INTERNASYONALISMO

WORKERS OF THE WORLD, UNITE!

Workers have no country. Their class interest have no boundaries.

July 25, 2008

Blog Policy Changes

Filed under: Notice

Mga Pagbabago

Ang grupong INTERNASYONLISMO naniniwala sa kalayaan sa pagpapahayag ngunit kaakibat nito pinapahalagahan din namin ang kaayusan sa aming Blog at ang kabuluhan ng mga artikulo at bawat komento o polemiko na lumalabas sa aming mga pahina.

Mula nang maipalabas ng grupo ang INTERNASYONALISMO BLOG noong 2006, hindi ito naglagay ng anumang regulasyon sa malayang pagpapahayag ng mga bisita ng kanilang mga kuro-kuro at komento sa bawat artikulong ipanalalabas ng kolektiba at mga kasapi ng grupo. Ngunit nitong nakalipas na mga linggo napansin ng kolektiba ang pagdami ng walang kabuluhang mga komento at pambabastos na kahit katiting ay walang maiambag sa teoritikal na kalinawan ng mga mambabasa tungkol sa usapin ng Marxismo at sa usapin ng makauring pakikibaka sa buong mundo. Kaya napagpasyahan ng kolektiba na ipairal ang ilang mga alituntunin at reglamento patungkol sa paggamit ng aming Blog.  Ito ang mga sumusunod:

  • Kailangang magpa-rehistro muna ang isang bisita upang makapagpalabas ito ng kanyang sariling kuro-kuro, komento o polemiko patungkol sa kahit anumang artikulo sa aming mga pahina. Ito ay sa pamamagitan ng pagpindot ng "REGISTER" na dutong o link na matatagpuan sa kanang bahagi ng aming mga pahina.
  • Kailangang tiyakin ng bawat magpa-rehistro na may balido itong email address dahil sa pamamagitan nito lamang makukuha niya ang kanyang computer generated password.
  • Dapat alalahanin ng bawat bagong rehistradong kasapi ng aming blog na ang pagiging kasapi nito ay may kaakibat na responsibilidad.
  1. Dapat isaalang-alang nito na ang bawat kuro-kuro, komento o polemiko na gustong ipahayag ay may kinalaman lamang sa espesipikong artikulo na gusto nitong sang-ayonan o salungatin.
  2. Dapat isaalang-alang nito na ang layunin ng INTERNASYONALISMO BLOG ay upang pagbutihin at pagyamanin ang pagbibigay-halaga ng bawat intresadong indibidwal o grupo ang Marxistang metodolohiya sa pamamagitan ng mga diskusyon at debate sa mga nagbabagang isyu na nakaka-apekto sa uring manggagawa at sa buong pamayanan.
  3. Dapat isaalang-alang nito na upang mapapanatili ang kaayusan at praternal na pakikitungo ng bawat isa, at bilang respeto na rin sa tagapamahala ng blog at iba pang mga kasapi nito, ay iwasan ang paggamit ng mga bulgar o bastos na mga salita sa pagpapahayag ng kuro-kuro, komento o polemiko kahit anuman kainit ang mga usapin.
  4. Dapat isaalang-alang nito na kung saka-sakaling wala itong maiambag na matino at maayos na kuro-kuro, komento o polemiko ay huwag na lang mag-aksaya ang oras sa pagmamagitan ng pagpapalabas ng mga walang katuturang mga pahayag o adlib.
  • Ang bawat kuro-kuro, komento o polemiko ay dadaan na sa moderasyon upang masuri kung ang mga ito ay sumusunod o lumalabag ba sa aming mga alintuntunin.

Paalaala:

  1. Maaaring burahin ng administrador ng blog ang mga komento at mga kontribusyon sa mga usapin na lumalabag sa mga alituntuninng nakasaad sa itaas, o di kaya’y tanggalin ang mga laman nitong walang kinalaman sa isyu, bastos o may di kaaya-ayang mga pananalita.
  2. Maaaring  ding tanggalin ng administrador ng blog ang kahit sinumang kasapi sa database nito na pasaway at hindi sumusunod sa alituntunin ng aming blog, at i-ban ng permanente ang IP address nito kung kinakailangan.
Patuloy kaming naniniwala sa kahalagahan ng pagpapalitan ng mga kuro-kuro at opinyon sa kahit anumang  teoretikal na usapin at  mga isyung may direkta o indirektang kaugnayan sa Marxismo at makauring pakikibaka. Kaya tinitiyak namin na ang bawat kuro-kuro, komento o polemiko na ipapadala sa amin sa pamamagitan ng aming seksyon para sa komento ay ipapalabas namin ng buo na walang labis at walang kulang basta ito ay sumusunod lamang sa mga alituntunin namin sa itaas.
 
Inanyayahan pa rin namin ang mga indibidwal o grupo na sumasangayon o sumasalungat sa aming ipinaglalaban na ipagpatuloy ang pagkomento sa aming blog. Ipagpatuloy natin ang ating nasimulang mga diskusyon at debate. Magpa-rehistro lang kayo at subukang sundin ang mga bagong alintuntunin.
 
 
Admin - 07/25/08
 

July 19, 2008

Puna sa mga maoista na pumapasok sa aming blog

Filed under: Notice

Nagagalak kami sa huling comment ni Alex hinggil sa usaping magsasaka. Pinaliwanag niya ayon sa “batayang teoretikal” ang kanyang maoismo at pinakita ang “pagpapatuloy” ng maoismo sa marxismo. Sasagutin namin ito lalupa’t sinubukan nitong baybayin ang kasaysayan ng internasyunal na kilusang komunista. Pangalawa, mahalaga ang paksa: ang usapin ng kilusang magsasaka sa proletaryong rebolusyon.

Ang ganitong tipo ng komento ang nararapat ipost sa aming blog dahil nagsisikap ipaliwanag sa anyo ng teoretikal at historikal na polemika ang mga punto.

Sa kabilang banda, mariin naming pinupuna ang pagiging mapusok at suhetibismo ng mga maoista sa pagsasabing “huwag ninyong i-block ang aking comment” at “sini-censor ang aking comment”. Lubhang hindi naunawaan ng mga taong ito ang aming pagkakaiba sa Kaliwa at sa sektaryanismo nila sa usapin ng pakikipagdiskusyon at debate para sa teoretikal na kalinawan. Hindi kami natatakot ipost ng buong-buo ang mga komento na salungat sa marxismo at kontra-rebolusyonaryo dahil mas nakikita ng mambabasa ang tunay na katangian nito.

Higit sa lahat, hindi ata mismo binabasa ng mga taong ito ang lahat ng comments nila na naka-post sa aming blog. Kung meron man kaming hindi na-post maari nila kaming sabihan kung ano yun at anong petsa at titiyakin naming ipost ito. Higit sa lahat, WALANG FULL-TIMER sa amin na nag-aasikaso ng blog o website kagaya ng halos lahat ng grupo ng Kaliwa. Kaming lahat sa Internasyonalismo ay mga manggagawa habang nakikibaka. Inaayos lamang namin ang aming konting bakanteng panahon para aayusin ang aming blog. Hindi rin ito bago sa mga maoista. Subalit sadyang gusto lang talaga nilang manira sa halip na makipagdebate ayon sa teorya at prinsipyo.

Ang blog na ito ay pinangasiwaan namin at lahat ng comments o posts ay dadaan sa aming “administrator” (na kolektibo sa praktika) at umaayon sa kontrata ng aming server. Hindi ito bago sa mga maoista dahil sandamukal na blogs, websites at iba pang mga katulad mayroon sila. Nagtataka lamang kami sa kanilang pagiging mapusok at bata. Gusto nila na makita agad ang kanilang comments ilang segundo matapos nilang pindutin ang “say it”. At kung mayroong aberya dahil sa problema sa server ay magmamaktol agad at nagsisigaw na “bina-block kami!”, “sini-censor kami!”.

Mariin din naming pinupuna ang kanilang pambabastos sa aming blog sa pamamagitan ng paggamit ng mga lenggwahe na hindi naaayon sa aktitud ng isang rebolusyonaryo. Gayong kinikilala namin na kaaway ng proletaryong rebolusyon ang maoismo, stalinismo, trotskyismo at anarkismo (at ganun din sila sa amin) hindi kami gumagamit ng mga lenggwaheng kagaya sa kanila. Wala silang respeto sa blog na hindi kanila!

Napasok at nabasa namin ang ilan sa kanilang mga blogs at websites. Subalit hindi kami nambabastos sa blogs at websites nila. Ilang mga kasama ang sumubok mag-komento ng ilang beses sa isang blog nila – “Amihan Malaya” – subalit hindi kami naka-post ng comment hanggang sa huminto na lang ang mga kasama. Ganun pa man, hindi kami nagagalit at nagmamaktol na parang bata dahil NIRESPETO namin ang kalakaran ng blog nila.

Nagpost kami ng mga teksto laban sa ideolohiya ng Kaliwa sa aming blog subalit mulat kami na POLITIKAL ang katangian at tonada nito.  

At huwag kayong mag-aasta na parang bata na nanggagalaiti dahil ginagamit namin ang internet sa aming rebolusyonaryong interbensyon dahil mga IPOKRITO kayo. Kayo man din at ang ibang mga Kaliwang organisasyon ay gumagamit ng internet bilang larangan ng inyong mga gawain. Higit sa lahat, huwag ninyong gawing sukatan sa aming rebolusyonaryong gawain sa hanay ng masang manggagawa ang mga gawain ninyo. Kung sa akala ninyo na “kontra-rebolusyonaryo” ang aming praktika sa interbensyon, bahala kayo. Makipagdebate kayo sa amin ng matino pero huwag kayong mambabastos sa aming blog mismo. Doon ninyo gawin yan sa inyong sariling blogs at websites!  

Punong-puno ng hindi prinsipyadong paninira ang adlib ng mga komento ng mga maoista sa aming blog. Subalit patuloy namin itong pino-post dahil nirespeto namin ang kanilang opinyon at sinisikap na masagot (sa pamamagitan ng comments ng ilang kasama at simpatisador) at sa posts ng aming grupo ang sa tingin namin mahalagang punto ng mga komento nila. Subalit kung magpatuloy ang immature at bata na pakikipagdebate ng mga maoistang ito ay malamang pipiliin na lang namin ang mga comments nila na aming ipost – yaong mga comments na may kabuluhan para sa teoretikal na klaripikasyon at hindi nambabastos.

Alam namin na may kakayahang maging MATYUR sa pakikipagdebate ang ilan sa mga maoista gaya ni Alex. Umaasa kaming ganun din ang gawin ng iba.

Maraming salamat,

INTERNASYONALISMO






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Minz Meyer

Modified by d.worker