’t-ibang grupo ng Kaliwa na suportahan ang lahat ng mga kilusan na lumalaban sa imperyalistang Amerika sa kabila ng katotohanan na ang mga kilusang ito (gaya ng Hamas, Hizbollah at Iraqi Resistance) ay suportado din ng ibang mga imperyalistang kapangyarihan na karibal ng Estados Unidos gaya ng Iran, Syria, China, Venezuela at Cuba. Ang ilan sa Kaliwa ay naniniwala pa nga na isang “rebolusyonaryo” at “progresibo” ang panatiko at pundamentalistang grupo ni Bin Laden dahil ito ay sagad-saring anti-Amerika!

Habang ang nagharing paksyon ay nagsasabing nakamit na ng bansa ang kalayaan noong 1946 ang kabilang paksyon naman ay nagsasabing hindi pa malaya ang Pilipinas hanggang ngayon kaya patuloy itong naghihirap at atrasado.

Pambansang kalayaan: Panawagan ng burgesya laban sa pyudalismo

Batay sa makauring pagsusuri, ang pambansang kasarinlan ay kahilingan ng burgesya para wasakin ang pyudal na kaayusan. Kailangan ng uring kapitalista para sa kanyang pampulitikang paghari ang isang depinidong teritoryo na paghati-hatian nila sa pandaigdigang saklaw. Mahalaga ito para sa malayang kalakalan at kompetisyon ng bawat paksyon ng burgesya.

Kaya sa 18 at 19 siglo, ang makabayang adhikain ay pinangunahan ng bagong sibol na uring mapagsamantala na nagdadala ng bago at progresibong moda ng produksyon – kapitalismo. Ang panawagang pagtatayo ng bansa sa mga siglong nabanggit ang buod para makabig ng burgesya ang iba pang mga uri gaya ng magsasaka at peti-burgesya laban sa pyudalismo. Sa ilalim ng mga islogang “pagkapantay-pantay, kapatiran at kalayaan” nagtagumpay ang mga burges na rebolusyon noon.

Dahil progresibo at nasa pasulong na yugto pa ang kapitalismo sa 18 at 19 siglo, naging pampabilis ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa ang pagtatayo ng mga bansa gaya ng Amerika at Alemanya. Sa madaling sabi, ang makabayang adhikain noon ay progresibo para sa pagsulong ng lipunan. Kaya sinusuportahan ito ng uring proletaryado sa kabila ng katotohanan na hindi ito ang kanilang makauri at istorikal na interes.

Sa pagpasok ng 20 siglo kung saan ganap ng nasakop ng kapitalismo ang buong daigdig at nabuo at nasagad na ang pandaigdigang pamilihan, nagbago na ang katangian ng kapitalismo: umabot na ito sa rurok ng kanyang pag-unlad bilang moda ng produksyon at nasa bukang-liwayway na ng kanyang pagbulusok-pababa. Hindi na progresibo ang kapital kundi ganap ng naging reaksyonaryo at bangkarota na. Ibayong kahirapan at pagkasira ng mundo ang tanging maibibigay nito.

Sa dekadenteng kapitalismo: “Pambansang kalayaan” ilusyon na lang at kontra-rebolusyonaryo ang katangian

Sa kasalukuyang panahon ng permanenteng krisis ng pandaigdigang kapitalismo kung saan ganap ng nagapos sa kapitalistang relasyon ang lahat ng mga bansa, ang usapin ng “malayang” bansa ay isa na lang ilusyon at ginawang instrumento ng naghaharing uri para panatilihing buhay ang naaagnas na sistema. Sa ngalan ng nasyunalismo at pagtatanggol sa inangbayan nangyari ang karumal-dumal na mga digmaan na pumapatay ng daang milyong mamamayan.

Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo — kung saan ang pananatili ng isang bansa ay nakasandig sa kanyang pagsasamantala sa ibang mga bansa; sa ilalim ng tumitinding kompetisyon sa ilalim ng sagad na pandaigdigang pamilihan, ang mahihina ay aapakan ng malalakas, ang mahihina ay kokontrolin ng mas makapangyarihan, at higit sa lahat, ang bawat pambansang kapital ay nagpapaligsahan na maungusan ang mga karibal nito sa kompetisyon sa pandaigdigang pamilihan – isang panlilinlang ang malayang bansa at pagkapantay-pantay ng mga bansa.

Subalit dahil hindi syentipiko at marxista ang paninindigan ng Kaliwa laluna ng mga maoista, naniniwala ito na kung “mapalaya” ang Pilipinas sa mga kuko ng imperyalistang Kano, uunlad ang pambansang kapital ng bansa at matutupad ang pangarap ng burgesyang Pilipino na “this nation can be great again!”.

Ang aktwal na resulta ng kasaysayan ng “napalayang” mga bansa magmula 1914 ang patunay na isang panlilinlang at bitag ang usapin ng pambansang kalayaan dahil ang mga bansang ito ay naging tuta o sunud-sunuran din sa mas makapangyarihang imperyalista na karibal ng pinatalsik nila sa kanilang mga bansa. Halimbawa nito: Pinatalsik ng China ang imperyalistang Amerika sa 1949 subalit hinawakan naman sila ng imperyalistang USSR; kumawala ito sa pangil ng USSR subalit bumalik din sa kandungan ng Amerika sa 1970s. Ngayon, isang nag-aambisyong imperyalistang kapangyarihan na ang China. Pinatalsik ng Vietnam ang mga Kano noong 1975 subalit magmula dekada 1990 bumalik ulit ito sa “mapagkaibigang” relasyon sa Amerika. Isang anti-imperyalistang Kano ang bansang Venezuela sa ilalim ni Hugo Chavez pero kumukuha ito ng “pampulitikang gabay” sa Cuba at nagsisikap makontrol ang buong Central at Latin America kakutsaba ito.

Ang pinakahuling modelo ng “tagumpay” ng pambansang pagpapalaya ay ang Nepal na kontrolado na ngayon ng mga maoista at naibagsak na nila ang pagharing monarkiya. Subalit lingid sa kaalaman ng marami, nakasandal ang mahinang Nepal sa malakas na imperyalistang China. Ginamit ng huli ang una laban sa kanyang karibal na imperyalistang India. Hindi tiyak kung hanggang kalian manatili sa kapangyarihan ng paksyon ng mga maoista. Pero ang tiyak, hindi uunlad ang Nepal bilang bansa sa ilalim ng dekadenteng kapitalistang kaayusan. Hindi maglalaho sa Nepal ang pagsasamantala, bagkus lalo pa itong lalala.

Ang “pambansang kilusan” at nasyunalismo ngayon ay hindi na laban sa pyudal na kaayusan dahil sa kataposan ng 19 siglo ay nawasak na sa pangkalahatan ang pyudal na paghari. Sa halip, ang mga ito ay pananggalang ng isang paksyon ng burgesya para makabig nito ang buong populasyon laban sa karibal na paksyon kung saan ang kanilang kompetisyon ay umabot na sa kompetisyon at labanang militar at digmaan.

Hindi makaligtas ang Pilipinas sa istorikal na batas ng dekadenteng kapitalismo. Matapos mapatalsik ang imperyalistang Kano, tiyak mamimili na lang ang burgesyang Pilipino kung alin sa mga karibal na imperyalistang kapangyarihan magpatuta ito – China? Russia? Germany?

Tanging ang proletryong rebolusyon lamang ang daan papunta sa tunay na pag-unlad hindi ng bansa kundi ng lipunan mismo; hindi ng isang uri lamang kundi ng buong sangkatauhan sa isang komunistang lipunan na walang mga uri.

Sa ngayon, ang “pakikibaka para sa pambansang kalayaan” at ang pag-iilusyon na may kalayaan sa ilalim ng kapitalistang kaayusan ay mga hadlang para sa pagsulong ng isang pandaigdigang kilusan para sa isang tunay na malayang sangkatauhan at lipunan.

Hindi “pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya” ang nagdadala ng makauring interes ng uring manggagawa o kahit man lang daan papunta doon kundi ang internasyunal na rebolusyon ng proletaryado para sa komunismo.

Ang tunay na anti-imperyalistang linya ay ang linya laban sa kapitalismo (lokal man o dayuhan, pambansang kapitalista man o dayuhan ). Ang linyang ito ay komunistang rebolusyon wala ng iba pa.

March 4, 2008

Inter-classist movement in the Philippines

Filed under: Philippine Politics

Inter-Classist Movement: A Trap for the Filipino Proletariat

Last February 29, an inter-faith rally was held in Makati by the bourgeois opposition, leftists and religious groups. Based on estimate of the organizers themselves, that was the biggest rally (80,000 participants) ever held since Rodolfo “Jun” Lozada Jr.[i] exposed the corruption of the ZTE Broadband deal.[ii] Organizers promised to have bigger mobilizations in coming days or months to bring down Gloria Arroyo as president.

February 29 mobilization was a trying hard copy-cat of Edsa 1 and Edsa 2:[iii] an inter-classist movement led by an anti-Gloria Arroyo bourgeoisie in alliance with different leftist organizations. The main aim of these inter-classist movements as what happened in two Edsas is to convince the top brass or the junior officers of the AFP and PNP together with their “obedient” soldiers to withdraw their support from the Arroyo government. For the leftists, only the withdrawal of support of the AFP/PNP or the offensive of the leftist guerillas could topple down a “corrupt president”. But since the latter is still in its “strategic defensive”, the former is now decisive to oust Gloria Arroyo as President. This is the line of Jose Ma. Sison[iv], founder of the maoist Communist Party of the Philippines.

Two Edsas: A Movement Led by the Bourgeoisie and Petty-Bourgeoisie

The so-called “People Power” Revolutions of 1986 and 2001 were led by the anti-ruling faction reactionaries and the middle classes.

In 1986, the anti-Marcos (anti-fascist) line dominated the popular movement. Inevitably, it led to the ascension of Corazon Aquino, a capitalist landlord. Whether the maoist CPP and its front organizations participated[v] in the 1986 snap election called by Marcos or not, it would not change the class leadership of that movement. Without the withdrawal of support of then Chief of Staff Gen. Fidel Ramos and Minister of National Defense Juan Ponce Enrile and the intervention of US imperialism, Marcos would not fled the country and certainly would fight to the death.

In 2001, the maoist CPP and its front organizations rectified their “blunder” in 1986. They actively participated in the anti-Estrada movement up to the point of having a tactical alliance with the Gloria Arroyo faction. But still, the decisive factors were the withdrawal of support of then Chief of Staff Gen. Angelo Reyes and other Generals from then President Joseph Estrada.

Inter-classist movement: Not a Class Terrain of the Proletariat

The inter-classist movement in the Philippines is initiated by the leftist Maoist movement. This is one of their “three magic weapons” for their bourgeois national-democratic revolution. Its concept of revolution is the Stalinist “bloc of four classes” (i.e., alliance of workers, peasants, petty-bourgeoisie and national bourgeoisie). That’s why it is part of its basic principles the tactical alliance with the faction of the ruling class. But this Maoist strategy is also practice by the anti-Maoist leftists in the Philippines. This only means that frontism of whatever type is inherent to all leftist currents to derail the proletariat to achieve its own class consciousness.

When the proletarian movement integrates itself to the struggle of the non-proletarian classes especially with the faction of the capitalist class, it weakens itself as a class. In 1986, the relatively strong militant workers movement was weaken due to the united front policy and armed guerilla actions of the Maoist CPP. In 2001, the already weak proletarian movement was further weaken by the inter-classist “People Power” to oust Joseph Estrada. Now, once again, all factions of the bourgeoisie and the unions are calling the atomized and demoralized workers to participate in the struggles led by its class enemy.

What happened in Latin America is also what happened in 1986 and 2001 in the Philippines: “The fact that significant parts of the proletariat have been sucked into these revolts is of the greatest importance, because it marks a profound loss of class autonomy. Instead of seeing themselves as proletarians with their own interests, workers in Bolivia and Argentina saw themselves as citizens sharing common interests with the petty-bourgeois and non-exploiting strata.” (ICC, ‘Popular revolts’ in Latin America: Its class autonomy is vital to the proletariat)

Thus it is not surprising that the Right and Left of capital expressed the same sentiment on the outcome of the inter-classist movement last February 29[vi].  Both the Right and Left of the bourgeoisie have the same task: DERAIL THE DEVELOPMENT OF PROLETARIAN CLASS CONCIOUSNESS.

Filipino workers affected by the decomposition of capitalism

Prior to 1986 “People Power”, the working class was combative. Although mystified and led by the Maoists and the unions, they tried to struggle based on its class demands. Unfortunately, these were all sabotaged and redirected to anti-fascism, nationalism and guerilla warfare. In forms, we witness the widespread strike movement of the workers since 1975. But in 2001, nowhere can we see any combativeness of the Filipino working class. They were atomized into simple citizens completely tailing the anti-Estrada bourgeoisie.

Internationally, the collapsed of imperialist USSR and its satellites in Eastern Europe further weaken the militancy of the Filipino workers. This happened because of the strong mystification within the class that USSR is a “socialist” country. As what the ICC said, “The collapse of the Berlin wall, and the subsequent tidal wave of bourgeois propaganda about the “death of communism”, caused a profound ebb in workers’ struggles internationally, characterised essentially by the proletariat’s loss of its own class identity. The effects of this ebb were all the more damaging for the proletariat in the peripheral countries, such as in Latin America, inasmuch as the development of the crisis and social decomposition thrust the wretched, oppressed and pauperised masses into inter-classist revolts, making it even more difficult for the workers to assert their own class autonomy and to keep their distance from “people power” and popular revolts.” (’Popular revolts’ in Latin America: Its class autonomy is vital to the proletariat)

Since 1990s the answer of the weaken Filipino proletariat to the attacks of the bourgeoisie is “every man for himself”. This is the disastrous effect of the decomposition of capitalism. Thanks to the anti-proletarian maneuvers of the leftists and unions, the workers in the Philippines were further weaken and momentarily loss their class confidence.

But it is not only the Filipino workers that are affected by these germs. Other countries in the periphery like Latin America are also affected. Nucleo Comunista Internacional, a left-communist group in Argentina correctly analyses this situation: “It is fundamental to say this, because in this period of capitalism’s decadence, the proletariat runs the risk of losing its class identity and its confidence as the subject of history and the decisive force of social transformation. This is due to the downturn of proletarian consciousness as a consequence of the explosion of the Stalinist bloc and the impression on workers’ thinking of capitalist propaganda about the failure of the class struggle.  In addition to this the bourgeoisie has been inculcating the idea that class antagonisms no longer exist, rather people are united or divided according to whether they have been inserted into the market or excluded from it. It thus tries to erase the river of blood that separates the proletariat from the bourgeoisie”. (“Concerning the proletarian struggle in Argentina” Comunismo 49). As in the Philippines experience, “the bourgeoisie has been inculcating the idea that class antagonisms no longer exist, rather people are united or divided according” to partial struggles (like corruption) or what faction of the bourgeoisie is in power.

Perspective of proletarian struggles in the Philippines

Filipino workers are part of an international class. Its struggles and objectives are international in character. Moreover, the proletariat is the only revolutionary class. At the moment that the Filipino proletariat is very much weaken, we should remember what Marx said as quoted by the ICC: “The working class is the only revolutionary class. It alone bears a perspective for humanity as a whole. Today, when the proletariat is surrounded on every side by the increasing decomposition of a moribund capitalism, when it has great difficulty in imposing its own autonomous class struggle with its own interests to defend, it is more than ever necessary to remember the words of Marx in The Holy Family: “The question is not what goal is envisaged for the time being by this or that member of the proletariat, or even by the proletariat as a whole. The question is what is the proletariat and what course of action will it be forced historically to take in conformity with its own nature”. (’Popular revolts’ in Latin America: Its class autonomy is vital to the proletariat)

At present, the proletariat in the Philippines does not trust anybody even itself. It does not trust the administration, opposition, leftist organizations and the unions. It does not yet trust its own solidarity and unity. That is why both the administration and the different forces of opposition have difficulty to mobilize the workers in accordance to their own agenda.

Thus, the very tiny revolutionary minority in the Philippines has the gargantuan task to appropriate the lessons of the past struggles of the class through discussions with proletarian elements searching for the correct perspectives of the situation and struggles of their class. The class must understand the nature of the unions, parliamentarism, nationalism, leftism and frontism. Through these, the workers in the Philippines can prepare themselves in the future struggles.

The historic course today is CLASS CONFRONTATIONS. Sooner or later the Filipino workers will confront its class enemy because their situation would push them to defend themselves against the attacks of capital as what their brothers did in other countries since 2003. To advance the workers’ struggles to revolution the class must understand that “The autonomy of the proletariat in the face of all the other classes of society is the first precondition for the extension of its struggle towards the revolution. All alliances with other classes or strata and especially those with fractions of the bourgeoisie can only lead to the disarming of the class in the face of its enemy, because these alliances make the working class abandon the only terrain on which it can temper its strength: its own class terrain” (Point 9, Platform of the ICC).

INTERNASYONALISMO, March 4, 2008

 
———
[i] Jun Lozada is now the “people’s hero” because he exposed the anomalies of the ZTE-National Broadband Deal. He was the former president of Philippine Forest Corp. and former consultant of the National Economic and Development Authority on the ZTE contract,

[ii] ZTE Broadband Deal – an anomalous $329 million contract between the Philippine government and the Chinese company, the ZTE Corp. Although this contract was already cancelled by Gloria Arroyo because of the popular pressure, the opposition Philippine Senate continues its investigation because the First Couple were involved in this anomaly together with their close allies. The real objective of the opposition senators is to further isolate the Arroyo faction through public opinion and present themselves as alternatives to her as president. Senators like Manny Villar, Manuel Roxas, Panfilo Lacson. Loren Legarda are as greedy as Gloria Arroyo for power.

[iii] Edsa 1 was the inter-classist movement in 1986 mainly concentrated in Metro Manila that toppled down the dictator Ferdinand Marcos. Edsa 2 in 2001 was the same in character of Edsa 1 but it toppled the corrupt president Joseph Estrada. It was called “Edsa Revolution” because it is in the street of Epifanio delos Santos Avenue (Edsa) that thousands of people massed up.

[iv] Jose Ma. Sison said, It is possible to remove the Arroyo ruling clique from power mainly through the people’s exercise of their democratic right to speak and assemble, as in 1986 and 2001. The issuance of statements, indoor meetings and localized rallies against the regime can generate the gigantic mass actions. The peaceful uprising of the people in great numbers can encourage the bureaucracy and military to withdraw support and can thus cause the Arroyo regime to implode.
According to reliable information, the patriotic military and police officers and the overwhelming majority of enlisted personnel will manifest their withdrawal of support from the regime as soon as 100,000 people converge in any of the protest rallies either in Manila or Edsa in the coming days, weeks and months. Such level of mass participation is expected to ignite the peaceful uprising of the people in their millions nationwide.” (February 23, 2008, “The Broad United Front of Patriotic Forces is Determined to Mobilize the People Nationwide Against Arroyo Regime”)
[v] In 1986 the maoist Communist Party of the Philippines and its front organizations boycotted the snap presidential elections called by Marcos. In its own assessment, the “national-democratic” forces were isolated in the 1986 “People Power” because of the boycott policy. The maoist admitted that the said policy was a “tactical blunder”.
[vi] The Philippine Daily Inquirer on its March 1, 2008 issue quoted Executive Director Alberto Lim of the prestigious organization of businessmen of the financial capital of the Philippines, the Makati Business Club (MBC) and Renato Reyes, the national secretary-general of New Patriotic Alliance, a front organization of CPP on their reactions of the February 29 mobilization.

Alberto Lim: “This is an inter-faith gathering; there is no shouting slogans against imperialism, etc, which turn off many people, “this rally is peaceful”.

Renato Reyes: “the strongest rejection yet of the administration in three years”, “an encouraging sign of political maturity”, “the President made this possible. She provided the urgency for everyone to set aside their differences and struggle together for truth and justice.”

February 8, 2008

A Call for Class Unity for the Filipino Proletariat Amidst the Intra-Factional Conflicts of the Ruling Class in the Philippines

Filed under: Philippine Politics

PANAWAGAN SA MANGGAGAWANG PILIPINO PARA SA MAKAURING PAGKAKAISA

Tumitindi at lumalala ang tunggalian sa loob ng naghaharing uri sa Pilipinas. Lalong nalagay sa depensibang posisyon ang paksyong Arroyo dahil sa desperadong mga hakbang nito para tangkaing konsolidahin ang kapangyarihan (ang pinakahuli ay ang pagpatalsik kay de Venecia bilang speaker of the house at ang pagdukot kay Lozada para mapigilan sana ito na tumistigo sa ZTE scandal). Ang mga kapalpakang ito ang sinasamantala ngayon ng burges na oposisyon upang muling banagon ang kampanyang anti-GMA.

Administrasyon man o burges na oposisyon ay parehong kaaway ng manggagawang Pilipino at maralita. Walang dapat kampihan o suportahan sa kanila. Ang lumalalim at lumalawak na diskontento ng masang anakpawis ay nakatuon sa pagsasamantala at pang-aapi ng estado bilang pangunahing instrumento ng buong naghaharing uri. Subalit ang diskontentong ito ay nais ilihis at hatakin ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya sa simpleng labanan ng mga paksyong maka-GMA at anti-GMA. Nais ng burges na oposisyon na ipako ang kamulatan ng masa sa anti-GMA at itago ang katotohanan na ang estado mismo at ang mga institusyon nito ang pangunahing kaaway ng uri.

Napatunayan na sa karanasan na isang patibong at nakakabaog ang pakikipag-alyansa at pakikipagtulungan sa alin man sa mga paksyon ng naghaharing uri para susulong ang makauring pagkakaisa at pakikibaka ng masang anakpawis.

Nanawagan kami sa manggagawang Pilipino at maralita na:

1.      Huwag suportahan ang alin man sa mga paksyon ng burgesya (administrasyon at oposisyon) at huwag sumama sa mga pagkilos nila. Sa halip, ilunsad ng mga manggagawa at maralita ang mga pagkilos at pakikibaka na independyente at nakahiwalay sa mga paksyong ito.

2.      Pagtuunan ng mga pakikibaka at pagkilos ang mga isyu at problemang pinapasan ng masang anakpawis ngayon – mababang sahod, walang mga benepisyo, kakulangan at kawalan ng trabaho, kontraktwalisasyon, at iba pa. Mapilitan lamang ang estado na magbigay ng konsesyon bagama’t pansamantala lamang kung magkaroon ng malawakang nagkakaisang pagkilos ang masang anakpawis. Ang mga malawakang pagkilos na ito ay hindi sektoral kundi buong uri; hindi antas pabrika at komunidad kundi maramihang mga pabrika at komunidad; hindi isang syudad kundi maramihang mga syudad.

3.      Ang lakas ng pakikibaka ay nasa pagkakaisa ng malawak na manggagawa at maralita mismo; nasa kanilang sariling pagkakaisa at wala sa panghihingi ng suporta at tulong sa alin man sa mga paksyon ng naghaharing uri at sa mga pulitiko. At lalunang wala sa ibibigay nilang suporta at tulong.

4.      Itakwil ang kaisipan na may maaasahan pa sa Kongreso na ngayon ay punong-puno ng katiwalian, bentahan at bilihan na naging arena ng maniobrahan ng mga reaksyonaryong mga paksyon at personalidad. Walang maasahan sa iba’t-ibang party-list at pulitiko sa loob ng Kongreso na nag-aastang "progresibo" at "maka-mahirap" . Nangangamoy na sa kabulukan ang Kongreso at ang pagpasok dito ay tahasang pagtraydor sa makauring interes ng masang api.  

5.      Matuto sa mga aral ng pakikibaka ng mga kapatid na manggagawa sa labas ng bansa na ngayon ay sumusulong batay sa sariling pagkakaisa. Matuto sa kanilang karanasan sa pagtatayo ng mga asembliya at konseho ng manggagawa bilang organo ng pakikibaka. Nasa pagkakaisa ng mga manggagawa sa buong mundo ang makapangyarihang lakas laban sa mapagsamantalang mga uri sa lipunan.  

ANG EMANSIPASYON NG URING MANGGAGAWA AY NASA KAMAY MISMO NG MGA MANGGAGAWA. ITO LAMANG ANG TANGING DAAN TUNGO SA TAGUMPAY NG PAKIKIBAKA.

Nanawagan din kami sa lahat ng mga elementong seryosong nagnanais ng tunay na panlipunang pagbabago na kumilos sa abot ng kanilang makakaya na maunawaan ng malawak na manggagawa at maralita ang mga aral ng kanilang sariling karanasan sa nakaraan laluna ang mga aral kung bakit wala pa ring pagbabago sa kanilang naghihikahos na kalagayan sa kabila ng pagpalit-palit ng mga paksyon na nakaupo sa Malakanyang at sa pakikipag-alyansa ng Kaliwa sa isang paksyon ng naghaharing uri.

KAILANGANG MAGTULUNGAN ANG MGA REBOLUSYONARYONG ELEMENTO laban sa lahat ng mga maniobra at mistipikasyon ng burgesya.

January 22, 2008

Capitalism has no solution to the agrarian problem in the Philippines

WALANG SOLUSYON ANG KAPITALISMO SA PROBLEMANG AGRARYO SA BANSA

Sa paggunita sa ika-21 taong anibersaryo ng Mendiola masaker libu-libong magsasaka mula sa iba’t-ibang probinsya ng Luzon ang nagmartsa (Lakbayan) patungong Maynila para iggiit una sa lahat ang pagpapatupad ng “tunay na repormang agraryo”. Nauna na dito noong huling bahagi ng nakaraang taon ay nagmartsa ang mga magsasaka sa Sumilao, Bukidnon mula sa kanilang pinanggalingan patungong Maynila din. Magkaibang pampulitikang grupo at oryentasyon man ang kumokontrol sa mga magsasaka, iisa lamang ang kanilang isinisigaw: REPORMANG AGRARYO.

Walang duda na pinagsamantalahan ang masang magsasaka mula pa noong kolonyalismong Espanyol hanggang ngayon. Higit limang siglo na ang pagdurusa ng mga ito sa bulok na sistema ng lipunan.

Subalit MALI kung iisipin na walang nagbago sa bulok na sistema sa loob ng mahigit 500 taon at batay dito wala ding nagbago sa laman ng pakikibaka ng masang magsasaka para sila ay lumaya mula sa pagsasamantala at pang-aapi.

Kahilingan sa pag-aari ng lupang mabubungkal: Noon at Ngayon

 “Lupa sa nagbubungkal”. Ito ang sentro ng kahilingan ng mga magsasaka sa kasalukuyan. Ito ang sentrong kahilingan ng mga gerilya sa kabundukan. Ito din ang kahilingan ng mga repormista sa kalungsuran.

Sa panahon ng pyudalismo (kung saan ang naghaharing uri ay ang mga panginoong maylupa at kasama na dito ang Simbahan), itinali ang mga magsasaka sa lupa. May mga batas ang pyudal na estado na nagpaparusa sa mga magsasakang aalis sa lupa na walang pahintulot ng kanilang mga panginoon. Sa pangkalahatan, ito ang kalakaran ng mga kolonyalistang Kastila at ng Simbahan sa bansa sa loob ng 300 taon. Pinipilit ang mga aliping magsasaka na magbungkal para sa pangangailangan ng pyudal na kaayusan.

Simula ika-16 siglo nasa yugto na ng pabulusok-pababa ang pandaigdigang pyudal na sistema habang naging mas agresibo ang lumalakas na progresibo at rebolusyonaryong uri (na nagdadala ng bago at mas maunlad na moda ng produksyon) laban sa pyudal na kaayusan. Ang uring ito ay ang uring kapitalista (hindi ang uring magsasaka) na noon ay hindi pa naghaharing uri kundi ginigipit na uri ng naghaharing pyudal na mga panginoong maylupa.

Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas sa kalagitnaan ng 1500s, humihinang pyudal na kapangyarihan na ito sa pandaigdigang saklaw. Katunayan, binabayo na ng mga pakikibaka ng Kastilang burgesya ang pyudal na monarkiya sa loob mismo ng Espanya. Sa 1880s bago pa man naitayo ang Katipunan ni Andres Bonifacio sa 1896 ay naagaw na ng Kastilang burges ang kapangyarihan sa Espanya.

Gayong makauring interes ng magsasaka na makalaya sa pang-aalipin ng lupa, mas interesado ang burgesya dito dahil sa pamamagitan lamang ng paglaya ng mga magsasaka sa lupa ay matransporma sila bilang mga sahurang-alipin ng kapital, ang bago at mas maunlad na sistema ng produksyon. Samakatuwid, ang kahilingang anti-pyudal ng mga magsasaka ay isang burges na kahilingan.

Subalit, kailangang mailinaw na ang pyudal at kapitalistang mga sistema ay parehong mapagsamantalang sistema. Bagama’t may katangiang progresibo at rebolusyonaryo ang uring kapitalista laban sa pyudalismo, ang una ay isa ding mapagsamantalang uri. Sa sistemang kapitalista, naranasan ng lipunan ang bangis ng pagsasamantala ng uring ito para sa tubo.    

Ang kahilingang “lupa sa nagbubungkal” ay kahilingan ng mga peti-burges na magsasaka na nagmamay-ari ng maliliit na parsela ng lupa. Ang uring ito ay ginigipit kapwa ng pyudal na panginoong maylupa para sa kanilang luho at ng burgesya para lubusan silang maalis sa lupa at maging mga sahurang-alipin ng kapital. Ang peti-burgesya sa kanayunan ay isang desperadong uri na walang kinabukasan: Sa ilalim ng pyudal na kaayusan ay nanganganib sila na maging ‘kasama’ (tenant) ng panginoong maylupa. Sa ilalim ng kapitalistang kaayusan ay nasa bingit sila na maging manggagawa. Kinasusuklaman ng uring ito ang pagiging maralitang magsasaka at ang pagiging manggagawa.

Ang mga walang lupa ay matagal ng naging manggagawa. Katunayan, ang mga maralitang magsasaka sa kanayunan ang mga ninuno ng mga manggagawa sa kalungsuran. Kahit sa kasalukuyan, parami ng parami ang mga maralitang magsasaka na naging sahurang manggagawa sa nayon man o sa lungsod.

Subalit mahigit 100 taon ng pormal na nadurog ang pyudal na kaayusan sa bansa. Mahigit 100 taon ng naghari ang uring kapitalista sa bansa. Mahigit 100 taon ng kapitalismo ang sistema ng Pilipinas. Kung ikumpara sa antas ng pandaigdigang kapitalismo ay isang atrasadong kapitalistang bansa ang Pilipinas, hindi pa rin nito maaring itago ang realidad na ito ay isang kapitalistang bansa. Ang pagiging atrasado ng Pilipinas ay hindi pa dahil pyudal pa rin hanggang ngayon ang kanayunan kundi dahil wala ng kapasidad ang pandaigdigang kapitalismo na nasa yugto na rin ng kanyang pagbulusok-pababa mula ng pumutok ang unang imperyalistang digmaang pandaigdig noong 1914 na paunlarin pa ang kapitalismo ng bansa.

Ang kaaway ng mga manggagawang bukid at peti-burges sa kanayunan sa kasalukuyan ay hindi na ang mga tradisyunal na panginoong maylupa tulad noong unang panahon kundi mga kapitalistang panginoong maylupa na. Ang relasyon ng produksyon na nagsasamantala sa malawak na masa sa kanayunan ay hindi pyudal kundi kapitalista na. Ang estadong nagtatanggol sa mga modernong panginoong maylupa ay hindi pyudal na estado kundi ng mga kapitalista na.

Subalit pundamental na magkaiba ang interes ng mga manggagawang bukid at peti-burges sa kanayunan kung bakit nila nilalabanan ang mga kapitalistang panginoong maylupa. Ang una ay bilang manggagawa habang ang huli ay dahil ayaw nilang maging manggagawa. Ang una ay nais lumaya sa kapitalistang pagsasamantala habang ang huli ay nag-iilusyon pa rin na maging isang indepenyenteng kapitalistang magsasaka.

May pag-asa pa ba ang “lupa sa nagbubungkal” sa kasalukuyang antas ng krisis ng pandaigdigang sistema?

Malaki na ang pinag-iba ngayon kaysa noon. Maging ang mga tradisyunal na panginoong maylupa ay dumaan sa proseso ng “transpormasyon”. Karamihan sa kanila ay naging mga kapitalista gamit ang mga produkto sa lupa. Isang halimbawa dito ay ang pamilyang Cojuangco. Ang Hacienda Luisita ay isang kapitalistang sakahan. Kinamkam ng korporasyong San Miguel ang kalupaan sa Sumilao para sa tubo. Pinasok ng korporasyong Ayala ang mga sakahan sa Davao para sa negosyo ng saging. Sa madaling sabi, ang usapin ng monopolyo sa lupa sa kasalukuyan ay usapin ng monopolyo ng mga kapitalista (indibidwal o korporasyon) sa lupa.

Sa ilalim ng kapitalistang kaayusan, hindi imposible na pangunahan ng naghaharing uri ang kampanyang “lupa sa nagbubungkal”. Katunayan, pinangunahan ni Cory Aquino (mula sa pamilya ng malalaking kapitalistang panginoong maylupa) noong huling bahagi ng 1980s ang kampanyang “comprehensive agrarian reform program”. Pero mas interesado ang burgesya na patindihin ang pagsasamantala sa magsasaka para sa tubo.

Ang interes ng mga peti-burges na magsasaka ay maging “independent producers”. Kaya ba itong ibigay ng kapitalismo? May kapasidad ba ang kapital na muling buhayin ang tipong artisano na pagbubungkal ng lupa gaya noong nasa kasagsagan pa ang pag-unlad ng pyudalismo bago ang 1500s?

Gustuhin man ito ng naghaharing uri ay hindi na maaring ibigay ng isang sistemang naghihingalo na sa permanenteng krisis. Ang kapalpakan ng CARP ay patunay nito.

Ang kapalpakan ng CARP ay wala sa kanyang pagiging inutil sa “pagbibigay” ng lupa dahil sa kawalan ng pondo (ang katotohanan ay binabayaran ito ng magsasaka ng hulugan sa gobyerno) kundi dahil napilitan na ibenta ng magsasaka ang kanyang naangking lupa dahil sa pagkalugi. Kundi man binebenta ng magsasaka ay naobliga itong magbubungkal ng kanyang lupa para sa malalaking korporasyon – growers – na laganap sa Mindanao. Libu-libong growers ang kontrolado ng mga korporasyong Dole Philippines, Del Monte Philippines at Ayala. Maging ang mga kooperatibang pansakahan ay naging growers na din. Dagdag pa, pinapaboran ng kapitalistang estado ang land conversion na siyang interes ng malalaking kapitalista para sa tubo dahil ang estado mismo ay walang pera at lubog pa sa utang.

Hindi rin maglalaho ang pagsasamantala sa mga magbubukid sa kung sakaling ipamigay ng estado ng libre ang lupa sa mga magsasaka. Ito ang laman ng programang “rebolusyonaryong agraryo” ng CPP-NPA. Sa kalagayang maka-hayop ang kompetisyon ng bawat kapitalista at bawat bansa para sa makipot na pamilihan, hindi lang simpleng pag-aari ng lupa ang problema ng mga magsasaka. Higit pa dito ay ang problema ng kapital para sa kanyang parsela ng lupa. Ang indibidwal na pagbubungkal ng lupa sa ilalim ng kapitalismo ay mahuhulog lamang sa pagkabangkarota kung kapos sa kapital. Kaya nawawalan din ng saysay ang interes ng peti-burgesya na “independent producers” dahil sa malao’t madali ay kukunin ito ng “estado ng bayan” sa ilalim ng kampanyang nasyunalisasyon sa lupa para diumano sa kolektibisasyon at modernisasyon. Sa huli, nagiging mga manggagawa ang mga magsasaka sa dati sarili nitong lupa na pag-aari na ng estado o kooperatiba o kaya ay lumayas sa kanayunan para maging manggagawa sa malalaking industriya sa kalungsuran na pag-aari pa rin ng gobyerno. Ang modelo ng “rebolusyong agraryo” sa China, Vietnam, North Korea ang halimbawa kung paanong nagpalit anyo lamang ang mga kapitalistang nagmamay-ari ng lupa. Mula sa indibidwal na mga kapitalista, ang lupa ay napunta sa estadong kapitalista. AT NARITO ANG PINAKAMALAKING KASINUNGALINGAN NG MGA BANSANG ITO: NILILINLANG NILA ANG MGA MANGGAGAWA AT MAGSASAKA SA PAGSASABING ANG GINAGAWA NILA AY SOSYALISMO.

Ang dulo ng kahilingang “lupa sa nagbubungkal” sa ilalim ng kasalukuyang kaayusan ay maging sahurang alipin ang mga peti-burges na magsasaka o kaya ay mapilitang ganap na pumailalim sa pagsasamantala ng mga malalaking korporasyong kapitalista (lokal man o dayuhan). Ito ang tanging landas na tatahakin ng mga magsasaka sa ilalim ng kapitalistang sistema.

Pangkat man ni Gloria Arroyo, ng oposisyon, ng mga repormistang nasa loob ng mga non-government organizations at burges na kongreso, o maging ng mga armadong gerilya o rebeldeng militar ang nasa kapangyarihan HINDI nila masolusyonan ang pakikibaka ng mga magsasaka para lumaya sa kahirapan. Ang lahat ng mga grupong ito ay kumikilos sa ilalim ng balangkas ng mapagsamantalang mga relasyon sa produksyon na nasa permanenteng krisis na ngayon.

Kaya isang ganap na ilusyon ang hihilingin sa estado ang tunay na repormang agraryo dahil ang sistemang pinagtatanggol nito ay wala ng kapasidad para ibigay ang naturang kahilingan.Panlilinlang din ang pangako ng mga kaliwang grupo ng burgesya na kaya nilang ibigay ang kahilingang ito kung sila na ang nasa Malakanyang. 

Ang tunay na solusyon sa usaping agraryo: Ibagsak ang Kapitalismo
Ang nasa likod ng pakikibaka ng masang magsasaka para sa lupa ay panlipunang hustisya. Ang layunin ng kanilang mga sakripisyo sa pakikipaglaban ay ang mapalaya sila mula sa kahirapan na ilang siglo na nilang pinapasan.

Ang tunay na solusyon para sa panlipunang hustisya at paglaya ng mga magsasaka mula sa kahirapan ay wala sa loob ng balangkas ng kapitalistang sistema anuman ang anyo nito – indibidwal o pag-aari ng estado – at anuman ang porma ng paghari nito – demokratiko o diktadura ng burgesya. Kailangan munang wasakin ang kapitalistang mga relasyon sa produksyon bago lilitaw ang mga kondisyon para sa kalayaan sa kahirapan.

Ang uring magsasaka ay isang uri sa nakaraan. Hindi na maaring maibalik pa ang nakaraan kung saan may dignidad ang artisanong sakahan. Dinurog na ito ng kapitalismo sa Pilipinas 100 taon na ang nakaraan. Ang dapat harapin ng mga magsasaka ngayon ay ang interes ng kanilang uri sa hinaharap sa ilalim ng bulok na kaayusan. Ang pagiging sahurang alipin ang kinabukasan ng mga magsasaka sa ilalim ng nabubulok na sistema ng bansa at ng buong daigdig.

Ang pagkamit ng panlipunang hustisya ay wala sa kamay ng uring magsasaka kundi nasa kamay ng uring papasukan nila – nasa uring manggagawa. Ang sahurang manggagawa sa kanayunan at kalungsuran ang TANGING REBOLUSYONARYONG URI sa kasalukuyan. Ang uring ito ang may istorikal na misyon para ibagsak ang kapitalismo dahil hindi ito lalaya kung hindi nito mapalaya ang buong lipunan mula sa sistema ng pagsasamantala at pang-aapi.

Pangalawa, ang usaping agraryo sa bansa ay hindi malulutas sa loob ng balangkas ng bansa. Malulutas lamang ito sa pandaigdigang balangkas – sa pagwasak sa kapitalismo sa pandaigdigang saklaw. Napakahalaga ang paglakas ng mga pakikibaka ng manggagawa sa buong mundo para masolusyonan ang problema sa lupa ng magsasakang Pilipino.

Hindi mananalo ang pakikibaka ng magsasaka kung hindi ito susuporta sa pakikibaka ng mga manggagawa para sa INTERNASYUNAL NA SOSYALISMO – isang pandaigdigang lipunan na wala ng mga uri at wala ng pagsasamantala. Walang panlipunang hustisya sa kahilingang “lupa sa nagbubungkal” sa ilalim ng kapitalismo. Ang panlipunang hustisya ay makakamit lamang sa SOSYALISASYON ng lupa at ang sosyalisasyon ay magiging realidad matapos madurog ang pandaigdigang kapital sa pamamagitan ng INTERNASYUNAL NA REBOLUSYON NG MGA MANGGAGAWA.  

Ang tagumpay ng pakikibaka ng magsasaka para sa panlipunang hustisya ay nakasalalay sa tagumpay ng uring manggagawa na ibagsak ang kapitalismo.

Benjie, 01/22/08

December 5, 2007

Adventurism of Military Rebels

Filed under: Philippine Politics

May pangkalahatang pagsusuri at paninindigan na ang Internasyonalismo sa kasalukuyang pampulitikang krisis sa Pilipinas — ANO ANG IPAPALIT SA REHIMENG ARROYO? — na nalathala sa http//internasyonalismo.blogsome.com. Ang nasa ibaba ay dagdag na pagsusuri na lang sa kaganapan noong Nobyembre 29 sa Makati City.

—————————–

ADBENTURISMO-MILITAR SA MAKATI : EKSPRESYON NG LUMALALIM NA PAKSYUNAL NA ANTAGONISMO SA LOOB NG NAGHARING URI

Nobyembre 29 naganap ang pinakahuling pagtatangka ng isang paksyon ng nagharing uri na patalsikin sa Malakanyang ang paksyon ni Gloria Arroyo. Sa loob lamang ng ilang oras ay sumuko ang kakarampot na mga rebeldeng sundalo at ilampung civilian-supporters na kinabibilangan ng mga pulitiko, relihiyoso at mga personaheng alyado ng Kaliwa. Bigo na naman ang huling adbenturismo-militar ng grupong Magdalo sa pamumuno nila senador Antonio Trillanes IV at Gen. Danilo Lim. Bigo hindi lamang sa kawalan ng suporta mula sa malawak na masa kundi higit sa lahat sa kawalan mismo ng hayagang simpatiya mula sa malawak na sundalo at pulis.

Magdalo : Kontra-rebolusyonaryo kapwa sa layunin at pamamaraan

Sa esensya, masusukat ang rebolusyonismo ng isang kilusan sa layunin at pamamaraan batay sa kasalukuyang istorikal na ebolusyon ng pandaigdigang kapitalismo at sa mga aral na nahalaw mula sa mahigit 200 taong makauring pakikibaka ng internasyunal na proletaryado.

Ang layunin at pamamaraan ng grupong Magdalo ay isang radikal na peti-burges. Ang kudeta o pag-aalsang militar ay paraan ng isang paksyon ng burgesya para patalsikin sa pwesto ang karibal nito lagyan man ito ng palamuti ng "pangmasang suporta". Katunayan, hindi kailangan ng kudeta ang suporta o partisipasyon ng malawak na masa para magtagumpay. Ang kailangan lamang nito ay ang hayag suporta o nyutralidad ng mayorya ng kasapian ng sandatahang lakas.

Ang Kaliwa lamang ang nagpupumilit na lagyan ng "rebolusyonismo" ang kudeta sa pamamagitan ng pagkakaroon ng alyansa at koordinasyon sa plano sa pagitan ng una at sa mga rebeldeng sundalo. Ito ang nangyari noong 2005 subalit napigilan ng paksyong Arroyo. At ito din ngayon ang kritisismo ng Kaliwa sa ginawang adbenturismo ng grupong Magdalo sa Makati — kawalan ng koordinasyon sa plano. Ibig sabihin, para sa Kaliwa tama ang kudeta basta may alyansa at koordinasyon sa kanila. Kung wala, ito ay mali.

Pero hindi lamang kontra-rebolusyonaryo ang paraang kudeta dahil hindi ito isang tunay na kilusan ng uring manggagawa at maralita, at lalunang hindi isang independyenteng kilusan ng uri. Kontra-rebolusyonaryo din ang layunin nito gaya ng layunin at programa ng matagalang digmaang bayan ng mga maoista. Ang layunin ng mga rebeldeng militar ay isalba ang nabubulok na kapitalistang sistema sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa nagharing paksyon kung saan ang kabulukan nito sa pamamahala ay posibleng maging mitsa para mag-alsa ang uring manggagawa at maralita para tuluyang ibagsak ang burges na estado at ang kapitalistang sistema. Ang nais ng grupong Magdalo ay palitan ang paksyong Arroyo ng isang paksyon ng nagharing uri na "popular" sa masa at syempre, kasama (o mapagpasya sa kapangyarihan) ang "radikal" na mga lider ng rebeldeng militar. Tulad ng Kaliwa, nais ng grupong Magdalo na ipagtanggol ang pambansang kapitalismo sa ilalim ng mistipikasyon ng demokrasya at nasyunalismo.

Lumalim na antagonismo ng mga paksyon sa loob ng nagahring uri

Tulak man ng desperasyon sa bahagi ng mga lider ng Magdalo ang adbenturismo at kabiguan sa Makati noong Nobyembre 29. hindi pa tapos ang armadong alitan at maniobrahan ng mga paksyon ng nagharing uri. Hindi imposibleng hindi makabangon muli ang mga rebeldeng militar. Nariyan din ang iba pang mga armadong paksyon ng Kaliwa ng burgesya tulad ng CPP/NPA, RPA/ABB, MLPP/RHB, MILF, MNLF. Ang mga armadong labanan ay lalupang iigting sa darating na panahon habang patuloy na lumalalim ang pagbulusok-pababa ng pandaigdigang kapitalismo.

Ang pagtindi ng paksyunal na hidwaan ang magtutulak sa estado bilang tagapagtanggol ng sistema na mas palakasin ang sarili para kontrolin ang nagliliyab na paksyunal na alitan at sikaping hindi sasambulat tungo sa ganap na pagkawasak ng kasalukuyang panlipunang kaaysuan. Maaring ang pagpapalakas ng burges na estado ay magkaanyo sa isang tipong militaristang pamahalaan o sa isang maka-Kaliwang gobyerno tulad ng ginawa ng burgesya sa Venezuela, Bolivia, Brazil at Nicaragua. O kaya ay kumbinasyon ng dalawang anyo.

Subalit, Kanan o Kaliwa man ng burgesya ang nasa kapitalistang estado hindi nito mapigilan ang patuloy na pagbulusok-pababa ng kapitalistang sistema.

Proletaryong layunin at pamamaraan

Ang tanging solusyon sa kasalukuyang krisis ng kapitalismo ay wasakin mismo ito. Rebolusyon ng mga manggagawa lamang ang tanging solusyon sa lumalalang krisis ng panlipunang sistema. Ang rebolusyong ito ay proletaryo kapwa ang layunin at pamamaraan na nakabatay sa mulat na pagkilos ng masang manggagawa bilang isang internasyunal na uri.

Proletaryong layunin: Pagdurog sa kapitalismo at sa burges na estado. Mga pang-ekonomiyang pakikibaka na direktang nakaugnay at nagsisilbi sa pag-agaw sa pampulitikang kapangyarihan.

Proletaryong pamamaraan:  Independyente at malawak na kilusang manggagawa na organisado sa mga asembliya at konseho HINDI sa mga unyon.

NO BETRAYAL!

Bagama’t malinaw na hindi nakuha ng Kaliwa at grupong Magdalo ang partisipasyon ng malawak na masa ng manggagawa at maralita (maliban sa ilang daang maralita na binabayaran nila sa anyo ng pamasahe at snacks) para lumahok sa adbenturismo sa Makati tulad noong 2005-2006, ito ay ekspresyon hindi pa ng pagtaas ng makauring kamulatan kundi ng pasibidad at kawalan ng tiwala sa sarili. Ang pasibidad at kawalan ng tiwala sa sarili ng masang api ay kagagawan ng oportunismo ng Kaliwa mula pa noong 1986 Edsa "Revolution".

Nasa minoryang mga komunista sa Pilipinas ang mabigat na tungkulin na ipaunawa sa masang manggagawang Pilipino kung ano ang tunay na mga aral na dapat halawin sa kanilang karanasan mula noong 1972 sa panahon ng pasistang diktadura hanggang ngayon at ganun din, sa karanasan ng kanilang mga kapatid sa uri sa internasyunal na saklaw sa loob ng mahigit 200 taon para maintindihan nila ng lubusan na ang Kanan at Kaliwa ng burgesyang Pilipino ay walang pinag-iba; na ang pasismo, militarismo at demokrasya ay walang kaibahan dahil ang mga ito ay sandata ng uring mapagsamantala para supilin ang uring pinagsamantalahan.

Hindi ito madaling gawin dahil napakalakas pa ng mistipikasyon ng demokrasya, nasyunalismo at unyonismo at ng mga organisasyon at partido ng Kaliwa sa Pilipinas. Subalit dapat nating panghawakan ang matibay na paninindigan ng Italian Communist Left sa 1930s kung saan halos nag-iisa ito sa pagtatanggol sa istorikal na interes ng uri at sa internasyunalismo; kung saan ang buong hanay ng Kaliwa — stalinista, trotskyista at anarkista — ay pumasok sa prente popular ng burgesya (united front) at itulak sa nagliliyab na apoy ang milyun-milyong manggagawa sa walang katulad na barbarikong masaker ng inter-imperyalistang digmaan sa kasaysayan; kung saan nag-iisa lamang sa pagtindig ang mga kaliwang komunista sa pagwagayway ng bandilang NO BETRAYAL!

November 10, 2007

Oust the Bourgeois Administration and Opposition

Filed under: Philippine Politics

ADMINISTRASYON AT OPOSISYON : PATALSIKIN SILANG LAHAT!

Tuloy-tuloy ang paglala ng krisis pampulitika sa bansa dahil sa lalupang paglala ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo.

Ang tumitinding bangayan sa loob ng nagharing uri – kampong maka-GMA at kampong anti-GMA – ay ginagatungan ng mga alitan sa loob ng kampong maka-Gloria at ganun din, sa loob ng kampong anti-GMA. Ang mga alitang ito sa loob ng magkabilang kampo ng nagharing uri ay pinaliliyab ng pang-ekonomiyang krisis na kongkretong makikita sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan na nabunga ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ito ang hindi maiwasang mangyari sa nagharing uri sa panahon ng permanenteng krisis ng sistema – “isa laban sa lahat”.

Ang mga isyu ng korupsyon, panunuhol, katiwalian, paglabag sa karapatang-pantao at iba pa ay PAREHONG ginagawa at patuloy na gagawin ng administrasyon at oposisyon. Walang pagkakaiba ang Lakas-CMD at Kampi sa PMP ni Erap, sa United Opposition ni Binay at maging sa nabubuong United Forces. Ito ang naranasan ng masang maralita sa nagdaang tatlong “Edsa Revolution” — ang dating oposisyon ay nalagay sa administrasyon at ang dating administrasyon ay naging oposisyon – subalit walang kaginhawaang naranasan ang mga manggagawa at maralita.

Hindi malulutas ng administrasyon at oposisyon ang mga mabibigat na problemang pinapasan ng mga manggagawa at maralita – patuloy na pagtaas ng presyo, mababang sweldo, kontraktwalisasyon, kawalang trabaho, pabahay, panlipunang serbisyo at iba pa. Kapwa ang administarsyon at oposisyon ay may parehong layunin – ipagtanggol ang mapagsamantala at nabubulok na kapitalistang sistema.

Isang bitag ang “fighting one enemy at a time” o “choosing the lesser evil”. Isang ilusyon ang paniniwala na ang pakipag-alyansa sa isang paksyon ng burgesya ay makapagpahina sa buong nagharing uri. Ang tunay na makapagpahina sa nagharing uri hanggang sa tuluyan itong maibagsak ay ang paglakas ng independyenteng kilusan ng manggagawa at maralita.

Ang panawagan ng iba’t-ibang grupo ng burges na oposisyon at Kaliwa ng “pagkakaisa” ng lahat ng grupo laban sa paksyong GMA ay walang ibig sabihin kundi ang ilagay sa Malakanyang bilang kapalit ng paksyong GMA ay isa na namang paksyon ng mapagsamantalang uri na “suportado” ng malawak na masa. Hindi na dapat pumasok ang masa sa ganitong patibong ng burgesya dahil tiyak na mauuwi na naman ito sa kapahamakan ng mga mahihirap at muling makapagpalakas sa ilusyon at demoralisasyon sa kanilang hanay.

Nararapat lamang na muling babangon ang militansya at diwang palaban ng uring manggagawa at maralita para sa tunay na pagbabago sa kanilang aping kalagayan. Nararapat lamang na muling magtiwala ang malawak na masang api sa kanilang sariling pagkakaisa at lakas sa pakikibaka. Subalit ang enerhiya ng militansya ay kailangang nakatuon sa pagpapalakas sa SARILING kilusan ng uring manggagawa at maralita na HIWALAY sa alinmang paksyon ng nagharing uri – administrasyon man o oposisyon.

Nasa paglakas ng INDEPENDYENTENG KILUSAN ng masang api ang pwersa para mahatak ang panggitnang uri sa tamang daan para sa pagbabago ng lipunan. Ang kongkretisasyon ng independyenteng kilusang ito ay makikita sa sumusunod:

  1. Isang kilusan na nakahiwalay sa kampo ng administarsyon at oposisyon. Higit sa lahat, isang kilusan na hayagang naglalantad na ang lahat ng mga paksyon ng burgesya kabilang na ang mga partido at grupo nila ay KAAWAY ng buong uring api dahil ang lahat ng mga paksyon ng mapagsamantalang uri ay NAGKAKAISA LABAN sa mga manggagawa at maralita. Kaya, walang anumang pakipag-alyansa alinman sa mga paksyong ito, temporaryo man o estratehiko.
  2. Isang kilusan na pangunahing nakibaka sa mga isyung direktang may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay ng malawak na masa at itinataas ang mga ito sa pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan ng mga manggagawa mismo.
  3. Isang kilusan na ang mga organisasyon ng pakikibaka ay mga asembliya at konseho ng mga manggagawa – regular, kontraktwal, walang trabaho, nasa pribado man o publikong sektor, unyonista man o hindi – sa mga pagawaan at komunidad kung saan ang otoridad ng pagkilos ay nasa kapasyahan ng mga asembliyang ito at wala sa mga unyon. Ang mga konsehong ito ang siyang dapat maging organo ng kapangyarihan pagkatapos maibagsak ang paksyong Arroyo.
  4. Isang kilusan na nagtatakwil na may magagawa ang kongreso at senado para sa kapakanan ng uring pinagsamantalahan sa harap ng tumitinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo.
  5. Isang kilusan na nagtatakwil sa inter-classist na “caretaker government”, “transitional government” o “coalition government”.

Ang sentral na mga islogan ng kilusang ito ay:

ISULONG ANG KILUSANG MASA LABAN SA ADMINISTRASYON AT OPOSISYON!

GAWING PAMPULITIKANG PAKIKIBAKA ANG MGA PANG-EKONOMIYANG PAKIKIBAKA!

ITAYO ANG MGA KONSEHO NG MANGGAGAWA BILANG MGA ORGANO NG KAPANGYARIHAN MATAPOS MAIBAGSAK ANG PAKSYONG ARROYO!

Sa ganitong mga islogan lamang hindi na mauulit ang masaklap na karanasan ng nagdaang tatlong “Edsa Revolution” kung saan pinaaasa ang mga mahihirap na ang kanilang kaligtasan ay nasa mga popular na burges na lider ng oposisyon at rebeldeng militar.

INTERNASYONALISMO

(kung sang-ayon ka sa pahayag na ito ay pakibigay sa iyong mga kaibigan at kasamahan)

October 31, 2007

The Proletarian Response to the Current Political Crisis in the Country

Ano ang ipapalit sa rehimeng Arroyo?

(Ang proletaryong pagtugon sa kasalukuyang pampulitikang krisis sa bansa)

Maraming isyung kinaharap ang paksyong Arroyo sa kasalukuyan. Ang pinakamatingkad dito ay ang isyung katiwalaian at panunhol ng imperyalistang Tsina sa pamahalaan para makuha ng kompanyang Tsino ( ZTE) ang National Broad Band contract at ang panunuhol ng pangkating Arroyo sa mga mambabatas at gobernador sa loob mismo ng Malakanyang. Nadagdagan pa ito ng binigyan ng executive clemency o absolute pardon ni Gloria ang konbiktadong dating pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Joseph Estrada.

Hindi lang ngayon pinag-usapan ang pagpapatalsik kay Gloria Arroyo sa Malakanyang. Sa kasagsagan ng ‘hello garci’ scandal noong nakaraang taon ay umalingawngaw din ang panawagang patalsikin at pababain si Arroyo sa pwesto. Kaso lang, hindi nakumbinsi ng burges na oposisyon at Kaliwa ang malawak na manggagawa at maralita na lumahok sa intra-paksyunal na labanan ng nagharing uri.

Maraming alternatiba ang burges na oposisyon at Kaliwa sa Pilipinas sa post-GMA. Nariyan ang kanyang Bise-Presidente na si Noli de Castro ang papalit matapos magbitiw si Gloria sa pwesto. Nariyan ang magbitiw sila lahat at papalit ang Chief Justice ng Korte Suprema na manawagan agad ng snap election . O kaya ay itayo ang isang Transitional Government na pamumunuan ng isang “popular” na lider na mag-aayos para sa isang “tunay na malinis at patas” na halalan para maitayo ang isang “maka-masang” regular na gobyerno.

Sa ganitong konteksto maaring mahati sa dalawa ang alternatiba na itinutulak ng burges na oposisyon at ng Kaliwa: Noli for President o Transitional Government. Ang kanilang komonalidad ay itayo ang isang “maka-masang” gobyerno sa ilalim man ni Noli o sa TG.

Gamit ang radikal na lenggwahe, dala-dala ng Kaliwa ang “Transitional Revolutionary Government” o “Coalition Government” kaysa simpleng Transitional Government.

Sa esensya, ang burges na oposisyon at Kaliwa ay naghahanap ng common unity sa lahat ng mga uri (kabilang na ang naghari at mapagsamantalang uri) laban sa paksyong Arroyo. Anuman ang “rebolusyonaryong” layunin ng Kaliwa hindi maipagkaila na tipong “block of four or five classes” (manggagawa, magsasaka, peti-burgesya, pambansang burgesya plus isang paksyon ng nagharing uri na anti-Gloria) ang kanilang taktika sa kasalukuyang pampulitikang krisis ng paksyong Arroyo.

Ang ugat ng pampulitikang krisis ng paksyong Arroyo

Saan ba nagmula ang pampulitikang krisis ng paksyong Arroyo? Sa kanya bang pangungurakot at panunuhol? Sa kanya bang pandaraya at pamimili ng boto noong 2004 presidential election? Sa kanya bang “pagtraydor sa diwa ng Edsa Dos”?

Kung mayroong krisis sa pulitika ibig sabihin mayroong krisis sa ekonomiya. Ang pulitika ay repleksyon o salamin lamang sa kalagayan ng ekonomiya. Ito ang istorikal-materyalistang pagtingin sa relasyon ng pulitika at ekonomiya. Ang diyalektikal na relasyon naman nila ay ang krisis sa pulitika ay lalong magpapalala sa krisis sa ekonomiya.

Ang ugat na ito ang nais itago ng buong nagharing uri. Habang dinudoktor ng administrasyon ang ekonomikong mga datos kasabay ng magastos na propaganda na “umuunlad” ang ekonomiya at “dama ko ang pag-asenso”, tinatali naman ng oposisyon ang isyu sa “good governance”, korupsyon at pandaraya. Kapwa nais ng administarsyon at oposisyon na baliktarin ang relasyon ng pulitika at ekonomiya: “May krisis sa ekonomiya dahil may krisis sa pulitika.

Anumang pag-aayos sa super-istruktura (kasama na dito ang pulitika) habang nanatiling bulok ang pundasyon nito – ang pang-ekonomiyang sistema – ay hindi na epektibo at wala ng saysay. Kaya ang usapin ng demokrasya, “malinis” na pamahalaan, patas na halalan at “maka-masang” representasyon sa estado ay mga mistipikasyon at ilusyon na lamang sa ilalim ng isang sistemang naghihingalo na.

Ang TRG ba ay hakbang pasulong tungo sa pagbagsak ng bulok na sistema o tungo sa sosyalistang rebolusyon?

Lubusan ang paniniwala ng Kaliwa na ang TRG ang siyang daan para sa tunay na pagbabago ng lipunan batay sa “balanse ng pwersa” sa tunggalian ng uri sa Pilipinas.

Ano ba ang TRG?

Ito ay isang transisyunal na gobyerno para maitayo ang isang makabayan (anti-imperyalista o anti-globalisasyon) na pamahalaan. Isang gobyerno na bubuo sa mga kondisyon para sa isang “demokratikong” lipunan. At mula dito ay “mabubuo ang lakas ng uri at ng masa” para sa sosyalistang rebolusyon sa hinaharap.

Hindi dudurugin ng TRG ang kapitalismo kundi pauunlarin ito sa Pilipinas para sa sosyalistang rebolusyon. Ito ang esensya ng linyang TRG.

May ilang mga “pragmatista” pa nga sa hanay ng Kaliwa na nagsasabing kung hindi kakayanin ang TRG kasama ang burges na oposisyon pero nasa “pamumuno” ng mga Kaliwa ay TG muna sa ilalim ng pamumuno ng burges na oposisyon. Ibig sabihin, TG taposTRG, hanggang sa sosyalistang rebolusyon. Ang mahalaga daw ay naoorganisa at nasasanay ang uri at ang masa sa pakikibaka kasama ang isang paksyon ng burgesya.

Ang ugat ng ganitong pananaw ay nagmula sa pagtingin na nahahati ang mundo sa dalawang kampo: Una, kampo ng nabubulok na kapitalismo at kailangan na agad ang sosyalistang rebolusyon. Ito ay ang abanteng kapitalistang mga bansa. Ang ikalawa ay ang kampo ng binansot o pinipigalang kapitalismo o “mala-pyudal, mala-kolonyal” dahil sa imperyalismo. Obhetibong uunlad pa daw ang kapitalismo kung maputol ang kontrol ng imperyalismo. Ito ay ang mga bansang atrasado sa third world countries gaya ng Pilipinas.

Bagamat kinikilala ng Kaliwa na burges ang TRG kabilang na ang demokrasya at anupamang pulitikal na institusyon nito, para sa kanila ito ay kailangan para sa pagbabago ng lipunang Pilipino dahil isang atrasadong bansa ang Pilipinas. Nilagyan lang nila ng “rebolusyonistang” lenggwahe ang kanilang burges na linya: “nasa pamumuno” ng uring manggagawa na para sa kanila ang ibig sabihin ay nasa pamumuno ng “partido komunista” o ng Kaliwa. Ibig sabihin, isang burges na pakikibaka na inako ng uring nais ibagsak ang burges na sistema at kaayusan! Ito ang rurok ng kahibangan ng Kaliwa sa Pilipinas: ang uri na may istorikal na misyon na ibagsak ang burges na sistema, ang uri na mortal na kaaway ang burgesya ang aako ngayon sa burges na pakikibaka at itayo ang isang tunay na burges na kaayusan sa bansa dahil sa katwirang may mga labi pa ng pyudalismo ang Pilipinas at hindi pa lubusang umunlad ang burgesy na demokrasya sa bansa.

Ang linya ng proletaryado sa 19 siglo, sa panahon ng pasulong na kapitalismo kung saan ay supporting actor lamang ang uring manggagawa sa burges na rebolusyon noon laban sa pyudalismo at sa mga labi nito ay kinaladkad ng Kaliwa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo na nagsimula sa pagpasok sa 20 siglo, partikular sa pagputok ng unang imperyalistang pandaigdigang digmaan sa 1914 subalit sa panawagang matamis pakinggan pero walang katotohanan: “burges na rebolusyon o pakikibaka sa ilalim ng pamumuno ng uring manggagawa.”

Ang resulta: SUBSTITUTIONISM ng mga partido ng Kaliwa sa independyenteng kilusang manggagawa. Ang mga partido ng Kaliwa ang umaako na mismo sa “kilusang manggagawa”.

Ang TRG ay hindi hakbang pasulong kundi isang kadena na itatali ng Kaliwa sa leeg ng uring manggagawa para sa uring mapagsamantala.

Saan nagkamali ang Kaliwa sa ganitong pananaw?

Una, wala sa kasaysayan ng pakikibaka ng uring manggagawa sa buong mundo na pinamunuan nila ang hindi kanilang pakikibaka o rebolusyon. Sa antas man ng teorya at praktika ay imposibleng pamunuan ng isang uri ang pakikibaka o rebolusyon na hindi naman kanya. Ito ay tahasang panlilinlang sa uring manggagawa dahil ang katotohanan ay hindi kanya ang burges na rebolusyon “luma” o “bagong tipo” man ito. Sa kabila ng mga deklarasyong sa “ilalim ng pamumuno ng uring manggagawa” ang tunay na namuno nito ay ang burgesya at ginamit lamang ang uring manggagawa at maralita kasama na ang “talibang’ mga partido ng Kaliwa bilang pambala ng kanyon!

Pangalawa, walang katotohanan na progresibo pa ang kapitalismo sa atrasadong mga bansa at pinipigilan lamang ito ng imperyalismo o sa mas eksakto ng abanteng mga bansa. Walang katotohanan na ang nabubulok na kapitalismo ay nasa mga abanteng mga bansa lamang.

Ang kapitalismo ay isang pandaigdigang sistema. Kung ito ay nasa yugto ng pasulong at progresibo o nasa yugto ng nabubulok at permanenteng pagbulusok-pababa, ito ay pandaigdigan ang saklaw at walang anumang bansa ang nakaligtas sa ganitong obhetibong kalagayan. Ang WW I ay simula ng pandaigdigang pagbulusok-pababa ng kapitalismo at walang bansa na hindi nito kinaladkad pababa.

Kung hindi man umunlad ang mga bansa sa 3rd world countries kabilang na ang Pilipinas, ito ay dahil wala ng kapasidad pa ang pandaigdigang kapitalismo na paunlarin ang anumang bahagi nito sa panahon ng huling yugto nito. Anumang “kaunlaran” na mangyayari sa bawat bansa sa panahon ng imperyalismo, ito man ay isang “independyente” o “sosyalistang” bansa ay sa kapinsalaan ng uring manggagawa sa naturang bansa at buong mundo. Ang “kaunlaran” ng isang bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay ibayong pagsasamantala at paghihirap ng internasyunal na uring proletaryo.

Kaugnay nito, walang katotohanan ang “malayang bansa” sa panahon ng imperyalistang kapitalismo. Lahat ng mga bansa ay may katangiang imperyalista. “Uunlad” lamang siya kung pagsasamantalahan niya ang ibang mga bansa o kung papasok siya sa orbit ng isang makapangyarihang bansa. Ito ang nangyari sa “malayang” Tsina, Byetnam, Cuba at North Korea. Ito ang nangyari sa “maunlad” na dating USSR. Ito ang resulta sa Stalinistang linya na “socialism in one country” na aminin man o hindi ng lahat ng paksyon ng Kaliwa sa Pilipinas ay ganito ang esensya ng kanilang mga programa.

At ito ang nasa likod ng linyang Resign All, TRG at iba pang katulad na panawagan.

Tiyak ang bunga nito ay ibayong pagsasamantala sa uring manggagawa sa ilalim ng linyang “pambansang kaunlaran” at “pambansang pagtatanggol laban sa globalisasyon o imperyalismo” na walang ibig sabihin kundi kailangang makahabol ang Pilipinas sa matinding kompetisyon para makakuha ng mas malaking puwang sa lalupang kumikitid na world market sa panahon ng wala ng solusyon na pandaigdigang krisis.

Ano ang alternatiba ng uring manggagawa sa paksyong Arroyo?

Unang-una na, hindi lamang ang paksyong Arroyo ang kailangang ibagsak ng uring manggagawa at maralita kundi ang BUONG nagharing uri. Isang mistipikasyon ang linyang “one enemy at a time” dahil nauuwi lamang ito sa pagpalit ng isang paksyon ng nagharing uri at nagbibigay ilusyon sa masang api na “uunlad” na ang kanilang buhay dahil napatalsik na si ganito sa Malakanyang. Kasabay nito ay kailangang ibagsak ng uring manggagawa ang burges na estado at ang lahat ng mga institusyon nito. Sapat na ang masaklap na karanasan sa Edsa 1 at 2 para sana maunawaan ng Kaliwa ang mapait na aral hinggil sa “pakikipag-isang prente”. Subalit sa halip na matuto, lalupang humigpit ang hawak nito sa patalim ng burges na taktika.

Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, nasa agenda na ang pag-agaw mismo ng uring manggagawa sa kapangyarihan. Nasa agenda na ang proletaryong rebolusyon, ang sosyalistang rebolusyon. Ito ang tanging layunin ng makauring pakikibaka ng proletaryado sa kasalukuyang panahon.

Kung nais pukawin ng mga rebolusyonaryo at ng talibang organisasyon nito ang militansya at pagkakaisa ng uring manggagawa ito ay walang ibang layunin kundi ilunsad nito ang mga pakikibaka para sa pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan, para itayo ang diktadura ng proletaryado at hindi ang “block of four classes or five classes”. Kung pupukawin ang militansya para magpailalim sa isang burges na paksyon o para sa isang burges na kaayusan, siguradong mauuwi lamang ito sa demoralisasyon at ibayong pag-atras ng makauring pakikibaka. Higit sa lahat, ito ay pagtraydor sa proletaryong rebolusyon.

Hindi katwiran na “hindi pa handa ang proletaryado na agawin ang kapangyarihan”, “napakahina pa ng kilusang manggagawa” o “hindi pa handa ang hukbong bayan sa kanayunan para agawin ang kalungsuran “ kaya “kailangan munang makipag-alyansa sa isang paksyon ng burgesya”. Ang huli ay hindi lang anti-proletaryo kundi kontra-rebolusyonaryo. Ang katwirang ito ay hindi nakabatay sa istorikal na misyon at karanasan ng uri. Ito ay hindi pagkilala na ang uring proletaryado ang tanging rebolusyonaryong uri sa lipunan at ang papel ng talibang partido ay pabilisin na tataas ang kamulatan at pagkakaisa ng uri. Mas titingkad ang pangangailangang hindi makipag-alyansa ang proletaryado sa burgesya kung hindi pa ito handa na agawin ang kapangyarihan o mahina pa ang kilusang manggagawa dahil tiyak na magpailalim ito sa huli bilang atomisadong mga indibidwal at makagawa ng maram